Chapter 2

4259 Words
Chapter 2 Pagdating ko sa kompanya. Nagsimula agad ang photoshoot namin. Mabuti nalang hindi ko nakita si Jerald hanggang sa matapos ang shoot. Sabay kaming maglakad ni Leigh papunta sa opisina niya. Kapag tapos na kasi ang shoot, sa opisina niya ako mamalagi. Hihintayin ko rin ang off niya. Minsan lang namin nakakasama si Shairen kasi busy rin siya, sa pagiging secretary. “Ba’t ang tahimik mo?” tanong niya ng makarating kami sa opisina niya. “Tinawagan na naman kasi ako ni Daddy.” Umupo ako sa single sofa na kaharap ng mesa niya kung saan siya nagd-drawing. “Tungkol na naman sa fiancé mo?” tanong niya. Alam nilang dalawa ni Shiren na may fiancé ako. Unknown fiancé to be exact. Tumango ako. “Mm. Didiretso daw ako mamayang 5pm sa restaurant na tinext niya.” “Bakit daw?” “Mmm. Magddinner kami with the man he chooses for me.” Walang gana kong sabi. “Kilala mo na ang magiging husband mo?” tanong niya at umupo sa kaharap kong sofa. Umiling ako. “Hindi ko nga siya nakita since childhood. Basta ang alam ko lang my fiancé na ‘ko since birth. Ang saklap.” Simula nung high school ako. Palagi ng sinasabi ni Daddy na may fiancé ako, huwag akong magbo-boyfriend pero sinuway ko si Daddy nung magcollege ako. Nagpaligaw ako kay Franklin. Nung sinagot ko siya, hindi ko pinaalam kay Daddy kasi natatakot akong magalit siya sa ‘kin pero kalaunan nalaman niya rin at yon nagalit siya sa ‘kin. Kay Mama kulang sinabi na may boyfriend na ‘ko. Supportado naman siya, si Daddy lang talaga ang hindi, dahil sa nakakahiya raw sa kaibigan niya. Ni minsan hindi ko nakita ang anak ni tito. Hindi ko nga rin alam kung sino sa mga anak ng mga kaibigan o kasusyo niya sa negosyo ang ipapakasal sa ‘kin e. Bahala na. “Pumayag ka naman kahit hindi mo pa kilala.” “Oo. Wala na akong dahilan para humindi ‘no.” Kumunot ang noo niya. “Why?” “I broke up with Franklin.” Nanlaki ang mata niya. “Ano?! Nang ganon kadali? Girl, pinaglaban mo siya ng ilang taon tapos bibitawan mo lang siya dahil sa unknown fiancé mo?” hindi makapaniwalang nitong tanong. Support din kasi siya sa ‘min ni Franklin. At alam niya kung paano ko ipaglaban ang relasyon namin ni Franklin. Leigh and Shy is the number one fan of our relationship. “He cheated on me. So, I said yes to my Dad wants.” I said calmly. Again, nagulat siya. “What? He cheated on you?!” sabay tayo. “Yes. Nung nag-aya akong pumunta sa bar.” “Yeah, I remember na. Kaya pala nakalukot ang mukha mo at for the first time uminom ka, and take note ikaw ang nag-aya.” “Gulong-gulo kasi ako that time. Nahuli ko kasi sila… they’re making love.” “Making love? Talaga? Bakit sila ba? Mahal ba nila ang isa’t isa?” sunod-sunod niyang tanong. “Ang sabihin mo, they are having se---.” Tinakpan ko bunganga niya baka may makarinig pang ibang tao. Mahirap na. “Bunganga mo.” Sabi ko saka inalis ang kamay kong nakatakip sa bunganga niya. “Bakit totoo naman ah.” “Kahit na, you should shut up.” “Okay. Balik tayo sa fiancé mo. Paano kung mas matanda siya sayo?” ‘Pag si Leigh ang kausap ko. Hindi talaga siya mauubusan ng tanong at sasabihin. “Ayos lang. Age doesn’t matter naman eh.” “What if, senior citizen na