Chapter 1
KINABUKASAN
NAPAHAWAK ako sa ulo ko ng sumakit ito. Hangover. I open my eyes. Nagulat ako ng makita ang kabuuan ng kwarto at kamang hinigaan ko. This is not mine. Nagsimula na akong kabahan. Anong ginawa ko kagabi? Gusto kong sabunutan ang sarili ko matapos kong tingnan ang sarili ko. Paano ko nagawa ‘to? How come? Panglalaking damit na ang suot ko. My GOD! GOLDEN?!
“You’re awake. I cook breakfast for you.” Sabi niya at nilagay ang tray sa mini side table.
“May nangyari ba sa ‘tin?” Baliw nga siguro ako. Kahit alam ko sa sarili ko na meron tinanong ko pa.
Baka kasi panaginip lang ‘yon. Sana panaginip nalang ‘to.
“Yes.” Walang pag-alinlangan niyang sagot.
Napapikit ako dahil sa sagot niya. Then, the scenery last night come into my mind.
Hinawakan ko ang pisnge niya and I looked at him seriously. I don’t know this guy but his scent is damn familiar. “Y-Yo-oour so ha-hands-some.” Pinaglandas ko ang daliri ko mula sa matangos niyangilong patungo sa kanyang namumula at nang-aakit na labi. “Y-Y-o-ou-our li-lips is… damn attractive, darling.” Sunod kong hinawakan ang matipuno niyang dibdib. “And you’re hot as hell.”
“Woman, you’re drunk.” Inalis niya ang kamay ko sa dibdib niya at ‘yong nakahawak sa mukha niya. “Stop it!” Aniya ng hawakan ko ulit ang dibdib niya at pinadaosdos ito. Ramdam ko ang bawat pagtaas baba ng adams apple niya. “You are turning me on, woman.”
Tumawa ako ng mahina. “Do you want me to turn it off? Hmm?” I ask and look at him seductively.
“You’re drunk! Stop it!” At hinawakan niya ang hintuturo kong nasa labi niya. “I don’t want you to regret it tomorrow morning.”
“How m-many times do I have t-tell you na h-hindi akho lasing. I want you.”
“I’ll bring you hom---.”
I cut his words using my lips. I can’t take this anymore. I feel hot.
I want punch myself for being stupid. Talagang ako pa ang unang humalik?! Bakit ko nagawa ‘yon? Bakit? Talagang hinamon ko pa siya? How shameless.
“What the f**k! s**t!” nasambit ko ng malala na may trabaho pa palang naghihintay sa ‘kin.
Mabilis akong umalis sa kama at hinahanap agad ng mata ang pouch na dala ko kagabi. And luckily, I found it.
“Hey! Miss.”
“What?” nakataas kilay kong tanong.
“Breakfast?” alinlangan niyang tanong.
Napalunok ako ng dumako ang tingin ko sa pagkaing dala niya kanina. Ang sarap siguro niyan. Nakakagutom.
“No, thanks. I need to go.” Sabi ko. Bubuksan ko na sana angpinto ng kwarto niya ng hawakan niya ako sa pulsuhan.
Inis kong tiningnan ang pagkakahwak niya sa ‘kin. “Sorry.” He said at inalis ang pagkawak niya sa pulsuhan ko.
“Kung may gusto kang sabihin. Sabihin muna dahil may hinahabol akong oras.”
“You need to eat.”
“No, thanks. I’m not hungry. I need to go.” Sabi ko.
Pagbukas ko ng pinto. Mabilis ang bawat hakbang ko papalayo sa lugar na ‘yon. Pagdating ko sa bahay, dumiretso agad ako sa banyo para maligo. Inopen ko ang shower at hinayaang mabasa ang sarili ko. Nagpapadyak ako nang maalala na sumabay ako sa lahat ng ginagawa niya. Galit ako sa sarili ko. Hindi ko dapat ginawa ‘yon kahit nag-cheat siya sa ‘kin.
Pagdating ko sa condo unit ni Franklin. Pumunta agad ako sa kwarto niya. Gusto kong makasigurado, I know gawa-gawa lang ni Daddy ‘yon. Gusto niya lang na hiwalayan ko si Franklin para lang masunod ang gusto niya.
