bc

When The Chase Is Over (Womanizer Series 4)

book_age16+
7.3K
FOLLOW
44.4K
READ
billionaire
murder
alpha
dark
age gap
queen
tragedy
mystery
betrayal
shy
like
intro-logo
Blurb

CLICK THE HEART BUTTON TO ADD THIS STORY TO YOUR LIBRARY

Womanizer Series #4: Ethan Springsteen Ramirez

Ethan sacrifices his life just to find his childhood friend. Ang una at kaisa-isahang babae na nagpatibok ng puso niya. Lumipas ang taon na ni anino'y hindi nito mahanap, isa siyang alaala na walang magpapatunay na siya ay totoo. In the midst of his chase, he met someone that resembles his first love a lot.

Isang babae na dadagdag sa magulong buhay ni Ethan. Babae na muling magiging dahilan para siya ay magmahal ulit. Ethan doesn't know if he can call it love if the only reason why he chose to stay beside the girl is that it resembles his first love. He was hoping that it was her, the girl who he is searching. Kahit walang kasiguraduhan ay umaasa siya dahil unti-unti na siyang nahuhulog dito.

When the chase is finally over, doon magpapakita sa kanya ang babaeng matagal na niyang hinahanap. It was completely a disaster. Wala ng mas gugulo pa sa magulong buhay ni Ethan. Ngayon, makakaya niya bang mamili? Sa unang babae niyang minahal na muling nagpakita o sa babaeng dahilan para siya ay magmahal muli? It is a hard choice for him, because it is the battle of his past and present.

His childhood sweetheart, his first love, the girl who made his heart pound fast and loud. He is searching for only one girl but why it is hard to find her? Only one girl but it made his life go crazy and messy. Ang tanging hiling niya lang ay mahanap ang babae pero bakit nakapahirap at impossibli na mangyari iyun?

Hanggang saan siya dadalhin ng paghahanap? Hanggang kailan siya dadalhin ng alaala ng nakaraan?

