Venia Naitakip ko ang dalawang kamay ko sa tenga ng biglang kumanta si Liana, okey sana kung matino eh. "Umabot sa langit, 'Di ko na nakita. Pumutok na pala." dinadamdam pa nito ang pagkanta. Tsk! Matino pa ba utak neto? "Yeahhh! Tugs, tugs, tugs, arriba, arriba. Pruuttt pruttt! Tentenenen tentenenen tarantarantatat!" at eto nanaman siya. Gumawa nanaman ng kakaibang tunog. Hindi na lang namin siya pinansin dahil mag-iingay din naman 'yan ng natigil sa harap namin si Liana. Nakatulala ito at kulay puti na ang mata. "She's with her mom," seryoso na sambit nito. "Who?" "Armania," bigla itong nahimatay kaya agad na kinarga siya ni Orcelos. Tsk! Love birds. Pero may magulang si Armania? ' kapag wala siyang magulang saan pala siya galing?' sabat ng utak ko. Tsk! "But we still need to

