"Good Luck girl" pang aasar ni Marie sa'kin, gaga to akala niya ba kinakabahan ako? Shunga si Sir lang yan, noh!
Tangina, si Sir?
Si Sir?!
Gago! Ba't ako nandito sa harap ng pintuan ng office ni Sir?!
Agad namang nanlaki ang mga mata ko ng bumukas ang pinto.
Tangina. Tangina. Tangina.
"Ms. Ledezma?" tanong nya.
Ms. Ledezma?
Ms. Ledezma
Teka Ledezma ako ah.
Ibig sabihin....
HOY AMPOTA KILALA AKO NI SIR?!
"Sir," patay na feeling ko taeng tae nato'ng itsura ko ngayon!
"Yes? Halika pasok ka" ngiti nya at binuksan ang pinto.
"Bakit? May sadya kaba saken?" panimula nya at umupo sa unahan ko.
Tangina, hindi ko alam ang gagawin ko! Para akong na estatwa na- basta!
"Ms. Ledezma?" tanong nya ulit.
Ackkk ba't ba kase ang gwapo niya?
Kinakabahan man ay nagsalita pa rin ako. Wala akong pake kung ano ang iisipan ni Sir basta masabi ko lang 'to sa kanya.
"Sir," panimula ko.
"Yes, Ms. Ledezma?" halata sa mukha niya na curious siya sa sasabihin ko.
"Alam nyo po ba ang meaning ng word na 'yolo'?"
"Yolo? What word is that? Iba na talaga ang mga kabataan ngayon ha, marami ng mga iniimbentong salita. Ngayon ko lang narinig yang word na yan, yoyo lang kase yung familiar para sa'kin" tumawa pa sya. May nakakatawa ba? Syempre walang nakakatawa pero nakitawa na rin ako, mahirap na baka mubagsak pa ako sa subject niya kung hindi ko siya sasabayang tumawa.
"Sir, Yolo means You Only Live Once" ngumiti pa ako sa kanya.
He chuckled.
"We don't live once Ms. Ledezma. We live everyday, we die once" ngisi niya.
Tanginang Marie ha, napahiya pa ako kay Sir, siya yung nagturo sa'kin kung ano ang ibig sabihin ng yolo, e maling mali naman pala! Ba't naman kase naniniwala ako doon, e mas mautak pa yung aso kesa sakanya!
"Sir, yolo pwera nalang kung ma reincarnate yung tao diba po?"
"Ms. Ledezma-" hindi pa siya tapos sa kanyang sasabihin ng inunahan ko na siya.
"Ah basta Sir yun na yun. Hehe Yolo Sir, YOLO" pangungumbinsi ko sa kanya. Ayoko namang masayang ang oras ko dito sa pakikipag debate at isa pa ang babaw naman siguro kung pag aawayan pa namin 'to, syempre yung gusto ko lang naming pag awayan ay tungkol sa relasyon namin yung magseselos siya pag may lalaking nagpapacute sa'ken, yung magagalit siya kung hindi ako kakain, magagalit siya kapag matagal akong umuwi, tapos susuyuin ko siya at dahil mahal niya ako, hindi niya ako matiis kaya bati na kami. Char!
"Okay, Yolo." nabigla naman ako ng limamig ang boses niya. Kanina ang saya saya niya tapos ngayon parang masungit. Bipolar ba'to?
"Sir, may nagsabi sa'ken na hindi natin alam ang takbo ng isang tao." siguro iniisip niyang para akong tanga, kanina yung tungkol sa yolo tapos ngayon may bago namang kadramahan.
"Absolutely," tumingin siya sakin ng diretso, parang nakuha ko ang buong atensyon niya.
Seryoso na ba? Sasabihin ko na ba?Kailangan ko ng sabihin kay Sir na gusto ko siya. Wala namang masama kung mag co-confess ako sa kanya diba? Hindi ko na yun problema kung hindi niya ako magugustuhan pabalik, isang Ezha Ledezma ang nagkakagusto sa kanya tapos aayaw pa siya? Kung ayaw niya, edi don't!
Si Marie kase eh, may pa yolo yolo pang nalalaman!
"K-kase Sir-" hindi pa ako tapos ng nag ring ang bell, hudyat na magsisimula na naman ang program.
Teka! Hindi pa ako nakapag confess!
"Ms. Ledezma kung may gusto kang sabihin mamaya nalang, okay? May program pa tayo." hindi ko alam kung ano ang gagawin kaya tumango lang ako sa kanya at ngumiti, at agad na lumabas sa kanyang office.
WHOOOO! ANO YUNG GINAWA KO?!
Nag usap kami? Seryoso?!
Tinignan ko ang calendar na nasa cellphone ko.
July, 12, 2018
Ito yung pinaka the best na araw sa buong buhay ko, tuwing 12 mag cecelebrate ako para kunwari monthsary hihi.
"Hoy kamusta?!" gulat naman akong napatingin sa likuran ko. Hinintay pala ako ng gaga, ang sweet ha, batukan ko nga.
"Aray! Ano ba?!"
"Tangina hindi na talaga ako maniniwala sa mga pinagsasabi mo" inunahan ko na siyang mag lakad papuntang gymnasium, ayoko namang maabutan kami ni Sir Adi sa labas ng office.
"Hoy, teka! Teka! Kamusta nga kase?" habol niya pa.
"Wala eh, biglang nag bell." walang ganang sagot ko. Anong gagawin ko? Love letter nalang kaya?
"Ha?! ampota- sino ba kase yung naatasan ngayong mag ring ng bell, Halika ta at gugulpihin natin, Panira ng trip eh!"
"Wow girl, galit na galit, parang ikaw yung nabitin kanina ah?" pabiro pa akong umirap sa kanya. Ang oa kase maka react parang tanga.
"Love letter nalang kaya? Tapos ako nalang yung maglalagay sa office niya, kase kung ikaw baka mawala, tanga ka pa naman" pang iinsulto niya.
"Gumagana pa pala yang utak mo 'no?" pambabara ko sa kanya.
"Excuse me? Oo naman no' top 1 kaya ako noong kinder pa tayo" ewan ko ba sa babaeng 'to, proud na proud na top 1 sya noong kinder pa kami, e' naging top 1 lang maman siya kase halos araw araw may idodonate si Tito Fred sa classroom, kulang na nga lang pati ulam at bigas ng teacher namin, sagot na rin ni Tito Fred.
"Hoy baka nakakalimutan mo-"
"Oo na, paulit ulit ka ghorl, alam ko naman kung ano ang ginawa ni Dad pero oks Lang Yun at least sa buong buhay ko naging top 1 ako" kumindat pa siya.
"Diba sabi ko sayo, hindi ka naman talaga bobo, tamad ka lang talaga." kahit bully ako sa kanya, alm niya naman na joke lang yung mga pinagsasabi kong mga negatibong salita.
"Ay duh, alam ko no'. Sa college ko na gigisingin yung braincells ko, relax muna sila ngayon" hinihilot niya pa yung ulo niya. Parang tanga talaga.
"Ang drama natin, ano na? Love letter?" tanong niya.
"Love letter" sagot ko sa kanya.