Chapter 3

4488 Words
Chapter 3 Nagising ako dahil sa mabigat na bagay na nakadatay sa 'kin. Nang imulat ko ang mga mata ko. Mukha agad ni JD ang bumungad sa 'kin. "Nooooooooooooo!" "Hmm. Why are you shouting?" "Anong ginagawa mo dito?!" Umupo siya at sumandal sa headboard ng kama. "This is my condo unit. So I'm here." Nilibot ko ang paningin ko sa buong kwarto. "s**t! This room again!" naisambit ko. Binundol ng kaba ang puso ko. Nang tingnan ko ang sarili ko sa loob ng comforter. Oh My God! Bumangon ako. "I-Ikaw ang nagbihis sa 'kin?" "Yes." Walang pag-alinlangan niyang sagot. Bumilis ang t***k ng puso ko. "Tell me. May nangyari ba ulit sa 'tin kagabi?" walang pag-alinlangan kong tanong. Hindi ko maiwasang hindi maisip ng masama lalo't wala akong maalala sa nangyari kagabi. "Hmm?" umaaktong nag-iisip. "What do you think?" at pilyong ngumiti. "Sabihin mo nalang sa 'kin, okay?! Kasi hindi ako manghuhula." Mapalakas ang boses ko dahil naaasar na ako sa kanya. Tumawa siya ng mhina, "Hindi ka manghuhula pero alam mo ang totoo." "Pwede ba sagutin mo nalang ako ng maayos." Naiinip kong sabi. Ngumiti siya. "Oo na. Sinsagot na kita." "Huwag mo nga akong paglaruan, Jerald." Halos pumutok na ang ugat ko sa leeg dahil sa kakasigaw ko sa kanya. Wala namang masakit sa 'kin. Kaya sigurado akong walang nangyari sa 'min pero bakit iba na ang suot ko? Huhu, mamabaliw na ako kakaisip tapos wala pa akong maalala. "Hindi ako kagaya ng ex mo." "Huwag mo siyang isali sa usapan." "Fine. Nothing." Nakahinga ako ng maluwag. "Thanks, god." "Pero b-bakit mo 'ko binihisan?" tanong ko ulit. Tumikhim siya. "Uhm... that," biglang namula ang tenga niya pati na rin ang buong mukha niya at umiwas ng tingin. "You drunk last night at sumuka ka. That's why, pinaliguan kita." Nanlaki ang mata ko. "What!? My god, Jerald. Hinayaan mo nalang sana ako." Umalis ako sa kama. 'Umiral na naman ang katangahan mo, Golden.' Pero... wala naman akong maalala na uminom ako ah. "Ang tanga-tanga ko kasi eh. Nakahiya ka talaga." Bulong ko sa sarili ko. "Don't worry. Hindi ako nakatingin habang pinapaliguan kita. But I already saw that, hindi ka na dapat mahiya." "Shut up. Okay? At sinabihan na kita na doon ako sa condo ni Leigh but why did you bring me here!?" "Sinukahan mo 'ko. Hindi ako makakapagbihis kung doon kita hinatid kasi umuulan." Kalmado niyang sagot. Umupo ako sa gilid ng kama. "I'm sorry." Sabi ko habang nakatalikod sa kanya. I massage my forehead. "For?" he asked. "Causing you so much trouble." "You're not a trouble, babe." Nilingon ko siya. "Don't call me babe. I'm not your babe." "Baby." "Hindi ako sanggol." "But you're my baby." Parang bata niyang sabi. He's is a great teaser. Inikot ko lang ang mga mata ko. Saktong pagtayo ko, ang pagring ng cellphone ko. Kinuha ko ito pouch bag ko. This jerk! "Sagutin ko lang." paalam ko sa kanya. He nodded. Nang nasa sala na ako saka ko lang sinagot ang tawag. "Anong kailangan mo?" [Hon...] "Walang kang karapatan para tawagin akong ganyan." [Hon, I'm sorry.] "Kung 'yan lang din ang sasabihin mo. Sinasayang mo lang ang oras ko." [Come back to me. Please.] Tumingin ako sa kesami. Ayokong marinig niya na umiiyak ako. Ayokong malaman niya na naapektuhan pa rin ako. "Hindi na ako babalik sayo." [Gagawin ko ang lahat, lahat. Bumalik ka lang sa 'kin] "Huwag munang sayangin ang oras at panahon mo sa 'kin dahil kahit anong gawin mo hinding-hindi na ako babalik sayo." Mabilis kong pinahid ang luhang dumaloy sa pisnge ko pagkatapos kong patayin ang tawag. 