Chapter 4
“That’s not a big deal.” Sagot niya.
“For me, that is a big deal. Ayokong ikasal tayo, na hindi natin kilala ang isa’t isa.” Sabi ko.
“Then, let’s start getting to know each other.”
Babawiin ko sana ang kamay ko ng higpitin niya pagkakahawak dito. Napapikit ako at nagpakawala ng malalim na hininga.
“Umalis ka na.” mahinahon kong sabi.
“Gold…”
“Iwan mo muna ako.” Sabi ko ng hindi nakatingin sa kanya.
Hindi ko alam kung saan nanggaling ang galit ko. Siguro dahil pinalitan niya ako sa pagmo-model tapos, ‘yon pang babaeng pinalit sa ‘kin ni Franklin. Kung sa bagay may karapatan naman siya kasi, siya ang boss tapos pinsan niya si Zana.
Wala na akong magagawa kung iyon talaga ang desisyon niya.
Lumingon muna siya sa ‘kin bago tuluyang lumabas sa kwarto ni Liegh.
Ilang araw ang lumipas hindi na kami nagkikita o nagkausap ni JD simula nung araw na ‘yon. Wala rin naman akong balak na magpakita sa kanya.
Nagising na naman akong parang hinuhukay ang sikmura ko. Nagmamadali akong pumunta sa banyo para sumuka. Isang linggo na akong ganito, palaging nagsusuka. Hindi lang isang beses akong nagsusuka sa isang araw kasi kapag nakaamoy ako ng sibuyas at bawang nasusuka ako.
Isang liggo na rin akong walang trabaho. Kinailangan ko pang magsinungaling kay mama na nag-leave ako ng isang buwan dahil masakit ang ulo ko. Marunuong na talaga akong magsinungaling. Palagi rin akong nakatanggap ng text at tawag mula kay JD at sa dalawa kong kaibigan, si Leigh at Shai. Pero niisa dun wala akong ni-replyan at sinagot sa mga tawag nila.
Saktong pagpunta ko sa kusina ang siyang paglagay ni mama sa sibuyas sa kawali.
“Ma, ano pong lulutoin mo?” tanong ko habang pinipigilan na huwag maduwal.
Lumingon siya saglit at ngumiti. “Ang paboritong ulam ng prinsesa ko.” Sabi niya.
Napahawak ako sa mesa ng sumakit ang ulo ko. Nang hindi ko makayanan, pumunta ako sa lababo at sumuka.
“Anak ilang araw ko ng napapansin iyang pagsusuka mo.” Biglang sabi ni Mama. “Buntis ka ba?” natigilan ako sa tanong ni mama.
Napalunok ako at humarap sa kanya. Hindi ko rin alam. But… I have this feeling---No!
“Ma, hindi po.” Sagot ko.
Imposibleng mabuntis ako. Isang gabi lang ‘yon. Isang gabing pagkakamali na nagawa ko. Na hindi dapat magbunga. I’m not pregnant. Sigurado ako.
“Sino ang ama ng dinadala mo?” tanong niya ulit na mas lalong nagpabundol ng kaba sa dibdib ko.
“Ma… hindi po buntis.”
Ayoko. Hindi. Hindi pwede. Hindi pa ako handa.
“Golden, anak kita. Kaya alam ko, kung kailan ka nagsisinungaling at hindi.” Seryosong sabi ni mama.
“Ma…”
“Alam kong wala ka ng trabaho.”
Ramdam ko ang pamumuo ng luha sa mata ko. Paano niya nalaman na wala na akong trabaho?
“At kahit hindi mo sabihin sa ‘kin. Alam kong wala na kayo ni Franklin, kaya sabihin mo sa ‘kin kung sino ang ama niyang batang dinadala mo. Huwag ka ng magsinungaling pa sa ‘kin.”
Hinwakan ko ang dalawang kamay ni Mama. “Ma, sorry po. Sorry, kung nagsinungaling ako sayo. Ayoko lang naman pong mag-alala kayo sa ‘kin. Ayokong problemahin niyo ‘ko. Sorry, ma." At dun, nagsituluan ang luha sa mata ko.
Mas lalong kumirot ang puso ko ng makita ang sariwang luha sa mata ni mama. Ayokong umiyak siya. Ayokong problemahin niya ako. Ayokong masaktan siya pero ako pa mismo ang gumawa ng lahat ng iniiwasan ko.
