DIRE-DIRETSONG nilagok ni Luna ang kakarating lang na alak na in-order niya. Napagdesisyunan niyang makipagkita kay Seymor sa isang resto bar. Sinadya niya na agahan kaysa sa oras ng usapan nila dahil pakiramdam niya ay hindi na niya kayang tiisin pa ang pangangailangan ng katawan niya sa alak. Sobrang sama lang talaga ng loob niya at alak ang nakikita niyang solusyon. Naka-dalawang alak na si Luna nang dumating si Seymor. Kunot na kunot ang noo nito. “Hey, bakit hindi mo agad sinabi na nandito ka na pala?” Hindi siya sumagot sa lalaki. Sa halip ay kinuha niya ang ulo nito at dire-diretsong hinalikan ito. She made it deep and passionate she almost drown on it. Mukhang naapektuhan naman roon si Seymor dahil ibinalik rin nito ang halik. Kaya lang ay sag