siya.” “Edi, sugar Daddy.” Sabi ko at sabay kaming humalakhak. “Kahit ano pa siya, Leigh. Tatangapin ko. Wala na akong ibang choice. Basta. Bahala na si Batman. Pero… hindi naman siguro ako ipagkakasundo ni Daddy sa matanda ‘no.” depensa ko. Nagtaka ako ng bigla siyang ngumiti. Ngiting nakakaloko. “Alam ko na.” “Ano?” mahinahon kong tanong. Ngumiti siya, “Sabihin mo na may boyfriend ka.” “Gurl, kakasabi ko lang na wala na kami at… HELLO!? Saan naman ako mamumulot ng boyfriend?” tanong ko. “Madali lang ‘yan. Si Jerald. Dalhin mo siya sa meeting place niyo at sabihing mong boyfriend mo siya.” Suggest niya. Napatayo ako. “Ayoko. Papayag nalang akong magka-fiance ng matanda rather than mapanggap na boyfriend ko ‘yang pinsan mo. No way!” reklamo ko. Sa lahat ng pwede niyang i-suggest ‘yon pa talaga. My G! “Ang harsh mo sa pinsan ko ah.” Aniya sa malungkot na boses. “Kahit medyo ice ‘yon, mabait ‘yon. Mapagmahal pa.”, hindi halatang proud siya sa pinsan niya. PCH! “Basta ayoko. A.Y.O.K.O. Period.” Sabi ko. “Fine. You win.” Pagsuko niya. “Dapat lang ‘no.” Magsasalita na sana siya but someone’s knocking on the door and open it. “Excuse me, Miss Madrigal.” “Yes?” nakataas kilay niyang tanong. “Pinapapunta ni Mr. Madrigal, si Miss Golden sa opisina niya.” “The CEO?” tanong ko. “No, Miss Golden. The COO. Alis na po ako.” Paalam niya. Leigh nodded. The COO? At bakit naman ako ipapatawag ng mukong na ‘yon? Tadhana nga naman. Iniiwasan ko na nga siya, pinatawag pa talaga ako. “Bakit naman niya ako papupuntahin do’n. I-text niya na lang kaya ang sasabihin niya.” Pagtingin ko kay Leigh. Halos mapunit ang labi niya kakangiti sa ‘kin. “Paano ka niya i-ttext? E, wala siyang number sayo.” “Oo nga ’no? Sige. Aaalis na ako. Bye.” Paalam ko. “Goodluck!” natatawang sabi niya. Nang nasa harap na ako ng pinto ng opisina niya. Humugot ako ng malalim na hininga bago kumatok sa pinto. “Come in.” Pagpasok ko, bumungad agad sa ‘kin ang mabagong amoy ng opisina niya. The same scent when we first meet. Ganitong-ganito ‘yong amoy niya that night. Hay… ang bango. Bumalik ako sa ulirat ng tumikhim siya. “Have a sit.” Sabi niya habang nakatingin pa rin sa laptop niya. Mas lalo siyang naging attractive dahil sa suot niyang anti-radiaditon eye glass. Umupo naman ako sa kaharap niyang upuan. Ilang minuto na akong nakaupo pero hindi pa rin siya nagsasalita. Akala ko ba pinatawag niya ako dito? Ang boring kaya. Tumikhim ako. “Sir, may sasabihin ka ba o wala. Kasi kung wala aalis na ako.” Nakita ko ang pagtaas baba ng Adams Apple niya, bago niya niluwagan ang necktie niya. May nasabi ba akong nagpapaluwag ng necktie? Magsasalita na sana siya nang magring ang cellphone ko. Pagtingin ko sa screen, Honey calling. Hindi ko pa rin pala napalitan ng name. Hindi ko ito sinagot. Ayaw kong makipag-usap sa kanya. Ilalagay ko na sana ulit sa shoulder bag ko ang cellphone pero nagring ulit ito. “Answer it.” “Hindi na. Hindi naman importante ‘to.” “Are you sure?” “Yes.” Para hindi niya ako ma-contact. In-off ko nalang ang phone ko. May gana pa siyang tumawag. Ang kapal talaga pagmumukha niya. “So… may sasabihin ka?” tanong ko ulit. “I want you to be my… personal