Chapter 6
Kanina pa ako nandito sa loob ng sasakyan. Simula kaninang nag-usap sila hindi pa rin lumabas si JD. Ano kayang pinag-usapan nila?
Ayaw ko nga sanang lumabas e. Kaso wala na akong magawa kasi si Mama na ang na sabi. Habang nagmuni-muni ako biglang nagring ang cellphone ni JD. Naiwan niya pala dito.
“Unknown caller.” Kunot noo kong tanong.
Wala kasing nakalagay na pangalan. Hindi ko ‘yon sinagot kasi baka scammer lang ‘yon o baka isa mga admirer niya. Knowing JD.
Kinuha ko nalang ang phone niya at tiningnan ng maigi ang number. Sino kaya ‘to? Pangatlong tawag na niya. Sasagotin ko nalang baka importante. Ako pa ang masisi kapag may emergency.
“Hello?”
[Hello Daddy.]
Daddy? May anak na siya?
Pakiramdam ko pumunta ang lahat ng dugo ko sa ulo ko. Pagkarinig ko sa boses ng bata sa kabilang linya. Halos umusok na ang ilong ko dahil sa init na naramdaman ko.
[Daddy, I miss you so much. Punta ka ulit dito sa bahay.]
Para akong nanginig sa mga narinig ko. Feeling ko sasabog na ako ano mang oras. Hindi ko alam kong anong isasagot ko. Kung sasagot ako. Ano naman ang sasabihin ko? Baka sabihin pa niyang kabit ako ni JD.
[Daddy?]
‘Golden, kailangan mong huminahon. Baka wrong call lang ‘yan.’
“Hello, baby. This is not your Daddy’s number baka na wrong call ka lang kasi wala pang anak ang may-ari nitong phone.” Mahinahon kong sabi kahit sa loob ko, gusto ko ng magwala. Gusto kong sumigaw.
Kung totoo ngang may anak siya. Bakit siya magpapakasal sa ‘kin? Bakit hindi niya sinabi? Bakit kailangan niyang magsinungaling? Paano na ang anak namin? Pero kung sa bagay wala naman akong karapatan sa kanya. Wala akong karapatan para makisawsaw sa personal niyang buhay. Isa pa, hindi ko naman sinabi na buntis ako.
Kung sakaling iiwan niya kami dahil may iba siyang pamilya. Then, I’ll let him go. Kaya kong buhayin ang anak ko mag-isa.
[No! This is my Daddy’s cellphone number.] sigaw niya.
“Okay, baby. Sasabihin ko nalang sa kanya na tumawag ka. Okay?”
Hindi ko na hinintay ang sagot niya. Pinatayan ko siya ng tawag.
Hindi dapat ako makaramdam ng ganito. Walang kami. Oo, ikakasal kami pero sa papel lang ‘yon.
‘Golden, please! Calm your self down.’
“Baby, sorry ah. Kasalanan ni Mommy.” Sabi ko habang nakahawak sa t’yan ko.
Nang makita kong papalabas na ng bahay si JD. Mabilis akong umayos ng upo at tiningnan ang mukha ko sa salamin. Nakita kong basa ang pisnge ko. Umiyak na pala ako, hindi ko man lang naradaman.
Pinunasan ko ang pisnge ko gamit ang tissue at umaktong walang nangyari ng makapasok na siya sa loob ng sasakyan.
“Anong sabi ni Mama?” tanong ko. Nang tapos na siyang magseatbelt.
“Secret. Sa amin nalang ‘yon.” Tumaas ang isa kong kilay ng makita ang ngiti sa labi niya. He looked so happy, na para bang wala ng bukas. Mas lalo tuloy akong na-curious.
Tiningnan niya ang mukha ko. “Umiyak ka ba?” tanong niya.
“Hindi.” Pabalang kong sagot. “Tsaka, ano bang pakialam mo.” Then I rolled my eyes at tumingin sa bahay.
“Alam mo mas lalo kang naging masungit at maldita ngayon.”
Natigilan ako. “Ganito naman talaga ako ah.” Sabi ko ng hindi pa rin nakatingin sa kanya.
“Oo, alam ko. Kaya lang napapansin ko parang pa iba-iba ka mood tapos kada araw madadagan ang pagiging masungit mo.” Sabi niya. Sa tuno ng pananalita niya, parang hinuhuli niya ako. Sinabi kaya ni Mama sa kanya?
