REYN’S POV Saglit akong napasulyap kay Ethan na nakapamulsa habang pinapanuod ang mga bata na naglalaro sa playground. Nakatayo ako sa harap ni manong na naglalako ng ice cream, tulad nga ng sinabi ko ay ililibre ko siya kaya narito kami. Binigay na sa akin ni manong ang dalawang ice cream na nasa cone. Tinanggap ko yun at ngumiti bago naglakad papunta sa gawi ni Ethan, huminto ako sa gilid niya. He is too manly for this kind of place, hindi tuloy maiwasan na pagtinginan siya ng mga tao dito, lalo na kababaihan. Hindi ko sila masisisi. Siya lang naman ang nag-iisang lalaki na nakita kong pinakagwapo. Minsan ay gusto kong humanap na maipipintas sa kanyang pero wala akong mahanap. “You love chocolates?” tanong niya. Umupo kami sa swing, tumango naman ako bilang sagot sa tanong niya.

