Chapter 2: Liquor

1985 Words
Ethan's POV   Napaangat ako ng tingin sa isang maliit na envelope na nilapag ni Stan sa ibabaw ng lamesa. Nandito kami ngayon sa condo ni Stan at nag-iinuman. Katabi ko si Terrence habang si Blake at Eric ay nasa gilid nakaupo at si Stan ay nakatayo sa harap namin na mukhang may sasabihin.   "Ano yan? Birthday party?" pagbibirong tanong ni Terrence sa tabi ko at kinuha ang kulay pula na envelope tsaka iyun tinignan.   Terrence Asuncion, ang pinakamaloko sa aming magkakaibigan. Lagi niyang pinagmamayabang sa amin na siya ang pinakamatinik pagdating sa babae sa amin. Hindi nalalayo ang edad namin sa kanya pero kung mag-isip siya ay parang bata. Spoiled ng mga magulang kaya wala ng ibang ginawa sa buhay kundi ang magpasarap.   Hindi ako nakiisyuso sa pagtingin sa envelope katulad nila, bagkus ay tinuon ko na lamang ang atensyon sa alak na hawak.   "It's a masquerade party in BloodyX bar. It's a 20th-anniversary celebration of the bar kaya may ganyan na concept."   Napanguso ako sa sinabi ni Stan, so the bar was almost twenty years opened? Matagal na din pala. Magpatayo na din kaya ako ng sariling bar, sigurado na sa mga kaibigan ko pa lang ay kikita na ako ng malaki.   "So we need to wear a mask?" tanong ni Terrence na mukhang pupunta talaga sa event.   Mahina siyang sinapok ni Blake.   "Idiot. Of course! Masquerade nga," Blake said proudly na tila napakatalino niyang nilalang dahil alam niya ang bagay na yun.   Everyone knows it, dude!   Blake Abalos, ang nag-iisang tao na kayang sabayan ang mga kalokohan ni Terrence. Siya yung tipo na balance lang, minsan matino, minsan naman maloko. Maloko, palabiro, masayahin, pero pagkaharap na nito ang mga magulang niya ay parang nagbabago siya bigla. Nawawala ang ngiti sa labi niya. He will do everything to make his parents proud of him, bakit? Kailangan niyang gawin yun, dahil hindi siya tunay na anak nila.   "And the costume?" dagdag ni Rhodney kaya napabaling ng nagtatanong na tingin si Blake kay Stan.   Rhodney Asuncion, wala akong masasabi sa kanya dahil simula nang makilala namin siya ay lagi na lang kaming napapaaway dahil sa kanya. Dahil siguro sa mukha nito na tila laging nanghahamon ng away? O sa ugali nito na sa babae lang nagiging malambot.   "Pati costume?" si Blake habang nakatingala kay Stan.   "You can wear anything you want. Ang mahalaga ay suot ang maskara because that's the main theme of the party," Stan explained thrilled, tila excited sa event.   Stanfield Santiago, pinsan ni Rino Buenavista. Magaspang ang ugali niya, he will do everything what he wants to do, walang kayang makapigil sa kanya, walang sinusunod o pinapakinggan. Hanggang ngayon ganun pa din siya, maliban na lang sa isang babae na kung ituring niya akala mo reyna. Kayang-kaya niyang yukuan anumang oras.   "Boring! Mukha tayong mga bata," iling na usal ni Terrence sa akin pero mukha namang interesado.   "Come on guys! Tambayan natin yun ng ilang taon, dito naganap ang mga bond natin," pakiusap ni Stan.   Napangisi na lang ako, mukhang may iba pang dahilan si Stan kung bakit niya gustong dumalo sa event na yan.   "Doon din naganap ang mga kamanyakan natin, hahahaha!" Terrence burst in a laughed while reminiscing the past like an idiot.   "Justine will be there..." humina ang boses ni Stan. Napalabi ako ng banggitin niya ang babaeng kinababaliwan nito. "And Stacey," dagdag pa niya at bumaling kay Eric na kanina pa tahimik na umiinom ng alak.   Natigil sa ere ang baso na may alak na dapat iinumin ni Eric nang banggitin ang pangalan ni Stacey. Psh! I envy them, yung babaeng kinababaliwan nila ay nasa harap lang nila. Samantalang ang sa akin naman ay hindi ko makita, hindi ko mahanap. Talagang nakakabaliw!   Eric Palma, ang tahimik sa amin, mahaba ang pasensya, kayang-kaya magtimpi ang napakapractical na tao. Yun nga lang, in denial. Lahat yata kami ay alam na gusto niya si Stacey Suarez, kaibigan niya. Pero panay tanggi pa din.   "Bakit sila pupunta? Suki din ba sila ng bar?" tatawa-tawang usal ni Terrence at natigil lang nung sapakin siya ni Stan.   "F*ck you! Hindi suki si Justine ng bar," depensa ni Stan kaya pagod na napailing na lang ako.   "Sinabi ko bang si Justine? Hindi ba pweding si Stacey?" panghahamon ni Terrence pero nung makita niya na matalim ang tingin sa kanya ni Eric ay agad niya itong binawi. "Hindi pala si Stacey! Si ano.. Ericka!" nauutal na depensa niya sa sarili.   "It's my sister, brother," Eric said while wearing a serious expression on his face. Kahit anong oras ay mukhang handa ng batukan si Terrence.   "Hindi yung kakambal mo ang tinutukoy ko. Yung Ericka na kapitbahay namin!" pagsisinungaling ni Terrence na tumatango pa.   Napailing na lang si Eric, huli na nga magsisinungaling pa.   "Sasama sa akin si Eric," sabat ni Stan na kanina pa hinihintay ang sagot namin.   "Tinatanong ba namin?" pamimilosopo ni Terrence habang nakangisi pa.   Stan groaned frustrated.   "Baka nakakalimutan mo Terrence, condo ko 'to at alak ko yang iniinom mo," pagbabanta ni Stan habang nasa baywang ang dalawang kamay.   "Tara sama na tayo! Masaya yun," si Terrence na nangungumbinsi na din katulad ni Stan, mukhang nadaan sa pananakot.   Umupo si Stan sa tabi ko at nilagok ang alak sa harap niya.   "Hindi ka sasama?" tanong niya sa akin.   "If I have spare time, why not?"   Tumango si Stan sa sinabi ko at mukhang nakuntento na sa naging sagot ko.   Stan, Blake, Rhodney, and Terrence are all my friend since high school. Kasama na doon sina Rino, Nicholas, at Gray. Nagkakilala kami highschool pa lamang, hanggang pagkolehiyo ay  iisang University lang ang pinasukan. Samantalang si Eric naman ay nakilala ko lang nung fourth year college ako, ngayon ay kaibigan na din namin.       MULI KONG INAYOS ang formal attire na suot ko. Napatingin ako sa mascara na inabot sa akin ni Stan. Kinuha ko ang mascara na binigay niya, it was black color, walang disenyo na kahit ano pero kapag natatamaan ng ilaw ay kumikinang. Purong itim lamang. I looked at Stan wearing a shinning silver mask, muntik na akong humagalpak sa tawa nung makita ang mascara na suot ni Terrence. It was color green na parang lumot, bagay sa madumi niyang utak. Kay Blake na mascara ay faded blue. Kay Eric ay puting marble na disenyo.   "Bakit tayo lang apat ang magkakasama? Nasan ang iba?" tanong ko sa kanila habang naglalakad kami papasok ng bar.   "Nasa loob na sila," Blake uttered   "And we're single kaya tayo ang magkakasama," dagdag ni Eric.   "Hindi ka pa sinasagot?" nanunuyang tanong ko sa kanya.   "Bakit ako sasagutin? Hindi naman ako nanliligaw," he answered proudly.   "Bakit nga naman manliligaw kung babastedin ka lang din naman ni Stacey," Terrence smile playfully and made a quicked glance to Eric.   Nagtawanan na lang kami at napailing. Hindi na umimik pa si Eric dahil mukhang natamaan sa sinabi ni Terrence.   Agad kaming sinalubong ng iba pa naming mga kaibigan. Si Rino ay kulay asul ang mascara habang ang asawa naman nito na si Aya ay suot ang mascara na may disensyong bituin. Si Tamara ay dark pink na may iilang bulaklak na pulang disenyo at ang asawa na si Gray ay mascara na may bahid na abo. Kay Nicholas ay kulay itim ang mascara na may border sa gilid na kulay gold samantalang kay Gianna na asawa niya ay gold na mask with golden bids on the edge. Si Ericka ay orange ang kulay ng mascara na may orange na feathers din sa gilid, kay Justine ay purong puti na may iilang guhit na pula at kay Stacey ay pink pastel na may balahibo sa center ng mascara.   Rino Buenavista, he is known as the ultimate womanizer. Naalala ko pa noong high school kami ay wala siyang ginawa kundi ang mangbabae, siya ang pasimuno kung kami ay naging katulad niya. But he changes until he met Aya Rinera, his wife.   Gray Ortega, isa sa pinakamatalino sa amin. He’s good in playing chess just like me. He is a snob, walang babaeng pinapansin kundi si Tamara lang na ngayon ay asawa na din niya.   Nicholas Vargaz, the most matured man I’ve ever known. Yung tipo na kapag napaaway kami dahil kay Rhodney ay hindi siya makikisali sa gulo, kundi tatawag ng teacher para awatin kami. See? He is f*****g good boy. Magaling humawak ng negosyo, babae o pera. He is good at handling everything. Kakatapos lang ng kasal nila ng asawa niya na si Gianna, isang Ferrier, isang prinsesa.   Sila ang tatlo pa naming mga kaibigan. Tatlong lalaki na may mga asawa na!   Nang makaupo kami ay agad tinaas ni Blake ang isa niyang kamay para tumawag ng waiter at kumuha na din ng maiinom. Nakaupo lang ako habang sinisimsim ang alak at pinapanuod ang mga tao na nakamaskara na nasa dancefloor. This is fun, pwedi kang gumawa ng kabaliwan dahil nakamaskara ka naman at walang makakakilala sayo.   "Gusto ko lang kausapin," narinig ko ang naiinis na usal ni Stan na kanina pa umiinom ng alak.   Napaangat ako ng tingin at nakita ko si Eric na nakaharang sa dinadaanan ni Stan at sumulyap kay Justine na iritado ang mukha papuntang restroom.   "Anong nangyari?" tanong ko sa katabi kong si Terrence.   Sa sobrang lalim ng iniisip ko ay hindi ko namalayan na may nagkakainitan na pala sa table namin.   "Si Stan, pinipilit na makausap si Justine kaya yun, natapunan ng alak yung damit niya. Pumuntang restroom, balak pang sundan ni Stan," bulong niya malapit sa tainga ko. "Pinipigilan ni Eric."   "Hayaan mo muna Stan. Justine doesn't want to talk to you, enough!"   Masama lang na tingin ang pinukol ni Stan kay Eric na humaharang sa daan niya.   "Bakit ka ba nakikialam? Stop blocking my way!" matigas na usal ni Stan.   "Justine is my friend and I have all the rights to protect her. You're suffocating her, dude. Tigilan mo na ang pagiging obsess," ang kalmado at pasensyosong Eric ay biglang nawala.   "Tama na yan Stan. Umupo kana," pag-awat na din ni Rino at tumayo tsaka hinawakan sa balikat.   "I'm not obsess with her!" giit pa ni Stan.   Ayaw magpaawat.   "Come on, dude," aya ni Rino at tinulak na si Stan papuntang exit ng bar para magpalamig.   "Tama lang naman yung sinabi ko. Stan is challenge that's why he keeps bothering Justine. Hindi niya alam na nasasakal na yung tao," reklamo ni Eric matapos umupo.   "Lasing lang si Stan kaya naging mainit ang ulo," pagpapakalma ni Aya.   Napanguso lang ako habang pinapanuod sila. Stan is not obsess, he is in love.   "Let Stan do what he wants to do," napatingin sila sa akin.   Eric doesn't like my suggestion.   "Let him suffocate Justine?!" Eric said in disbelief.   "Mapapagod din yan si Stan, at titigil. He is in love."   Natahimik sila.   Tinaas ko ang isang kamay ko para lumapit sa akin ang isang waiter na may dalang mga alak. Kinuha ko ang isang baso ng alak pero nung iinumin ko na sana ay may biglang humablot ng bote sa akin. Marahas kong binalingan ang kumuha nun.   Napaangat ang tingin ko sa babaeng nasa harap ko ngayon. She is wearing red gown, may hati sa laylayan ng gown kung saan lumalabas ang isang maputing hita nito. She is wearing a bloody mask. Napaawang ang labi ko habang tinititigan siya. Ngumisi siya sa akin ng nakakapang-akit at inangat ang bote ng alak na kinuha niya.   "Thank you," ngising saad niya at tinalikuran ako tsaka sinalubong ang dalawang babae malapit sa tabi ko.   Una kong napansin sa kanya ang kulay asul nitong mata, maybe she is a foreigner.   "Sasha!" masayang salubong sa kanya ng mga kaibigan niyang kababaihan na nakamaskara din, yun ang narinig ko bago sila lumayo.   Tinawag niyang Sasha ang babaeng humablot ng alak sa akin.   Hinilig ko ang ulo ko sa sofa at mariing napapikit habang nakatingala.   "Reyn..." I groaned in frustration while uttering her name.   Damn it! Bakit ko na naman ba siya iniisip?   Naalala ko bigla ang babae kanina na may pulang maskara. Why did she grab my liquor?      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD