NANATILING wala pa rin na kompirmasyon si Seymor sa nararamdaman kay Luna. Ganoon pa man, nanatili rin naman siyang determinado sa panliligaw niya rito. Inisip na lang niya na way na rin iyon para ma-relax ang lalaki sa kanya. Naiintindihan naman niya na hindi lahat ng gusto niya ay makukuha niya nang mabilis. Minsan, may kailangan rin siyang paghirapan. Pero naniniwala siya na makukuha rin niya, kung hindi siya susuko. Kaya ngayong araw ay niyaya niya ito na mag-lunch. Pero tumanggi si Seymor dahil abala raw ito. “One hour lang naman ang lunch. Can’t you spare time for me?” “I’m really sorry, I cannot. Saka traffic sa labas. It will take more time if I go out for lunch.” “I insist. Gusto kong makasama ka. I missed you.” Bumuntong-hininga