Nanginginig ang kamay ko habang nakahawak sa door knob.
Pagbukas ko ng pinto para akong binuhusan ng malamig na tubig. Hindi ko maigalaw ang buo kong katawan, ni hindi ko magawang ibuka ang bibig ko. Nanatilig akong nakatingin sa kanila.
‘Hindi ako iiyak. Hindi ka iiyak, Golden. Hindi siya karapatdat iyakan.’
Mabilis siyang umalis sa pagkakapatong sa babae niya at pinulot ang boxer short niya saka ito sinuot.
“Hon…”
Nanginginig ang buo kong katawan habang umaatras para hindi siya makalapit sa ‘kin.
“Hon, mag-eexplain ako.”
Umiling ako. “Wala kang dapat e-explain. Hindi muna kailangang mag-explain dahil sapat na sa ‘kin ‘yong nakita ko.” Sabi ko at tumingin sa kanya ng diretso.
“I’m sorry.”
“We’re done.”
Tumulo na naman ang sariwang luha sa mata ko. Sa tuwing naaalala ko ang senaryo na ‘yon pakiramdam ko wala akong silbi sa kanya. Isang oras akong namalagi sa banyo. Pagkatapos kong maligo nagbihis na ako, habang sinusuklay ko ang buhok ko nakarinig ako ng busina ng sasakyan. Hinawi ko ang kurtina sa malaking bintana para tingnan kung sino ‘yon. Si Mama at ang hindi ko inaasahang bisita.
Habang pababa ako ng hagdan, bumukas rin ang pinto. Niluwa nito si Mama at si Franklin na may dalang mga gulay. What is he doing here? May gana pa talaga siyang pumunta dito.
“Salamat, iho. Pakilagay mo nalang doon sa kusina.”
“Opo, tita.” Sagot niya.
“Good Morning, Ma.” Bati ko kay Mama.
“Good Morning din sayo anak. Akala ko ba isang linggo ka doon sa mansion ng Daddy mo. May problema ba.”
Mapait akong ngumiti. “Wala, Ma.”
Nang umupo si mama sa kawayang upuan, tumabi ako sa kanya. Hinawakan niya ang dalawa kong kamay at pinatong sa hita niya.
“Anak, Mama mo ‘ko. At alam kong may problema ka, kaya sabihin mo na sa ‘kin.”
“Oo nga pala, Ma. Anong ginagawa ni Franklin dito?” pang-iiba ko sa usapan. Ayokong sabihin kay Mama ang tungkol sa sinabi ni Daddy at ang nangyari sa ‘kin kagabi. Ayokong mag-alala siya ‘kin, kaya hanggat kaya ko. Hindi ko muna sasabihin sa kanya.
Kumunot ang noo niya sa sinabi ko. “Pumupunta naman talaga siya dito ah. Bakit may problema ba? Nag-away na naman kayo?” sunod-sunod na tanong niya.
Hindi ako sumagot. Tumingin lang ako sa kamay kong hawak niya.
“Hindi ko alam kung ano ang pinag-awayan niyong dalawa pero kailangan niyong mag-usap para malinawan ang isa’t isa.”
Nag-angat ulit ako ng tingin kay Mama. “Hindi po kasi ganon kadali, Ma.”
“Kaya nga, pag-usapan niyo. Hindi maaayos ang problema niyo. Kung hindi kayo mag-uusap. Doon muna ako sa kusina.” Paalam ni Mama.
Ngumiti lang ako.
Bumalik ako sa kwarto para magbihis ulit dahil pambahay ang suot ko ngayon. Napagdesisyunan kong suotin ang White Long sleeve solid color suit dress, with black high heels. Nag-apply rin ako ng light make-up sa mukha ko, nakalugay lang din ang buhok kong hanggang bewang. Tiningnan ko muna ang sarili ko sa salamin bago tuluyang lumabas sa kwarto ko.
Napataas ang isa kong kilay nang makita ko siyang nakaupo sa upuan. Tumayo naman siya ng makita niya ako.
“Ma, aalis na po ako.” Sigaw ko dahil nasa kusina pa rin siya.
“Mag-ingat ka anak.”
“Opo.”
