Ethan’s POV Pagbukas ko ng pintuan ay mukha ni Reyn ang tumambad sa akin. May dalang lunchbox at sigurado akong pagkain ang laman nun. Nakangiti siya ng maamo. Dahil sa ngiti niya ay ilang segundo akong napatitig sa mukha nito. "Para saan 'to?" takang tanong ko matapos kunin ang lunchbox na hawak niya. "Para sa pagtulong mo sa akin kahapon. At sa pagtulong din na humanap ng malilipatan," nahihiyang sambit niya at yumuko. "At sa trabaho na ibibigay mo," she added in a faint voice. Hindi ko mapigilan na ngumiti habang pinagmamasdan siya. "You're welcome," I chuckled. Tumango naman siya at akmang aalis na pero mabilis kong hinawakan ang kamay nito para pigilan siya. Nagtataka siyang bumaling sa akin. "Gusto mong maglakad?" Tumingala siya sa kalangitan at napanguso. Marahan akong

