FALSE ALARM.
Parang hindi makapaniwala si Seymor nang malaman ang resulta ng test ni Luna: negative. Hindi talaga ito buntis. Ang dahilan kaya sumakit ang puson nito nang nasa opisina sila ay sign na magkaka-period na ito. At ang dahilan kaya naggising na lang siya na may nakitang dugo sa kama ay dahil may period na nga ito.
Pero parang mas hindi naman kapani-paniwala ang itsura ni Luna nang malaman nito ang resulta. Mukhang disappointed na disappointed ito.
“Are you really sure, Doc?” Ilang ulit pa na tanong ni Luna sa Doctor. They seems like they know each other because of the way they talk. “I don’t want to believe it. May dalawang linya sa pregnancy kit na ginamit ko…”
Pero malabo ang isang linya… Gusto sanang sumagot ni Seymor pero nanatili na lang iyon sa isip. Kahit masakit ang kanyang ulo ay gumagana na ngayon ang senses niya na mukhang sinira ng wine na ininom niya sa party. Pagkatapos kasi noon ay parang wala na siyang maalala masyado. Ang huli niyang alaala ay noong hinila siya palabas ni Luna roon. Pero kung paano sila nakauwi at nakarating sa bahay nito ay malabo sa alaala niya.
“It happens. A pregnancy test kit is not a hundred percent reliable. Minsan ay nagkakaroon talaga ng dalawang linya pero hindi naman talaga buntis. Maybe what you had is a damage kit…” Huminga nang malalim ang Doctor pagkatapos ay hinagod ang likod ni Luna. “I’m sorry, Luna. But don’t you worry. You still have months to try and---“
Nanginginig si Luna. “And it’s not okay! What are the chances that I will conceive easily?”
Tumingin sa kanya ang Doctor, parang humihingi ng tulong. Tumango naman siya at nilapitan si Luna. Umalis na ang Doctor na kasama nito kanina. “Hey, its okay.”
Tumingin ito sa kanya. Her eyes were cold but she didn’t say anything.
Huminga nang malalim si Seymor. Hinagod rin niya ang likod nito, sinusubukan na pakalmahin ito.
Tinuturing si Seymor ng mga tao bilang “everyone’s friend”. Mabait raw kasi siya at madaling kasama. Isang tawag lang sa kanya ng mga kaibigan niya ay napunta rin kaagad siya. Siya ang madalas na sabihan ng mga ito ng problema. Pero ewan niya ba pero para siyang natetensyon na ilabas ang “kaibigan na laging bukas na makinig” na image niya sa babaeng ito.
Parang hindi siya komportable na kasama si Luna. Iyon ba ay dahil sa halik na pinagsaluhan nila o sa kung ano man na ibinibintang nito sa kanya? He felt awkward beside her. O puwede rin niya na idahilan ang init na nararamdaman niya sa tuwing magkalapit sila. Ito ang unang beses na nakaramdam siya ng ganoon sa isang tao, sa isang babae. He is having a hard time to handle it.
Kaya naman nang yakapin siya ni Luna ay parang nagkanda-letse-letse ang t***k ng puso niya. Nagulat siya sa ginawa nito. He saw her as a girl with so much confidence and power. Pagkatapos ngayon ay lalambot ito ng ganoon sa kanya? It felt ridiculous.
“Don’t leave me.” Wika pa ni Luna.
Napalunok si Seymor. Nalilito siya sa nangyari. “But why?”
Nagtaas ng tingin sa kanya si Luna. May lungkot sa mga mata nito. “Because I need you.”
Parang may mainit na kamay na humaplos sa puso ni Seymor. Masarap pala sa pakiramdam na may taong nangangailangan sa `yo. Hindi na naman bago iyon sa kanya dahil may mga babae rin na naghahabol sa kanya. But with Luna, it felt different.
Kaya nga lang, hindi pa siya handa sa mga ganitong damdamin. He maybe what they say a hopeless romantic type of man. Mabait raw kasi siya at hindi malaro sa babae. Palagi rin niyang sinasabi na kaya kahit fling ay wala siya dahil he is saving himself for his the one. Kaya naman nang akala niya ay nahanap na niya ang babaeng para sa kanya ay nasaktan siya. At sa ngayon, ayaw na muna niyang makaramdam ng matinding damdamin para maiwasan ang masaktan ulit.
“W-we barely knew each other.” Sagot na lang ni Seymor.
“But I like you already.” Sumunod na sinabi ni Luna, sinasalubong ang mata niya ngayon na may apoy na. Napalunok ulit siya dahil hindi niya alam kung ano ang dapat na i-react rito. Bukod pa sa parang nag-init na rin ang lahat sa kanya at lalo siyang natensyon.
Nang hindi na niya nakaya ang pakiramdam ay ibinaba na niya ang tingin. “I-I’m sorry, I just do not know what to say.”
“Well, you don’t have to say anything. You just have to feel.” Wika ni Luna at walang pagkiling ulit na hinalikan siya.