6

1438 Words
GUSTONG mapamura ni Seymor ng sa wakas ay makarating na siya sa destinasyon niya. It took him more than an hour to reach there. Pero kung hindi sana traffic, twenty minutes lang ay naroroon na sana siya.             Ganoon pa man, kahit naman maaga siya ay hindi na niya mapipigilan pa ang kasiyahan at ganoon rin si Luna. Pero sinisisi pa rin niya ang sarili kung bakit kinailangan pa nito na lumabas ng bahay. Kung nanatili lang sana siya sa tabi nito, mapipigilan niya ito. Pero inuna pa rin niya ang trabaho niya rito. Iyon tuloy at hindi niya nabantayan ang babae sa pag-alis nito at parang papatayin naman siya ng pag-alala rito.             Kasalanan mo rin ito, Luna… Pagsisi rin naman niya sa babae sa isip. Alam naman nito ang kalagayan nito. Malaki na ito para bantayan ang sarili. Pero pareho lang pala sila---parehong pinapahalagahan ang trabaho. Kahit masama ang pakiramdam nito kanina ay lumabas pa rin ito ng bahay. At ang dahilan? Para dumalo sa isang corporate party!             Bago siya umalis ng opisina ay tinawagan muna niya si Luna. Nag-alala kasi siya rito dahil kahit ilang oras na ang nakalilipas ay hindi man lang siya naggawa na tawagan at itext nito. Pinahanap pa nga niya kay Cynthia ang number nito. Mabuti na lang at sikat itong tao kaya naging madali na gawan ng paraan…             “Hi, this is Seymor. Kumusta ka na? I’ll be there after an hour. Kumain ka na ba? I’ll bring some food.” Bungad niya sa tawag.             Medyo matagal bago nakasagot si Luna. “I-I’m not at home.”             “Ha?” Bumangon kaagad ang pag-alala niya, lalo na at narinig ang maingay na background nito. “Bakit? Nasaan ka?”             “Sa Peninsula---“ Choppy ang connection kaya hindi niya masyadong naintindihan ang sumunod na sinabi nito. Pero nagkaroon na naman siya ng ideya. Mukhang nasa sikat na hotel ito…at nagpapa-party!             Hindi sigurado si Seymor sa ginagawa ni Luna. Pero dahil sa background ay hindi niya mapigilan na husgahan ito. Hindi rin naman siya masisisi dahil hindi naman niya kilala ang babae. And the way she acted on him today is crazy.             Pero responsableng tao si Seymor. Hindi makakaya ng konsensya niya na pabayaan na lang si Luna, lalo na kung totoo nga ang sinasabi nito sa kanya.             Kaya hindi man ganoon kasigurado kung nasaan ito, sinubukan pa rin niya na pumunta sa The Peninsula Manila. Suwerte naman na isang gathering of business people ang kasalukuyang event roon. Dahil sikat rin siya sa business world ay naging madali sa kanya ang access kahit hindi talaga siya imbitado.             Ang sumunod na naging pahirap lang ay nang sa wakas ay makita niya si Luna ulit.             Luna is standing with a cocktail table with a very sophisticated old lady on her side. Nakilala rin niya ang kasama nito---si Mrs. Ella Buenavidez. Nasa kamay nito ang isang kopita ng wine na hindi na naman nakakapagtaka. Bukod sa pagiging sikat na entrepreneur, kilala rin si Mrs. Buenavidez bilang wine enthusiast. Sa lahat ng party ay lagi itong may wine na hawak. She is also famous in holding a business meeting in a wine restaurant just because she always wanted to talk while having wine. Kaya naman hindi na kataka-taka na pati si Luna ay may hawak rin na kopita ng alak.             But still, she should know her boundaries.             Kung totoo ang sinasabi sa kanya ni Luna na buntis ito, hindi dapat ito umiinom ng alak. Siguro ay rude kung tatanggi man at bad impression para sa kausap nito kung tungkol sa business ang pinag-uusapan ng mga ito at hinuhuli niya ang loob nito. Pero hindi ba nito naiisip ang bata sa sinapupunan nito? This woman is really crazy!             Hindi tuloy naitago ni Seymor ang inis nang malapitan niya si Luna. Nagulat ito nang makita siya.             “Hi,” Madilim ang mukha na bati niya.             “H-Hey,” napalunok si Luna. Naibaba nito ang hawak na kopita sa cocktail table. “Sinundan mo pala ako…”             Maliit ang ngiti na sagot niya rito. Tumingin naman siya sa kausap nito at binati rin. “Oh, hello there. Seymor de Silva, right?”             Tumango siya at nakipagkamay rito. “It’s nice to see you again, Ma’am.”             Nagkita na sila minsan sa isang business conference.             “Same.” Ibinalik ng matanda ang tingin kay Luna. “Are you two together?”             Tumikhim lang si Seymor saka ngumiti. Alinlangan rin ang ngiti na ibinigay ni Luna.             Binigyan sila ng full-body look ng matanda. Pagkatapos ay ngumiti.             “Well, you seem to look good together.” Itinaas nito ang kopita ng alak. “Let’s drink to that then?”             “No, thanks.” Mahina lang ang boses niya kaya hindi niya sigurado kung narinig ba iyon ni Mrs. Buenavidez.             Pero narinig iyon ni Luna. Siniko siya nito. “Don’t be rude.”             Inangilan siya nito. “Look what you are doing.”             Inosenteng tinignan siya ni Luna. “And what am I doing?”             Tumingin siya sa wine na hawak nito kanina. Mukhang wala pa naman iyon na bawas. But the fact that she accepted it despite her condition made him mad.             “Well?” wika ni Mrs. Buenavidez, naghihintay na makipag-cheers rito.             Ngumiwi si Luna. Kinuha nito ang wine. It made him madder. Hindi nito puwedeng pagbigyan ang matanda sa lagay nito.             Sa inis, basta na lang tuloy kinuha ni Seymor ang kopita ng wine ni Luna. Siya na ang nagtaas noon at nakipag-cheers sa babae. Napilitan rin tuloy siyang inumin ang wine. The taste of it sucks---it was very bitter.             Bihirang-bihira na uminom ng alak, kahit pa wine si Seymor. Napakahina kasi ng alcohol tolerance niya. Mabilis siyang malasing at hindi niya gusto sa pakiramdam iyon. Pero ang masasabi lang niya sa wine na ininom niya ay parang hindi iyon basta lang na wine. Napakatapang noon! Pero tiniis niya at inubos rin ang laman para kung sakali man ay hindi na makahirit pa si Luna na uminom ulit. He have to protect her somehow. At somehow rin naman ay thankful siya sa ginawa niya dahil baka kung ano pa ang mangyari kay Luna kung ito ang uminom noon.             Nang maubos tuloy ang wine ay mahilo-hilo na siya.             “You don’t like it?” naitanong tuloy ng matanda bago siya uminom. He was sure he was very red.             Hindi siya sumagot. Tumingin naman sa kanya si Luna, sa nag-uumpisang manlabo na paningin ay napansin niya ang pag-aalala sa mukha nito.             “I’m sorry, Mrs. Buenavidez. Can we talk some other time?” wika ni Luna.             “Sure…” Tumingin sa kanya si Mrs. Buenavidez. “Pero okay ka lang ba, Mr. de Silva?”             Hindi pa rin siya nakasagot. Napahawak lang siya sa ulo.             “Please excuse us…” wika ni Luna at inalalayan siya palayo sa babae at paalis sa party.             “Okay ka lang ba? God, ano ba naman kasi ang ginawa mo? Bakit mo ako sinundan?” Pag-uumpisang sermon nito.             Seymor tried to get into his right senses even though it was so hard. “I-I’m worried for you!”             Huminga ito nang malalim. “I’m okay now. Nakapagpahinga na naman ako.”             “Pero hindi ka pa rin dapat pumunta sa party na ito.”             “It’s an important one and that’s also because of Mrs. Buenavidez. Punong-puno ang schedule niya at ito na lang ang event kung saan puwede ko siyang makausap for a negotiation.”             “With wine?”             “You seem to know her. Alam mo naman siguro na laging kasama ang wine sa pakikipag-usap sa kanya. Hindi ko siya kayang tanggihan. It will make a bad impression and---“             “And it might risk the baby…”             Hindi nakasagot kaagad si Luna. Napakagat labi lang ito. Nang magsasalita na naman sana ulit ito ay parang biglang umikot ang paligid niya. Nahihilo na talaga siya.             “Umuwi na tayo…” Iyon na ang pinakahuling matinong narinig ni Seymor. NAGISING si Luna sa parang nagpa-panic na yugyog sa balikat niya. Nang magmulat siya ng mata ay ang nag-aalalang mukha ni Seymor ang bumungad sa kanya. He looked so pale. Kumunot ang kanyang noo. “Bakit?” “We need to get you to the hospital.” “Ha? Bakit?” Tumingin si Seymor sa kama niya. “T-there’s blood on the sheets.” Napatingin rin siya roon. Her eyes widened in horror as she confirmed it. Dinudugo si Luna.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD