Ethan's POV
"Ang ganda ng babae Ethan. Nakita mo ba yun?" bulong ni Terrence sa tabi ko.
I remained my eyes close.
"Nope. Cause she's wearing a mask," tamad kong sagot.
"Gago! Yung mahaba at maputi niyang legs ang tinutukoy ko. I'm gonna get her tonight, siya lang ang may pulang mascara dito. Napansin mo ba yun?" parang tangang tanong ni Terrence at nakangisi mag-isa nung minulat ko ang mga mata ko.
Inayos ko ang pagkakaupo ko. I roamed my eyes around and she's already gone. Napansin ko din na siya lang ang may kulay pulang suot na mascara dito sa bar, tulad ng sabi ni Terrence.
"Linaw ng mata mo ah," puna ko matapos lumagok ng alak.
"Parang pusa ang mga mata ko. Umiilaw sa gabi, basta may maganda at sexy na babae," sagot niya at humagalpak na naman ng tawa.
Natigil lang siya sa pagtawa nung dumaan ang isang grupo ng mga kababaihan na sigurado akong agad niyang natipuhan. He tapped my back and pointed at the group of girls who just passed by on our table. They kept on glancing in our area.
"Nakita mo yun? Yung babaeng nakablack na party dress? Ang ganda diba?" kumikinang ang mga mata ni Tereence habang hindi inaalis ang titig doon sa mga kababaihan.
Hindi na ako nag-aksaya pa na tignan sila, nasa alak lang ang pokus ko ngayon.
"Dude! They are wearing masks," I said in an exhausted voice.
Paano niya nasabi na maganda yung mga babae kung nakamaskara? Mamaya niyan hipon pala, kain katawan tapon ulo.
"Gago! Yung legs ang tinutukoy ko. Ang hina naman ng takbo ng utak mo Ethan," pagsesermon niya sa akin.
Napaawang na lang ang labi ko, I sighed in disbelief. Ako pa talaga ang mahina ang takbo ng utak? Damn you Vergano! Hipon siguro ang tipo nito, basta may magandang katawan.
"Hindi kasi malumot ang utak ko, hindi katulad sayo. Puno na ng dahon at lumot, kulay berde ang utak mo katulad ng suot mong mask ngayon," I explained lazily.
Ngumisi lang siya at nanatili ang mga mata sa babae na mukhang interesado din sa kanya, some of them are glancing at me secretly.
"You know her Ethan?" tanong ni Gray na nasa harap ko at mukhang nakita ang nangyari kanina.
"Who?" takang tanong ko.
Hindi alam ang tinutukoy niya.
"The woman wearing a bloody mask," he simply said while holding the glass on his right hand. Ang isang kamay naman nito ay nakapulupot sa baywang ni Tamara.
"She's wearing a masked, dude. How would I know?" I answered impatiently.
The masked dude! It's the mask. Paulit-ulit na lang, how would I know if she is wearing a mask.
"Then why did she grabbed your liquor? Pwedi naman siyang kumuha sa mga nag-iikot na waiter?"
Napatanong din ako sa sarili ko sa tanong ni Gray.
Right, why did she do that? Sigurado ako na nagpapapansin lang ang babaeng yun sa akin pero kung tama nga ako ay bakit bigla siyang nawala sa paningin ko? Based on my experience, ang mga babaeng nagpapapansin ay hindi lumayo sa taong gusto silang mapansin, but where the hell is she now?
"Baka nagpapapansin sa akin," sabat ni Terrence habang nasa baba ang daliri nito na tila nag-iisip din ng malalim. I grimaced of what he said, napakayabang talaga. "Who knows? Tinignan ako eh, nang-aakit yung mga mata. Parang sinasabi ng mga mata niya na 'Terrence, sumunod ka sa akin sa labas at ipapakita ko ang gusto mong makita.' Diba? Kita nakita mo din yun?" mayabang na usal nito. At ginawa pang boses babae ang boses niya.
Pabiro kong tinulak ang balikat niya para tumigil na siya.
"I don't wanna talk to him," Gray uttered to his wife beside him.
Natawa na lang si Tamara.
It was almost midnight and Stan said that it is the exciting part for the night. Before midnight, you can grab the hand of any woman you want to dance in the dancefloor. Kapag saktong 12:00 PM na ay sabay-sabay tatanggalin lahat ng tao sa second-floor ang mascara nila.
