A Happy Confident Me
Esteban, Marinella!
Pagkarinig ko ng aking pangalan, napalakas ang pagkakasambit ko ng ...
"Present!!!" sabay taas ng kamay.
And expectedly halos lahat ng mga classmates ko, napatingin sa akin. Some of them, napangiti, yung iba nag-angat lang ng mukha and after-- deadma na, but there's this one guy seryoso lang na tumingin sa akin as if hinuhusgahan ako..
"Akala mo naman napaka-laking kasalanan ng ginawa ko, makatingin naman, para akong kriminal.." bulong ko sa sarili after umirap intentionally.
"Domingo, Brian!" tawag ng aming prof
"Present"
At lahat din kami ay napatingin sa kanya..yung simpleng word na "present" pansin agad yung ganda ng kanyang boses.
"Ah, Brian Domingo pala ah..Pasalamat ka, ang ganda ng boses mo, sige pinapatawad na kita for now" bulong ko muli at simpleng sulyap sa kanya.
"s**t! Bakit ba ako lumingon pa?" sermon ko sa sarili dahil after ko siya tapunan ng tingin, feeling ko naglocked ang mga mata namin...
"Ella, may I remind you..first day of class. Andito ka para mag-aral hindi para lumandi.." warning ng isip ko.
Natapos din ang roll call ng aming names at eto na ang "introduce yourself" with additional question "why you choose this University, Course and expectations".
Turn ko na at dapat mag-iwan ako ng magandang impression about myself.
'Good morning everyone, I'm Miss Marinella Esteban..you can also call me Ella. I enrolled in this University because my mother was an alumnus here aside from the fact that this University is the most prestigious in our region. And why I took Accountancy? Because I'm not good in Math...." natigil ako sa sinasabi ko dahil malakas na nagtawanan ang buong klase including our prof.
"Quiet Class!!!---you may continue Ms. Esteban" putol ng aming prof sa malakas na tawanan ngunit halata na nagpipigil din siya ngumiti.
...ah as I was saying, honestly I'm not really good in Math that's why I find it also challenging..you know--- something that I'm not good enough.. but I'm determined and I want to prove that nothing is difficult if I will work hard, be consistent and if I believe in myself and in my dreams..and according to my research, Accountancy is not just really about Math , it is more on Analysis and understanding--- correct me if I'm wrong. So I expect, I'll be able to finish the course and be a successful CPA someday! Right classmates? " very encouraging na sabi ko sa huli.
Sa haba ng aking sinabi, mukhang natuwa naman sila at pinalakpakan pa nila ako...na-overwhelmed naman yata ako at nag-bow pa talaga ako sabay hawak sa dress ko. At muli na naman silang nagtawanan..
Biglang nabaling ang tingin ko kay Mr Domingo, na-curious ako kung isa din kaya siya sa natutuwa sa mga sinabi at ginawa ko?
But to my dismay, seryoso siya at parang nakita ko pa siyang umiiling with smirk..
"Ay ang KJ naman.." gusto kong sabihin pero sinarili ko na lang.
Hindi ko na masyadong napansin ang mga sinasabi ng iba kong classmates, dahil ang hinihintay ko ang turn ni Mr. Domingo.
Ng siya na ang tumayo at magsasalita, feeling ko halos lahat kaming girls ay iisa ang adhikain...all eyes and ears kami sa kanya.
"Ahm, good morning..I'm Brian Domingo..I took BS Accountancy because I want to become like my father..a CPA lawyer and an alumnus of this University..
"Wow" parang sabayang bigkas namin mga girls na nasabi.
"Eh di ikaw na..ganda na ng boses, good looking pa at anak pa ng CPA lawyer" medyo malakas yata na bulong ko at narinig ng katabi ko..
Nahiya naman ako bigla at ngumiti na lang sa kanya at naging way na din para magpakilala kami sa isa't-isa.
"Ella, right?" nakangiti na sabi niya.
Nag-alangan akong ngumiti dahil hindi ko maalala ang pangalan niya which is mukhang na-gets niya agad.
"Christine Fabian, Tin for short.." pakilala niya sa sarili.
"Ay, oo, sabi ko na eh Tin" palusot ko
"Hmm, if I know si Mr. Domingo lang natatandaan mo ang name.." biro niya sa akin
"Uy, hindi ah.. " simpleng deny ko tsaka kami automatic na nag high five at natawa.
Matapos ang subject na iyon, parang close na agad kami ni Tin. Since pareho kami belong sa iisang block, same lahat ng aming schedule at parang na-wish ko sana si Mr. Domingo din ka-block namin sa lahat ng subjects.
Natapos ang first day as Freshman in College, nagkayayaan kami ni Tin na sabay ng mag-lunch sa aming school cafe.
Nagkwentuhan kami at pareho kami na galing sa malayong bayan kaya kinailangan mag boarding house. Nalaman namin na magkalapit lang din pala ang aming boarding house na tinutuluyan. Matapos namin kumain ay sabay na kami naglakad pauwi.
Walking distance lang ang layo ng aming boarding house mula sa school. Tatlong gate mula sa tinutuluyan ni Tin ang layo mula sa akin.
"May gagawin ka ba?" tanong sa akin ni Tin.
"Wala pa naman masyado, mag-advance reading lang para sa discussion bukas.." Bakit mo natanong?"
"Wala kasi akong kasama, lahat ng ka-boardmate ko mga ahead sa akin tsaka pm class sila.." explain niya.
"Ay ako din, actually pinsan ko ang isa sa kanila at lahat sila Com-sci.."
"Gusto mo, tambay na lang ako sa inyo? Sa amin kasi, medyo mahigpit si lola yung landlady namin..ayaw daw ng bisita sabi sa akin ni ate Tess yung pinsan ko.."
"Ok, if you want ibigay ko na din pala sayo number ko.." prisinta ni Tin.
"Ok, text kita kapag papunta na ako..pahinga lang ako sandali, napuyat kasi ako kagabi..namahay yata ako.." natatawa kong sabi.
"See 'ya" paalam namin sa isa't-isa.
Madali ko naman nakagaanan ng loob si Tin..Mukha naman genuine ang kabaitan niya sa akin at matalino siya dahil nabanggit niya na siya pala ang class valedictorian nila sa high school.
Mukha lang siya tahimik pero kagaya ko, kalog at madaldal din siya pero mas malakas nga lang talaga ang boses ko.
Pagdating ko sa boarding house, nagpalit agad ako ng damit at nahiga sa aking bed. Dalawang Double deck ang nasa aming room at apat kami na boarders na pawang mga estudyante ng John Wesley University. Tatlo sila na 2 years ahead sa akin. Masaya ako dahil may instant mga ate ako. Only child lang kasi ako, ang aking nanay at tatay ay parehong government employees sa aming bayan. Kaya kahit medyo mahal ang tuition, nakaya naman nila na dito ako i-enroll.
Nag-set ako ng alarm sa aking cellphone dahil bumibigat na aking mga mata sa antok. Ilang sandali lamang ay nakatulog na ako.
Saktong isang oras ay nagising ako dahil sa lakas ng volume ng aking alarm. Naghilamos ako, nagsuklay, naglagay ng kaunting polbos sa mukha at nagwisik ng kaunting cologne. Binaon ko ang aking libro at kasama ng aking purse na may laman ng kaunting barya at cellphone.
Matapos maglakad ng ilang hakbang ay nasa harapan na ako ng boarding house ni Tin. Nag-doorbell ako ngunit wala pa din nagbubukas ng gate. Naalala kong i-text si Tin ngunit lumipas na ang ilang minuto, wala itong reply.
Nakatayo ako sa harap ng gate ng nabaling ako sa malaking bahay sa tapat ..ganon na lamang ang gulat ko dahil sa terrace sa itaas may isang lalaki na seryosong nagbabasa ng libro at ito ay walang iba kundi si Mr. Domingo.
Huli na bago ako makabaling ng tingin sa iba dahil nakita na niya ako--- at nagtama na naman ang aming paningin. Mabuti na lamang biglang tumunog ang message alert tone ng cellphone ko kaya nagkaroon ako ng chance na kumawala sa aming hindi inaasahang pagtatama ng mata.
"Hi, pasensiya ka na nakatulog din ako..kanina ka pa ba?wait lalabas na din agad ako.." message mula kay Tin.
Wala pang ilang saglit at nagbukas na si Tin ng gate at nagmamadali akong pumasok sa loob.
"Sorry...kanina...ka..pa..ba?"medyo naguguluhan na tanong ni Tin sa akin ng makita niya ang kinikilos ko..
"Anong nangyari? Parang may humahabol sayo?"
"Tara na sa loob, dali... Sabihin ko sayo pagpasok natin" Nagmamadali ko siyang hinila papasok pero pintigil niya ako at maling way ako patungo.
"Dito ang room ko sa kabila.." naguguluhan man pero natatawa na sabi ni Tin.
"Kailangan mo bang gumamit ng cr?"dagdag tanong niya.
"Mukha ba akong natatae?"balik tanong ko naman.
"Oo-- na hindi? ano ba kasi nangyayari sayo?"kulit sa akin ni Tin habang naglalakad kami papasok ng kanyang room
Para akong nabunutan ng tinik, at nakahinga ng maluwag pagpasok sa loob.
"Hay...pwede ba akong makahingi ng maiinom na tubig?" hiling ko kay Tin
Tumalima naman siya at inabot sa akin ang isang basong tubig.
Mabilis kong nilagok iyon na parang nakapawi sa aking uhaw.
Nakatingin sa akin si Tin na naghihintay ng sagot.
"Ganito kasi, habang hinihintay kita kanina sa harap ng gate, nabaling ako sa malaking bahay diyan sa tapat. Guess what--siya pa talaga!?
"Sino?" naiinip na tanong ni Tin
"Hmpf sa dinami-dami pa naman talaga oo--, siya pa.." parang naiinis na sabi ko
"Sino nga?eto naman pa suspense pa talaga.." hindi na din makapaghintay ng sagot ni Tin
"Sino pa ba, si Mr. Domingo lang naman..diyan ba siya nakatira talaga?pero sa laki at ganda ng bahay mukhang sa kanila nga iyon.." tuloy-tuloy na kwento ko
"Ah..akala ko naman kung ano.." maikli na pahayag ni Tin.
"Ah..yun lang ang masasabi mo talaga?hindi ka ba na-surprised man lang..?"
"Hindi na, kasi nalaman ko na kanina.." explain ni Tin
"Nalaman mo na kanina?pano?may nakapagsabi ba sayo? Or na-kwento ng land lady mo?" sunod-sunod na tanong ko.
"Relax, ikaw naman..napaghahalatan masyado....crush mo si Mr. Domingo ano?" pang-aasar ni Tin sa akin.
"Uy! Hindi no, nagulat lang kasi ako kaya yun, baka akala niya tinitingnan ko siya..excuse me!" kwento ko habang naalala ko ang saglit na pagtatama ng aming mga mata.
"Teka, bakit ko mo nga alam na diyan pala ang bahay nila?"
"Ganito kasi yun, kanina pag-uwi ko--- natin, actually diba sabay tayo and then diba nasa labas tayo nagbigayan ng cellphone number tsaka chickahan ng konti, bago ako pumasok sa loob napalingon din ako sa tapat at yun nga nakita ko si Mr. Domingo.." and guess what--- ano pa nakita ko?" pabitin na kwento ni Tin
"Ano?Kwento mo na dali" pagmamadali ko kay Tin.
"Uy, excited siya malaman.." dagdag pang-aasar pa ni Tin
"Dali na kasi.."natatawa kami pareho ni Tin habang nagkukulitan na akala mo matagal na kaming magkakilala.
"Sige na nga, makinig ka mabuti ha, hindi ko na uulitin 'tong sasabihin ko.." panimula ni Tin sa kanyang kwento
"Ok.." singit ko
"Bago ako pumasok dito sa loob, ayun nga diba napalingon ako sa tapat at yun nga nakita ko si Mr. Domingo at alam mo ba kung kanino siya nakatingin?" nangbibitin na kwento na naman ni Tin
"Sayo?" deretsahang sagot ko
"Hindi.." with silly smile na reply sa akin ni Tin
"Eh kanino?alangan naman sa akin nakatingin?" Wala sa sarili kong nasabi.
"Yes! Sayo nakatingin girl, habang naglalakad ka, yung mata niya sinusundan ka ng tingin.." tila kinikilig na sabi ni Tin sabay sundot sa tagiliran ko..
"Uy, may admirer siya, first day of class nakabihag ka na agad.." dagdag pa ni Tin.
"Hay naku, mali yang interpretation mo, kaya itigil mo yang kilig mo.." putol ko kay Tin
"Bakit naman? Nakita mo ba kung paano ka niya tingnan kanina? Kitang-kita ko ang mga puso sa kanyang mga mata.." tila nagde day-dreaming na sabi ni Tin
"Bakit? nakita mo din ba kung paano niya ako tingnan kanina sa klase?sa mga self introduction moment ko?" paglilinaw ko kay Tin
"Uy, ibig mong sabihin kanina ka pa niya sinusulyapan at aware ka?.." muling biro ni Tin
"Tingin na akala mo disgusted siya sa mga sinasabi ko.." parang ganon.."
"Basta ako, alam ko yung nakita ko kanina, kung ayaw mo maniwala ehdi bahala ka...haba ng hair mo girl!! pigil na tili ni Tin.
"Tama na nga yang Mr. Domingo topic natin..lumilipas ang oras kaya mabuti pa, magbasa na tayo at baka bukas mabokya tayo sa discussion.." pang-iiba ko.
Lumipas ang ilang oras ng pagbabasa namin ni Tin ay nagdecide kami na magpalitan ng idea kung ano ang mga possible question ng aming prof. Masaya ako na nakilala ko si Tin at meron akong study buddy at pakiramdam ko din ay magiging best friend ko siya.
Madilim na ng umalis ako kina Tin at sumimple ako ng tingin sa tapat,ngunit wala doon si Mr. Domingo. Hindi ko mapigilang ngumiti sa idea na sinusundan niya ako ng tingin kanina...posible nga ba na crush niya ako? Umiling na lang ako sa takbo ng aking iniisip...
"Study first before love.." remind ko pa sa aking sarili..