NASA parking lot pa lang ng event area si Luna ay sinalubong na siya agad ni Julius. May kasama rin na halik ang salubong at bati nito sa kanya. “I’ve been waiting for you.” Napalunok muna si Luna bago nakasagot. “You don’t have to.” “I want to. And I insist.” Kinindatan siya ng lalaki. Hinawakan siya sa kanyang baywang at inalalayan siya na para siyang buntis. “Let me escort you to your area.” Gusto sana ni Luna na magpumiglas sa hawak ni Julius. But somehow, she wanted it, too. She wanted to see how serious he is. After all, magandang deal ang gusto nitong mangyari para sa kanya. Ang kailangan lang niya ay ang ibaling ang atensyon rito. Hindi naman siguro magiging mahirap iyon. Guwapo si Julius. Mas nagmumukha pa nga itong

