NANG tawagan ni Seymor si Luna kanina ay hindi niya inaasahan na sasagutin siya nito. Hindi rin niya inaasahan ang sinabi nito sa kanya---sunduin mo ako. Naguluhan siya sa gusto nitong mangyari. But since he wanted to really see her again, walang pag-aalinlangan na inayos niya ang sarili at sinunod ito. “What happened?” tanong niya nang makita ito. Hindi sumagot si Luna. Hinanap lang nito ang kotse niya at nang buksan niya iyon ay sumakay kaagad ito. “Let’s go now.” Gustong magtanong ni Seymor dahil sa kakaibang ikinilos ni Luna. Pero sa tingin naman niya ay hindi rin iyon ang magandang lugar para doon. Sumakay na lang rin tuloy siya ng kotse niya. “Drive now.” Utos naman kaagad ni Luna nang makasakay siya sa kotse.