Nakaupo lang ako sa table namin. Terrence and Blake was dancing in the dancefloor with women, ang musika ay naging mellow. Naiwan sa table si Eric na busangot ang mukha dahil may umaya kay Stacey na sumayaw sa gitna. I looked at my wristwatch and when the small and big hand of the clock pointed at 12, the confetti suddenly popped out. Tamad kong tinanggal ang mascara ko at crossed arms na humilig sa sofa. Yung iba ay ganun na din ang ginawa but one woman caught my attention.
Nakita ko sa gilid ang babaeng umagaw ng liquor ko kanina. Dahil sa kakaibang desinyo at nag-iisang kulay ng mascara niya ay agad ko siyang napansin. Her eyes is roaming around, tila may hinahanap. Tumigil ang mga mata niya sa entrance ng bar at dahan-dahan na tinanggal ang mascara na suot. She has a captivating lips and enticing look, mapula ang labi katulad ng mascara niya, she is wearing a fierce make up suited for her fierce look.
Napalabi lang ako sa nakita ko, she is damn hot chick. Gusto ko sana siyang lapitan pero wala naman akong mapapala sa kanya, It will just a waste of time. I entertain woman who will be beneficiary to me. Yung may maitutulong sa akin sa paghahanap sa taong hinahanap ko. The woman wearing a bloody mask slowly turned around then the mellow music started to become rock and loud again, kasabay nun ang pag-usok ng bar. Nawala na siya sa paningin ko dahil tinabunan na siya ng mga tao sa loob ng bar. Ang sumasayaw ay napapatalon lalo na nung lumabas pa ang napakaraming usok. Minsan ay tubig ang lumalabas pero ngayon ay naging usok, wala din namang amoy kaya ayos lang. Para lang siyang dagdag sa kasiyahan ng mga tao.
PUMASOK AKO sa café ni Justine na malapit lang sa kompanya ni Kuya. Nang makita ko ang isang babae na nakaupo sa dulo ay mabilis ko siyang nilapitan, when she saw me she automatically smile and stood up before extended her arms at me.
"Hi. I'm Claudia! Ethan, right?" malapad ang ngiti niya habang nagpapakilala.
I accepted her hand.
"Ethan Ramirez," sambit ko at nginitian siya. This is the girl Nicholas talking about, sabi niya ay kaibigan daw ito ni Gianna. Umupo ako at ganun din ang ginawa niya. "Shall we order first?" tanong ko sa kanya at mabilis naman siyang tumango hindi maalis ang ngiti at mangha sa mukha.
Binuksan ko ang menu na nasa ibabaw ng table namin.
I don't have time to enjoy and meet different women. I'm not planning to date her from the first place not until Gianna mentioned her family's background. Ang sabi ay malaki daw ang connection ng babaeng ito, hindi ko na sinabi kay Gianna kung ano ang rason ko at nakumbinsi niya akong idate itong kaibigan niya. Hindi niya din naman magugustuhan ang sagot ko sa tanong niya.
"Kung ano ang order mo ay yun na din sa akin," malambing na saad ni Claudia kaya tumango ako at tinaas ko ang kamay ko para magtawag ng waiter.
"Yes sir?" tanong nung waitress nung makalapit sa amin, hindi ko siya tinapunan ng tingin at nanatili lang ang mga mata sa menu na hawak. Nasa gilid ko ang babaeng waitress at hinihintay ang order namin para maisulat, "Two beef pasta, one mango shake and a brown coffee tapos isang slice ng red velvet cake," order ko at binigay sa babae ang menu.
Umangat ang tingin ko sa babaeng kumukuha ng order namin at natigilan ako nung makita ang mukha niya. Am I dreaming? Bakit kamukha niya ang babae na nakita ko sa bar? The woman with bloody mask.
She's not wearing any makeup at walang kaayos-ayos. Her eyes are black unlike the woman in the bar who is wearing a bloody mask na kulay asul ang mga mata. Ang buhok nito ay hanggang balikat, hindi katulad sa babae sa bar na may kahabaan ang buhok na kulot sa dulo.
Matapos niyang isulat lahat ng order ko ay umangat ang ulo niya sa akin at saglit na nagtama ang mga mata namin. Ngumiti siya bago yumuko at akmang aalis na pero mabilis kong hinawakan ang kanang kamay niya na may hawak pang ballpen para pigilan siya.