“May tumawag nga pala kanina sa phone mo.” Pang-iiba ko sa topic.
“Sino?” tanong niya.
“Malay ko.”, iwan ko ba pero naiirita ako kapag naaalala ko ang boses ng batang ‘yon. Bata lang lang ‘yon, Gold. Nanatili rin akong nakatingin sa bahay namin habang kinakausap ko siya.
“Hey, looked at me.” Sabay hawak sa kamay kong nakapatong sa hita ko.
“Ayoko.” Mabilis kong sagot tapos winaksi ang kamay niyang nakahawak sa kamay ko.
“Sino ba talaga ang tumawag?” ulit niya. Alam ko namang nang aasar lang ‘yan e. Pero naasar talaga ako.
Humarap ako sa kanya na para bang umuusok ang ilong ko. “Tingnan mo kaya ‘yang cellphone mo.”
Pagkatapos niyang tingnan ang cellphone niya. Abot tengang ngiti ang ginawad niya sa ‘kin. So, happy?
“Anong sabi?”
“Pwede ba JD! Tigilan muna ang kakatanong.” Naiinis kong sabi.
“Nagseselos ka ba?” he asked and smirked at me.
“Bakit naman ako magseselos? Ano naman ang pagseselosan ko?” sunod-sunod kong tanong.
“Hindi ka naman magagalit ng ganyan, kung hindi ka nagseselos. So, tell me, anong sabi?” he teasingly asked.
“Hindi ako nagseselos. Hindi rin ako galit.” Then I gave him a fake smile.
“Huwag ka ng magselos.” Nakangiti niyang sabi.
“Hindi ako nagseselos. Tsaka, bakit naman ako magseselos dun sa anak mo.” Huli na ng marealize ko ang sinabi ko.
My goodness! Golden naman.
“So… kaya ka pala nagseselos dahil sa pamangkin ko. Hindi ko ‘yon anak. Anak ‘yon ng pinsan kong si Tin. Daddy kasi ang tawag nun sa ‘kin e.” mahinahon niyang paliwanag sa ‘kin.
Anak ng pinsan niya? E, bakit parang… urgh! Nakakainis! Naiinis ako sa sarili ko. Bakit ba ang OA ko.
“Bakit ka nagpapaliwanag?”
“Para hindi ka magselo---magalit sa ‘kin. Baka kung anu-ano na ang inisip mo. Tapos bigla kang mawala sa kasal natin.” Kunyaring malungkot niyang sabi.
“Hindi mangyayari ‘yon. Nangako ako sa lola mo.” Tapos umiwas ako ng tingin sa kanya. “Kahit naman hindi ako nangako sa lola mo. Gustohin ko man o hindi, matutuloy pa rin ang kasal.”
“Kung sa bagay…”
Bubuksan ko na sana ang pinto ng kotse niya, pero pigilan niya ako.
“Nagpaalam ako kay tita na… ipapasyal muna kita.” Sabi niya.
Bakit naman pumayag si Mama? Akala ko ba ayaw niya kay JD para sa ‘kin.
Tinanggal niya ang pagkakahawak sa braso ko at umayos siya ng upo, ganun din ang ginawa ko.
“Anong oras tayo uuwi?” lumingon siya sa ‘kin. “Ah, ang ibig kong sabibin, anong oras mo akong ihatid pauwi?”
“6pm, sharp.” Nakangiti niyang sagot.
Biglang pumasok sa isip ko si Franklin. Kumusta na kaya siya? Sana gising na siya.
“Pumunta muna tayo sa hospital.” Sabi ko na hindi nakatingin sa kanya.
“Anong gagawin natin dun?” tanong niya. At biglang sumeryoso ang mukha niya.
“Dadalawin ko lang si Franklin baka gising na siya.”
Bigla siyang natahimik. “Ayos ka lang?” tanong ko ng hindi na siya umimik.
Tumango lang siya at mapait na ngumiti. May nasabi ba akong mali? He starts the engine without looking at me. But when I turn my face to him, bigla rin siyang humarap at lumapit sa ‘kin.
