Reyn's POV Muli kong tinignan ang braso ko kung saan may sugat, mariin akong napapikit at tinignan ang sarili sa repleksyon ng salamin. Siguro ay iiwasan ko muna ang pagsuot ng t-shirt at baka maghinala si Ethan sa akin kapag nakita niya ang sugat sa braso ko. Napatalon ako sa gulat nang marinig ko ang tunog ng doorbell, nahihirapan akong lumunok at nagmadaling nagsuot ng jacket. Nang buksan ko ang pinto ay si Ethan ang sumalubong sa akin tulad ng inaasahan ko. Inipit ko ang iilang hibla ng buhok sa likod ng aking tainga at normal na umakto sa harapan niya. “Hi,” napapaos nitong sambit at marahan na hinawakan ang kamay ko. I bit my lower lip, I tried to not make any noise because his hand is almost reaching on my wound. “Pasok ka,” I uttered and pulled him inside my house. Akman