Hindi ko siya pinansin. Nagdire-diretso lang ang lakad ko hanggang makalabas ako sa gate.
“Golden sandali lang.”
Humarap ako sa kanya habang nagpipigil ng galit. “Ano!?”
“Let’s talk.”
Tumingin ako ng diretso sa mga mata niya. “Wala na tayong dapat pag-usapan. Tapos na tayo. Wala ng tayo. Hindi mo ba naiintindihan iyon?”
Hinawakan niya ang braso ko. “Hindi ko sinadya.”, gusto kong humalakhak dahil sa sinabi niya.
Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa braso ko. “Wow! Just wow!” sabi ko habang pumalakpak. “Hindi sinadya? Really? Ano ‘yon? Nanaginip ka habang nags-x kayo? Franklin ‘wag mo ‘kong gawing tanga.”
“That’s a deal.”
“A deal that you can’t resist because that’s what you want!” Parang mapuputol ang mga ugat ko sa leeg dahil sa kakasigaw ko sa kanya.
Sinubukan niyang lumapit sa ‘kin pero lumayo ako kanya. “Huwag na huwag kang lumapit sa ‘kin. Nandidiri ako sayo. Umalis ka na.”
“Para rin naman sa ‘tin ‘yong ginawa ko.”
Hindi ako makapniwalang tingin ang pinukol ko sa kanya. “Para sa ‘tin? Bakit kung mabubuo ba ang ginawa niyo, magiging ina ako? Magiging masayang pamilya tayo? Franklin, hindi ka ba nag-iisip, ha?”
He tried to held my hand but I step backward. “Hon, ginawa ko ‘yon kasi ayokong mawala ka sa ‘kin.”
Tumawa ako ng mapakla. “Don’t give me a lame excuse, Franklin. Ang sabihin mo, ginagawa mo ‘yon para sa sarili mo at para mawala ako sa buhay mo dahil hindi ko maibigay ang gusto mo.” Sigaw ko sa pagmumukha niya.
Ayaw niya akong mawala sa kanya then he had s-x with another woman. What a jerk!
“Hindi. Ginawa ko ‘yon kasi ---.” I cut his off.
“Umalis ka na. Ayokong marinig ‘yang walang kwenta mong eksplenasyon. Alis. Umalis ka na.”
Mabilis kong pinahid ang luha na dumaloy sa pisnge ko. Tumingin ako sa pambisig kong relo. s**t! 25 minutes nalang malelate na ako sa shoot. Wala pa namang taxing dadaanan dito. Kailangang ko pang maglakarin ang ilang metro.
“Golden…”
“Enough, Franklin. Don’t waste my time and leave me alone. Huwag ka ng magpapakita pa sa ‘kin.” Sigaw ko sa kanya.
Kinuha ko sa white shoulder bag ko ang cellphone ko, nang magring ito.
[Hello, bes. Nasan ka na ba?] tanong ng kaibigan kong si Leigh. Lyka Jane Madrigal, she’s a famous fashion designer of EM’s Clothing Line Corporation.
“Coming. Don’t worry.”
[Anong don’t worry? 15 minutes left and you’ll be late. Galit na ang manager mo.]
“Sabihin mo traffic sa EDSA. Sige na, bye.”
Pagkapatay ko sa tawag nagsimula na akong maglakad para mag-abang ng taxi. This is my first time na malate sa trabaho. Hindi lang ang manager ko ang magagalit pati na rin ang President kompanya. Pero mabait naman ‘yon si Sir Henry.
“Hon, ihahatid na kita.” Sabi ni Franklin. Nasa loob siya ng kotse niya at sinusundan ako.
“Hon your ass! ‘Di ba sabi ko ‘wag ka ng magpapakita sa ‘kin.”
Mas lalo kong binilisan ang paglalakad ko. Hindi niya ba naiintindihan ang sinabi ko?
“Golden, malelate ka pa lalo kung mag-aabang ka pa ng taxi.”
Halos takbuhin ko na ang daan para lang maiwasan siya pero wala akong magagawa dahil naka-kotse siya.
“At kasalan mo kung malate ako. Kung hindi ka pumunta sa bahay, nasa shoot na sana ako ngayon.” Medyo tumaas ang boses ko sa huling sinabi ko.