Parehong nanlaki ang mga mata namin. When I feel that our lips meet. Binundol ng kaba ang puso ko, hindi ko alam kong ano ang gagawin ko. Naitulak ko siya ng maramdaman kong mag-vibrate ang cellphone ko.
“Sorry.”
Hindi ako sumagot. Kinuha ko nalang ang cellphone ko sa purse at tiningnan kung sino ang nagtext.
“Smart?” mahina kong bulong.
Pero salamat sayo, smart at nagtext ka kahit hindi importante. Kasi hindi mo lang ako sinave kundi pinaalala mo rin sa ‘kin na ikaw nalang ang palaging nagtetext sa ‘kin. Ikaw nalang ang palaging nagpaparamdam.
“Buti pa ‘yong smart. Naalala ako.” Out of nowhere kong sabi. Pero mahina lang ang pagkakasabi ko nun.
“Hindi ba pwedeng ipagpabukas mo nalang ang pagdalaw sa ex mo.” Napatingin ako sa kanya ng sabihin niya ‘yon. Ang lalaking ‘to, talagang pinamukha niya sa ‘kin na ex ko na talaga si Franklin. Pero… ex ko naman talaga siya e.
“Baka hinahanap niya na ako.”
Hindi na siya sumagot. Pinaandar niya ang sasakyan at nagtungo na kami sa M’s Medical Hospital. Nauna akong naglakad kay JD, napapalingon ang lahat ng tao na nadadaanan namin. Sympre, kasama ko ang apo ng may-ari ng hospital. Lalo na ang mga babaeng nurse.
Hindi pa kasi nila alam na fiancé niya ako.
Pagpasok ko, nakita ko ang magkahawak kamay na si Zana at Franklin.
Pilit ko mang itago ang sakit na nararamdaman ko at kalimutan ang sa ‘min ni Franklin pero hindi ko magawa. Kahit sabihin kong hindi ko na siya mahal, alam ko sa sarili ko na hindi totoo ‘yon. Pati sarili ko kaya kong lokohin.
“Hon.” Sabi niya ng lumingon siya sa ‘kin. Alam kong nasa likuran ko na si JD pagkasabi niya nun.
I miss that. The way he calls me ‘honey’ I know how much he loves me. But now, hindi ko alam kung maniniwala pa rin ako sa sinasabi niya.
“Pwede ba tayong mag-usap ng tayong dalawa lang?” tanong niya.
Tumingin ulit ako sa magkahawak nilang kamay saka tumango sa kanya.
“Iwan niyo muna kami.” Sabi niya.
Sinigurado kong nakalabas na si Zana at JD bago ako lumapit kay Franklin.
“Nasabi ni ate na… pumunta ka raw dito nung isang araw at kahapon. Akala ko hindi ka na babalik.” panimula niya. “Iyong nakita mo pala kanina… wala ‘yon. May pinakiusap lang siya.” Dagdag niya.
“Hindi muna kailangang magpaliwanag.” Sabi ko habang nakatingin pa rin sa kanya.
Hinawakan niya ang dalawa kong kamay. “Alam kong may puwang pa rin ako sa puso mo kasi hindi ka pupunta dito ng tatlong beses kung hindi mo ‘ko mahal.”
“Aaminin ko, kahit ilang beses kitang ipagtabuyan mahal na mahal pa rin kita.”
Iwan ko ba, bakit ko sinasabi ang mga salitang ‘yon. Ang alam ko lang galing sa puso ko ang lumalabas sa bibig ko.
“Kung hindi ako naaksidente, hindi ka pa rin aamin na mahal mo ‘ko. Sana dati palang naaksidente na ‘ko.” At mapait siyang ngumiti. “Maaayos pa natin ang relasyon natin ‘di ba?” patanong niyang sabi.
Kitang-kita ko ang lungkot sa mga mata niya habang sinasabi ang mga katagang iyon.
Kinuha ko ang kamay ko sa pagkakahawak niya. “Franklin, malabo ng babalik sa dati ang dating tayo. Marami ng nagbago, simula no’ng niloko mo ‘ko.”
“I promise, gagawin ko ang lahat para makabawi sayo. Just give me another chance.” Tapos hinawakan niya ulit ang kamay ko.
“If I give you another chance, that means I give you another chance to hurt me again.” Walang pag-alinlangan kong sabi.