“Anak, hindi mo kailangang magsinungaling sa ‘kin. Ina mo ‘ko. Simula nung dumating ka sa ‘kin, ni minsan hindi sumagi sa isip ko na isa kang problema. Kasi simula nung dumating ka sa buhay ko binago mo ang lahat. Nawala ang sakit at kirot ng puso ko. Pinalitan mo ito ng walang hanggang saya.” Sabi niya.
“Sinabihan na kita dati pa hindi ba? Na kahit hindi kompleto ang pamilyang kinagisnan mo. Nandito lang ako para sayo. Sa saya, sa lungkot at problema. Sinabi ko rin na huwag kang magsinungaling sa ‘kin. Hindi mo lang ako ina, kundi ama, kapatid at kaibigan.”
Walang sabi-sabing niyakap ko si mama ng mahigpit. I feel guilty because of what I did. Totoo ang sinabi ni mama, palagi niya akong pinapaalahan na huwag akong magsinungaling sa kanya kasi hindi lang nanay ang role niya sa buhay ko.
Ayokong masaktan si Mama pero ako pa mismo ang gumawa ng ikakasakit niya.
“Patawarin mo ‘ko, ma. Sorry po talaga.” Sabi ko sa pagitan ng yakapan namin.
“Ayos lang. Huwag ka ng magsinungaling ulit sa ‘kin.”
“Opo. I love you, ma.”
“I love you too, my princess.”
Nang kumalas siya sa yakap pinaupo niya ako at binigyan ng tubig. Ang swerte ko, kasi siya ang naging mama ko. Palagi siyang nasa tabi ko kapag may problema ako. Handa siyang patawarin ako kapag may kasalanan ako sa kanya. Palagi siyang nandyan para makinig sa mga problema, at sa achievement ko. Si mama ang never na nang iwan sa ‘kin. Kahit anong oras nandyan siya para damayan ako sa sakit na maramdaman ko.
“Hindi mo pa sinabi sa ‘kin. Kung sino ang ama ng apo ko.”, parang may kung anong bagay na humaplos sa puso ko ng marinig ko ang salitang binitwan niya. Ang sarap sa tenga.
“Ma, kasi… hindi ko po alam kong buntis ako.”
Tumayo siya. “Sasamahan kitang pumunta sa ospital. May kaibigan akong doktor.”
Tumingin lang ako sa kanya at umiling.
“Anak, tumayo ka na. Magpapa-check up ka lang naman. Hindi ka papatayin do’n.”
I took a deep sighed at tumayo na.
Puno ng kaba ang puso ko habang nagppt ako sa comfort room. Kinakabahan ako sa magiging resulta. Kasi nang makita ko ang sanitary napkin ko kanina hindi pa ko pa nagamit. Isang buwan na akong delay.
Tatlong pregnancy test ang binigay sa ‘kin ni tita Lina. Para daw makasigurado. Humugot ako ng malalim na hininga bago isa-isang tiningnan ang tatlong PT.
Nanlaki ang mga mata ko sabay lunok ng sariling laway ng makita ko ang resulta.
I am pregnant.
No!
“Hindi pwede.” sabi ko sa sarili ko.
Paano na ‘to ngayon? Anong gagawin ko? Kapag malaman nilang buntis ako mas mapadali ang kasal namin. May dahilan na rin ako kung bakit ako pumayag na ikasal kay JD. Pero… ayoko pang ikasal lalo na sa kanya.
“Ang tanga-tanga ko kasi eh.” Tumingin ako sa kisame para pigilan ang namuong luha sa mata ko pero hindi ko nagawa at tumulo pa rin.
Paano ko ‘to sasabihin kay mama na totoong buntis ako. Kung malalaman din ng mga kapitbahay namin na buntis ako tapos walang ama, sasabihin nilang disgrasya ako. Kung sa bagay… totoo naman. Dahil sa kapabayaan ko, nabuntis ako.
“Napakatanga mo talaga Golden.”
Paglabas ko sa CR tumayo agad sila.
“Anong resulta?” tanong agad ni mama.
Hindi na naman ako nakasagot. Feeling ko naka-freeze ang bibig ko. Lumapit siya sa ‘kin at kinuha ang Preganancy Test saka niya ito tiningnan.
“Buntis ka nga.”
Para akong nabingi sa aking narinig. Habang paulit-ulit na nag-eecho ang mga salitang binitawan ni Mama. Saya, lungkot at kaba ang naramdaman ko sa puso ko.
Masaya ako kasi may isang buhay ang nasa loob ng sinapupunan ko. Malungkot ako kasi hindi ko maiibigay sa kanya ang buong pamilya na pinangrap ko. Kinakaban ako sa kung anong pwedeng mangyari lalo na kapag malalaman niyang buntis ako at siya ang ama.
