Chapter 7

4602 Words
Chapter 7 “Ikaw ‘yong…” umaaktong nag-isip. “Girlfriend ng kaklase kong si Franklin, right?” nagulat ako sa sinabi niya. Ibig sabihin palagi niya akong nakikita before. “Uh, Oo.” Sabi ko saka pekeng ngumiti sa kanya. “I thought he will be your lifetime lover.” Sabi niya. Peke akong ngumiti. “Akala ko nga rin e.” sagot ko. ‘Kiel, pinaalala mo pa’ “Can I join with you ladies?” tanong niya na kinatango namin. Hindi ko akalaing napapansin niya pala ako. Minsan kasi ako ang pupunta sa room nila Franklin dati. Hindi ko naman akalaing magkaklase sila ng lalaking palagi naming sinundan kapag free time. Umupo siya sa tabi kong silya. Masaya kaming nagkukwentuhan. Puro tawanan lang maririnig mo sa table namin. “Pwede ba tayong magpicture?” out of the nowhere niyang tanong sa ‘kin. “Oo naman.” Nakangiti kong sagot. Nagpicture nga kaming dalawa. Hindi pa siya nakontento at pumunta pa kami sa stage para daw ipakita sa boss niya na totoo ang sinasabi niyang pupunta siya kasal. “Smile.” Sabi nung photographer. Hindi ko alam kong nakailang picture na kami. Kasi iba ‘yong sa camera at cellphone niya. I raised my eyebrow when I saw JD in our table. He is standing there and wearing his dark aura. Kasama rin pala ang mga kaibigan niya. Nang marating namin ang table namin. Lumapit ako kay JD sabay kapit sa braso niya. Tumingin ako kay Kiel. “Kiel, he is Jerald my husband. Jerald he is Kiel my newly friend.” At ngumiti sa kanila. Naglahad ng kamay si Kiel. “Nice meeting you, pare.” Sabi niya. Tiningnan lang siya ni JD pati ang kamay niyang nakaangat sa ere. Hindi niya man lang inabot ang kamay ni Kiel o sinagot ang ‘Nice meeting you too.’ Attitude talaga. “Kiel sandali lang ah. Kakausapin ko muna siya. Umupo ka muna.” Sabi ko. Iwan ko pero ang gaan ng loob ko sa kanya. “Hindi na. I need to go home. Bye Leigh. Bye ladies. Thanks, sa time.” Nakangiting sabi niya. “Mag-ingat ka Kiel.” Sabay naming sabi. “I will, for you.” Aniya na kinakilig ni Leigh. I wave at him, he waves back. Nang mawala na siya sa paningin ko, hinarap ko ang seryosong mukha ni JD. “Anong mukha ‘yan?” natatawa kong tanong. “Sino ‘yon?” tanong niya pabalik. Umupo ako sa ipuan ko kanina. “Si Kiel manliligaw ni Leigh.” Sabay tingin kay Leigh. Biglang siyang namula ng tingnan namin siyang lahat. Hindi na siya nagtanong pagkatapos kong sagotin ang tanong niya. Umupo nalang siya sa katabi kong upuan, ‘yong mga kaibigan niya umupo na rin sa bakanteng upuan. Nagpaalam muna kami sa mga kaibigan namin na pupunta muna kami sa table ng mga pamilya namin. Nasa iisang table kasi ang pamilya namin, kasama na roon si Mama. Alam kong ang awkward niya sa lagay na ‘yon pero kinaya niya para sa ‘kin. “The newly wedded couple is here.” Nakangiting sabi tita. Matamis akong ngumiti sa kanila. “Good evening po, sa inyong lahat.” Magalang kong sabi. “Don’t be too formal, hija. We are family, now.” Sabi ni Lola Emmariel, nakaupo siya sa wheel chair. “Have a seat.” Sabi ni Mommy Dianne. Pinaghila ako ng upuan ni JD bago siya umupo sa katabi kong upuan. Nasa gilid ko si Mama, si Rachelle naman ang nasa gilid ni JD. Nag-uusap lang sila, kasama si JD. Ako, si Mama at Rachelle nanatiling tahimik. Sasagot lang kami kapag kami ang tinatanong. Wala naman kasi akong masyadong alam sa negosyo na ‘yan e. So, shut up nalang ako. Nandito kami ngayon sa condo unit ni JD. Matapos ang wedding celebration, dito kami dumiretso. Nakasuot ako ngayon ng lingerie. Habang nakaupo ako sa kama nilibot ko ang paningin ko sa loob ng kwarto niya. Ang ganda, lalaking-lalaki ang desinyo. Nabaling ang atensyon ko sa malaking frame na nakasabit sa dingding. Litrato namin ‘yon nung nagpren-up kami. Kung titingnan para kaming totoong nagmamahalan. Bumalik ako sa kama at kinuha ang isang unan do’n. Sa couch nalang siguro ako matutulog ngayon. Pag-upo ko sa couch, siya ring pagbukas ng pinto ng CR. Lumabas dun ang isang mapang-akit na nilalang. He is topless, only towel cover his lower part. Napamaang ako ng makita ang kabuuan niya. I didn’t saw that before. Oh! God! MY SINFUL EYES! MY VIRGIN EYES! His wet black hair makes him so attractive. Idagdag mo pa ang tumulong tubig sa katawan niya, galing sa buhok niya. Parang nang-aakit rin ang anim niyang abs. Parang sinasabi niya na ‘Touch me, Gold’. Baliw na ata ako. His body shape perfect. Siguro palagi siyang nagggym. “You want to touch this?” tanong niya sa mapang-akit na boses. Hindi ko man lang namalayan na nakalapit na pala siya sa ‘kin. “W-What?” nauutal kong sabi. Kinuha niya ang kanan kong kamay at nilagay niya ito sa abs niya. Parang nanigas ang kamay ko ng lumapat ito doon. “Do you like it?” mapang-akit niyang tanong. Mabilis kong binawi ang kamay ko. “Heh! Magbihis ka na.” sabi ko ng hindi makatingin sa kanya ng diretso. “You’re blushing.” Natatawang sabi niya. Kailangan pa ba niyang sabihin na namumula ako. Hindi ba pwedeng, kung ano ang nakita niya ‘wag nalang niyang sabihin. “Make up ‘yan kaya ‘wag kang assuming.” Pagdadahilan ko. “Naligo ka ‘di ba?” tanong niya. JD! You’re getting into my nerves. Nakakainis ka! Alam mo namang namula ako, ipangalandakan mo pa. Pinapahiya mo ‘ko. “Masama bang lagyan ko ulit?” nakataas kilay kong tanong. “Paano mo nalagyan wala ka namang make up dito?” “Kapag hindi ka pa titigil. Sisipain na kita.” Tumawa lang siya sa banta ko sa kanya. “Don’t worry babe this is all yours.” Sabi niya bago siya umalis sa harap ko. Ang lalaking ‘yon talaga. Nakakainis. Nagawa niya pa talagang tumawa. Nakaasar lang. Humiga nalang ako sa couch at natulog. I’m tired. Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumama sa mukha ko. Bago ko minulat ang mga mata ko nag unat-unat muna ako. Ang sarap ng tulog ko kagabi. Nagulat ako ng imulat ko ang mga mata ko. “Sa couch ako natulog kagabi ah.” Sabi ko sa sarili ko ng makitang nakahiga na ako sa kama. Kinuha ko ang phone ko sa side table. Pag-open ko bumungad sa ‘kin ang home screen kong kaming dalawa ni Franklin. Hindi ko pa pala napalitan ‘to. Mapait akong ngumiti habang nakatingin sa home screen. “Good morning, Franklin. Magpagaling ka.” I-unlock ko ulit, saka ko nalang papalitan kapag may gana ako. Habang pababa ako ng hagdan nanuot sa ilong ko ang mabangong amoy ng ulam. Sinundan ko ang amoy na ‘yon at dinala ako ng mga paa ko sa kusina. I saw JD, there. He half-naked at naka-apron. Sweet husband. “Good morning, Gold.” Nakangiting bati niya sa ‘kin ng makita niya ako. I smiled back. “Good morning. Ano ‘yan?” “Ginataang manok.” Sagot niya. Lumapit siya sa ‘kin. “Umupo ka na.” at pinaghila niya ng upuan. “Thank you.” Bumalik na siya sa pagluluto. Ilang sandali lang hinain niya na ito sa mesa. Nilagyan niya rin ng kanin at ulam ang plato bago siya kumuha ng sa kanya. Tumikhim ako. “Pwede bang magdamit ka muna.” Feeling ko kasi hindi ako makakapag-focus sa pagkain kapag wala siyang pang-itaas na damit lalo pa’t nasa harapan ko siya. “Oh, I’m sorry.”, kinuha niya ang damit niya sa kabilang upuan at sinuot ‘yon. Nang magsimula na kaming kumain. Walang niisa sa ‘min ang nagsalita. Tanging tunog lang ng kutsara at tinidor ang maririnig sa buong kusina. “Aalis ka na dito sa condo mo?” tanong ko kay JD. Pagkatapos kasi naming kumain kanina. Dumireto kami sa kwarto niya at kinuha ang mga damit niya sa walking closet. Nilagay niya kasi ang lahat ng damit niya sa maleta pati ang mga sapatos at iba pang mga importanteng bagay. Ang totoo, kanina pa ako tanong ng