LUMIPAS ang dalawang araw at medyo ikinagulat ni Luna ang biglaan na lang na pagdating ni Seymor sa opisina niya. It was lunch time. May dala itong take-out na pagkain. Ngiting-ngiti pa ang lalaki nang ilapag nito sa table niya ang dala. “Let’s have lunch together.” Luna’s heart skipped a beat for his concern. Sa isip-isip niya ay mukhang na-miss siya ng lalaki. It was a good thing---kung dati pa nito iyon ginawa. Kaya lang nga ngayon ay nakapagdesisyon na siya: kailangan niyang iwasan ang lalaki. “I can’t.” “But why?” Tinaasan niya ito ng isang kilay. “Why can’t I?” “Of course you can deny. Pero nakalimutan mo na yata na nililigawan mo ako. Hindi ba at dapat na matuwa ka na nagbigay man lang ako ng effort sa `yo