'Kaya ko 'to' I need to be strong. Para sa sarili ko. Kahit sobrang sakit, kakayanin ko. Kakayanin ko. Pagpasok ko sa loob ng kwarto ni Jerald. Nakarinig agad ako ng lagaslas ng tubig mula sa banyo. Kinuha ko ang pouch ko at nagmamadaling lumabas sa kwarto niya. Lalabas na sana ako. Nang maalala kong nakasuot lang ako ng isang white long sleeve na hanggang hita at black cycling. Kailangan ko siyang hintayin. Jusko naman. Ilang sandali akong naghintay sa kanya sa sala bago siya bumababa. "I thought you leave me again." Tumayo ako. "Nasan ang damit ko?" "Pina-laundry ko." Simple niyang sagot. Napaupo nalang ulit ako sa sofa. Hindi ako pwedeng lumabas ng nakaganito baka kung pang isipin ng mga taong makakakita sa 'kin. Ang dami pa namang, marites ngayon. Tumingin ako sa kanya. "Uminom ba talaga ako kagabi?" "Pfft." "Mautot ka sana." Tumabi siya sa 'kin. "Nope. I'm just kidding you." Sabi niya at humalakhak. I glare at him. Kaya pala kahit anong pilit kong alalahanin ang nangyari kagabi wala akong maalala. "HA. HA. HA. Funny." "Ito naman nagbibiro lang ako." "Hindi magandang biro 'yon." Sigaw ko sa kanya. Naniwala naman ako. Tanga-tanga. "HAHAHA. Hindi ko naman sinaasahang seseryosohin mo e." "Nakakatawa 'no?" I ask sarcastically. Hahawakan niya sana ako pero lumayo ako sa kanya. "Huwag mo 'kong hawakan. Lumayo ka sa 'kin." Habang nakaharang ang mga kamay ko sa pagitan namin, para hindi siya makalapit. "Babe." "How many times do I have to tell you that, I'm not your babe." "Wife." My heart jump because of what he said. Ang sarap pala sa pakiramdam na may tatawag sayong wife. 'Golden, shut up!' "Hindi mo pa ako asawa." Ngumiti siya. "Kinilig ka nga e." "Huwag kang feeling." "Aminin mo na kasi. Uy, kinikilig siya." Sabi niya at nang-aasar na ngiti ang ginawad sa 'kin. "Hindi ako kinilig." Then I looked away. "Ba't ka namumula?" abot tengang ngiti niyang tanong. "Kapag hindi ka tumigil sa kakatawa. Sasapakin kita." Tumigil naman siya at zi-nip ang bibig niya. "Saan ang kusina mo dito?" "Bakit?" balik niyang tanong. "Huwag ka ng magtanong. Sabihin mo nalang." "There." Tumayo ako at pumunta doon. Bigla kasing kumalam ang sikmura ko, hindi nga pala ako nakakain ng maayos kahapon sa dinner. Kung alam ko lang talaga na si Jerald ang ipagkakasundo sa 'kin. Hindi ko na sasayangin pa ang oras ko, kahit na magagalit si Daddy. Binuksan ko ang refrigerator niya. At tanging itlog lang ang naroon. Kumakain kaya siya? "Hindi pa ako nakapag-grocery." Sabi niya. Sumunod pala ang clown. Humarap ako sa kanya. "Hindi ka ba kumakain ng agahan?" Kumunot noo kong tanong. "Depende." "Anong depende?" "Depende kapag may gana ako." Napabuntong hininga nalang ako sa sagot niya. Ibig sabahin minsan lang siya kumakain. Sinuot ko ang apron. At kumuha ako ng limang itlog sa refrigerator. Nilagyan ko muna ang rice cooker ng bigas at nilagyan ito ng tubig din I cooked it. Inisa-isa kong lutin ang itlog. Wala na kasing ibang laman ang ref. niya kundi itlog lang. "Done." Sabi ko pagkatapos kong maghanda ng pagkain. "I can't wait to be with you forever." Sabi niya habang nilalagyan ko ng kanin ang plato niya. Natawa ako sinabi niya. "Scam." "Anong scam? Nagsasabi ako ng totoo." Umupo ako sa katapat niyang upuan. "Kumain ka na." sabi ko saka nilagyan ko rin ng kanin at ulam ang plato ko. "Babe, totoo 'yong sinasabi ko." Naka-pout niyang sabi. "Oo na." pagsuko ko. "Napipilitan ka lang sagot mo e." parang bata niyang sabi. Hindi ko napigilan ang tawa ko dahil sa inakto niya. "Naniniwala na ako, JD." "JD? Sinong JD?" salubong ang kilay niya habang nakatingin sa 'kin. "Ba't ganyan ka makatingin?" tanong ko. Hindi niya ba alam na siya ang tinatawag kong JD? "Who's JD?" tanong niya ulit. Napailing nalang ako. "Kumain ka na baka lalamig na 'yang pagkain." Sabi ko at sumubo. "Don't change the topic." Mahinahon niyang sabi. "Bakit ka nagagalit?" "Hindi ako galit. I just want to know who's that guy." Natawa ako. "Gusto mo subuan kita?" tanong ko. "Babe 'wag mo akong daanin sa mga pa-sweet-sweet mo." Ramdam ko ang pagtitipi niya. Tingnan natin kung kaya mo bang tiisin ang ugali ko? At isa pa, I'm referring to him pero bobo siya. "Hindi mo nga ako, babe." "Sinong mas gwapo sa 'min?" Napahalakhak ako sa sinabi niya. s**t! Sa lahat ng pwede niyang itanong. Iyan pa talagang sino ang mas gwapo? E, siya lang naman 'yon. Ha Ha Ha. "What's funny?" "Nakakatawa ka kasi e." sabi ko habang nagpipigil ng tawa. "So, mukha akong clown." sabi niya. "Hindi. Mukha kang joker." Sagot ko sabay halakhak. Nagpakawala siya ng malalim na hininga habang seryosong nakatingin sa 'kin. "Galit 'yan?" "Tapos ka ng tumawa?" he asked seriously. "Ito naman binibiro lang. Galit agad." "I'm not mad. Let's eat." Nakatitig lang ako sa kanya habang sumusubo siya. Salubong pa rin ang maganda niyang kilay niya. Nagseselos kaya siya? 'Bakit naman siya magseselos? E, wala naming kami tsaka mag-fiance nga kami pero hindi namin mahal ang isa't isa. Hay, Golden ang advance mong mag-isip.' Kung sakaling nagseselos man siya. Saan siya magseselos? Sa sarili niya? Pero ang sarap niya palang pagselosen ah. Kung nagseselos nga talaga siya. "Staring is rude." Tumayo ako. "Ikaw ang tinutukoy kong JD." Pinaharap ko sa kanya ang katabi niyang upuan saka ako umupo roon. "Hindi ko kasi alam kung ano ang itatawag ko sayo. Dalawa kasi ang pangalan mo..." I said in a sarcasm way. "Jerald at Drake. Hindi ko alam kung alin sa dalawang 'yun ang totoo mong pangalan kaya, to make it short I called you, JD." Sabi ko at ngumiti sa kanya. Nakatingin lang siya sa 'kin at wala man lang siyang reaksyon. "I can call you, Jerald or Drake. If you don't like it." Bawi ko sa sinabi ko. Tatayo na sana ako kaya lang hinawakan niya ang kamay ko. "I like it. Akala ko kasi hindi ako 'yon." "Kaya nga ako natawa kasi tinanong mo 'ko. Kung sino ang mas gwapo." "Gwapo ba ako?" bigla niyang tanong. Tiningnan ko ang buong mukha niya. "Hmm.", Hinawakan ko ang kilay niya. "Oo. Lalo na kapag hindi salubong ang kilay mo at palagi kang nakangiti." Tatangalin ko na sana ang pagkakahawak sa kilay niya pero pigilan niya ang kamay ko at pumikit siya. "Tama na 'yan. Kumain na tayo." Binitawan niya naman ang kamay ko at dinilat ang mga mata niya. "Feed me." Sabi niya at hinawakan ulit ang kamay ko. "Ayoko." "Sabi mo susubuan mo 'ko." "Nag-expire na ang offer ko." Sagot ko. "Kiss me or feed me?" tanong niya na kinanganga ko. 