chap-preview
Free preview
Chapter 1: Photo
Ethan's POV   Mariin akong napapikit at habol ang hininga dahil sa pagkabigo sa narinig mula kay Skyler. Hawak ko ang baso na may lamang alak at marahan ko itong pinapaikot habang tanaw ang malawak na burol na tanawin sa tapat ko. Nakatayo ako sa veranda habang nasa tabi ko si Skyler na tahimik ding umiinom ng alak.   "Mahirap hanapin ang pinapahanap mo Ethan. How can you possibly find a child who ages now? Sigurado ako na dalaga na yun ngayon. Mahirap gawin ang utos mo lalo na hindi mo alam ang pangalan niya. I was like searching for a person who I do not know," bigong sambit nito sa akin.   Marahas akong bumuntong hininga at sumimsim ng wine nang hindi siya tinatapunan ng tingin.   "Reyn," tipid kong saad dahilan para balingan niya ako na nagtataka. "She loves rain," mapait kong dagdag na halos pabulong.   "Was it her name then?" he asked but I shook my head, napalabi na lang siya at pagod na bumuntong hininga, "Then it's useless information, Ethan. Salamat sa pagbabantay mo kay Gianna but I'm sorry. Your favor is difficult to accomplish," dagdag ni Skyler at hinawakan ang balikat ko.   He is trying to comfort me but damn I am furious and frustrated right now.   Gaano pa ba kadaming tao ang kailangan kong makilala para lang mahanap ka? Damn it! Bakit kailangan mo pa akong pahirapan ng ganito?   "Ayos lang," labag sa loob kong saad sa kanya.    Matapos yun ay nagpaalam na siyang umalis at naiwan ako mag-isa sa veranda habang malalim na nag-iisip.   Reyn, please show yourself. It's frustrating to find you. Pakiusap, ikaw na mismo ang magpakita. I bit my lower lip while looking at the old photo of her. Nag-iisang litrato na mayroon ako sa kanya, nag-iisang bagay na naitago ko.   Mukha ng isang bata na maamo at inosenti ang nasa litrato, brown ang mga mata at may magandang mapupulang labi. Maiksi ang buhok na hanggang balikat. Nakangiti ng malapad habang nakatingin sa langit at hinihintay na bumuhos ang ulan. She's weird, paano siya napapasaya ng ulan?   "Bukas yung pinto kaya nakapasok ako," narinig ko ang boses ni Kuya Jonathan na papalapit sa akin kaya mabilis kong binalik sa bulsa ang litrato na tinitignan pero mukhang napansin na niya yun bago ko pa maitago. "I know you are crazy, bro. But it really creeps me out whenever I see you looking at the picture of that child. Sigurado ka ba na totoo yang bata na yan o naghahallucinate ka lang noon?" he asked in a concerned tone. "I bet it was a dwarf or fairy," biro pa nito at marahan na tumawa.   "I have her photo, brother," usal ko sa kanya, tila sapat na ebidensya na siya ay totoo.   "Fairies have powers. Malay mo, it was manipulated by their powers," pakibit-balikat niya at marahan na tumawa.   He's f*****g crazy for thinking that way, mas walang maniniwala sa kanyang iniisip. Fairy my ass! I don't believe in any magical thing!   "Anong ginagawa mo dito?" tamad kong tanong sa kanya at naglakad pabalik sa lamesa.   I poured another red wine on my glass. Naramdaman ko ang paglapit ulit sa akin ni Kuya.   "Hindi ka ba napapagod? Don't you think it is time to give up?" he asked seriously at me, natigilan ako sa sinabi niya, pero kahit anong pag-iisip ang gawin ko ay sa huli gusto ko pa din siya hanapin. Pagak akong natawa at nilagok ang alak sa na hawak. "I hate seeing you like that," dagdag niya at kinuha ang basong hawak ko tsaka nilagyan yun ng alak at diretso niyang ininom.   "I want to find her until my last breath," tinignan ko si kuya at tinaasan niya lang ako ng isang kilay, tila isang nakakatawa ang sinabi ko.   He just made a sarcastic laughed and poured another wine on the glass.   "I pity you, brother," usal niya at muling nilagok ang alak.   "I pity you more. Heina left you," panunuya ko dahilan para matalim niya akong tignin.   I just shrugged my shoulders mockingly and walked towards the railings in the veranda. Magkapatid nga kami, parehong nakakaawa ang aming sitwasyon. Naramdaman ko naman ang pagsunod ni kuya sa akin.   "I need you in the company. Hindi habang-buhay ay nandito ako para pagbigyan lahat ng hinaing mo. Mas magaling ka sa akin pagdating sa kompanya kaya bakit hindi mo doon ituon ang atensyon mo? Hindi sa paghahanap sa babaeng hindi naman totoo," he mumbled while following me.   Ngayon ay seryoso na ang mukha niya at walang bahid na biro ang tono ng pananalita.   Kinuyom ko ang kamao ko habang nasa ibabaw ng railings ang dalawang braso.   "She's real," napahawak sa batok niya si kuya na tila nahihirapan. "I am investing money. Kaya kong suportahan ang sarili ko ng hindi humihingi ng tulong sayo. Marami akong business kuya."   "Pero nababantayan mo ba ng maayos? Kasi ako ang gumagawa ng lahat nang yun. Don't waste your time searching for a little girl who ages by now. Impossibling mahanap mo siya."   I gritted my teeth and my jaw clenched. Mariin na lang akong napapikit at hindi na umimik pa, kinakalma ang sarili dahil ayoko ng makipagtalo pa.   