Nanlumo akong umupo sa couch na nasa opisina ni tita. Sinabihan niya ako kung ano ang dapat gawin, ang dapat kainin at iba, pero ni isa dun wala akong natandaan.
Isa lang ang natandaan ko, I’m pregnant. I am carrying his child. At masilan ang pagbubuntis ko. Buong byaheng tamihik ako at nakatingin lang sa madadaan namin. Hindi na rin ako tinanong ni mama kung sino ang ama ng baby ko.
Papasok ako ng gate, siya ring pagring ng cellphone ko. Pagtingin ko, si Liegh.
“Hello, Liegh.”
[Thanks God! You answered it, Ate bessy.]
“Liegh, ‘di ba sabi ko. Huwag mo akong tawaging ate.”
[Eto naman…]
“What do you want?”
[Pinatawag ka ni tito.]
“Ano!? Bakit daw?”
[Pumunta ka kaya dito para malaman mo. Tsaka, bes. Your father is here.]
“Ayoko.”
[Bes, kapag hindi ka pumunta dito. Masisanti ako.]
“Tito mo ‘yon kaya malakas ang kapit mo sa kanya. At isa pa, wala siyang dahilan para sisantihin ka. Bye.”
I was about to hang up the phone ng nagdrama siya.
[Gusto mo bang mawalan ako ng trabaho? Kapag mangyari ‘yon wala na akong pera. Wala na akong pambayad sa con---]
“Tigilan mo ‘ko, Liegh. Mayaman ang lahi niyo kaya hindi ka pa maghihirap kapag sisantihin ka. Sige na. Busy ako.”
[Huhuhu. Hindi muna ako love.]
“Liegh, tumigil ka na. Alam kong hindi si Sir Henry ang magsisanti sayo.”
[Anong hindi? Siya kaya.]
“Gusto mo tawagan ko siya?”
[E… oo na. Si kuya kasi e.]
“Sabi ko na nga ba. Sabahin mo dyan sa kuya mo. Busy ako.”
[Sige. Kapag hindi ka pumunta dito habang buhay kitang sisihin sa pagsisanti sa ‘kin.]
“Magpinsan nga kayo. Parehong blackmaile--- hello? Hello!?”
“Walanghiya. Binabaan ako.”
“Ma! Aalis muna ako.” Sigaw mula sa munti naming sala. Nasa kwarto kasi siya.
Bumukas ang pinto. “Saan ka pupunta?”
“Sa EM’s corporation po. Pinatawag ako ni sir Henry.”
Biglang tumaas ang kilay ni mama. Now, I know. Kay mama ko naman ang pagtataas kilay.
“Bakit?”
“Hindi ko po alam. Sige po, aalis na ako.”
“Mag-ingat ka.”
Ngumiti ako. “Opo.” Sagot ko.
Nang marating ko ang building na pag-aari ng Madrigal family. Dumiretso ako sa opisina ni JD. Hindi na ako nag-abalang kumatok sa pinto, pagkapasok ko mas lalo kong narinig ang halakhakan nila, hindi ko alam kung sino ang mga kasama niya. Maybe, mga kaibigan niya.
Tumikhim ako. Kaya napalingon silang lahat sa ‘kin. Hindi ko inalis ang masamang tingin kay JD. Nakaupo siya sa swivel chair niya habang ang mga kaibigan niya nakaupo sa sofa na nasa gilid.
“Anong kailangan mo sa ‘kin?” tanong ko ng tumingin siya sa ‘kin.
“Oooh!” rinig sabi ng mga kaibigan niya.
“Finally, you’re back. One-week mo rin akong tinataguan.” He calmly said.
“Hindi kita tinataguan. Malamang hindi mo makikita ‘cause you fired me.” Sagot ko.
“Siya iyong babaeng kausap mo Lance, ‘di ba?” rinig kong sabi ng isa sa mga kaibigan niya.
Napatingin ako sa kinaroroonan ng mga kaibigan niya, when I heard that named, Lance.
“May I know your name?”
“Golden. Just call me, Gold.”
“I like your name. I’m Lance. Nice to meet you.” Sabi niya at nilahad ang kamay sa ‘kin.
Tinanggap ko naman ito. “Nice meeting you too.”
There, I saw the man I’ve met at the bar that night. He looks handsome with his suit. But JD is more attractive and handsome than him. Wait. Why I am comparing them?
Nakatingin siya sa ‘kin ng seryoso. Tinging nakakatunaw at sa paraan ng pagtitig niya, parang matagal na kaming nagkakilala. Kaya tinitigan ko rin siya.
Bumalik ang tingin ko kay JD ng tumikhim siya. Kita ko ang pagsalubong ng kilay niya. What’s with him?
“I fired you because you are my soon to be wife.” Nakangisi niyang sabi.
Napataas ang kilay ko. “Nonsense.” Sagot ko.
“Dude, may fiancé ka na pala?” sabi nung medyo bata sa kanila.
“I think we should go, now.” Sabi ni Lance at tumayo.
Nasitayuan naman ang dalawa pa nilang kaibigan.
“May trabaho pa pala akong naiwan.” Sabi nung naka-messy hair. He is cute.
“Bye, bro.” paalam nila.
“Huwag na kayong bumalik.” Sabi niya na tinawanan lang ng mga kaibigan niya.
Nagkatitigan pa kami ni Lance bago sila tuluyang makaalis. Bakit feeling ko, matagal niya na akong kilala. The way he looks at me parang may gusto siyang sabihin, parang he wants me to talk to him.
“Kung wala kang sasabihin. Aalis na ako.” Sabi ko pagkaalis ng mga kaibigan niya.
“Why did you not answer my calls, hindi ka rin nagr-reply sa mga text ko.”
“Busy ako.”
“Busy saan? Ngayon ka lang lumabas sa bahay niyo.” Nagulat ako sa sinabi niya. Pero hindi ako nagpahalata. I stay cool. Pa-cool, ganun.
“Wala kang pakialam.”
“Umupo ka muna.” Alok niya sa ‘kin.
“Huwag na. Aalis rin naman ako agad. Hindi ako magtatagal.”
“Hardheaded.” He said in a serious tone.
“I know.”
Umiling siya at tumayo. Kinuha niya ang dalawang upuan na nasa harap ng mesa niya. Nang nasa harapan ko na siya pinaupo niya ako sa isang upuan habang siya umupo siya sa isa, kaharap ko.
“My mom always asked me about you.” Panimula niya.
“Bakit naman?” wala sa sariling tanong ko.
“She wants you to have a dinner with us.”
“Talaga?” walang gana kong tanong.
“Yes. Bakit parang hindi ka naniniwala?” tanong niya pabalik.
“Paano ako maniniwala. E, blackmailer ka at alam ko na sinungaling ka.” Diretsang sabi ko.
Napahilot siya sa nuo niya. “Ganyan ba talaga ang tingin mo sa ‘kin?”
I didn’t answer his question. I just look at him innocently.
“Palagi akong tinatanong ni mommy. Kung saan tayo nagkita at kung ikaw ba ang girlfriend ko dito sa Pilipinas.”
“Anong sinabi mo sa kanya?” walang kagana-gana kong tanong. Honestly, I’m interested to chicheburetche. Whatsoever!
“I said, we’ve meet at my cousin’s birthday party. And yes, you are my girlfriend na palagi kong pinupuntahan dito sa pinas kapag summer.”
“What?!” gulat kong tanong.
“Mm. That’s why I want to talk you.”
“I’m in trouble.” Bulong ko.
“Kasalanan mo ‘to e. Kung hindi mo sana sinabi na girlfriend mo ‘ko. Wala sana akong problema ngayon.” Sabi ko.
Simula nung nakikilala ko siya mas lalong lapitin na ako ng problema.
“Kung hindi ko sinabing girlfriend kita. Siguro ngayon, kasal na tayo.” Sabi niya. Well, totoo naman ang sinasabi niya.
“So, anong plano mo ngayon?” I ask him calmly.
“Let’s pretend that we are in love to each other.” He suggests.
“How? Hindi pa natin ganun kakilala ang isa’t isa.” Mahinahon kong sabi.
Nagbuntong hininga siya. “Naisip ko na… magbakasyon tayo ng isang buwan sa probinsya para mas makilala natin ang isa’t isa.”
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. “Ayoko. Pwede namang dito nalang ‘di ba?”
“Gold, kapag nandun tayo. Walang sagabal sa ‘tin. Walang Franklin na palaging naghahabol sayo at…” bigla siyang napatigil sa sasabihin niya.
“At?” taas kilay kong tanong.
“At… ma-eenjoy natin ang kagandahan ng probinsya namin.” Patuloy niya.
“Ayoko pa rin. At isa pa, paano na ang dinner kung isang buwan tayo do’n?”
