MAY SAKIT sa puso ni Seymor habang pinapanood na matulog si Luna. Nang maka-anim na bote ito ng alak ay tuluyan na itong nalasing at nakatulog sa resto bar. Inihatid niya ito sa bahay nito at inasikaso para makatulog na nang ayos. Luna looked completely sad. Alam na niya naman ang dahilan noon dahil inamin na nito iyon sa kanya sa resto bar. Nalulungkot siya para dito pero mas pinakanakakalungkot ang sitwasyon dahil lahat naman ng lungkot nito ay dahil sa misunderstanding lang. Alam na niya ang lahat dahil nakausap na niya ang ama nito. Nang magka-libreng oras si Seymor ay pinuntahan niya ang address ng kompanya ng ama ni Luna. Masuwerteng naroroon naman ito. “Boyfriend ka ng anak ko?” Parang tuwang-tuwa pa na paninigurado ni Mr. Lucas Puertas sa kany