assistant.” Diretsang sabi niya. “Are you crazy?” hindi makapaniwalang tanong ko. Personal Asisstant? E, ang bbusy nun. Balak ata niyang maging stick ako. “No. I’m serious.” Tumayo ako. “I’m sorry, Sir. Pero hindi ko tatanggapin ang alok niyo.” “Do you want me to fired you?” Tumingin ako sa kanya ng diretso. “You don’t need to fired me, Sir. Dahil ipapasa ko na bukas ang resignation later ko kay Sir Henry.”, hindi niya ako matatakot sa fired-fired niya dahil buo na ang desisyon kong magresign. Maghahanap nalang ako ng ibang trabaho. “Wala si Daddy bukas.” “Edi, sayo ko ipapasa.” Panghahamon ko. “Sa tingin mo tatanggapin ko?” “Aba! Malay ko sayo. Bakit? Ako ba ikaw?” He smirked. “Nope. But our soul and body become one when we were making love.” Uminit bigla ang mukha ko. Feeling ko pulang-pula na ang mukha ko. Gusto ko siyang suntukin, ilampaso ang gwapo niyang pagmumukha---ang pangit niyang pagmumukha. Ang landi niya. “Anong connect nun?” tanong ko. At nagkunyaring hindi naapektuhan sa mga sinasabi niya. He smirked. “That’s a secret that you’ll need to find out.” “We are not making love that night because we don’t love each other. Matatawag nating making love ‘yon, if we both love each other but WE’RE NOT.” Sabay diin sa huli kong sinabi. “At ‘wag na ‘wag mong ipaalala sa ‘kin ang nangyari.” Tinananggal niya ang eye glass niya at nilagay ito malapit sa laptop niya. Binundol ng kaba ang dibdib ko, nang nilapit niya ang mukha niya sa mukha ko. Napaupo tuloy ako sa mesa at nakahawak ang dalawa kong kamay sa gilid nito. “What if, I don’t.” Pilit kong nilabanan ang pagtitig niya sa ‘kin. Pero ng hindi ko makayanan bumaling ako sa gilid. I don’t like the way he looks at me. “L-Lumayo ka nga sa ‘kin.” Sabi ko at tinulak siya gamit ang isa kong kamay. Pero dahil sa ginawa ko, na-out of balance ako. Muntik na akong makahiga sa mesa niya pero mabilis na pumalibot ang kanan niyang braso sa bewang ko habang ang kaliwa niyang kamay nakahawak sa mesa, pang-alalay para hindi kami matumba. Nanatili lang akong nakatingin sa mata niya. Hindi ko magawang igalaw ang sarili ko kasi isang maling galaw kulang lalapat ang labi ko sa labi niya. Parang tumigil ang paghinga ko, nang dahil sa posisyon namin. “Breath, Golden. Breath.” Parang may sariling buhay ang mga kamay ko dahil naitulak ko siya bigla, when he said that. Inayos ko ang nagusot kong damit at nilampasan siya. Baka mamaya paglabas ko, kung anu-ano na namang sasabihin ng mga empleyado niya. “Open that door or I’ll make love with you, AGAIN until you can’t walk.” Nabitawan ko ang door knob dahil sa sinabi niya. Salubong ang kilay kong humarap ulit sa kanya. “Tinatakot mo ba ‘ko?” “Kung ‘yan ang iniisip mo. Siguro tinatakot kita.” “You know what? You are wasting my time.” Nakataas kilay kong sabi. Padabog akong umupo sa mahabang sofa. “Fine. Kung ayaw mo akong paalisin. Matutulog ako dito.” Pagbabanta ko sa kanya. He gives me a sweet smile. “Sleep if you want.” Sabi niya at umupo ulit sa swivel chair niya. Walanghiya! I rolled my eyes. Mabigat ang loob kong humiga sa mahabang sofa. Ayaw niya akong paalisin tapos hindi niya man lang ako kinakausap. Hindi niya man lang ako tinanong kung tapos na ba akong kumain. Kung gutom ba ako. Kung anong gusto kong kainin. Hello! Hindi pa kaya ako nagtanghalian. Gutom na ‘ko. Feeling close siya masyado. Akala mo naman, friendship na kami since childhood. Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako sa sofa. Nagising ako dahil may naamoy akong… parang, pagkain. Minulat ko ang mata ko. Bumungad sa ‘kin ang maraming pagkain sa maliit na mesa. He arranged it. “Let’s eat.” Bumangon ako. “Akala ko papatayin muna ako sa gutom.”, kinuha ko ang kutsara at tinidor saka umupo sa sahig. “Hindi ko gugutomin ang nanay ng magiging mga anak ko.” Sambit niya. “Kumain ka na. Gutom lang ‘yan.” Sagot ko sa kanya. I know he’s just kidding me. Kinuha ko ang phone ko sa bag at in-on baka tatawag na naman si Daddy tapos hindi ko siya masasagot. Magagalit na naman ‘yon. “Bakit dyan ka sa sahig umupo. Malamig dyan.” Aniya. “Ayos lang. Kumain ka na rin.” Hindi nakaligtas sa ‘kin ang palihim niyang pagngiti. Napailing nalang ako. Ano na naman kaya iniinip ng lalaking ‘to. Minsan naiisip ko para siyang galing mental, kasi minsan ngingiti, seryoso, hindi ko na alam kong tao pa siya. Umupo rin siya sa sahig kaharap ko. “May boyfriend ka na pala.” Out of nowhere niyang sabi. “Wala akong boyfriend.” “E, sino ‘yong Hon---” I cut him off. “Hindi ko siya boyfriend. Ex-boyfriend.” Pagtatama ko. “Oh, I’m sorry.” Katahimikan ang namayani sa ‘ming dalawa hanggang sa matapos kaming kumain. Hindi na rin siya nagreklamo ng umalis ako sa opisina niya. Ang gusto niya lang pala, sabay kaming kumain dahil hindi ako pumayag nung inaya niya ako. Tapos, ang dami pa niyang sinabi. Bandang alas tres umuwi ako sa bahay. As usual, wala si Mama sa bahay. Siguro namalengke na naman. Natulog muna ako ng isang oras bago ako naligo at nagbihis para sa dinner. Hindi sasama si Mama sa ‘kin dahil may pupuntahan daw siyang importante pero naiintindihan ko naman siya e. Ayaw niyang makita si Daddy kasama si Mommy Diane. Kaya hindi ko nalang siya pinilit, kahit masakit sa loob ko. Nasa labas na ako ng resto nang makatanggap ako ng tawag ni Daddy. [Where are you?] “Nandito na ako sa labas, Dad.” [Ikaw nalang ang hinihintay.] “Saang table po ba?” [VIP table. Don’t worry the manager is coming to assist you.] I end the call and took a deep sigh. “Good evening, Ma’am. Are you, Miss Golden Sifiata?” sabi ng isang magandang babae sa ‘kin. Siguro mas matanda lang siya sa ‘kin ng tatlong taon. Siguro ito na ‘yong sinabi ni Daddy’ng manager. “Good evening. Yes, I am.” Sagot ko. “This way, Madam.” Sumunod lang ako sa kanya. Iniwan na niya ako ng marating namin ang VIP table. “Good evening po.” Bati ko sa kanila. “Have a seat, hija.” Sabi ni Daddy. Kumunot ang noo ko nang makita sila Tita Daniella at Tito Henry. What are they doing here? Oh, s**t! “I’m here.” Tumingin ako sa lalaking nagsalita. At hindi nga ako nagkamali, Jerald is here. I raise my eyebrow when our eyes met. I want to shout. Gusto kong magback-out but I need to calm myself. Mas lalo akong nakaramdam ng inis nang ngumiti siya sa ‘kin. “They are here already. Shall we start?” tanong ni Tito Henry. Na sinang-ayunan nila, maliban sa ‘kin. “Iha, have a seat.” Sabi ni Tita. I nod and smile to her. Umupo ako sa upuang bakante na katabi ni Mommy Diane. Palihim kong tiningnan ang nakaupo sa tapat kong upuan. He’s smiling at them sweetly and nodded. Hindi ko maintindihan ang sinasabi nila kasi hindi ako nakikinig sa usapan nila. Paano ako makakapag-fucos. Kung hindi pa rin magsink-in sa utak ko na ang fiancé ko ay ang lalaking na-meet at naka one-night sa bar. JUSKO! That one-night mistake. Ayokong maalala ang gabing ‘yon kasi maalala ko lang kung bakit ako napunta sa lugar na hindi ko pinupuntahan dati. Pero kung alam kong lang na siya ang ipapakasal sa ‘kin. Kahit magalit sa ‘kin si Daddy, hindi talaga ako papayag. Alam kaya niya ang tungkol dito? Mamaya ka sa ‘kin. “So, the engagement party. Will be, this coming Saturday.” Dumako ang tingin ko kay Daddy ng bitawan niya ang mga katagang ‘yon. Hindi ko na talaga mababago ang desisyon niya. Kakayanin ko ‘to. “What do you think, iha?” tanong ni Tita Daniella. “Uhm,” tumingin ako kay Jerald. “Ayos lang ba ‘yon sayo?” tanong ko sa kanya. Sana humindi siya, please. Huwag kang pumayag. Tumikhim siya. “Of course, babe. This is what we want right?” nanlaki ang mata ko sa tanong niya. Palihim kong sinipa ko ang paa niya sa ilalim ng mesa. “Ano bang pinagsasabi mo?” mahina kong sabi habang nakangiti na nakatingin sa kanila. Ngumiti lang siya sa ‘kin. “Babe?” sabay nilang sabi. “Yes. She’s my girlfriend.” Napanganga ako sa sinabi niya. Matalim ko siyang tiningnan. Humanda ka talaga sa ‘kin mamaya, bakulaw. Pareho silang hindi nakapagsalita kaagad. Nagpalipat-lipat lang sila ng tingin sa ‘ming dalawa. Tumingin ako kay Daddy. “Dad it---.” “Why you didn’t tell me that he is your boyfriend.” “Dad hin---.” “Hindi mo na kailangan mag-explain.” Bumaling siya kay Tito Henry. “Hindi na pala natin kailangang ipakilala sila sa isa’t isa.” ‘Daddy patapusin mo muna akong magsalita!’ “We should give them privacy.” Tita said. Privacy? Ano namang pag-uusapan namin? “I agreed with you, Daniella.” Sang-ayon ni Mommy at ngumiti. “Ang ibig bang sabihin nito. Sila na ang bahala sa kasal nila?” They nodded and say, “Yes.” Sabay nilang sagot kay Tito. Pagkaalis nila. Tinapakan ko ang paa niya sa ilalim ng mesa. “Ouch!” “You.deserve.it. Bakit mo sinabi sa kanila na girlfriend mo ‘ko? Ha!” “I’m sorry for that.” “Sorry, rejected. Tatanggapin ko ‘yang sorry mo kapag binawi mo na ang sinabi mo sa kanila kanina.” Tumayo siya at tumabi ng upo sa ‘kin. “Sa tingin mo… maniniwala sila kapag binawi ko ang sinabi ko?” “Problema mo na ‘yon.”, tumayo ako at iniwan siya dun. Habang nag-aabang ako ng taxi tumunog ang cellphone ko. Pagtingin ko sa screen, si Mama pala ang tumawag. “Hello, ma.” [Hello anak. Nagsisigaw ang nobyo mo sa labas.] “Ho?” [Kanina pa siya nasa labas. Sinabihan ko ng wala ka dito pero ayaw pa rin umalis.] “Pauwi na po ako, ma. Hintayin mo nalang ho ako dyan. Huwag ka na pong lumabas.” [Kaya nga ako tumawag sayo para sabihing huwag ka munang umuwi kasi lasing siya.] Natigilan ako sa sinabi ni Mama. [Anak doon ka muna sa Daddy mo.] “Ma alam mo naman pong ayaw kong tumira dun.” [Makinig ka sa ‘kin. Para rin ito sa ikabubuti mo.] “Pero ma…” [Huwag kang mag-alala. Tinawagan ko na ang kapitan ng barangay natin.] “Kakausapin ko lang po siya.” [Huwag ng matigas ulo anak. Wala siya sa wisyo ngayon baka saktan ka niya. Bukas mo nalang siya kausapin.] “Ma pwede bang sa condo nalang ako ni Leigh matulog? Please.” [Oo na. Basta mag-ingat ka, ha.] “Opo, ma. Mag-ingat ka rin po dyan. I love you. Bye.” [I love you too.] Hindi mawala-wala sa isip ko. Ang sinabi ni mama kanina. Bakit kaya siya naglasing? Did he realize that I’m worth it? Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga. Nakakapagod ang araw na ‘to. Ang daming nangyari. “Ang lalim nun ah. May problema ba?” halos mapatalon ako nang may nagsalita sa gilid ko. Nakahawak ako sa dibdib ko habang matalim siyang tininganan. “Papatayin mo ba ako?” “In pleasure? Nope. Dahil sabay tayong pupunta sa langit.” He said and smirk. I rolled my eyes. “Nye nye nye. Whatever.” “Hey! Where are you going?” Nagpatuloy ako sa paglalakad at hindi siya pinansin. “Hey! Hello! Golden.” “Gold.” Humaharap ako sa kanya. “Stop following me. Go home.” “I can’t leave you here.” “I don’t need you.” “Let me stay with you. Please.” “Fine.” Simple kong sagot. Umupo ako sa bench malapit sa may ilaw dahil masakit na ang paa ko kakalakad. Pagkaupo ko, umupo rin siya sa tabi ko. Nakatingin lang ako sa sasakyang dumaan. Kahit gabi na, madami pa ring dumadaan na sasakyan. Ang buhay talaga ng tao parang gulong. Paikot-ikot. Parang ako lang. Pinapaikot niya. I took a deep sigh. “What’s wrong?” “Nothing.” “Tell me.” “Wala nga. Ang kulit nito.” Napatingin ako sa kanya ng hubarin niya ang coat niya. Nagulat ako ng ilagay niya ito sa magkabilang balikat ko. “Thank you.” Kahit papano may konting ka-sweetan din pala siya. Ang swerte ng taong mahal niya kasi may trabaho na siya, sweet at maalaga. “Alam mo… ang swerte ng babaeng mahal mo.” Kumunot noo niya. “Why?” “You’re a perfect package.” “Perfect package?” taka niyang tanong. “Yes.” “Why?” tanong niya ulit. “Huwag ka ng magtanong. Lalaki lang ulo mo kapag sinabi ko sayo.” He smiled. “Ibig sabihin ba nito… magkaibigan na tayo?” hindi sigurado niyang tanong. “Hindi.” Mabilis kong sagot. “Ouch.” Sabi niya habang nakahawak sa bandang puso niya. “May alam ka ba tungkol sa arrange marriage na ‘to?” Umayos siya ng upo. “Yes. When I was in US, they always say that I have fiancé here in Philippines.” Napatango-tango naman ako. “Ah. So, sa US ka lumaki?” “Parang ganon na nga. Dito ako nagtapos ng elementary sa pinas and junior high but when I’m in senior high school. Sinama ako ni lola sa US para dun magtapos ng pag-aaral. Pero umuwi rin naman kami dito kapag bakasyon. Actually, kakauwi ko lang nung nasa bar ako.” Mahaba niyang sabi. Bigla kong naalala ang una naming pagkikita. Sa lahat ng pwedeng mangyari sa una naming pagkikita, do’n pa talaga sa bar. Talagang nilandi ko pa siya. “Ah… kaya pala marunong kang magtagalog.” Mangha kong sabi. “Ikaw. Pinaalam rin ba sayo ng daddy mo ang tungkol sa kasal?” balik niyang sa ‘kin. “Oo. Ayoko nga sana kasi may boyfriend ako at hindi ko rin kilala kung sino ang lalaking ipapakasal ‘kin.” Sabi ko at mapait na ngumiti. Habang inaalala ang pagtatalo namin ni Dad. “Pero nung nalaman kong niloko ako Franklin. I said yes kasi wala na akong dahilan para humindi.” Ramdam ko ang pagtitig niya sa ‘kin kaya nanatili akong nakatingin sa mga sasakyang dumadaan. Nang sa ibang direksyon na siya nakatingin saka lang ako tumingin sa kanya. “Ikaw may girlfriend ka ba?” “Wala.” Simpleng sagot niya. “Kasi hiniwalayan ko siya nung umuwi ako dito sa Pilipinas.” Dagdag niya. “I’m sorry.” I feel guilty kasi kung hindi ako pumayag siguro hindi rin sila maghihiwalay ng girlfriend niya. Tumingin siya sa ‘kin. “Why are you saying that?” taka niyang tanong. “Wala lang. Feeling ko kasalan ko kasi pumayag ako.” Mahina siyang natawa. “Nasa plano ko ng hiwalayan siya kasi may iba na rin siya.” Kaya pala pumunta siya sa bar that time. “HAHAHAHA. Pareho pala tayo ‘no.” tumawa pa rin ako kahit sa loob-loob ko gusto ko ng umiyak. Gusto ko ng sumigaw dahil hanggang ngayon masakit pa rin. Hindi naman kasi ganon kadaling kalimutan ang lahat ng pinagsamahan namin. Naramdaman ko nalang na nakapalibot na sa ‘kin ang mga braso niya. “Everything will be alright. Nandito lang ako palagi para sayo.” Nang gumaan na ang pakiramdam ko. Kakalas na sana ako sa pagkayakap niya sa ‘kin pero mas lalo lang niyang hinigpitan ito. “Let’s stay like this, please.” Wala na akong nagawa kundi ang pumayag sa gusto niya. Pumikit ako habang nakahilig ako sa dibdib niya. I feel safe and relax with this position. I’ve never been feels this before with Franklin. “Ihatid mo na ako sa condo ni Leigh.” Sabi ko at tumayo na. Nauna akong pumunta sa kung saan nakapark ang kotse niya. Bubuksan ko na sana ang pinto ng kotse niya pero naunahan niya ako. “Thanks.” “Always welcome, baby.” I know he’s teasing me. Pero naasar din talaga ako. Lalo na kapag nakikita ko siyang ngumiti. Habang nasa byahe kami ramdam ko na sumusulyap siya sa ‘kin. Para hindi ako mailing, pinikit ko ang mga mata ko. Kumusta na kaya si Mama sa bahay? Sana napaalis na si Franklin dun. Hanggang ngayon sariwa pa rin sa ‘kin ‘yong nakita ko sa condo ni Franklin. Hindi ko maiwasang hindi sisihin ang sarili ko kasi bilang girlfriend niya. Alam kong may pagkukulang rin ako. Minsan nawawalan ako ng oras sa kanya dahil sa photoshoot ko. Pero kapag may bakanteng oras naman ako, bumabawi ako sa kanya kasi ayokong maramdaman niya na may kulang. Na may nagbago. Pero marami pa rin palang kulang kahit ginawa muna ang lahat ng magagawa mo. Oo nga pala, hindi ko naibigay lahat kasi hindi ko naibigay ang pangangailangan niya bilang lalake. “Hey, what’s wrong? Why are you crying?” Minulat ko ang mga mata ko sabay hawak sa pisnge ko. Umiyak nga talaga ako. Hindi ko man lang namlayan. Siguro sa pag-iisip ko sa mga bagay-bagay. “May masakit ba sayo?” he sincerely asked. “Wala.” Sagot ko. “Wala? Tapos umiiyak ka.” Tumingin ako sa kalsada. “Don’t worry. I’m fine.” “Are you sure?” Tumango lang ako. I heard him sigh. At binalik na ang atensyon sa pagmamaneho. Kung may time machine lang ako. Matagal ko na akong bumalik sa masayang nakaraan. Pero wala e. Siguro kailangan talagang masaktan ang isang tao para matuto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD