Chapter 5

4289 Words
Chapter 5 I decided na pumunta nalang sa malapit na mall dito sa kompanya. Agerie’s mall. Nang makapasok ako. Nilibot ko ang buong mall at tumingin sa mga nakadisplay’ng damit at iba pa. Patuloy ako sa paglalakad hanggang sa may nabangga akong tao. “Sorry po.” Sabi ko ng habang nakayuko. “No, it’s okay.” Sagot niya. Lalaki? Pagtingin ko. It’s Lance. JD’s bestfriend. “Ikaw pala.” He said. Hilaw akong ngumiti sa kanya. “Uhm… sorry.” “No. Ayos lang. Anyway, who’s with you?” “Wala.” Maikli kong sagot. “Sige, mauna na ako sayo.” Paalam ko sa kanya. Hinawakan niya ang braso ko. “Wait.” Pigil niya. Napatingin ako sa kamay niyang nakahawak sa braso ko. Nang mapansin niyang nakatingin ako dun. Tinanggal niya ang pagkakahawak sa braso ko at nag ‘sorry’. “Bakit?” “Ah.. Wala.” Aniya at nagpaalam. Tiningnan ko pa ang papaalis niya bulto. Ano kaya ang sasabihin niya? Nagpakawala ako ng buntong hininga at umalis na rin sa mall. Hanggang ngayon puno pa rin ng pagtataka ang utak ko dahil sa ginawa ni Lance kanina. Curiosity kills me. Pwede niya naman akong kausapin eh. Habang nasa taxi ako biglang nagvibrate ang phone ko. Kinuha ko ito sa sling bag ko at tiningnan. 1 message from unknown. ‘Where are you?’ basa ko sa mensahe. “Sino naman ‘to?” Hindi pa nga ako nakareply. Sunod-sunod na text na naman ang natanggap ko. ‘Who’s with you?’ ‘Magreply ka naman.’ ‘Hey! It’s me. Your fiancé.’ Napataas ang isa kong kilay ng mabasa ang huling message. Ano na naman kaya ang problema nito? Magrreply na sana ako pero bigla siyang tumawag. “Bakit?” tanong ko kaagad. [Nasan ka ba?] “Bakit nga?” [Pwede bang sagotin mo nalang ang tanong ko.] “Ayoko, hanggat hindi mo sinabi sa ‘kin kung bakit?” Narinig ko ang pagbuntong hininga niya. Halatang nagpipigil sa inis. [Naospital si lola.] “And?” [She wants to meet you.] “JD, may pupuntahan pa kasi ako. Importante.” [I-cancel mo nalang ‘yan.] “Pero ---” Binabaan niya ako ng phone kahit hindi pa ako tapos magsalita. Ang lalaking ‘yon talaga. Hindi man lang sinabi kung saang ospital. “Manong sa M’s medical hospital po tayo.” Sabi ko sa driver. “Opo, ma’am.” Ilang sandali lang nasa harap na ako ng ospital. Pagkatapos kong magbayad pumasok ako at pumunta sa information desk. “Nurse, saang room si Madam Emmariel Madrigal?” tanong ko. “Sa 5th floor VIP room po, ma’am.” Habang tinatahak ko ang daan papunta sa VIP room. Naaninang ko ang bulto ni JD. Pabalik-balik siya ng lakad. Napahinto lang siya ng makita ako. “Ang tagal mo.” Reklamo niya. “Where’s your lola?” “Nasa loob kanina ka pa hinihintay.” Pagpasok namin sa loob hinapit ni JD ang bewang ko dahilan ng makaramdam ako ng pagkailang. “Anong ginawa mo?” bulong ko sa kanya. Hindi siya sumagot and he act like, parang walang narinig. “They’re here.” Sabi ni tita Dan. Ramdam ko ang pamumula ng mukha ko ng paglingon nila. Ang kamay agad ni JD na nasa bewang ko ang napansin nila. “Mabuti at nakumbinsi mo siya, apo.” Sabi niya kay JD. “Yes, la. Malakas ako sa kanya e.” sagot niya at mahinang tumawa. “Come here, hija.” Hilaw akong ngumiti. “Hi po, Chairman Em. Kumusta po ang pakiramdam niyo?” “Just call me, lola.” “Magpagaling ka po, l-lola.” Ang awkward. Sobrang awkward na tawagin ko siyang lola. Kasi she’s my boss before, she’s the CEO but now she’s the CHAIRMAN of their company. “Pwede bang iwan niyo muna kami ni Golden.” Sabay tingin kina JD. Bigla akong kinabahan. Ano kayang sasabhihin niya? Kahit na binundol na ng kaba ang puso ko, ngumiti pa rin ako kela tita at tito bago sila tuluyang lumabas sa kwarto. “Don’t worry. Hindi ka kakain ni lola.” Bulong ni JD saka lumabas. Umupo ako sa upuang katabi ng hospital bed ni lola. “Jerald is the one and only heir of Madrigal Company.” Sabi ni lola habang nakatingin sa kakasarado lang na pinto. Nakatingin lang ako sa kanya habang nakikinig sa mga sinasabi niya. Pero sa bawat katagang lumalabas sa bibig niya, kinakabahan ako. He is the heir of their company dahil siya lang ang nag-iisang lalaking apo ni lola. Base sa mga nalaman ko, dapat lalaki na magmamana ng kompanya. Hinawakan niya ang dalawang kamay ko. “He is a playboy, but he’s a sweet grandchild of mine. Ni minsan hindi niya sineryoso ang mga nakarelasyon niya sa US. But when he meets you, nagbago siya. Kaya pala palagi siyang pumupunta dito sa pinas before, because of you. Ikaw pala ang longtime girlfriend ng apo ko.” Then she sweetly smiled at me. Playboy pala ang Jerald na ‘yon. Kung sa bagay halata naman kasi he’s a sweet talker. Pero, he is not my boyfriend at hindi ako ang longtime girlfriend niya dito sa Pilipinas. “Iha, matanda na ako, malala na rin ang sakit ko at hindi ko alam kung kailan niya ako kukunin.” Parang may kung bagay na kumirot sa puso ko ng makita ang luhang pumatak sa mata ni lola. Humigpit ang pagkahawak ko sa kamay niya, “Lola, ‘wag po kayong magsalita ng ganyan.” Sabi ko. Ramdam kong uminit ang mata ko nang marinig ang mga salitang ‘yon. Pakiramdam ko, nagpapaalam na siya. Ayokong makarinig ang ganung salita. Sa kahit na sino. Sobrang sakit sa dibdib. Naramdaman ko nalang na nagsituluan ang sariwang mga luha sa mata ko. “Iha, ‘wag kang umiyak. Hindi pa ako mamatay.” Biro niya at pinunasan ang luha sa pisnge ko. “May hihilingin lang sana ako sayo---sa inyo ni Jerald. Gusto kong makita kayong ikasal. Pwede niyo bang gawin ‘yon para sa ‘kin?” tanong niya. “Lola…” “Golden, apo. Alam kong mahal na mahal ka ng apo ko at ganon ka rin sa kanya. Kita sa mga mata niyo kong gaano niyo kamahal ang isa’t isa. May trabaho na rin kayo, kaya wala ng problema. Pwede ba ‘yon, iha?” pakiuasap niya. Ngumiti ako. “O-Opo, lola.” Naisagot ko. “Salamat, iha.” Aniya habang nakangiti sa ‘kin. ‘Gagawin ko ‘to para sayo, lola at para kay baby.’ Hindi kaya ng konsensya ko na makita ang itsura ni lola habang nagpplease sa ‘kin. Saktong tapos na kaming mag-usap ni lola, siya ring pag-ring ng phone ko. Nagpaalam muna ako sa kanya na sasagotin ko muna ang tawag. Paglabas ko, nakatingin silang lahat sa ‘kin. Tita and tito smiled at me, kaya ngumiti rin ako sa kanila. Pagtingin ko sa screen, Freya’s Calling. I answered it. [Hello, Golden.] sabi niya sa kabilang linya at parang umiiyak. “Hello, ate Freya. Umiiyak ka ba?” tanong ko. [Golden, naaksidente ang kapatid ko.] sabi niya habang humagulgol. My eyes widen. “Ano!?” Napailing ako habang puno ng takot ang puso ko. Oo, ayoko sa kanya, ayoko siyang makita pero ayoko ring may mangyaring masama sa kanya. [Naaksindente si Franklin.] ulit niya. Mas lalong nanlabo ang paningin ko ng marinig ang pangalan niya. Feeling ko, wala na akong lakas. Ni hindi ko na narinig ang boses ni ate Freya sa phone. Kahit nakipag-break ako sa kanya, mahal ko pa rin siya. Mahal na mahal. Kaya, ayoko ko siyang makita kasi natatakot ako na baka bibigay ulit ako. Ayokong ipakita sa kanya na mahal ko pa rin siya. Mabilis ang bawat hakbang ko papasok sa elevator. Ilang minuto akong naghintay bago narating ang first floor, pupunta na sana ako sa information desk ng marinig ko ang boses ni Freya. “Franklin… gumising ka!” Pagtingin ko sa unahan naroon sila kasama ang mga nurse. Nakahiga siya sa ambulance stretcher trolley. Nang makadaan sila sa harapan ko, duguang noo at ang walang malay na si Franklin ang nakita ko. Para akong tuod na kandila habang nakatingin sa kanila haggang dinala siya sa Emergency Room. Bumalik lang ako sa ulirat ng may humawak sa balikat ko. “Hey, what’s wrong? Kanina pa kita tinatawag.” Lumingon ako sa kanya. “Anong ginagawa mo dito?” tanong ko. “Sinundan kita. What happen? Hindi ka man lang lumingon nung tinawag kita.” Sabi niya habang nakahawak sa balikat ko. Tinanggal ko ang kamay niya sa balikat ko. “Bumalik ka na do’n, kailangan ka ni lola.” Sabi ko at pumunta sa kinaroroonan ni ate Freya. “Ate.” Sabi ko. Lumingon siya at sinalubong ako ng yakap. “Gold.” “Ate, ano ba kasing nangyari?” tanong ko ng kumalas siya sa yakap. Umupo muna kami sa upuan bago siya sumagot. “Tinawagn ko siya kanina, but someone’s answered it. She says, that my brother is drunk.” Kumunot ang noo ko. “She? Babae? Kilala mo?” sunod-sunod kong tanong. Maybe, it was Zana his childhood sweetheart. “Babe.” Pareho kaming nag-angat ng tingin ng marinig ang boses na ‘yon. Kita ko ang panlalaki ng mata ni ate Freya, bigla siyang tumayo at parang nabuhayan ng makita si JD. But JD didn’t bother to look at her, he is looking at me. “I’ll drive you home.” Sabi niya habang nakatingin pa rin sa ‘kin. I look at him. “I’ll stay here.” sabi ko habang nakatingin sa Emergency Room. They look at it too. “You k-know e-each other?” nauutal na tanong ni ate Freya. Pinatayo ako ni JD at hinapit niya ako sa bewang. “Yes. She’s my fiancé.” he said without hesitation. Curiosity written on her face. “Fiancé? She’s my brothe---.” JD cut her off. “Not anymore. She’s my woman, now.” Maotoridad at may diin nitong sabi. Dumako ang tingin ni Freya sa ‘kin. Freya raise her eyebrows at me. Parang, tinanong niya ako. Kung totoo ba ang sinasabi ni Jerald sa ‘kin. Sinubukan kong palihim na tanggalin ang kamay niya sa bewang ko but I failed dahil mas lalo niya pang hinigpitan ang pagkakayapos sa bewang ko. “Ate… babalik ako mamaya.” Sabi ko at tumango naman siya. Nakalukot ang mukha niya habang nanlumong umupo ulit sa upuan. Pagkarating namin sa basement ng hospital kung saan naka-park ang lahat ng sasakyan, mabilis kong tinanggal ang pagkakawahak niya sa ‘kin at tila umusok ang aking ilong na humarap sa kanya. “Why did you do that!?” pagalit kong tanong. “Do, what?” he asked innocently. “Oh, please, JD. Stop pretending.” Tumingin siya sa mga mata ko. “I want her to know that you are not his brothers’ girl because YOU ARE MINE. YOU.ARE.MY.WOMAN.” tumingin ako sa ibang direksyon, nang hindi makayanan ang titig niya sa ‘kin. Parang anytime, masusunog at maglalaho ako sa mundo. “At kailan pa ako naging pag-aari mo?”, pilit kong pinapalakas ang loob ko na labanan ang bawat titig niya. He smirked. “Simula nung gabing pinaubaya mo ang sarili mo sa ‘kin.”, biglang uminit ang tenga ko at naalala ko ang lahat ng nangyari nung gabing ‘yon. Gabing puno ng pagkakamali. “So, you are really marking me as yours, huh?” hindi makapaniwalang tanong ko. At pinagsawalang bahala ang mga pinagsasabi niya. “I don’t share, what’s mine. You’re my fiancé. So, you’re mine. Mine alone. Get it.” Sabi niya at nilapit ang mukha niya sa mukha ko. Para akong naduduling sa sobrang lapit ng mukha niya lalo’t parang sinaulo niya ang buong detalye ng mukha ko. Tinakpan ko ang ilong ko, nang nanuot sa ilong ko ang mabahong amoy. Pinigilan ko rin ang sarili kong huwag maduwal. Not this time. Lumayo ako sa kanya. “Huwag kang lumapit sa ‘kin.” Sabay harang sa kamay ko sa pagitan namin. “You smell so bad.” “What?!” “Yes. So, stay away from me.” Sabi ko habang nakaharang pa rin ang kamay ko sa pagitan namin. Sininghot niya naman ang sarili niya. “Are you really, serious?” hindi makapaniwalang tanong niya sa ‘kin. “Really, really, really serious.” Hinawakan niya ang kamay kong nakaharang sa pagitan namin. “I know you’re kidding me, para hindi ako makalapit sayo.” He said calmly. Umiling ako. “No, I’m not kidding.” Sagot ko. “Unless…” seryoso ulit siyang tumingin sa mga mata ko. Iyong tingin na nakakapanghina ng tuhod. Medyo lumiit pa ang mga mata niya, parang binabasa niya kong ano ang nasa isip ko. “Unless, what?” nakataas kilay kong tanong. Pilit kong tinatago ang takot na naramdaman ko. “You’re pregnant.” Then he smiled. Binawi ko, ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya at umayos ng tayo. “Isipin mo ang gusto mong isipin. Kailangan ko ng pumasok sa loob.” Hindi pa nga ako naka-isang hakbang nagsalita na naman siya. “Bakit pakiramdam ko, iniiwasan mo ‘ko. May sekreto ka bang tinatago sa ‘kin?” Tumingin ulit ako sa kanya. “Pakiramdam mo lang ‘yan.” “Kung may tinatago ka mang sekreto sa ‘kin. Malalaman ko rin ‘yon.” At nagtagisan kami ng tingin. “Kung gusto mong malaman kung ano ang sekreto ko. Ngayon palang, simulan munang mag-imbestiga. Hindi ka naman mahihirapan e, kasi marami kang pera at koneksyon.” I said and left him. KINABUKASAN. Bumalik ako sa ospital, nagtanong ako sa information desk kung saang room sila at sinabi rin naman agad ng nurse. Pagpasok ko sa nasabing kwarto, nakita kong nakahiga pa rin siya sa hospital bed at walang malay. Nakaupo rin ate Freya sa gilid ng hospital bed, may upuan kasing plastic doon. Tumayo siya ng makita ako. “Kumusta na siya?” tanong ko sa kanya habang nakatingin kay Franklin. “Sabi ng doktor, kung hindi siya magigising ngayon, bukas.” sabi niya at nag-iwas ng tingin. “Uhm,” hindi ko alam kong ano ang sasabihin ko sa kanya. Ang cold niya ngayon, siguro dahil ‘to sa nangyari kahapon. “Ate, aalis muna ako. May importante kasi akong pupuntahan ngayon.” “Wala na pala kayo ng kapatid ko. Sorry, kung inabala pa kita kahapon. Hindi ko kasi alam.” Sabi niya habang nakatalikod sa ‘kin at umupo ulit. “Simula ngayon, huwag muna rin akong tawaging, ate. Makakaalis ka na.” Alam ko namang mangyayari ‘to. Hindi ko akalaing pati ang ate niya, magagalit sa ‘kin pero bakit naman siya magagalit? Hindi niya naman alam kong ano ang dahilan ng break up namin. Tumingin muna ako saglit kay Franklin bago lumabas sa kwarto na ‘yon. ‘Franklin, magpagaling ka.’ Tinawagan kasi ako ni JD kagabi na magkita kami ngayon dahil may importante daw kaming pag-uusapan. Pagpasok ko sa restaurant na sinabi niya, may crew agad na lumapit sa ‘kin. “Good morning, Ma’am. Are you, Mrs. Madrigal?” tanong ng crew na kinakunot ng noo ko. Si JD na naman ang may pakana nito. Wala naman sigurong ibang Mrs. M dito. “Yes.” Sagot ko. Edi, kakareren ko na ang pagiging misis niya. “This way, Ma’am.” Sumunod naman ako sa kanya. Nagpasalamat muna ako sa crew bago umupo ng marating namin ang VIP table. Kung saan nakasandal sa upuan si JD habang naka-cross arm at nakapikit. Tumikhim ako para imulat niya ang mga mata niya. He looks so tired. Ano kayang ginagawa niya these past few days. Nilagay niya ang kamay niya sa ibabaw ng mesa. “Tungkol sa kasal natin… uhm,” “Sinabi na sa ‘kin ni lola ang tungkol dyan.” Umayos siya ng upo. “Ayos lang ba sayo?” tanong niya. Ngumiti ako at tumango sa kanya. Kahit naman ayoko, doon pa rin kami pupunta. Gaya, ng pangako ko sa anak ko. Hindi ko ipaparanas sa kanya ang naranasan ko. Hindi ko ipaparanas sa kanya, ang hindi kompletong pamilya. Kaya, kagabi naisip ko na. Sabihin ko na kay JD kasi may karapatan siyang malaman ang totoo. Pero sa tuwing susubukan ko, hindi ko alam kong saan ko sisimulan. Sinabi niya sa ‘kin ang lahat ng plano niya tungkol sa darating na kasalan. Puro tango lang ako sa kanya, minsan sasagot ako ng ‘Oo, ayos lang.’ , ‘Pwede.’, Tinawagan niya na rin ang gagawa ng invitation card namin. May tinawagan na rin siya kaninang manager, para sa reception namin. Ako? Ito seating pretty. Siya lahat ang gumawa. Pupunta nga kami ngayon sa kompanya para sa mabilisang pren-up namin. Pagdating namin, dumiretso kami sa studio, kung saan gaganapin ang shoot. Sumalubong sa ‘min ang mga beseng empleyado lalo na ang naka-assign sa mga susuotin namin. Nagpahinga muna kami ng ilang sandali bago nagsimula ang shoot. Nakasuot ako ng isang white tube fitted simple gown habang si JD nakatuxedo. Nakahawak siya sa bewang ko habang titig na titig na mga mata ko. Ako naman nakapalibot ang mga braso ko sa batok niya. “Ma’am Golden, look at Mr. Madrigal’s eyes.” Sabi nung photographer. Sinunod ko naman ang sinabi niya. Pero minsan sa noo niya ako titingin kasi naiilang ako lalo na kapag nagtama ang paningin namin. “Next.” Sabi ulit ng photographer. He’s also my photographer before. “Ganyan pa rin ang position niyo. Uhm, Ma’am yakapin niyo po si Sir. And… sir, kiss your fiancé’s forehead.” Sabi ni Ivan, the photographer. Hindi ko alam kong ilang beses akong bihis at ilang shoots din ang nakuha bago kami natapos. I feel tired. Iba pa rin talaga kapag may baby na tyan. Mabilis kang mapagod, kahit hindi naman ganon ka bigat at ka-stressful ang ginagaawa mo. “OMG! Ate besssy!” sigaw ng kakapasok lang na si Leigh kaya napalingon ang lahat sa kanya. “Hehehe. Sorry, guys.”at nagpeace sign sa mga empleyado. Sinalubong niya ako ng mahigpit na yakap. “I miss you so much.” Sabi niya saka kumalas sa yakap. “Leigh, ‘di ba sinabi ko na sayo na huwag---” Mabilis niyang pinutol ang sasabihin ko. “Huwag kang tawaging ate. I got it. Pero… oo na.” tapos sumimangot ang mukha niya. “But anyway, congrats. Mrs. Madrigal ka na. Same surname na tayo. OM!” abot langit ang saya niya habang sinasabi ‘yon. Natawa nga ang mga empleyado dahil inasta niya e. Childish as always, pero tunay ‘yan. “Thank you, Leigh.” Then I smiled at her. Hinilot ko ang noo ko at pumikit. Umupo siya sa tabi ko. “Nakakapagod ba?” tanong niya. Dumilat ako at tumingin sa kanya then I nodded. “Siguro dahil ‘yan sa…” tumigil siya at nakakalokong tumingin sa ‘kin at kay JD na nasa kabilang upuan na katabi ko rin. “Pinagod mo siya kuya ‘no?” natatawang sabi ni Leigh, na kinatawa rin ng mga employee na nasa loob. Naiiling na tumawa nalang si JD. Napailing nalang din ako. Si Leigh kasi, kapag alam niyang pagod, malungkot o may mabigat akong dinaramdam. Gagawin niya ang lahat para lang mapangiti ako. Kung anong nasa isip niya, sasabihin niya talaga. “Mahina ‘yang kuya mo, Leigh. Dalawang rounds lang ang kaya niyan.” Sabi ko ng umalis na ang mga employee. Humalakhak si Leigh. “Wala ka pala kuya e.” “Let’s do it, later. Kung napagod ka nung una. Mas papagurin kita, this time. We’ll see kung mahina ba talaga ako.” Bulong niya sa ‘kin. Then, he kissed my earlobe. Para akong nakuryente sa ginawa niya, I feel like… nag-iinit ang buong paligid. Jusko! Tumikhim ako at umayos ng upo. Tumingin ako sa pambisig kong relo. “Lunch na. Hindi pa ba kayo kakain?” pang-iiba ko ng topic. That was joke but he takes it seriously. Alam naming pareho na hindi siya… hindi siya mahina. I know it, I admit. “My God! May date pala ako ngayon.” “Date? With who?” nagtataka kong tanong. Kita ko ang pagkislap ng mga mata niya. “With Kiel.” Mas lalong nangunot ang noo ko. “Naalala mo ‘yong nasa engineering department dati. Iyong palagi nating sinusundan…” Sinusundan? Nanlaki ang mata ko. “OM! Si Kiel Steeve Fuentabella?” “Oo, gurl. Kung gwapo siya dati mas lalo siyang gumawapo ngayon. He’s so attractive. Grabe…” kinikilig niyang sabi. “Sige ah, mauna na ako sa inyo.” “Mag-ingat ka.” Sabi ko ng makalabas na siya. Pag-alis ni Leigh. Umalis na rin kami do’n. “Saan mo gustong kumain?” he asked. “Kahit saan.” Sagot ko habang nagsseatbelt. “Sa condo ko nalang.” Tumingin ako sa kanya. “Ikaw ang bahala. Uhm, ano ang gusto mong kainin?” “You.” Biglang uminit ang pisnge ko. Pero Mabuti nalang nakalugay ang buhok ko. “JD, ayusin mo ‘yang pananalita mo.” At tumingin ako sa labas ng bintana. “What? You asked, kung ano ang gusto kong kainin. Then I answered.” Kahit hindi ako lumingon, alam kong nakangisi siya ngayon. Aasarin niya lang ako. Mariin akong pumikit saka nagpakawala ng malalim na buntong hininga. Patience, Gold. “JD, seryoso ako.” “Seryoso rin ako sayo, Gold.” Tumango-tango ako. Fine. Tinanggal ko ang sealtbelt ko. Hinawakan niya ako sa braso. “Hey, what are you doing?” Hindi ako sumagot at nagkibit balikat lang habang nakatingin sa unahan. “Babe…” he held my chin at pinatingin ako sa kanya. “I’m just kidding.” I looked at him blankly. Inalis ko ang pagkakahawak niya sa baba ko at sa braso ko. Sinubukan kong buksan ang pinto ng kotse niya, gaya ng inaasahan ko hindi ko ito mabuksan. He smiled and fasten my seatbelt again. “Pikonin.” Sabi niya at pinaandar ang sasakyan. Inikot ko ang mata ko. Nasa kalagitnaan kami ng byahe. Nang magring ang cellphone ko. Kinuha ko ‘yon sa maliit kong bag. Mama’s calling… “Hello, Ma.” Nakita ko sa gilid ng mata ko na lumingon si JD sa ‘kin. [Salamat naman at sumagot ka. Kanina pa kita tinawagan hindi mo man lang sinagot kaya nag-alala ako sayo.] “Ma, ayos lang po ako.” [Nasan ka? Kumain ka na ba? Sinong kasama mo?] “Easy lang, Ma. Mahina ang kalaban.” Sabay konting tawa. [Sagotin mo nalang ang tanong ko.] “Kakain pa lang po, Ma.” [Sinong kasama mo?] tanong nita ulit. “Si…” lumingon ako kay JD at nagtama ang paningin namin. Binalik ko ulit ang tingin ko sa kalsada. “Uhm, anak po ni Sir Henry. Iyong… pinagkasundo ho sa ‘kin ni Daddy.” Ramdam ko ang paglingon niya sa ‘kin ng sabihin ko ‘yon. [Dito na kayo mananghalian niluto ko ang paburito mo at para naman makilala ko ‘yang mapapangasawa mo.] “Opo, Ma.” [Sige. Mag-ingat kayo.] “Opo.” I hang up the call and put it into my purse. “Who’s that?” “Si Mama.” Sagot ko. “Mama? You mean, tita Dianne?” “Nope. My real Mom.” Sagot ko. Bigla siyang natahimik at hindi na nagtanong pa. Siguro naffeel niya na ayaw kong pag-usapan ang tungkol sa pamilya namin. When I was in grade and middle school. My classmates always bullied me. Kasi anak ako sa labas, anak ako ng kabit or whatever they say, lahat ng masasakit na salita. They judge me without knowing my real identity. Ganon nalang sila humusga kasi hindi nila alam ang totoong nangyari sa pamilya namin. Hindi ko na nga pinapansin ang mga sinasabi ng tao kasi alam ko sa sarili ko na hindi totoo ang lahat ng sinasabi nila. “Sabi ni Mama… pumunta daw tayo sa bahay. Doon na tayo mananghalian.” Basag ko sa katahimikan namin. “Oh! Really?” ramdam ang galak sa tuno ng pananalita niya. “Mm. She wants to meet you.” “Kinakabahan ako.” “Huwag kang mag-alala. Mabait si mama.” Tinuro ko sa kanya ang daan papunta sa bahay namin. Medyo nagulat pa siya ng makita niya kung saan kami nakatira. Nang makalabas siya, pinagbuksa niya ako ng pinto. “Salamat.” Nauna akong pumasok sa bahay namin. Siya naman nakasunod lang sa ‘kin. Pagpasok namin sa loob ng bahay, dumiretso kami sa kusina, nadatnan naming naghahanda si Mama ng pagkain. “Ma.” Agaw ko sa atensyon niya. Nag-angat siya ng tingin. “Anak.” Nakangiti niyang sabi. “Umupo na kayo.” Pinaghila ako ng upuan ni JD bago siya umupo. Umupo na rin si Mama sa tapat kong upuan. Kumuha na kami ng sarili naming pagkain at nagsimulang kumain. “Anong pangalan mo, iho?” basag ni Mama sa katahimikan. “Jerald Drake po, Ma’am.” Magalang niyang sagot kay Mama. Kahit hindi sabihin ni Mama sa ‘kin. Alam kong hindi niya gusto si JD para sa ‘kin. Kitang-kita ko ‘yon sa mga mata niya. Tutol din siya na ikasal ako kay JD noon pero hindi ko alam kung bakit pumayag na siya ngayon. “Mag-usap tayong dalawa mamaya, pagkatapos nating kumain.” Sabi ni Mama. Patuloy lang ako sa pagsubo habang palipat-lipat ng tingin sa kanilang dalawa. I saw how nervous JD is. Kahit ako kinakabahan din sa kung ano ang sasabihin ni Mama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD