"Hoy Marie! Tara at ililibre kita ng sampung Milk tea! Ano ba yang pinagsasabi mo?!" gulat pa rin ako sa sinabi nya.
"Bakit? Ano bang mali dun? At isa pa tayo tayo lang naman ang nakakalam" pangungumbinsi nya pa.
"Hoy bahala ka dyan!" nasa tamang pag iisip pa naman ako noh, at isa pa hindi ako maloloko nitong si Marie.
"Ayaw mo?" May hamon parin yung tono ng boses niya. Nakakairita!
"Ayoko!!" Anong tingin niya sa'kin, deads na deads kay Sir Adi? Hindi no! Yaks!!
Uh- Oo na! Patay na patay ako sa kanya pero hindi ko gagawin yun no! Respeto ko nalang sa sarili ko at sa kanya. Isa pa hindi yung pwede, bad yun! Bad bad bad!!!
"Diba kilala mo si Tita Ynah?" Tanong niya bigla.
Bakit napadpad kay Tita Ynah- yung kapatid ng Mama ni Marie, yung topic? Si Tita Ynah kase maganda mga 40's na rin pero wala pang asawa, ewan ko ba sabi ni Marie may hinihintay daw si Tita Ynah na bumalik yung ex niya. Pero nakakaloka yung hinihintay niya ay may asawa't anak na pala! Ewan ko ba, baka lahi talaga nila yung pagiging tanga. Choz, jk!
"Oh, anong meron kay Tita Ynah?" tanong ko.
"Eh, kase yung ex ni Tita, professor niya noong college pa sya" kumunot ang noo ko sa sinabi ni Marie.
"4th year college si Tita ng naisipan niyang mag confess sa Professor nila. Crush na crush niya yun simula pa 1st year college pa sya. Ginawa niya ang lahat nung nag 4th year siya, lahat ng banat, papansin at kung ano pang kalandian ay ginawa niya para sa crush niyang Professor, at first hindi lang siya pinapansin akala siguro ng Prof na yun kulang sa aruga si Tita" tumawa pa ang gaga, pero hindi ako tumawa. Ex niya yung Professor nila? Diba bawal yun?
"Kaya ayun pinagpatuloy pa rin ni Tita, hanggang sa unti unting nahulog ang loob ng Prof nila sa kanya." Seryoso akong nakinig kay Marie. Curious tuloy ako sa story ni Tita Ynah, anong nangyari? Bakit hindi sila nagkatuluyan?
"Sabi ni Tita sa'kin Ez, kung may nararamdaman ka sa isang tao, sabihin mo, ipakita mo. Kase hindi mo na alam kung ano ang mangyayari, hindi mo alam na bukas pala wala na siya, hindi natin alam ang takbo ng buhay ng tao Ez, kaya ako sayo sabihin mo na kay Sir Adi at isa pa last year na natin 'to sa pagiging Junior high, kaya sulitin na natin! Wala namang mawawala kung it-try natin diba? Hindi lang tayo aasa na gugustuhin ka pabalik ni Sir but at least nasabi mo sa kanya yung tunay mong nararamdaman."
Ano nga ba talaga ang nangyari sa love story ni Tita Ynah?
"Sige" ngumiti ako sa kanya.
"Ohyes! Papayag rin naman pala! May pa mmk pa akong drama!" sigaw ng gaga kaya napawi ang ngiti ko at sinapak sya.
"Bobo mo sa lovelife pero grabe yung mga advice mo ha! Ewan ko lang totoo yun oh ano! Parang may ibang Marie akong kausapan kanina!" Tawa ko.
"Sige na! Gagawa tayo ng plano!"
"Plano para?" tanong ko bigla. Bakit, ano bang gagawin?
"Sa panliligaw mo kay Sir" bulong niya kase nasa canteen parin kami.
"Tss, ako pa? I don't need your help na no! Pro kaya ako ne'to kung gusto mo turuan pa kita paano lumandi eh!" tawa ko, tumawa naman sya.
"Chee! Sa ilang taong kong pag aaral ng highschool naka anim na boyfriend na ako! Eh ikaw? Hanggang tingin lang kay Sir!"
"Okay lang, at least ako hindi pumatol sa pinsan" pambabara ko sa kanya. May naging jowa kase sya noong first year highschool kami, tapos nung reunion nila nagkita sila tapos nalaman nilang mag pinsan lang pala sila. Parang mga tanga, hindi inalam yung family background.
"So anuna?" tanong niya.
"Ako na bahala" at maloko akong ngumiti sa kanya.