Armania Minerva
Habang naglalakad kami pauwi sa bahay ay napatigil kami ng biglang may matandang babae ang humarang sa dinaraanan namin. Napasigaw pa ang dalawa dahil sa gulat, agad naman na sinaway ko ang mga ito.
"Psh! Tumigil nga kayong dalawa. OA na 'yang reaction niyo." Grabe kasi kung makasigaw. Parang jan nakasalalay ang pag unlad ng bansang pilipinas.
"Sarrey!"
"Tsurehhh!" Sabay na sabi ng dalawa at nagpeace sign. Akala naman nila mga koreana sila. I just rolled my eyes.
Hinarap ko ang matanda at nagmano. Nakatingin lang ang dalawa sa ginawa ko, ni hindi manlang sumunod.
Mga walang galang!. Mamaya kayo sakin.
"Kamusta ho kayo lola?" Magalang na tanong ko subalit iba ang isinagot nito.
"Sa pagsapit ng kabilugan ng buwan, ang matagal ng hinihintay.
Ang susing matagal ng hinahanap.
Ang siyang mag bubukas ng lagusan patungo sa kamatayan.
Ang matagal ng nakatakda ay siyang magaganap."
Inaasahan ko na ito. Dahil simula ng bata ako ay siya na ang nagsilbing taga paalala ko. Kung may mangyayaring trahedya siya ang nagbibigay ng babala.
"Maiingat ka apo." sabi nito saka dumeretso sa paglalakad na parang walang nangyari.
"Lola mo yun?" Etchoserang tanong ni Liana. Bagay nga sa kanya ang kakayahan niya. Dahil sa pagiging mapag tanong nito.
"Hindi, ni hindi ko nga siya kilala."
"Pero ang creepy ng sinabi 'nun huh. Ano daw ba ibig sabihin 'nun?" Kita mo itong si Liana, magsasabi ng creepy tapos 'di alam ang meaning.
"'Di rin namin alam eh."
"Balik kaya tayo doon? Curious talaga ako kung ano ang nasa loob ng chem lab."
"Ano ka ba Venia ang creepy kaya doon!"
"Takot ka lang Liana. Tara Mania let's gooooo!"
Wala na akong nagawa ng hinila na ako ni Venia pabalik si Liana naman ay napasunod na lang kasi wala rin daw siyang choices.
Nagtatago kami kapag may nakakasalubong kami o kaya naman ay tatakbo. Malapit na kami sa science building at kailangan pa naming lumagpas sa locker room. Noong una talaga akala namin sa locker room ang kumakalabog pero hindi pala.
Bago pumasok ay tiningnan ko uli ang mga pananim sa garden. Hindi normal ang pagkakalanta ng mga ito.
"Venia anong oras na?"
"Magseseven pm na."
"Guys balik na tayo." sabi ni Liana at humawak ng mahigpit sa akin.
"Bumalik ka mag isa mo." pang aasar ni Venia alam kasi nito na takot si Liana sa mga lugar na walang tao.
Walang imik kaming naglalakad patungo sa harap ng chem lab. Naririnig namin ang pagkalabog. May kung ano sa loob na gustong kumawala.
Pagtapat namin sa pinto ay sinubukan uli ng dalawa pero hindi bumukas. Ito na ang pagkakataon ko.
Ipinikit ko ang mata ko at dahan-dahan na hinawakan ang pinto. Nag-concentrate ako at nagpalabas ng konting kapangyarihan.
May nararamdaman ako sa loob.
Nag uumpisang mag init ang kamay ko ngunit bigla ring nawala. Naimulat ko tuloy ang mata ko ng wala sa oras.
"Wala. Hindi ko na buksan." malungkot na sambit ko pagharap ko sa dalawa.
Bagsak ang dalawang balikat at napaupo na lang kami sa harap ng pinto. Baka sakaling maawa ang pinto at bumukas na lang ng kusa.
Nang biglang maalala ko ang mga katagang sinambit kanina ng matanda.