'Really?' "Or." Sagot ko. "One..." "JD, are you serious?" hindi makapaniwalang tanong ko. Feed him talaga? I'm just kidding. "Two." "JD naman e..." "Two and half. Thre---" "Oo na. I'll feed you. You win." Ngumiti siya. "I always win." Inikot ko ang mata ko bago ko siya sinubuan. Pagkatapos naming kumain. Hinugasan ko muna ang mga plato at ginamit ko sa pagluluto bago ako sumunod kay JD sa sala. "Uuwi muna ako." Palaam ko sa kanya. "Why?" "Magbibihis ako." "Pinabilhan na kita ng susuotin mo. Just choose." Sabay tingin sa limang paper bag na nakalagay sa glass table. Isa-isa ko itong tiningnan. Bumungad sa 'kin ang isang black slit skirt terno. Sobrang ganda ng damit na ito at sa tansa ko, sobrang mahal ng mga ito. "Kung may napili ka na. Ipakita mo sa 'kin." "Mm." Sunod kong tiningnan ang isang paper bag. Isang white long sleeve at slit pencil skirt above the knee ang laman nun. Binuksan ko na rin ang pangatlo, pang-apat at panglima. "I like this." Pinakita ko sa kanya ang isang black slit skirt terno tapos may black blazer. "I don't like that. Hindi bagay sayo." Komento niya. Kinuha ko ang isa. "Ito nalang." At pinakita ang white crop top at maroon slit pencil above the knee. Hindi siya sumagot at kinuha ang panglimang paper bag na naglalaman ng black plain maxi skirt at peach sweater. "I like this." Sabi niya. "Iyan ang hindi bagay sa 'kin." "This one will suit you." "Mas bagay sa 'kin 'to." At kinuha ang damit na gusto ko. "Wala ka kasing alam sa fashion." "Dahil sa fashion na 'yan. Halos nakahubad na kayo." Seryoso niyang sabi. Umangat ang kilay ko. "WOW! Nagmalinis. Makakita nga kayo ng sexy halos lumuwa 'yang mata niyo kakatingin. Pero kapag girlfriend o asawa niyo, hindi niyo papayagan." Sabi ko. "You don't need that kind of clothes. Simple dress is more attractive than revealing one." Sabi niya at binigay sa 'kin ang black plain maxi skirt at peach sweater. "Just obey me, Gold." "Sana hindi muna ako pinapili." Sabi ko sabay kuha sa gusto niyang damit na isuot ko. Tumingin siya sa pambisig niyang relo. "You have 5 minutes to change your clothes." Nakataas kilay ko siyang tiningnan, "Sinabi ko bang sasama ako sayo?" tanong ko. "Your time is start now." "Anong..." "4 minutes." Napanganga ako sa kanya. "Really... JD?" kunot noo kong tanong. "3 minutes left." Sambit niya habang nakatingin pa rin sa 'kin. "Hindi ka ba marunong magbilang?" "Like you, my time is gold." I took a deep sighed. "You can go. Hindi mo 'ko kailangang hintayin dahil hindi rin ako sasama sayo. Okay?" "2 minutes..." Nanatili lang akong nakatingin sa kanya. "Kahit magbilang ka hanggang one hundred. Hindi pa rin ako sasama sayo." "1 minute." Pagkasabi niya nun. Tumayo siya at lumapit sa 'kin. Nanlaki ang mga mata ko ng isa-isa niyang binuksan ang mga butones ng suot ko. Bumilis ang t***k ng puso ko ng tumingin siya sa mga mata ko. Oh! God! What is he doing? 'Golden you need to stop him.' 'Do something.' Napalunok ako ng ilapit niya ang mukha niya sa 'kin. "A-Anong ginawa mo?" sabi ko at hinawakan ang kamay niya ng makabawi ako sa gulat. "Undressing you." Simple at mahinahon niyang sabi. Na para bang normal lang ang ginawa niya. Jusko! Inalis niya ang pagkakahawak ko sa kamay niya at pinagpatuloy ang ginawa niya. "JD, stop it." Hindi siya nakinig sa 'kin. Binundol ng kaba ang puso ko. No! Hindi na dapat pang maulit ang nangyari sa 'min. That one night is enough. Once is enough, twice is to much ika nga, ni Leigh. Naramdaman ko nalang na dumausdos ang suot kong damit pababa. Kita ko ang pagtaas pababa ng adams apple niya. Pakiramdam ko, biglang nag-init ang buong paligid dahil sa mga ginawa niya ngayon. Pinagsalawang bahala ko ang init at kabang naramdaman ko. Nang tumingin ako sa mata niya, I saw his eyes full of desire and lust. I close my eyes when I feel his lips landed on mine. He enter his tougue inside my mouth. Pagkatapos kinagat-gakat niya ang ibabang ko, na nagbuhay sa buong kalamanan ko. I mind says, I need to stop him but my body says, I badly want him. I encircled my arms around his neck at mas nilapit pa namin ang sarili namin sa isa't isa. He leave small kisses in my neck down to the valley of my breast. Pareho kaming napitigil sa kabaliwang ginagawa namin nang tumunog ang cellphone niya, hudyat na may tumawag. We both catch our breath when our lips parted. "I'm sorry." Sambit niya. Hindi ako sumagot. Nanatili lang akong nakatingin sa kanya. Hindi man lang ako nag-abalang tingnan kung ano ang pinulot niya sa sahig. Ramdam ko ang pamumula ng mukha ko ng makitang, ang damit na hawak-hawak ko 'yon kanina. Hindi ko man lang naramdaman na nabitawan ko ito. "Hey! Kanina ka pa tulala dyan." Sabi ni Leigh habang nakatingin sa salamin. "Huh...? Uhm, may iniisip lang ako." Sagot ko sa kanya. Hindi kasi mawala sa isip ko ang nangyari kanina sa condo ni JD. Sobrang nakakahiya. Hindi naman ako ganun. Pero bakit pagdating sa kanya biglang susuko ang katawan ko. "JD, ako na." sabi ko. Pero hindi siya nakinig. Pinasuot niya sa 'kin ang peach sweater tapos ang plain maxi skirt. Kinuha niya ang isang paper bag. At halos lumuwa ang mata ko ng makita ang laman nun. "What the hell!" nasambit ko. "Ibalik mo 'yan sa paper bag. Huwag mo ng ituloy ang binalak mo." Sabi ko habang umaatras. He smirked. "This is not the first time that---" "Stop! I know, okay? Wala ako sa tamang wisyo ng mga panahon na 'yon. Pero ngayon, ako na ang magbibihis ng undergarments ko dahil kaya ko na." Sabi ko. Mas lalo akong namula ng titigan niya ang hawak niyang pangloob kong damit. s**t! Walanghiya talaga ang lalaking 'to. "Come here, babe." He said in a seductive way. "JD, tigilan mo 'ko." "Inaano ba kita?" inosente niyang tanong. That's a simple question pero parang iba ang dating nun sa 'kin kaya mas lalo akong nailang sa presenseya niya. Lalo't hindi mawala-wala sa isip ko ang ginawa namin kanina. Pinanlakihan ko siya ng mata. "Akin na 'yan. Just answer the call." "Halikana. Baka ma-late tayo." "Ayoko." Sagot ko. Umatras ako ng humakbang siya palapit sa 'kin, hanggang sa napaupo ako sa single sofa. Napalunok ako ng lumuhod siya sa harapan ko. Nilagay niya ang pangloob kong damit sa hita ko. "I respect you. Change, now." Sabi niya at tumayo siya. Kaya ngayon, hindi