Armania Minerva
Mahigpit ang pagkakakapit ng dalawa sa akin na para bang mawawala ako o may kukuha sa akin anumang oras. Nakatingin kaming tatlo sa nakarolyong papel at naghihintay kung may mangyayari ba o wala, nang makatiyak na ligtas ay binalingan ko ng tingin ang dalawa.
“Teka nga bitaw muna,” utos ko ngunit mas hinigpitan nila ang kapit sa braso ko. Aba nakakainis na ‘to ah! Paano naming malalaman kung ano ang nasa papel kung hindi nila ako bibitawan?
'Chill lang, Mania,' usal ko sa likod ng aking isipan. Halos madurog na ang buto ko sa paraan ng pagkapit nila. Ano sila gecko? Pakiramdam ko rin ay bumabaon ang kanilang mahaba at matulis na kuko.
"Bitaw nga sabi...!" Dahil sa biglang pagsigaw ko ay napabitaw ang dalawa at nanlalaki ang mata habang nakatingin sa akin. Humakbang sila paatras na tila handang tumakbo palayo anumang oras.
"G-galit k-ka-a?" nauutal na tanong ni Liana. Kapansin-pansin ang panginginig ng kanyang mga palad kaya bahagya kong naitaas ang aking kilay.
"Hindi, masaya lang! Sobrang saya ko talaga!" sarkastikong saad ko. Tumawa pa ako na parang sinapian ng walong demonyo. Humahalakhak ako habang naglalakad palapit sa papel at saka yumuko para kuhain ito. Binuksan ko para malaman kung ano ang laman pero wala namang nakasulat. Binali-baligtad ko pa ito at itinapat sa liwanag pero wala pa rin. Blangko ang papel ngunit may kakaibang enerehiya na nagmumula roon.
"Tsk! Wala namang nakasulat dito. Sayo na nga ‘to!" Sabay bigay kay Venia tutal matalas naman ang paningin niya baka may makita siya.
"Anong gagawin ko rito, Mania?"
Itinaas ko ang kilay ko dahil sa tanong ni Venia sa akin. Hindi pa ba halata na kaya ko binigay sa kanya ay dahil may kakayahan siyang makakita ng mga hindi nakikita ng normal na mata?
"Kainin mo kaya. Gaga ‘to. Ano bang ginagawa sa papel huh? Saka gamitan mo ng ability mo. Baka may nakasulat, eh!" iritadong sabi ko.
"Paano nga?" Kita mo 'tong babaeng to. Ang talino pero sobrang slow. Nasampal ko ang sarili kong noo at pinandilatan ng mata ang kaibigan ko.
"Starfish ka ba, Venia?"
"Bakit? Dahil unique ako?" nakangiting tanong niya pabalik sa akin.
"Hindi! Kasi wala kang utak! Dali! Basa na. Nang mahanap natin kung saan yung lumalagabog."
Napasimangot naman ito at si Liana naman ay mahinang natawa. Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa harap ng isang pinto.
"Chemistry laboratory," basa ko sa signage na nasa pinto.
"So anong meron dito sa chem lab?" Tiningnan ko si Liana. Magkakasama lang kami tapos itatanong pa.
"Isa ka ring starfish!" sagot ko. Tahimik lang si Venia siguro nagsawa ito kaya ibinigay niya kay Liana ang papel. Pagkakuha ni Liana ay bigla itong natigilan. Biglang nilukob ng kaba ang aking dibdib dahil lumalakas ang enerhiya sa paligid, hindi iyon ay nanggagaling mismo kay Liana.
"Hoy, Liana?" Tinapik ko ang balikat niya pero gaanoon pa rin, tulala pa rin siya at tuluyan nang nanigas sa kanyang kinatatayuan. Tiningnan ko ang paligid dahil baka may ahas na nakatuklaw sa kanya. Batid ko na may kinalaman ang papel pero nais kong iba ang maging dahilan. Subali’t wala akong makita na ahas o kahit na anong dahilan kaya siya nagkaganyan. Nag-umpisa na kaming kabahan ni Venia. Sapagkat lumipas na ang ilang minuto ay nakatulala pa rin siya. Kaya naman kung ano na pinanggagawa namin kay Liana para magising siya.
"Liana…! ‘Wag kang magbiro!" nahintatakutang sabi ni Venia.
Pero wala pa rin. Walang kung anu-ano’y biglang nagbago ang kulay ng buhok niya. Ang kaninang itim na buhok nito ay unti-unting nababahiran ng kulay lila. Lumakas ang hangin sa paligid at mas lalong lumakas ang enerhiya kaya hinila ko paatras si Venia.
“One simple move can change everything.
One power can break the things.
One of the three will be the key.”
Hindi namin naintindihan ang sinabi ni Liana. Pagkatapos niya itong banggitin ay hinimatay ito buti na lang at nasalo agad namin ni Venia. Tinapik ko ang mukha nito at ‘di nagtagal ay nagmulat na ito ng mata.
"Anong nangyari?" tanong niya habang palinga-linga sa paligid na tila may hinahanap.
"Okey ka lang ba?"
"Bakit ka hinimatay?"
"Nahilo ka ba?"
Para kaming tanga ni Venia. Pagkatanong ko ay magtatanong uli ito. Napahinto kami ng batukan kami ni Liana. Buset na babae. Kami na nga ang concern kami pa ang babatukan.
"Isa-isa lang pwede? Hindi ko alam. Basta paghawak ko sa papel ay parang may kuryenteng dumaloy sa katawan ko at may nakita akong lalake. Sabi niya sundin ko raw ang sasabihin niya."
"Sinunod mo naman?!" Sabay na tanong namin ni Venia kaya nabatukan uli kami.
"Aray!" sigaw ko saka hinaplos ang aking batok. Nakangiwing nag-iwas ako ng tingin. Wala na ang enerhiya sa paligid kaya naman tila nawalan ng tinik ang aking lalamunan at nakaramdam ako ng kaginhawaan
Natatawa si Liana sa naging reaksyon naming ni Venia sa kanyang p*******t kaya napailing na lamang ako. Bumalik sa isipan ko ang mga salitang sinambt niya kanina.
"Pero teka anong ibig sabihin no’n?"
"Hindi ko alam."
"I don't know."Sa pagkakataong ito ay ako na ang nambatok sa dalawa. Kapagkuwan ay sabay kaming napatingin sa pintong nasa harap naming. Tumayo kaming tatlo saka humarap sa pintuan. May kakaiba talaga rito ngunit hindi ko matukoy kung alin.
May ideyang pumasok sa isip ko. Sabi kasi roon, one of the three will be the key. So isa sa amin ang susi. Paano kaya kami magtatransform?
"Uy, marunong ba kayong mag-shape-shifting? Palit na, nang maging susi kayo at mabuksan ang chem lab, para malaman na natin kung ano ang nasa loob."
"Baliw ka, Mania? Mata ko lang ang may kakayahan kay Liana yung mga salita niya. Ikaw kaya magbukas dahil sa kamay mo ang kakayahan mo."
Aba brain nangbabara na ang starfish kong kaibigan, sabi ko sa aking sarili.
"Hmmppp, I am just asking. Sige nga tutal ‘yang mata mo ang may ability magtitigan na kayo ng pintuan. At ikaw!" Nagulat pa si Liana ng itinuro ko ito gamit ang papel kanina.
"Bakit?"
"Kausapin mo na ang pintuan baka sakaling bumukas.’Yun ang ability mo ‘di ba?"
"Eh, anong gagawin mo? Saka hindi ba kami magmumukang tanga kakatitig at kakausap sa pinto?"
"Oo nga, Mania. Para naman kaming baliw ‘pag ginawa naming iyon,” sagot ni Liana bilang pagsang-ayon sa sinabi ni Venie.
Ewan sa kanilang dalawa. "Gawin niyo na lang kasi, hihimasin ko ang pinto baka bumukas." Kumindat pa ako at ngumisi para asarin silang dalawa.
Napangiwi pa ang dalawa sa sinabi ko pero sinunod din ang sinabi ko. Nauna si Venia ang kulay ng mata nito ay naging itim. Ibig sabihin ay pagkawasak, pero wala ring nangyayari. Kay Liana naman ay nag umpisang magsalita ng kung anong ritwal pero wala epekto. Ngayon ako naman ang susubok na buksan ang pinto.
Dahan-dahan akong lumapit sa pintuan habang nakatitig ng masama rito. Humina na rin ang paglagabog sa loob subali’t bumalik bigla ang enerhiya na naramdaman ko kanina. Hahawakan ko na sana ang pintuan ng marinig namin ang tinig ni Miss Sierosia kaya naman nagmamadali kaming lumabas. Pinulot namin ang mga gamit sa panghahardin ay kunwa’y naglilinis.
"Saan kayo nanggaling? Pumasok kayo sa loob?" agad na tanong ni Miss pagharap namin. Mukhang nakita niya kami kaya walang dahilan upang magsinungaling.
Tumango lang kami bilang sagot, si Miss naman ay parang nabigla. Halata ang biglang pagputla ng mukha niya at kapansin-pansin ang pagbigat ng kanyang paghinga.
"Bakit, Teacher Sierosia?" tanong ko, nagbabakasakaling sabihin niya ang dahilan.
"Wala, may nakita ba kayo o narinig?" mahinahon na tanong niya sa amin. Nanahimik ako saka inobserbahan ang kanyang galaw.
"Hmm, pintuan lang naman ng chem lab, Teacher. Tapos may naririnig kaming lagabog doon."
"Nabuksan niyo ba ang pinto?"
"Hindi, Miss."
Si Liana ang sumagot sa lahat ng tanong niya. Samantalang si Miss Sierosia ay tumango na para bang naguguluhan. Mukhang may bumabagabag din sa kanya.
"Sige umalis na kayo. Bukas na lang kayo bumalik at mag-ayos ng garden. Malapit nang sumapit ang gabi delikado rito."
"Sige po, alis na kami."
"Bye, Teacher Sierosia." Kumaway silang dalawa at naunang lumabas. Tinanguan ko lang si Miss at sumunod na sa dalawa. Subali’t hindi nakaligtas sa paningin ko ang paghugot niya ng isang malalim na hininga. Ipinagsawalang bahala ko na lang ang nangyari dahil wala naman itong kahulugan.
Teacher Sierosia
Hindi ito maaari. Katulad ko rin ba silang tatlo? Nang marinig ko ang sinabi nila ay napagtanto kong baka kapareho ko sila.
Subalit sino ang kanilang Deity.? Kailangan kong malaman kung direct descendant sila o reincarnation.
"Tama, I need to observe them." Pumasok ako sa loob ng science room at dumeretso sa chem lab. Buti na lang at hindi nila nabuksan. Delikado dahil kung normal na tao sila ay baka ikamatay nila ito. Kaya ipinisarado itong building na ito dahil madaming estudyante ang namatay sa hindi nalalamang dahilan. Hinawakan ko nag pinto. Wala pang nakakabukas ng pinto na ito simula ng magkaroon ng hidwaan sa pagitan ng mga gods and goddesses. Dahil ito ang pintuan na magdadala sa kabilang mundo.
"Huminto nanaman," sambit ko saka tumalikod upang umalis. Hindi ako maaaring magtagal dito.
—————
Pagkaalis ni Sierosia ay lumakas uli ang paglagabog. Dinig sa buong science building ang tunog nito. May mga naririnig ding sigaw. Walang nakakaalam kung ano ang nasa loob nito. Kung delikado ba o baka mabuti.
Isa lamang ang hinihintay nito para muling bumukas. Para maayos ang away sa pagitan ng dyos at dyosa. Marami pang pagsubok ang dapat niyang pagdaanan. Kailangan pang pag-aralan ang kanyang kakayahan. Dahil sa muling pagbubukas ng pinto sa kanya na nakasalalay kung magpapatuloy ang digmaan o makakamit na ang kalayaan na hinahangad ng lahat.