“Sinabi ko kasi kay mommy na, magbabakasyon tayo ng isang buwan sa probinsya kaya saka nalang.”
Kunot noo ko siyang tiningan. “Huwag kang magsinungaling sa ‘kin, JD. Pinlano mo ba lahat ‘to bago sabihin sa ‘kin?”
Umupo siya ng maayos. “Sympre, oo. Huwag ka ng magreklamo. I saved you.”
“You saved me? Talaga? From what? For what?” sunod-sunod kong tanong.
“First, nung nasa bar ka your ---”
“Shut up!” sigaw ko.
“Don’t ask me then.”
“Sige na. Papayag na ‘ko. Ang dami mong alam.”
Abot tengang ngiti ang gumuhit sa labi niya. “Good. Ang dami mo rin kasing tanong.”
“Tapos ka na. May pupuntahan pa ako.”
“Bakit ba atat kang umalis?”
I rolled my eyes. “May importante nga akong pupuntahan.”
“Sasama ako.”
“Girls only. Boys is not allowed.” Saka tumayo ako.
Tatalikod na sana ako ng hawakan niya ang pulsuhan ko.
“Kilala mo si Lance?” tanong niya na kinagulat ko. I didn’t expect that he’ll asked me about Lance.
“Oo, bakit?”
“When? Where? How?” sunod-sunod niyang tanong.
“Don’t answer it.” Sabi niya ng magsasalita na sana ako. Umupo ulit ako.
“I’ve meet him in---”
“Stop!” pigil niya sa sasabihin ko.
“Okay.”
Tumayo ulit ako. “I-text mo nalang ako. Kung kailan tayo aalis.” Sabi ko.
“Ngayon tayo aalis.”
“Ngayon? Hindi ba pwedeng next week nalang.”
“No. May ticket na tayo.” Sagot niya.
“Paano ang trabaho mo dito? Isa pa, hindi naman natin kailangang umalis para lang makilala ang isa’t isa e. We can do it here.”
Wala akong planong magbakasyon kasama siya. Ayoko.
“Look, ---”
“Kung inaalala mo ang ticket. Babayaran ko ‘yon sayo. Huwag lang tayong umalis.”
Nangunot ang noo niya. “You said, yes. And now, ayaw muna na naman?” nagtataka niyang tanong.
Ayaw kong umalis kasi, may weekly check-up ako. Ayokong sabihin sa kanya kasi, hindi pa ako handa. At gusto ko ring siya mismo ang maghahanap ng paraan para malaman na buntis ba ako o hindi. Pero sa ngayon, ayoko ko munang malaman niya.
“May tinago ka ba sa ‘kin o may tao kang ayaw iwan dito?” tanong niya.
“Ano bang klaseng tanong ‘yan?” tanong ko pabalik.
“Just answer my question.”
“Wala. Okay? Kung wala ka ng importanteng sasabihin. Uuwi na ako. I want to rest.”
Nang hindi siya nagsalita. Tinalikuran ko siya at nilisan ko ang opisina niya.
Napapikit ako ng dumampi sa balat ko ang malamig na hangin. Ang lamig pero… it can freshen up your mind. Nandito ako sa park malapit sa bachelor’s village. Hindi muna ako umuwi sa bahay kasi gusto kong magpahangin.
Napamulat ako ng may mga malilit na kamay na humawak sa hita ko. Nakita ko ang isang batang lalaki, he’s cute.
“Can you help me, finding my nanny?” sabi niya sa sweet na boses.
Ngumiti ako. “Sure. What she looks like. Is she beautiful like me?” pabiro kong tanong.
“Yes po.”
Kinurot ko ang pisnge niya. “You’re so cute.”
“Jade! Jade! Jade!”
Bigla siyang napalingon ng may sumigaw. Nanlaki ang mata ko ng makita ang babaeng tumawag sa batang lumapit sa ‘kin. It’s ate Freya.
“Mommy!” sigaw ni Jade at sinalubong niya ng yakap si Freya.
“Where have you been? Are you okay? Did someone bully you? I already told you that don’t go anywhere when your nanny’s not with you.” Sunod-sunod niyang tanong habang nakahawak sa pisnge ni Jade. Puno ng pag-alala ang mukha at halatang kanina pa siya naghahanap dahil sa tagaktak niyang pawis.
Nakatayo lang ako habang nakatingin sa kanila. Napahawak ako sa tiyan ko.
“I can’t wait to see you, baby.” Mahina kong sabi.