“Kaya nga, sumakay ka na.” pagpupumilit niya.
I raised my eyebrow and rolled my eyes. “TANGA lang ako pero hindi ako MARUPOK.”, mabilis ang bawat hakbang ko papunta sa may eskenita. Isang push nalang makakasakay na ‘ko sa taxi.
Pumara agad ako ng taxi. “Manong sa EM’s Corporation.” Sabi ko pagkasakay ko.
Saktong pagkakuha ko sa cellphone ang pagring nito. It’s Leigh again.
[Bruha ka! Nasan ka na?]
“Coming na nga.”
[Kanina ka pa sa coming-coming na ‘yan ha.]
“Filipino time. You know.”
[‘Yang Filipino time mo ang magpapahamak sayo. Makikita mo.]
“Liegh.. Hello? Liegh?”
Walanghiya binabaan ako. s**t! Baka nandon na si Sir patay talaga ako ngayon.
“Manong pakibilisan po.”
I took a deep sigh. Shitness! Kasalan ‘to ni Franklin.
Ang kapal talaga ng pagmumukha niya. May gana pa siyang pumunta sa bahay at magpakita sa ‘kin pagkatapos ng ginawa niya.
“Nandito na po tayo, Ma’am.”
Pagkatapos kong magbayad. Mabilis akong bumababa sa taxi. Mabilis ang bawat hakbang ko papunta sa elevator.
Pagdating ko sa 20th floor, dumiretso ako sa kung saan gaganapin ang shoot. Sinalubong agad ako Liegh at Ivan pagdating ko doon. As usual, senermonan na naman nila ako.
“Tama na, okay? Nandito na ‘ko.” Pigil ko sa kanila. Kanina pa sila dada ng dada.
“Let’s start.” Sabi ng photographer.
“Ayosin mo, bakla ka.” Sabi ni Ivan sa maarteng boses. Oo, bakla siya.
“Opo, Madam.” sagot ko at mahinang tumawa.
Pumunta na ako gitna at nagsimula na kami.
“Next, outfit. White long-sleeve backless triangle beach swimsuit.” Sabi ng manager ko at binigay ito sa ‘kin.
Pagkapasok ko sa dressing room. Nagbihis na agad ako.
“Bagay ba sa ‘kin?” I didn’t bother to look at them habang tinanong ko sila dahil nakatingin lang ako sa sarili ko.
I flip my hair bago tumingin sa kinaroroonan nila Liegh. At nanlaki ang mga mata ko ng makita ko siya. Anong ginagawa niya dito? Dito rin kaya siya nagtatrabaho? My god!
‘Chill, Golden! That’s a simple one night. No attach feeling. Huwag kang affected.’
“Just act normal Golden.” Sabi ko sa sarili.
Tumawa ng mahina si Leigh. “Wala namang damit na hindi babagay sayo.” Sabi niya.
“Yeah, Nakaka-tomboy ka.” Sabi ng kaibigan kong si Shairen. Shairen Lite Cruz. She’s the secretary of CEO.
“Queenie, ayosin niyo muna ang make up niya.” Sabi ni Ivan habang nakatingin sa laptop ng photographer.
“Wait!” pigil ni Liegh. “Bes, come here.”
Bumuntong hininga muna ako bago pumunta sa kinaroroonan nila.
“What?” kunyaring naiinis na tanong ko.
Naiilang kasi ako sa paraan ng pagtitig niya sa ‘kin. I’m not use to it dahil wala pang tumitingin sa ‘kin ng ganyan. Hindi ba niya naramdaman na naiilang ako sa kanya? Gosh!
“Meet our cousin. Jerald Madrigal. “, Mas lalo akong nagulat sa sinabi ni Liegh but I hide it.
“Cousin? As in pinsan?” Kunot noo kong tanong.
“Hindi. Cousin as in tatay o kapatid. Syempre, pinsan. Ano ka ba!” she sarcastically said. “Siya ‘yong palagi kong kinukwento sayo. Anak siya ni Tito Henry.”
