GULONG-gulo si Seymor sa kailangan niyang gawin. Mag-iisang linggo na simula nang manlamig sa kanya si Luna. Kahit ilang beses niyang tawagan ito sa cell phone ay iniiwasan siya nito. Nang puntahan niya rin ito sa opisina nito ay parang gusto na nitong tapusin ang sinimulan nila. But a big part of him doesn’t want it to end. Kaya kahit papaano, kahit alam niyang ayaw na nito sa kanya at sinusungitan pa siya ay tinawagan niya ito. It’s weird but suddenly, he can’t get her out of his mind. Gusto niya pa rin itong makita. “`Wag kang makulit. I already explained everything to you.” “But I don’t want things to end yet.” “That’s your problem. Isa pa, napaka-busy ko ngayon. Saka na muna natin `yan pag-usapan. We have an event today and tomorrow. This is a major and big one so I need to be here

