Armania "Kung ang irog mo ay dalawa, patayin natin ang isaaaa!" Napatingin ako ng masama kay Liana dahil kanina niya pa inuulit ng kantang iyan. "Liana, kapag hindi ka tumahimik uutusan ko si Sathara na ihulog ka." Nagpeace sign lang ito sa akin saka ngumiti kaya napailing na lang ako. Bigla ay may naramdaman akong kakaiba sa paligid. Kung kailan na isa na lang ang hahanapin namin saka pa nagsilabasan ang mga epal. Inihanda ko ang espada na bigay ni Palaemon sa akin saka nagpalabas ng kapangyarihan at kinausap si Sathara sa isip ko. 'Ilayo mo sila Liana dito. ' Agad naman itong sumunod saka tumakbo paalis. Saktong pagkaalis nila ay lumabas ang mga iba't-ibang uri ng halimaw. Nakakatakot ang nga wangis nito at masangsang ang amoy. "Ano ba naman 'yan! Nakakainis!" Reklamo ni Ephriem s