KINAUMAGAHAN AY pinuntahan ko si Gianna. She is the wife of my friend, Nicholas Vargaz. Nang makapasok ay ako sa bahay nila ay saktong wala doon si Nicholas, I don't want him to know about this but I know that it was slowly spreading out to my friends. Ang tungkol sa paghahanap ko sa babae. Unang nakaalam ay si Maaya dahil kay Kuya. My f*****g brother told Aya about it, how could he! Noon akala ko, unang makakaalam ay mga lalaking kaibigan ko, pero hindi pala.   Hindi pinagkalat ni Aya pero sinabi niya sa asawa niya na si Rino, and that f*****g man even told about it to Terrence. Magaling siyang pumili ng pagsasabihan ng sekreto dahil hindi pa natapos ang isang araw ay nalaman na ni Blake at Rhodney, hindi na din ako magtataka kung kalaunan ay malaman na din ni Stan at Gray at sigurado din akong malalaman din ito ni Nicholas sa asawa niya pagkauwi nito mamaya.     "Ahm. Who is this girl again?" Gianna asked while gracefully sitting in front of me like a princess. Nasa gilid ang dalawang paa at nakahilig ng konti sa sofa habang hawak ang litrato at masuri itong tinitignan.   I licked my lower lip. I don't know how to start this by telling her that it's my first love. f**k! Ang korni naman kung sasabihin ko sa kanya yun. Sigurado akong pagtatawanan niya lang ako.   "You knew a lot of people. Marami kang nakikilala araw-araw, nagbabaka-sakali ako na nakita mo na siya."   Umayos ng upo si Gianna and she pouted her lips a bit while examining the picture of the girl. Binaba niya din ito at saglit na tumahimik bago muling nagsalita.   "So you want me to recall people I knew if I met her in certain places?" she asked a bit hesitant, tanging marahan na tango lamang ang tugon ko. "You mean this child?!" she added, now, it's in disbelief manner then pointed at the photo.   "No! She's not a child anymore. She's probably twenty-two years old by now."   Nalaglag ang panga ni Gianna sa sinabi ko. She was surprised and it took seconds when she got back to her senses. She cleared her throat and looked at me concerned.   "I met a lot of people in my life and I'm sure you know that most of them just passed by through my eyes, hindi ko na sila matandaan and you expect me to remember a child who ages by now?" halos tumaas ang boses niya na parang hindi makapaniwala sa hinihingi kong pabor.   Parehong-pareho sila ng sinabi at reaksyon ni Sky. I puckered my lips while looking at the picture. Hindi ako makatingin kay Gianna, marahan ang bawat lunok ko.   "I want you to recall if you ever met someone who looks like her," seryosong usal ko.   If I can't find her maybe I can find someone who resembles her. It is my last card, the only way to find her. I heard her tired sighed before she speaks up.   "Ethan... you know in yourself that it is hard to find this little girl. If you ever met her today or even in the future, I'm sure you won't definitely recognize her," she said in a soft voice.   "Thank you for your time Gianna,” yun na lamang ang naging tugon ko bago nagpaalam tsaka nagmamadaling umalis ng hindi siya hinintay na magsalita.   I punched the steering wheel after getting inside my car and grunted in frustration. Damn it!   My cellphone rang so I automatically answered the call after I saw who the caller is.   "Magandang umaga Sir Ethan," bati nito sa kabilang linya.   "Any update?" pagod kong tanong.   "Sir Ethan, yung area ho na pinababantayan niyo ay nagkaroon kami ng report kanina lang kaya nandito kami ngayon. Isang matanda ang nagbigay impormasyon sa amin, a couple of days may isang lalaki daw ang pumunta dito at pumasok sa kubo. He was like examining the area. Wala pa kaming lead kung sino yun," he informed formally.   I leaned at my seat, bumilis ang t***k ng puso ko at muling nabuhayan. Ilang taon na ang lumipas at ito ang unang beses na may pumunta sa bahay na iyun.   "Namukhaan ba ng matanda? Ilang tao na yung lalaki sa tyansa ng nakakita?" mabilis at kabadong tanong ko.   "Hindi ho. Tinignan ko din ang CCTV na maaring daanan ng lalaki pero mukhang mahihirapan tayong itrace yun Sir. Bilang lang ang CCTV na nakakabit sa lugar dito. Ang sabi ng nakakita ay may katandaan na ang lalaki, may kotse at itim ang suot," problemadong usal ng kausap ko.   I am talking to police chief Cardinal, siya na ang nagbabantay sa dating tirahan ni Reyn sa San Andres. If it's a problem for him, it is a blessing to me. Since we separated, ito ang unang impormasyon na nakuha ko.   "It's fine. Thank you," I said and ended the call.   Tumingala ako at mariin na napapikit. Who is he? Bakit siya naroon? Possibli bang konektado siya kay Reyn o naligaw at napadaan lang? Family? Relatives? But she is living with her lola back then. Lalaki ang nakita nila, hindi babae. Then who would it be?   Marahas na buntong hininga ang binitawan ko bago pinaandar ang makina ng kotse.     

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Billionaire's Maid [R18]

read
699.2K
bc

Escaping The Billionaire's Heir (SPG TAGALOG)

read
81.9K
bc

The Forbidden Desires (R-18) (Erotic Island Series #5)

read
330.2K
bc

College Series 1 : Feisty Friday (R18 Tagalog)

read
186.7K
bc

My Ex, My Client (TAGALOG/TAGLISH)

read
416.1K
bc

Unexpected Romance

read
38.6K
bc

Love Donor

read
87.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook