ALAS tres ng hapon ng Linggo natapos ang gaming camp event ng kompanya ni Luna. Alas kuwatro naman siya nakauwi ng bahay niya. Pero sa halip na magpahinga na ay inayos niya ang sarili. Sa kabila kasi ng pagod ay pumayag siya na makipagkita at makipag-dinner kay Julius. Alas sais ay sinundo siya ni Julius sa bahay. His eyes twinkled when he set her eyes on her---na dapat lang naman. Sinadya niyang magpaganda sa gabi na ito, lalo na at sinabi ni Julius na dadalhin siya nito sa isang high class restaurant. She wore one of her best black dress. It fitted her body perfectly, showing her curves. Sinuot rin niya ang isang four inch high heels shoes niya na nagbigay sa kanya ng dagdag na confidence. She knew she looked sexier while walking using that. “You look beautiful, my Luna.”