Tumango tango-tango nalang ako kahit deep inside gusto ko ng tumakbo at magsisigaw dahil sa kahihiyan na ginawa ko kagabi. Napalunok ako ng magtama ang paningin namin. I looked away ng hindi ko malaban ang bawat titig niya. Bumaling naman si Leigh sa ‘kin. “And couz, she’s my bestfriend…”
“Golden. Right?” putol niya sa sasabihin ni Leigh.
Paano niya nalaman ang pangalan ko? Nagpabalik-balik naman sila ng tingin sa ‘ming dalawa.
“You know her?” Binundol ng kaba ang dibdib ko sa tanong Shairen.
“No.”
“Yes.”
Sabay naming sagot. s**t! Pahamak. Yes, we’d a one night but he’s a stranger. I don’t know him. Hindi ko alam kong paano niya ako nakilala.
“Ano ba talaga?” tanong ni Leigh.
I glare at him. “I don’t know him, Leigh. Hindi ko alam kung paano niya nalaman ang pangalan ko pero ako, hindi ko talaga siya kilala. I swear.”
“Alam mo defensive ka masyado. Napaghahalataan ka tuloy.” Natatawang sabi ni Shairen.
“Bahala ka. Isipin muna ang gusto mong isipin.”
“Galit yarn?” sabi ni Leigh at humalakhak.
“Hindi. Pagod lang.”
Kunot noong tumingin sa ‘kin si Leigh. “Saan ka naman na pagod aber? E, wala kang shoot kahapon.” Nakataas kilay niyang tanong.
“Leigh, don’t ask. Naglasing tayo last night. Remember?”
“Ang sabihin mo hangover hindi pagod.” Pagtatama ni Shairen.
“Oo nga, hindi nga kami napagod last night. E, pareho tayong naglasing.” Pangsang-ayon ni Leigh.
“Whatever!”
“Teka nga! Where did go last night? Hindi ka na namin nakita pagkatapos naming sumayaw.” Sabi ulit ni Leigh.
“S-Somewhere.” Simpleng sagot ko na hindi makatingin sa kanila ng diretso.
Mahinang natawa si Shairen. “Somewhere in the VIP ROOM?” nang aasar na tanong niya.
Kumabog bigla ang puso ko tapos feeling ko nag-akyatan ang dugo ko sa mukha, and I know pulang-pula na ako ngayon. But thanks to my make up dahil hindi ito mahahalata.
Napatakip si Lyka sa bibig niya, “OMG! You did it?! Ginawa mo talaga ang sinabi namin?” nanlalaking mata niya tanong.
Imbis na sagutin ang mga tanong nila. Bumaling ako kay Ivan. “Let’s start. I’m ready.” Sabi ko.
Ayokong pag-usapan ang nangyari. Lalo na’t pinsan pala ang naka one-night ko. Isa pa, naiilang na ‘ko sa mga tanong nila.
Sinabihan kasi nila ako na, makikipag-one-night ako with the stranger. Hindi ko naman akalain na… mangyayari talaga ‘yong sinasabi nila. Isa pa, wala naman sa plano ko ang ganong bagay kahit nasaktan ako.
“By the way, nice to meet you.” Sabi ko bago sila tinalikuran. Baka sabihin pa nila, wala akong respeto. Na maattitude ako.
Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob para matapos ang shoot na ‘yon kanina. Hindi nga ako masyadong nakapag-fucos kasi nahihiya ako. Ewan ko, halo-halong emosyon ang naramdaman ko that time kaya hindi ako makapagfucos.
Nasa opisina ako ngayon ni Leigh. Hinihintay ko siyang matapos sa ginagawa niya. Nakaupo lang ako sa sofa habang nakapikit. Gusto kong matulog.
Nasa kalagitnaan ako ng pagtulog. Naramdaman kong may tumatapik sa mukha ko.
“Bes.”
“Gold.”
“Hmm?”
“Wake up. Pinatawag tayo ni Sir Henry.”
Pagdilat ko umayos agad ako ng upo. “Bakit daw?”
“I don’t know. Let’s go.”
Inayos ko muna ang sarili ko bago sumunod sa kanya. Pagdating namin sa conference room, marami ng empleyado na naroon. Umupo kami ni Leigh sa tabi ni Shairen.
“Anong meron, Shy?” tanong ni Leigh.
