Armania Hindi ko alam kung papaanong gumaling ang pagkapilay ko. Habang naglalakbay kami ay panay ang sunod ng ahas sa akin. Sinubukan nila itong itinaboy pero para bang may sarili itong pag iisip na sa akin lang sumusunod. Ngayon ay nasa tagong lugar kami ng China at si Orcelos ay nasa harap namin at gumagawa ng lagusan patungo sa lugar kung nasaan nakalagay ang mata ni Athena. Iyon na lang at mabubuo na namin ang apat. Kapag nabuo 'yun ay magiging madali lang para sa amin ang paghahanap ng itim na dyamante. Hanggang ngayon ay iniisip ko kung para saan talaga ang dyamante na iyon. Kung ito ay nagsisilbing proteksyon sa amin tulad ng sinabi ni Leucothea ay dapat na panatilihin na lamang iyon sa lugar na walang kahit na sino ang nakakaalam. "Armania, tara na!" Sigaw sa akin ni Liana saka