ko alam kong may mukha pa ba akong ihaharap sa kanya. Nahihiya pa rin ako. Kung pwede nga lang na hindi na ako pumasok ngayon ginawa ko na. "Tungkol ba 'to sa fiancé mo?" tanong niya. Tumango ako. "Mm." "Oo nga pala. Hindi mo pa kinuwento sa 'kin ang nangyari sa meet up niyo ng fiancé mo." "Ikukwento ko rin sayo. Don't worry." Pero ang totoo, wala akong plano na sabihin sa kanya ang nangyari sa meet up namin. "Golden, let's take another shoot." Sabi ng photographer na si Ivan. Tumayo ako at pumunta sa gitna. Nakasuot ako ng isang Two tone shorts bikini swimsuit. Then, ginawa ko na ang pose na dapat gawin. "Good. Isa nalang." Sabi ni Ivan. I pose seductively and look at the camera. Saktong pagclick ng camera ang pagdating ni JD. "Ang galing mo, Gold." Puri nila sa 'kin. Pumalakpak pa si Leigh hanggang makalapit siya sa 'kin. Ngumiti lang ako. "Good afternoon Sir." Bati nilang lahat maliban sa 'kin. "Dressing room muna ako." bulong ko kay Leigh, tumango naman siya. Pumunta ako sa dressing room para magbihis. "Listen, everyone." Rinig kong sabi ni JD. "Starting today, Miss Zana Montereal will be the new model of our company." anunsyo ni Jerald. Kahit nasa loob ako ng dressing room, rinig-rinig ko 'yon dahil hindi ito sound proof. "New? Kuya, what do mean?" rinig kong tanong ni Leigh. "I already fired, Miss Golden." Nagulat ako sa narinig ko. Fired me?! Wala naman akong ginawang masama ah. I didn't break the company rules. What the hell? Oo, gusto kong resign pero hindi pa ngayon. Panakot ko lang 'yon... "Anong? s**t ka, JD." Mahina kong sabi. "Ano? Bakit?" tanong ni Queenie. "Kuya, no!", Leigh. Pagkatapos kong magbihis. Tumingin ako sa salamin at huminga ng malalim. Paglabas ko, lahat sila nakatingin sa 'kin. Tinging ayaw mawala at nakakaawa lalo na ang mga empleyado. "Hindi mo 'ko kailangang tanggalin sa pagiging model sa kompanya mo dahil ako mismo ang aalis." Sabi ko na kinalaki ng mata nila, except to him at sa babaeng kasama niya. "Bessy...". Sabi ni Leigh sabay hawak sa mga kamay ko. "Golden." Mga empleyado. Nang makalapit ako sa kanila. Tiningnan ko ng masama si JD bago tinitigan ko si Zana sa mata. "Hindi ka pa rin nakuntento 'no. Pati trabaho ko aagawin mo." At diniinan lahat ng salita na lumalabas sa bibig ko. "Hindi ako mang-aagaw. Mas magaling lang ako sayo." Nakangiti niyang sabi. Ngiting nang aasar at asar na asar naman ako. I smirked. "Oo, mas magaling ka. Mas magaling kang lumandi." I paused and looked at her seriously. "Kung sa bagay... performance na basihan ngayon. If you are not good at it. Iiwan ka. Tandaan mo, performance lang ang lamang mo sa 'kin." "You!" nanggigil niyang sabi. Lumapit pa ko sa kanya. "Minahal ako ni Franklin sa kung sino ako. Ikaw, ginamit ka lang niya to fulfill his needs." Diin kong sabi. Sasampalin niya sa ako pero mabilis 'yong nasalo ni... JD. "Enough." Mahinahon niyang sabi. Tumingin siya kay JD. "Let me go, kuya." At nagpupumiglas siya. Pero hindi siya binitawan ni JD. "Kuya?" tanong ko. "I get it." sabay tango-tango. Pinsan niya rin 'to kasi wala naman siyang ibang kapatid. Kuya? So, pinsan niya rin 'tong malandi na 'to? Feeling ko sasabog na ang ulo ko dahil sa init nito. Gusto ko siyang sampalin, sabunutan at ilampaso