'Sa pagsapit ng kabilugan ng buwan, ang matagal ng hinihintay.'
Ibig sabihin sa kabilugan ng buwan mabubuksan ang pinto. Pero hindi ngayon ang kabilugan ng buwan dahil sa susunod na apat na araw pa iyon. Kinakailangan pa na maghintay ng apat na araw.
"Uwi na lang tayo." sabi ko sa dalawa.
Matamlay na naglalakad kami pauwi, walang nagsasalita.
Pagkauwi namin ay dumeretso na kami sa pagtulog.
Apat na araw na ang nakalipas. Napag-usapan na rin namin ang gagawin namin mamayang gabi. Kailangan ay nandoon na kami bago pa sumapit ang kabilugan ng buwan para makapaghanda ang kung sino mang tinutukoy na susi sa amin.
Malakas ang kutob ko na isa sa aming tatlo ang makapagbubukas ng pintuan.
Ngunit hindi ko mawari kung bakit kamatayan ang isinasaad sa propesiyang tinuran ng matanda at ang nakatakdang mangyari. Kung hindi namin mabubuksan ang pinto mas malakas ang kutob ko na may mangyayaring masama kaya kailangan na mabuksan ito, upang pigilan kung ano man ang mangyayari.
"So papasok tayo o papasok?" Tanong ko sa dalawa.
"Duhhh, nasaan ang choice doon?"
"Wala! kaya sasama kayo sa akin. Lets go!"
Hila ko ang dalawa. Actually kagabi ko pa sila pinipilit ayaw nila kasi para saan pa, eh hindi naman yun bumukas.
Pagharap namin sa pinto ay huminga ako ng malalim saka tiningnan ang relo ko.
Ilang minuto na lang at lalabas na ang buwan.
"Bantayan niyong dalawa ang paglabas ng buwan at sabihin niyo agad sa akin."
"Fine." napipilitan na sagot ng dalawa.
Nahinto ang ingay sa likod ng pinto. Para bang hinihintay nito ang pagbukas ng pinto at salubungin ako.
"Mania malapit na," turan ni Liana.
Inihanda ko ang sarili ko at muling huminga ng malalim. Itinapat ko ang kamay ko sa pintuan at nagpalabas ng konting kapangyarihan.
Mukhang umepekto dahil umilaw ang paligid ng pintuan ngunit nawawala makalipas ng ilang segundo kaya dinagdagan ko ang pwersa na inilalabas ng kamay ko.
May dilaw na kulay ang lumabas sa kamay ko at kumalat sa pintuan. Nag ingay uli ang nasa likod ng pinto.
Mas itinodo ko pa ang pagbibigay ng pwersa hindi naman makalapit ang dalawa dahil may kung anong pwersa ang naglalayo sa kanila.
Nag uumpisang manglabo ang paningin ko pero mas itinodo ko pa ang paglalabas ng kapangyarihan. Alam kong hindi pa ako eksperto sa paggamit ng kakayahan ko subalit kailangan kong makipag sapalaran.
Kita ko na ang unting pagsiwang ng pinto kaya itinodo ko na ang paglabas ng kapangyarihan ko hanggang sa napaluhod na lang ako at naramdaman ko ang pagtulo ng dugo sa ilong ko.
Lumakas ang liwanag hanggang sa kumalat ito sa buong paligid. Naitakip ko ang kaliwa kong kamay sa mata ko at bago pa ako mawalan ng malay isang lalake ang nakita kong nakatayo pagkabukas ng pintuan.
–––
Nang kumalat ang liwanag sa paligid ay sabay na nawalan ng malay ang tatlo. Kasabay ng pagkawala ng malay nila ay ang paglabas ng lalake.
Lalakeng magdadala sa kanila sa isang mundo. Sa mundong magbabago ng pananaw nila sa buhay at ang mundo kung saan malalaman nila ang totoo nilang pinanggalingan at ang kakayahan na nakatago sa sarili nila.
Ang mundo kung saan nila makikita ang nakatakda para sa kanila.