“Mom, don’t worry. I’m fine. I’m with her.” Rinig kong sabi niya at lumingon siya sa ‘kin.
Nag-angat rin ng tingin si ate Freya. Gaya ng naging reaksyon ko kanina, nagulat rin siya nang makita ako
“Golden, ikaw pala.” Abot tenga niyang sabi at tumayo saka lumapit sila sa ‘kin.
“Ate… ahm, may anak ka na pala.” Sabi ko habang pekeng nakangiti sa kanya. I can’t look at her straight because of what happened, between me and her brother.
I called her ate kasi ‘yon ang gusto niya. She’s Freya Anne Madreal my ex-boyfriend sister. Hindi ko alam na nakauwi na pala siya. Ang laki ng pinagbago niya. Mas lalo siyang gumanda at pumuti. Hindi halatang may anak na.
“Oo.” Maikling sagot niya.
“Jade, she’s your tita Gold.” Sabi niya kay Jade.
Ngumiti si Jade sa ‘kin at nag ‘hi’. So, I said ‘hello’ and smile too.
Hindi rin kami nakapag-usap ng matagal dahil malapit ng gumabi. Hindi ko rin naman alam kung ano ang isasagot sa mga tanong niya. Tatlong araw na pala sila dito sa Pilipinas. Matagal rin siya do’n sa abroad. 4 years na.
Pag-uwi ko sinalubong agad ako ni Mama. As usual, tinanong niya ako kung bakit ako ginabi, saan ako nagpunta pagkatapos kung maka-usap si Sir Henry at kung kumain na ba ako. Kung alam niya lang… hay.
“Anak sa susunod ‘wag ka ng pumunta sa park ng ikaw lang. Tsaka, hindi ka dapat namalagi do’n ng ilang oras kasi mahangin dun. Makakasama sa bata.”
“Ma, ayos lang po ako.”
“Anak…”
“Ma, gusto lang pong magpalamig do’n. At isa pa, nakauwi na ‘ko kaya ‘wag ka ng mag-alala.”
“Kumain ka na.” sabi niya saka naunang pumunta sa kusina. Nandito kasi kami sa munting sala at nakaupo sa upuang kawayan.
Pagdating ko sa kusina. Nakahanda na ang pagkain ko.
Pagkatapos kong kumain. Dumiretso ako sa kwarto ko. Nilibot ko ang paningin ko sa buong kwarto at nakita ko ang mga vitamins na nakalagay sa maliit na mesa. Katabi nung mga napkins ko.
“Baby, pasensya ka na, ha. Kung hindi ko sinabi sa daddy mo ang totoong dahilan kung bakit ayaw kong sumama sa kanya. Pero, pangako ko sayo. Hindi ko ipaparanas sayo ang naranasan ko ngayon.” sabi ko habang nakahawak sa sa t’yan ko.
Kinaumagahan. Maaga akong nagising dahil sumuka na naman ako. Suka ako ng suka puro laway lang naman. Napagdesisyunan kong pumunta sa kompanya namin dahil bored dito sa bahay. Habang papasok ako sa loob, tudo ‘good morning’ ang mga empleyado namin.
I just smiled as a response.
At sa kasaamang palad. Nakasalubong ko ang half-sister kong si Rachelle. She raises her eyebrows. So, I do the same way.
“What’s brought you here?” mataray niyang tanong.
“None of your business.” Sagot ko.
“Are you here, to get some money to my dad?”
Natawa ako sa tanong niya. “Correction, our DAD. Anyway, you don’t care if I ask some money to him. He’s my father. So, he has a responsibility to me.” Sabi ko at ngumisi sa kanya.
Nanliit ang malaki niyang mata at nagpipigil na huwag akong sigawan. “You know what. You’re just like your mom. You both a gold digger slu---” hindi niya natapos ang sasabihin niya ng sampalin ko siya. Sasampalin niya sana ako pero nasalo ko ang kamay niya.
“Laitin mo ‘ko pero ‘wag lang ang nagluwal sa ‘kin.” Diin kong sabi.
“Ouch! Let go of me.”
Binitawan ko ito. “Before you judge my mom, know her story first.” at masama siyang tiningnan.
“You… argh!” aniya at tinalikuran ako.
Bumuntong hininga nalang ako. Kaya ko ang panglalait niya sa ‘kin pero hindi ko kaya ang isali niya si mama. Kasi aakyat lang ang dugo ko sa ulo ko at makakagawa lang ako ng ikakasakit niya.
Saktan niya ako’t lahat-lahat huwag lang si mama.