ang mukha niya sa sahig pero hanggat kaya ko pang kontrolin ang sarili ko. Hindi ko gagawin 'yon pero kapag hindi ko na kaya pasensyahan nalang. "Mahal niya ako." Sabi niya. Tumawa ako ng mapakla. "Mahal ka niya kasi kailangan niya." sabi ko at umalis. "Bes!" rinig kong sigaw ni Leigh. Lumingon ako pero hindi ako huminto sa paglalakad. "Bes, galit ka ba 'kin?" tanong niya ng maabutan niya ako. Natawa ako. "Bakit naman ako magagalit sayo?" tanong ko pabalik. "Dahil sa ginawa ni Ate Zana." "Hindi. Hindi naman ikaw ang lumandi sa boyfriend ko." Sabi ko habang nakatingin sa dinadaan namin. Nang marating namin ang opisina niya umupo ako sa mahabang sofa at hinilot ang batok ko. "Magreresign ka ba talaga?" tanong niya. "Joke lang 'yon." Natatawa kong sabi. "Pero... parang ganun na nga." Hindi sigurado kong sagot. Totoo naman talaga, hindi ako sigurado. Hindi ko alam. "Bessy naman e..." parang bata niyang sabi. Nagpakawala ako ng buntong hininga. "Kahit hindi ako magresign. Wala na akong trabaho." "Kakausapin ko si Kuya." he insist. "Huwag na. Hindi mo mababago ang desisyon niya. At isa pa, mas okay na 'yong hindi ako nagtatrabaho dito para hindi ko na siya makikita minu-minuto." Biglang nawala ang hiyang naramdaman ko dahil sa sinabi niya. Naiisip ko pa lang naiirita na ako. Kumunot ang nuo niya. "Ibig mong sabihin... nagkikita kayo araw-araw, minu-minuto? OMG! Don't tell me." Napatakip siya sa bunganga niya ng tumango ako. "Kyaaaaah. Talaga? Ibig sabihin, MRS. MADRIGAL ka na." sigaw niya. "Hindi pa niya ako asawa." Dati kasi palagi niyang kinukwento sa 'kin ang kuya niya pero hindi niya naman sinabi kong ano ang pangalan. She always says that we are perfect couple, sana raw magkita kami soon. Abot tenga ang ngiti sa kanyang labi habang nakatingin sa akin. "Dun din papunta 'yon. Grabe... hindi ako makapaniwala. Ate na kita." I raise my eyebrows. "Ate?" "Oo. Kasi fiancé mo si Kuya." "Leigh, don't you dare call me ate." Sabi ko. "Ate." At ngumiti siya. Nang-aasar na naman. I rolled my eyes. "I need to go." Sabi ko saka ako tumayo. Tumayo rin siya. "Bes, binibiro lang kita. Huwag ka munang umalis." Sabay hawak sa kamay ko. Napailing ako. "Para kang bata, Leigh. Kakain lang ako sa labas." Binitawan niya ang kamay ko at sinukbit ang sling bag niya sa balikat niya. "Sasama ako." Sabi niya habang naka-pout. Tumango lang ako. Biglang pumasok sa isip ko ang nangyari kanina. Ang kapal ng mukha niyang magpakita sa 'kin. Pati trabaho ko, inagaw niya. Lahat nalang ba ng sa 'kin? Aagawin niya? Nakuha na niya sa 'kin si Franklin pati ba naman ang trabaho ko? Mahal ko ang trabaho ko kaya masakit sa 'kin na mawala 'yon. Pinaghirapan ko kung saan man ako ngayon pero nawala lang bigla? Ayos lang sana, kung trabaho lang ang inagaw niya sa 'kin. Kahit sinabi kong break na kami ni Franklin at ayaw ko na sa kanya. I still love him. Hindi nagbago ang naramdaman ko sa kanya. Sinabi kong hindi ako marupok sa harap niya pero ang totoo... gusto ko ng um-oo sa panunuyo niya. Gusto ko ng marinig ang eksplenasyon niya. Gusto ko ng maging kami ulit. I missed him so much. We've been in 9 years relationship, nakaplano na ang lahat para sa aming dalawa, para sa bubuin naming pamilya kaya nag-assumed ako na kami talaga in the future. Pero matatapos lang pala 'yon ng ganun kadali. Sa nine years naming mag-on hindi niya ako ginalaw, kasi sabi niya ang laki ng respeto niya sa 'kin. We kiss but we never making love. Kaya nilandi lang ng malandi, kumagat naman. "Besy!" "Bes, why are you crying? Kausapin mo naman ako. Hey!" Bumalik ako sa wisyo ng hawakan ako ni Leigh sa balikat. "Huh?" wala sa sarili kong sagot. "Kanina ka pa umiiyak. Tapos, hindi mo pa ako pinapansin." Nag-aalala niyang sabi. Napahawak ako sa pisnge ko. Umiyak nga talaga ako. "Magkaibigan tayo, Gold. You can tell me naman about your problem eh, hindi 'yong nakatulala ka lang dyan tapos umiiyak. Natatakot na ako sayo." Sabi niya habang hinahaplos ang likod ko. "Don't cry." Pagkatapos kasi naming kumain kanina dumiretso kami dito sa condo unit niya. Gusto kong mapag-isa. Gustong makapag-isip ng maayos. Ayoko ng may kausap. "Don't worry. Ayos lang ako." At mapait na ngumiti sa kanya. "Paanong hindi ako mag-aalala sayo. E, umiyak ka dyan." "Leigh!? Leigh!? Leigh!?" Rinig kong sigaw mula sa baba. Nangunot ang nuo ko ng marinig ang boses na 'yon sa baba. Is that, JD? Nagmamadaling binuksan ni Leigh ang pinto at hindi nga ako nagkamali dahil niluwa nito si JD. "Kuya." Sabi niya saka sinarado niya ulit ang pinto ng makapasok na ang pinsan niya. Dumako agad ang tingin niya sa 'kin. "What happened? Are you okay? Tungkol ba 'to sa kanina?" sunod-sunod niyang tanong. "Anong ginagawa mo dito?" walang gana kong tanong. Ayoko siyang makita. Ayoko silang makita. I want to be alone. "Besy, sorry ah. Ako kasi ang nagpapunta kay kuya dito eh." tapos nilalaro niya mga kamay niya, na para bang natatakot na mabulyawan ko siya. Sumandal ako sa headboard ng kama ni Leigh. At hindi ako nagsalita. "Ate bessy, nag-alala kasi ako sayo eh. Sorry... sige mag-usap muna kayo." sabi niya at lumabas ng kwarto. Umupo si JD sa gilid ng kama. "Gold, ginawa ko 'yon kasi asawa kita." "I'm. Not. Your. Wife." Diin kong sagot. "At isa pa, wala akong pakialam sa pagtanggal mo sa 'kin bilang model ng kompanya niyo dahil makakahanap rin ako ng ibang kompanya." "Ayokong ma-stress ka." "Ano naman sayo? Yes, you are my fiancé but I will not allow you to control me." Hinawakan niya ang kamay ko. "Gold, I'm not controlling you." And he looked directly into my eyes. "Ginawa ko 'to para sayo. Just obey me. Please." "Alam mo sa totoo lang. I didn't trust you. Yes, we'd a one night. You are my fiancé 'kuno'. But we are still stranger to each other. Hindi pa natin kilala ang isa't isa, I'm wondering why you act like that? Ayokong tawagin mo 'kong babe, 'coz first of all. You are not my boyfriend nor my love one. Pang-apat na araw palang 'to, simula nung nagkita tayo sa bar kaya hindi ko mo 'ko masisi kung ganito ako sayo." Mahaba kong sabi. Apat na araw palang simula nung magkita kami, accidentally tapos aakto na siyang ganyan?! Fiancé ko nga siya pero hindi namin mahal ang isa't isa. So, why he wasted his time on me. At isa pa, ayokong bigyan ng kahulugan ang mga pinapakita niya sa 'kin. Ayokong maloko ulit. I'm still in pain tapos mahuhulog ako ng ganon kadali? Para ko na rin siyang ginawang panakip butas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD