HINDI na bago para kay Luna na maka-receive ng tawag sa personal phone niya. Simula nang subukan niyang balewalain si Seymor sa loob ng isang linggo ay pinatunayan naman nito ang sinabi nito noong huling nagkita sila: nami-miss siya nito. Sa kabila ng pagtanggi na niya rito ay araw-araw pa rin siya nitong tinatawagan at tine-text. Paminsan-minsan ay sinasagot niya ang mga iyon. Pero sinisigurado niya na hindi na siya nagpapakita ng interes rito. Masakit man ay desidido na talaga si Luna na itigil ang paghahabol at panliligaw. Pero sa tuwing tumutunog ang cell phone niya, palaging hindi siya mapakali. Lumalakas ang t***k ng kanyang puso sa pag-iisip na tawag mula kay Seymor iyon. Pagkatapos ng lahat, iilan lang ang nakakaalam ng personal na numero niya at si Seymor

