Armania Marahas na pinahid ko ang dugo sa pisngi ko. Bugbog sarado ang buong katawan ko at kahit na namamanhid ang buong sistema ko ay ininda ko saka matapang na sinalubong ang tingin ng Cyclops. Bwiset na 'to iisa nga lang ang mata may gana pang makipag eye to eye sa akin. Sinubukan kong paganahin ang kapangyarihan ko ngunit hindi ko nagawa. Biglang pumasok ang babae na nagsasabing apo raw niya ako. Tsk! Sinong matinong lola ang ipapabugbog ang apo at kukunin ang kapangyarihan para makilala raw namin ang isa't-isa. "Hahahaha! Tingnan mo ang iyong wangis aking apo. Nakakagalak pagmasdan!" saka muli itong tumawa na parang takas mental ay hindi baliw nga talaga ito. Tsk! Kailangan na makagawa ako ng paraan para makaalis. Nilinlang niya ako 'at nagpaglinlang ka Armania!!' sabat ng isipan