Oo, mahal ko siya pero hinding-hindi na ako babalik sa kanya. If I give him another chance hindi na maibabalik nun ang dating kami at parang binigyan ko na rin siya ng pahintulot na saktan ako ulit.
“I’ll prove it to yo---” I cut him off.
“Huwag na. Hindi na kailangan.” At binawi ko ulit ang kamay ko sa kanya. “You broke me. You don’t need to heal me.”
“Alam kong may fiancé ka na kaya ka nagsasalita ng ganyan. Pero hindi nun mababago ang pagmamahal ko sayo.” He bitterly said.
“Kahit wala akong fiancé, sasabihin ko pa rin lahat ng sinabi ko sayo ngayon. Wala tayong matinong break up dahil hindi tayo nagkausap simula nung araw na ‘yon. Simula ngayon…” I paused. Kahit mabigat sa puso ko. Gagawin ko ito para sa ikabubuti ng lahat. “We are officially break up.”
Pagkasabi ko nun. Umalis kaagad ako sa kwarto niya kasi hindi ko kayang makita siyang nasasaktan at ayoko ring makita niya akong umiiyak sa sarili kong katangahan.
Hindi ko na hinintay na magsalita pa siya.
Kahit sobrang sakit sa dibdib kakayanin ko para sa ikabubuti ng lahat. Pareho kaming hindi makakamove on kung hindi ko sinabi ‘yon kanya.
Kailangan na naming putulin kung ano man ang namamagitan sa ‘min para hindi na kami masaktan pa. Kung ipagpatuloy namin ang relasyon namin, wala ring patutunguhan. Pareho lang kaming masasaktan at magdurusa.
“We don’t love each other but I’ll do everything just to make you happy and contented.” Sabi ni Jerald sa ‘kin habang pinupusan ang sariwang mga luha na dumadaloy sa pisnge ko.
Nandito kami sa isang lugar, kung saan makikita ang buong syudad. Hindi ko alam kong anong pangalan ng lugar na ‘to basta ito ang saksi sa lahat ng hinanakit ko.
Sinabi ko sa kanya. Ang lahat ng nangyari sa ‘min ni Franklin pati ang officially break-up namin kanina.
“We’re not existed to each other’s world pero gagawin ko lahat ng makakaya ko para hindi natin maramdaman ang awkward kapag magkasama tayo.” Sabay yakap sa ‘kin.
‘Hindi natin mahal ang isa’t isa pero alam kong darating din ang araw na mamahalin natin ang isa’t isa.’
TODAY is May 28, 2022. Ito ang araw na pinakahihintay ng lahat maliban sa ‘kin. Kung iisipin, ako na ang pinakamaswerteng babae sa mundo dahil pakakasalan ko ang nag-iisang lalaking anak ng angkan ng mga Madrigal. Kung pera ang pagbabasihan, swerte ako, pero hindi sa lahat ng bagay pera ang kailangan. Kundi…
PAGMAMAHAL.
Hindi ko man natupad ang pangako ko sa sarili ko na ang taong pinakamamahal ko lang ang pakakasalan ko, ang mahalaga lalaking may kompletong pamilya ang anak ko.
Pagbukas ng pinto ng simbahan, siya ring paglakas ng t***k ng puso ko. Sobrang bilis ng t***k nun, parang anytime, mamatay na ‘ko.
Ang daming bisita na inimbitahan nila. Mga kasusyo sa iba’t ibang negosyo, kakilala, family friends, relatives, mga kaibigan namin at iba na hindi ko kilala.
(Now playing: Beautiful in White by Ed Sheeran)
Sa bawat hakbang ko papunta sa lalaking nakatayo malapit sa altar ay siya ring kabog ng dibdib ko.
Nakangiti ang lahat na nakatingin sa ‘kin lalo na ang lalaking kasama kong manumpa sa harap ng diyos. Parang pinaparating niya sa ‘kin na magiging okay ang lahat. Basta magkasama kami.
“I, Jerald Drake Herrera Madrigal, take you, Golden Klythe Samonte Sifiata, to be my friend, my lover, the mother of my children and my lawfully wedded wife. I will trust you and respect you, laugh with you and cry with you, loving you faithfully through good times and bad, regardless of the obstacles we may face together. I give you my hand and my love, from this day forward for as long as we both shall live.” He said then placed the ring into my ring finger.
“I, Golden Klythe Samonte Sifiata, take you, Jerald Drake Herrera Madrigal, to be my friend, my lover, the father of my children and my lawfully wedded husband. I will trust you and respect you, laugh with you and cry with you, loving you faithfully through good times and bad, regardless of the obstacles we may face together. I give you my hand and my love, from this day forward for as long as we both shall live.” I said then placed the ring into his ring finger.
“I pronounced, husband and wife. You may now kiss the bride.” Anunsyo ng pari.
I close my eyes when I feel his lips to mine.
Nang humarap kami sa mg tao nagpalakpakan sila. They’re all smiling to us.
Dumako ang tingin ko sa lalaking kakalabas lang sa loob ng simabahan. Is that Lance? Siguro may importanteng pupuntahan. Tumingin ako sa kinaroroonan ni Mama. Ngumiti siya sa ‘kin. Ngumiti rin ako sa kanya.
Pagkatapos ng picturials namin. Nauna kaming pumunta sa reception. Ang reception namin ay isa sa mga hotels nina JD. Nang dumating kami sa reception, nagsidatingan na rin ang mga bisita. Kung maraming tao sa simbahan mas lalong dumami ang tao dito.
The spotlight is now on the two of us. We are sweetly dancing the song ‘IKAW AT AKO’ by MOIRA and JASON.
Nakahawak ako sa balikat ni Jerald habang siya nakahawak sa bewang ko. We are sweet right? Kahit anong gawin kong iwas sa mga titig niyang nakakatunaw, hindi ko talaga maiwasan lalo na’t parang magnet ito na hinuhugot ang mga mata ko para lang titigan siya.
His pierce blue eyes make me look at him.
“Are you okay?” tanong niya.
“Yes.” mabilis kong sagot. Kahit ang totoo hindi dahil hanggang ngayon masakit pa rin ang puso ko.
“If, you’re tired we can stop this.” Sabi niya habang titig na titig sa mga mata ko.
Umiling ako. “Hindi ayos lang ako.” At pilit na ngumiti sa kanya.
Ayokong ipakita sa kanya na malungkot ako kasi kasal namin ngayon. We should enjoy this moment.
“Kahit ilang buwan lang kitang nakilala. Alam ko, kung kailan ka nagsisinungaling kaya sabihin mo sa ‘kin ang totoo.” He said like he really knows me in many years.
“Ayos lang talaga ako.”
“You’re so gorgeous.” sabi niya na nagpapula sa mukha ko.
Mabuti nalang nakapatay ang ilaw. Tanging mga lights lang naka-on.
“Thank you.” I said with a smile. “Ang gwapo mo rin.” Puri ko sa kanya.
“I know.”
“Ang yabang.” Then I rolled my eyes.
Pinitik niya ang noo ko. “Thank you.” At abot tengang ngumiti sa ‘kin.
“Masakit ‘yon ah.”
Bigla niyang hinalikan ang noo ko. “Masakit pa rin ba?” tanong niya sabay ngiting nakakaloko.
“Para-paraan.” Sagot ko.
“Nakawala kaya ng pagod at sakit ang kiss.”
“Kaya mo ‘ko hinalikan? E, hindi nga nawala ang sakit sa noo ko.” Tapos hindi makapaniwalang tumingin ako sa kanya.
He kissed my forehead again. Yumuko. “Nakakahiya ka.” Madiin kong sabi.
“So, kinakahiya mo ‘ko.” He seriously said.
“Hindi naman sa ganun.”
“Look at me.” Inangat ko ang tingin ko sa kanya. “Gusto ko, kapag magsama na tayo. Mayroon akong morning kiss, good night kiss, goodbye kiss kapag may trabaho ako o may pupuntahan ako at welcome kiss kapag darating ako sa bahay lalo na kapag galing ako sa trabaho.” Mahaba niyang sabi.
Nanlaki ang mga mata ko. “Ano? Nang aabuso ka na ata niyan.”
“Ganun ang ginagawa ng mag-asawa. Isa pa, kailangan nating gawin ‘yon lalo na kapag may mga anak na tayo.”
“Required ba talaga ‘yon? Tsaka paano mo naman nasisigurado na may anak tayo. We don’t love each kaya.”
Kulang nalang kada makikita ko siya, hahalikan ko siya. Pero… parang ganun na rin ‘yon. My ghad. Ang daming alam.
“Bilang asawa ko kailangan bigyan mo ‘ko ng anak. At kapag may mga anak na tayo, gusto kong ipikita at iparamdam natin sa kanila na mahal natin ang isa’t isa.”
Hindi na ako sumagot pa sa kanya. Dahil alam ko, kapag sasagot ako may isasagot din siya. Nilapit niya ako lalo sa kanya at niyakap. Inalis ko ang kamay kong nakahawak sa balikat niya. I feel relief when I hug him back. I feel safe when I’m with him hindi ko alam kong bakit.
Sinandal ko ang ulo ko sa matipuno niyang dibdib.
“Don’t worry I will do my best as your husband and to be a good father of our soon children.” Aniya.
“Sana magwowork ang pagiging mag-asawa natin.”
“Magwowork dahil may rule ako.”
Inalis ko ang pagkakasandal ko sa kanya. “Rule?” tanong ko.
“Yes. A rule that you can’t break.”
“What’s that rule?”
“No divorce allowed.” Seryoso niyang sabi.
Inalis ko ang pagkakayakap ko sa kanya pero siya nanatiling nakayakap sa ‘kin. “Pa’no kung may iba kang mahal at ganun din ako.” Sabay tingin sa mga mata niya.
“Hindi mangyayari ‘yan maliban nalang kung mangangaliwa ka sa ‘kin.” Sabay kunting tawa.
“Mangangaliwa talaga ako.” Panghahamon ko. Gusto kong makita ang reaksyon niya.
Nagsalubong ang kilay niya. “Huwag mo lang ipakita sa ‘kin ang lalaki mo baka mapatay ko pa siya.”
Natawa ako. “Bakit may nangangaliwa bang pinapakita sa asawa nila? ‘Di ba wala.” Gusto kong pigilan ang tawa ko pero hindi ko magawa.
Mas lalo nagsalubong kilay niya at parang anytime bubuga na siya ng apoy. “So, gagawin mo talaga?” habang hinigpitan ang pagkakayakap sa ‘kin.
Humalakhak ako. “Joke lang.” sagot ko.
“What’s funny, ha?” inis niyang tanong.
“Ito naman nagbibiro lang ako.” niyakap ko siya ulit at ngumiti ng malapad. “You’re acting like a jealous husband.”
“Another rule, no third party allowed.” Sabi niya. Hindi niya man lang pinansin ang sinabi kong jealous husband, hay…
“What if, I’ll break your rule?” I curiously asked.
“You will receive a punishment.”
As if namang gagawin ko ‘yon. Wala kami ni Franklin, wala ngang ibang nagkakagusto sa ‘kin bukod kay Franklin e. Kaya, walang third party at walang punishment tapos.
“What punishment?”
“That’s a secret.”
“Okay. Pero kapag mahuhuli kita sa akto na may kalandiang babae o may sekreto kang anak sa labas hihiwalayan kita. Huwag kang mag-expect na aabot pa tayo sa susunod na araw.” Pagbabanta ko sa kanya.
Bumalik kasi sa alala ko ang batang tumawag sa cellphone niya nung araw na pumunta kami sa bahay. Kahit sinabi niyang anak ‘yon ng pinsan niyang si Tin. Hindi pa rin ako kumbinsido. Malay ko bang may asawa na pala siya tapos ipepeke niya ang kasal namin o ‘di kaya may binuntis siyang ibang babae.
“No divorce allowed nga ‘di ba?” bakas sa tuno ng pananalita niya ang pagkainis.
“Hindi naman ako makikipagdivorce. Hihiwalayan lang kita. Sa papel mag-asawa pa rin tayo pero sa mata ng mga tao hiwalay na tayo. In that way, you can enjoy your life with your mistress.” Makahulugang sabi ko na kinatigil niya.
“Dahil ayokong maramdaman ng magiging anak ko ang naramdaman ko. Sobrang sakit magkaroon ng ibang kapatid sa ibang babae.” Dagdag ko.
Nangako ako sa anak ko na hindi niya dapat maranasan ang naranasan ko. Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko, para buo ang pamilya namin hanggang sa lumaki siya.
“I’m not a perfect man but I’ll do my best to be a perfect man to my wife.” He said and kiss me again on my forehead.
Hindi na ‘ko sumagot. Pumikit ako habang dinadama ang bawat segundo at minutong yakap niya ako.
Pagkatapos naming sumayaw nagsimula ng kumain ang mga tao. Pinuntahan namin ang bawat table. Tudo ngiti lang din ako sa kanila.
“Congratulation Mr. & Mrs. Madrigal.” Bati nung may edad na babae. Kahit may katandaan hindi maitatago ang ganda nito.
“Thank you, Mrs. Fuentabella.” Sagot ni JD.
“Thank you po.” Sabay ngiti sa kanya.
Tumingin siya sa ‘kin. “You’re so beautiful iha.”
“Thank you po. Ikaw rin ho.” Sagot ko.
“Excuse us, Mrs. Fuentabella.” Sabi ni JD. Umalis na kami. Pumunta na naman kami sa ibang table. Puro congrats tapos sasagot kami ng thank you.
Biglang sumakit ang paa ko. Kaya ng may nakita akong bakanteng upuan, tumingin ako kay JD.
“Pwede bang umupo muna tayo? Ang sakit na kasi ng paa ko e.” pakiusap ko.
“Oo naman.”
Nauna na ako sa kanyang umupo. Malapit ito sa may mga pagkain at tsokolate. Tinanggal ko ang takong na suot ko. Kaya pala masakit kasi namumula ang paa ko. Nakakapagod pala sa araw ng kasal.
Lumuhod siya at hinihilot niya ang paa ko. May narinig akong usapan.
“Ang sweet naman ni Jerald.”
“Oo nga e. Ang swerte talaga ni Gold.”
Tumaas ang kilay ko. Inggit kayo. Mainggit pa kayo, please. Palibhasa, Marites.
“Sinabi mo pa.”
“Sana ganyan din ka sweet ang mapapangasawa ko ‘no?”
“Huwag ka ng mangarap. Nag-iisa lang si Jerald.”
Napatingin naman ako sa kanya habang hinihilot niya ang paa ko. Mas lalo siyang gumawapo ngayon. Bagay sa kanya ang suot niyang black tuxedo, hindi ko masisi ang mga babaeng nagkandarapa sa kanya.
Ang pula ng labi niya habang hinihipan ang parte ng paa kong namumula. Ang maganda niyang mga mata na seryoso ring nakatingin doon at ang matangos niyang ilong na ramdam ko ang bawat paghinga niya sa balat ko.
Napangiti ako bigla. Yeah, they’re right. I’m lucky.
“Staring is rude, woman.” Nawala ang ngiti sa labi ko ng magsalita siya. Oh god! Did he see that? Inikot ko ang mata ko para hindi halatang tinitigan ko talaga siya ng matagal. “Alam kong gwapo ako.” Nakangiti niyang sabi.
Binawi ko ang paa ko sa kanya. “Tama na. Hindi na masakit.”
Umupo siya sa tabi ko. “Ayos lang na pagnasaan mo ‘ko. Mag-asawa na tayo kaya wala ng problema.”
“Ikaw? Pagnanasaan ko? Talaga? Bakit naman?” sunod-sunod kong tanong.
“Ikaw ah, napaghahalataan ka na.” sabi niya at mahinang tumawa.
“Alam mo hindi ikaw ‘yong tipo ng lalaki na karapat-dapat pagnasaan.”
“Talaga? Bakit kanina tinawag kita, tinitigan mo lang ako.” Then he smirked.
“Hindi kita tinitigan.”
“Talaga lang ah.”
“Oo. Ang kapal mo talaga.” Tumawa ako ng mahina.
Ilang minutong katahimikan ang namayani sa ‘min. Tumingin lang kami sa paligid. Sa mga taong masayang nag-uusap at kumakain.
“I’m happy.”
Tumingin ako sa kanya. “Bakit?” tanong ko. Sa ‘kin pala siya nakatingin.
“Tinatanong pa ba ‘yan?” tanong niya.
“Oo. Malamang hindi ko alam.” Sagot ko.
Pinitik niya noo ko. “Silly.”
Ngumuso lang ako.
“Sandali lang. May tatawagan lang ako.” Paalam niya.
Ngumiti ako at tumango sa kanya.
Dumistansya siya sa ‘kin. Ang seryoso niya habang may kinakausap sa phone. Sino kaya ‘yon. Baka ‘yong pamangkin niya na naman. Ilang minuto ng may kausap si JD sa phone, siguro importante ang pinag-uusapan nila.
Naisip kong pumunta sa direksyon kung saan naroon ang mga kaibigan ko.
“Gold!” masayang sabi nila ng makita nila ako.
Ngumiti ako. “Okay lang ba kayo dito?” tanong ko.
“Oo. Naku! Ang daming gwapo Goldeee.” Kinikilig na sabi ni Shairen.
May mga bakante pa namang upuan kaya, umupo ako sa isang upuan na katabi ni Lyka.
“Marami nga pero hindi naman para sayo.” Sagot ko.
“Nag-asawa ka lang gaganyanin muna ako.” Kunyaring nagtatampo niyang sabi.
“It’s not like that.” Sabi ko naman.
“Uy! Gold ang sweet niyo kanina ni Kuya.” Kinikilig na sabi ni Shairen.
“Anong sweet?” kunot noong tanong ko.
“Hindi ba sweet ‘yong, sumandal ka sa dibdib niya… tapos siya nakayakap sayo. Tapos kanina bago kayo magyakapan nagtatawan pa kayo.” Kinilig na sabi din ni Leigh.
“Kaya niya ako niyakap kasi nahihilo ako.” Pagsisinungaling ko. Bakit hindi ko naisip na nakatingin pala sa ‘min ‘tong mga loka-loka kong kaibigan. Mga Marites.
“Pero infairness, lumelevel up ang relationship niyo kasi may pa-kiss si Kuya sa noo mo kanina. You can’t deny it, ‘cause I saw it with my two eyes.” Sabi ni Leigh attumingin sa ‘kin na nang-aasar. Ano pa bang aasahan ko sa mapang-asar na babaeng ‘to.
“Kumuha nalang tayo ng pagkain.” Suggest ko.
“Gusto ko ‘yan. Tara.” Sabi ni Leigh.
Sabay kaming tatlo na kumuha ng pagkain. Habang kumukuha kami ng pagkain biglang nagsalita si Shairen.
“Alam mo cous nagdududa na ako sayo.” Sabi ni Shairen habang kumukuha kami ng pagkain.
“Why?” takang tanong ni Lyka.
“Malakas ka namang kumain pero ang payat mo pa rin.” Tapos humalakhak siya.
“Puri ba ‘yon? O ano?” tanong ni Lyka.
“Puri tsaka ---” Leigh cut Shairen’s off.
Hinawakan niya ang cupcake. “Huwag munang ituloy baka lumanding ‘tong cupcake sa mukha mo.” Pagbabanta niya kay Shairen. Natawa nalang ako sa kanila. Basta sila ang kasama, walang boring na magaganap. Nagpatuloy lang ako sa pagpili sa gusto kong pagkain.
“Leigh.”
Napatingin ako sa taong lalaking tumawag sa pangalan ni Lyka.
“Kiel?!” nanlalaking mata na tanong ni Leigh. Tumabi ng tayo si Shairen sa ‘kin.
“Hindi ba siya ‘yong palagi nating sinusundan nung college tayo.” Bulong ni Shairen.
“Mm.” sagot ko.
Dumako ang tingin niya sa ‘min.
Tumikhim si Leigh. “She’s Golden my cousin’s wife, the bride and she’s Shairen my cousin. And guys, he’s Kiel my friend.” Pakilala ni Leigh.
“Nice meeting you, Kiel.” Sabay naming sabi ni Shairen.
Infairness mas lalo siyang gumawapo. Dati kasi hindi siya ganyan kagwapo, siguro hindi ko lang siya nakikita dahil may boyfriend ako. Loyal kaya ako.
“Nice meeting you too.” Sagot niya.
“You look familiar.” Sabay tingin sa ‘kin. “I think we meet before.”
Nagtaka akong tumingin sa kanya pati ang dalawa. “Maybe.” Sagot ko. My ghad. Nakakahiya kayang sabihin na… Oo, we meet before kasi palagi ka naming sinusundan.