PULANG-PULA ang mukha ni Seymor nang sa wakas ay pakawalan ni Luna ang mga labi niya. Kabaligtaran naman noon ang mukha ng kaibigan niya na si Cato na binisita siya sa opisina niya bago mag-lunch time. Namumutla ito at parang hindi makapaniwala sa nasaksihan. Nginisian naman ito ni Luna. “O, ano? Naniniwala ka na ba?” Tumikhim si Cato. “H-hindi ko alam. This is such a surprise.” Tumingin si Cato kay Seymor. “Totoo ba talaga?” Hindi niya sinagot ang kaibigan dahil hindi pa naman niya kumpirmado ang lahat. “Pare, umalis ka na muna. Saka na lang tayo mag-usap.” “No. I want to hear the truth.” Wika ni Cato na mukhang naka-recover na. Umupo ito sa couch ng opisina niya. “Wala naman akong masyadong gagawin ngayong araw. I’m free for a talk. You