“Makinig nalang kayo.” Sagot niya.
Tumikhim si Sir Henry. “Pinatawag ko kayo dito kasi may mahalaga akong sasabihin.” He paused. Tumingin siya kay Jerald. “Our COO. Jerald Madrigal, my only son.” Para akong nabingi sa inanunsyo ni Sir.
What? COO? Ibig sabihin makikita ko siya araw-araw? Sa tagal kong magtrabaho dito. Ngayon ko lang siya nakita at nakilala.
Nagpalakpakan naman sila habang ako nakatingin sa lalaking nakangiting tumingin sa ‘kin. Iwan ko, kung sa ‘kin ba talaga. Siguro kulang lang talaga ako sa tulog. Inikotan ko siya ng mata. Wala akong pakialam kung boss ko pa siya. Ayoko siyang makita. Ayoko siyang maging boss.
Anong gagawin ko ngayon?
Should I resign or not?
“Golden.” Bigla akong napatayo ng tawagin ako ni Sir Henry.
“Yes, Sir.”
“Samahan mong maglibot ang anak ko sa buong building.”
My eyes widen. “Ano po?”
“I said, samahan mong maglibot si Jerald sa building natin. Any problem?” seryoso niyang tanong.
“Uhm, ano po kasi… pinatawag ako ni Daddy. Maybe, Shairen can ---.” Dahilan ko.
“Don’t worry. Akong bahala sa Daddy mo.”
Hindi naman talaga ako pinatawag ni Dad. Ayoko lang talaga siyang makita at makasama.
“Okay, Sir.” Nanlumo akong umupo ulit sa upuan.
Bakit ‘yon pa ang excuse ko. E, alam ko namang close sila. Ugh! Ang badoy kasi ng palusot ko.
“Thank you for coming. Let’s back to work.”
Nagsitayuan naman sila ng sabihin iyon ni Sir. Ako? Nanlumong nakaupo. Gusto kong matulog pero hindi pwede dahil sa letseng Jerald na ‘to.
“Goodluck, Golden.” Natatawang sabi ng dalawa at sumunod sa naglabasang empleyado.
Lumapit siya sa ‘kin at umupo sa tabi ko. “So, Miss Golden. Let’s go.” at pilyo niya akong nginitian.
“Kung hindi ka lang anak ni Sir. Kanina pa kita iniwan dito.” Bulong ko.
“Stop murmuring.”
Humarap ako sa kanya. “Whatever! Let’s go.”
“Yes, Ma’am.” Then I smile curve on his lips.
Tumayo ako. “Good. Let’s go.” Sabi ko at tinalikuran siya.
Una naming pinuntahan ay ang paggawaan ng mga damit. Sunod naman ay ang bawat department. Gaya ng sabi ni Sir Henry, nilibot nga namin ang buong building hanggang sa first floor, kung saan doon nakadisplay ang mga damit na pinagmomodelan ko.
Hindi lang naman mga damit ang nakadisplay dito. May mga perfume at stilettos din. Basta marami ang nakadisplay dito.
“Siguro naman. Pwede na kitang iwan dito.” Sabi ko.
“We are not yet done.” He said in a baritone voice.
Nagtatakang tingin ang pinukol ko sa kanya. “Samahan mo muna ako maglunch.”
Hinilot ko ang noo ko. “Uhm,” tumingin ako sa kanya. “Maybe, next time.”
“Are you avoiding me?” he curiously asked. Hindi ko in-expect na tatanongin niya ako ng ganyan.
“No.” mabilis kong sagot.
“Is this about last night?” he asked.
Hindi agad ako nakasagot. Totoo naman e. Iniiwasan ko siya dahil sa nangyari kagabi. I’m not good at pretending. Kaya hanggat maari, iiwawasan ko siya dahil sa t’wing nakikita ko siya. Naaalala ko ang nangyari sa ‘min kagabi.
Napalunok ako ng lumapit siya sa ‘kin. Nanindig ang balahibo ko ng maramdaman ko ang hininga niya sa leeg ko. Pakiramdam ko, nabuhay lahat ang hormones ko dahil sa ginawa niya.
Seducer!
“You’re avoiding me but you scream my name last night because of so much pleasure.” Bulong niya.
Biglang nag-init ang pakiramdam ko. Ramdam ko ang pamumula ng mukha ko. Mabuti nalang nakalugay ang buhok ko kaya hindi ito masyadong halata.
Nakahinga ako ng maluwag nang lumayo siya ng kaunti sa ‘kin. A smile curved on his lips. Not a simple smile, it’s a killer smile. That makes every girl, insane. And maybe, isa na ako roon. Ay, hindi pala. Broken ako.
Tumikhim ako. “That night is a m-mistake, Jerald.”
“A memorable mistake.” Sabi niya na mas lalong kinapula ng pisnge ko.
“Isipin muna ang gusto mong isipin. Aalis na ‘ko.”
Hindi ko nahinintay ang sagot niya, umalis na kaagad ako. Biglang pumasok sa isip ko ang sinabi niya.
“You’re avoiding me but you scream my name last night because of so much pleasure.”
“You’re avoiding me but you scream my name last night because of so much pleasure.”
“You’re avoiding me but you scream my name last night because of so much pleasure.”
Napahinto ako, “Did I scream his name?” tanong ko sa sarili ko.
Hindi ko nga siya kilala tapos I will scream his name. What a shame.
“Oh… Drake. I like that…”
Nasapo ko ang noo ko nang maalala ko ang sinabi ko kagabi. s**t! Nakakahiya ka talaga, Golden.
Drake? Drake ang sinabi niyang pangalan kagabi pero bakit Jerald ang pagpapakilala kanya ng Daddy at pinsan niya. Ang dami niyang pangalan. Siguro ganon talaga ang mga lalaki, magpapakilala sila sa ibang pangalan. A cassanova’s trick.
Pagdating ko sa bahay. Dumiretso ako sa kwarto at natulog. Hindi na nga ako nakapagbihis dahil sa pagod naramdaman ko.
Nagising nalang ako kinaumagahan na sumakit ang tiyan ko. Hindi nga pala ako nakapaghaponan kagabi. Nagbihis muna ako ng pambahay. Pagbukas ko ng pinto sumalubong agad sa ‘kin ang mabangong amoy ng niluto ni Mama.
“Good Morning, Ma.” Bati ko kay Mama at umupo sa upuan.
“Magandang umaga rin. Hindi na kita ginising kagabi kasi ang sarap ng tulog mo.”
“Gutom na po ako e. Ano pala ‘yang niluluto mo, Ma?”
“Tinulang manok. Malapit ng maluto ito. Hintayin mo nalang.”
Nangalumbaba ako sa mesa habang nakatingin kay Mama. Kahit hindi kompleto ang pamilya namin. Ang swerte ko pa rin kasi may Mama akong maalaga at mapagmahal. Tanggap rin ako ng second family ni Daddy. Pero hindi kami in-good terms ng kapatid kong babae.
“Ang lalim ng iniisip ng prinsesa ko ah.” Natatawang sabi ni Mama.
“Ang swerte ko sayo, Ma.” Sabi ko.
“Mas swerte ako sayo anak. Sige na kumain ka na baka malate ka sa trabaho mo.”, umayos ako ng upo ng nilagay na ni Mama ang hinain niyang pagkain.
“Hindi ka sasabay sa ‘kin, Ma?”
“Sasabay sympre.”
Nagsimula na kaming kumain ni Mama pagkaupo niya.
“Anak nagkita kami ng Daddy mo kahapon.” Basag ni Mama sa katahimikan.
Tumingin ako kay Mama.
“Sinabi niya sa ‘kin na ipapakasal ka niya sa anak ng kaibigan niya.”
Nagbuntong hininga ako. “Pumayag na po ako, Ma.”
“Pumayag ka? Paano si Franklin?” sunod-sunod niyang tanong.
“Uhm… wala na po kami. Nung isang araw pa. Sorry, Ma. Kung hindi ko sinabi sayo.”
Nagtataka akong tumingin kay Mama ng tumayo siya.
Biglang namuo ang luha sa mata ko ng maramdaman ko ang mga braso niyang nakapalibot ‘kin.
“Nandito lang ako para sayo, anak.”
“Salamat, Ma. I love you.”
“I love you too, anak.”