Wala akong ibang masisi sa katangahan ko kundi ang sarili ko lang, pinaasa ko ang sarili ko sa wala, pinaniwala ko ang sarili ko sa pagaakalang natagpuan ko na ang matagal ko nang hinahanap.
Hindi na ako nakapagpaalam pa sa kanila at umalis na sa hotel.
Ilang araw akong walang gana, nanlumo ako sa sarili ko. Sobra akong nasasaktan sa nangyari, ako lang ba talaga ang gumawa ng sarili kong ikakasakit? Akala ko ay totoo ang mga pinakita sa akin ni Henry, talaga bang namisinterpret ko lang ang lahat ng iyon?
Halos araw araw kong tinatanong sa sarili ko kung talaga bang nagpadalos dalos akong ibigay ang puso ko sa taong hindi naman dapat?
After 2 months ay bumalik na ako sa Campbridge para kunin ang lahat ng papeles ko, I talked to my dad na hindi na ako magpapatuloy at gusto ko nalang syang tulungan sa company, Natuwa naman sya at pinayagan nya ako.
Im waiting outside the building kung nasan nandon si Henry, I want to say goodbye atleast to him. Kahit papaano ay naging magkaibigan naman kami.
Maya maya lang ay lumabas ito sa building, natigilan pa sya nang makita ako, hindy nya siguro inaasahan na makita ako rito ngumiti ako ng bahagya saka tumango, ganun din sya.
Pumunta kami sa isang café at doon nagusap, tahimik ang paligid at halos walang gustong magsalita sa amin, nilakasan ko na lamang ang loob ko at nagsalita.
“It’s been two months isn’t it?” Sambit ko.
“Right.” Tugon nito, seryoso ang mga mukha namin. Hindi gaya ng dati.
“I’m.. heading back to Philippines tomorrow. You used to be my tutor in poem, I thought it’d be rude not to say goodbye.” Tugon ko.
“Okay.” Saka tumango sa akin, his handsome face is different from the time that we were together, just like the first time we met, it’s emotionless. But his eyes was lonely back then.
“Thank you for helping me, mataas ang naging grades ko dahil sa poem na yon.” Sambit ko.
Nang lumabas kami ng café, napansin namin ang news na nasa screen ng isang building, it says na may nagpakamatay na babae dahil iniwan sya ng kasintahan nya, napaawang ang labi ko sa balitang iyon.
“Kung hindi naman tama ang pagibig na iyon at puro sakit lang ang binibigay sayo, you can just end it, why did she have to do such thing?” Kunot noo kong sambit.
“The heartbreak and loneliness that she felt after they part must be terrifying one.” Tugon nito habang nakatingin sa akin.
Napaawang ang labi ko at saka nagsalita.
“Well, eventually we will forget.” Sambit ko, sabay dahan dahan syang tiningnan, sa huling pagkakataon ay muli kong nasulyapan ang napakagwapo nitong mukha na nasisilayan ng araw. Ngumiti ako ng bahagya saka inilahad ang aking kamay. “By the way I wish you all the best Mr. Carson.” Dugtong ko.
Pilit kong pinipigilan ang luha na namumuo sa mga mata ko, tiningnan nya ang kamay ko saka marahan iyong inabot, muling bumigat ang dibdib ko. Ito na ba ang huli nating pagkikita? Hanggang dito nalang yata talaga.
“I wish you all the best as well, Ms. Delgado.” Sambit nito habang hawak ang kamay ko. pagkasabi nyang iyon ay bumitaw na ako sa kanyang kamay at tumalikod na saka humakbang palayo, hindi ko na kaya pang pigilan ang luha na bigla nalang umagos sa pisngi ko pagkatalikod ko sa kanya.
Sobrang sakit ng dibdib ko na parang pinagpira piraso ang puso ko. don’t look back,Felicia don’t.you can do this, meeting him is a mistake and you should know that, you know that.
That words are keep on playing in my mind, but my heart tells me to look back at him again, for the last time. So did I, I looked back, but he’s already gone.
Napapikit ako at patuloy na umagos ang luha sa mga mata ko.
6 years later.
A/N:
Nagkakagulo ang mga board members ng kumpanya ni Felicia dahil sa patuloy na pagbagsak ng presyo ng shares nito sa stock market.
“What are we going to do Ms. Delgado?”
“We need to do an action.”
“Don’t worry I will do everything para hindi matuluyang bumagsak ang kumanya. Just give me some time.” Sambit nito habang pilit na pinapakalma ang mga investors at board members.
“Gaano naman katagal yan Ms. Delgado? Negosyante rin kami, kailangan naming ng profit not your promises.” Sambit ng isa pang board member.
Natahimik lang ang lahat nang may biglang nanghampas sa mesa, si Mr. Liang. “Why can we just give Ms. Delgado the time that she needed, Ms. Delgado I want to talk to you in private.” Sambit nito.
“I will schedule another meeting, you can go now.” Aniya, habang nakatingin kay Mr. Liang, may kung anong kakaiba dito. Nang umalis na ang lahat ay umupo si Mr. Liang sa upuang nasa gilid ni Felicia.