tanong sa kanya. “Oo, bakit gusto mo bang dito nalang tayo tumira?” tanong niya rin sa ‘kin. “Uh… hindi ko alam.” Walang kabuhay-buhay kong sagot. Kung pwede nga lang sa bahay pa rin ako tumira tapos siya kanila pa rin titira. Pero hindi na pwede e. Tinigil niya ang pag-impake sa mga damit niya saka tumingin sa ‘kin. “Sabihin mo lang kung gusto mo dito. We can stay here.” Mahinahon niyang sabi. “Wala naman tayong sariling bahay. Saan tayo titira?” tanong ko. Kung aalis kami dito sa condo unit niya. Wala kaming ibang titirhan. Wala naman siyang sinasabi na may pupuntahan kami. Lumapit siya sa ‘kin. “Trust me, okay.” Sabay hawak sa magkabila kong braso. Tumango lang ako sa kanya. He smiled saka bumalik na ulit siya sa ginagawa niya. “Sabi ko naman sayo, tutulungan kita.” Sabi ko ng hindi niya masarado ang maleta. “Sabi ko rin sayo… kaya ko na ‘to. Umupo ka nalang dyan.” Sagot niya. Nakaupo lang kasi ako sa gilid ng kama habang nakatingin sa kanya. Tumayo ako. “Asawa mo ‘ko, JD kaya tutulungan kita.” Sabi ko at tinulungan siyang isarado ang maleta. “Oh, ‘di ba? Kapag nagtutulungan ang mag-asawa, mabilis matapos ang trabaho.” Nagtaka ako ng hindi mawala ang ngiti sa labi niya habang nakatingin sa ‘kin. “Bakit?” “Nothing.” Nakangiti niyang sagot. Napailing nalang ako. “Sige na. Kumilos ka na dyan.” Habang nasa byahe kinulikot ko ang phone ko hanggang napunta ako sa gallery. Bumungad sa ‘kin ang album na ginawa ko para sa picture namin ni Franklin. Tiningnan ko ‘yon isa-isa. Ang dami talaga naming bondings. Nakakamiss. Kung pwede ko lang ibalik ang mga panahon na masaya ako kasama siya. Ibabalik ko. “Hey!” napalingon ako kay JD ng magsalita siya. “Are you okay?” “O-Oo, bakit mo natanong?” tanong ko rin. Umiling lang siya. Binalik ko ulit ang atensyon ko sa phone ko. Nakita ko ang picture namin nung valentine’s day… second year college kami nito, binigyan niya ako ng tatlong pulang rosas. Grabe nga ‘yong hiyang na ramdaman ko that time kasi, sa harapan ng mga kaibigan ko at kaibigan niya mismo ito binigay sa ‘kin. May picture rin kami noong JS PROM, siya ang KING OF THE NIGHT, ako naman QUEEN OF THE NIGHT. Nilagay ko ang dalawang litratong ‘yon sa privacy para siguradong walang makakita. Tapos ang iba dinelete ko na. “Ano ba ‘yang tinitingnan mo?” bigla niyang tanong. Mabilis kong I-unlock ang phone ko. “Huh? Ah, Wala. Nasan na nga pala tayo?” pang-iiba ko ng topic. “Malapit na tayo sa pupuntahan natin.” Sagot niya. Binalik ko nalang ang phone sa sling bag ko. Tumingin nalang ako sa unahan. Habang siya, salubong ang kilay at nakakunot noo. Bakit kaya siya ganyan? Ano kaya ang iniisip niya? “Okay ka lang?” tanong ko. Hindi ko kasi mapigilan ang sarili ko na hindi magtanong. Lalo pa’t ganyan ang mukha niya. Malay ko bang may mabigat na pala siyang problema. He nodded. Hindi man lang siya nag-abalang lingonin ako. “Sigurado ka bang ayos ka lang?” tanong ko ulit. “Oo.” Hindi na ako nagtanong ulit baka nakukulitan na siya sa ‘kin tapos ayaw niya lang sabihin. Ilang minuto ang lumipas huminto kami sa harap ng isang malaking bahay. Hindi ko na hininhintay na pagbuksan niya ako ng pinto. Napanganga ako. “Wow! Ang ganda.” Nilibot ko ang paningin ko sa buong paligid. “Kaninong bahay ‘to?” “Sa ‘tin. Regalo ni Lola Emm.” Sagot niya. “Grabe! Regalo sa ‘tin ‘to ni Lola? Grabe… hindi ako makapaniwala." “Yes.” Simple niyang sagot. Ang ganda ng bahay. Nauna akong pumasok sa kanya sa loob, mas lalo akong namangha ng makapasok ako sa loob. Kompleto na rin ang gamit dito. Sa sala may mga sofa na rin. “I love it.” Sambit ko. Dream house ko ‘to nung bata pa ako tapos ngayon nasa harap ko na. Simula ngayon ito na bago kong tahanan. “Simula ngayon, dito na tayo titira.” Sabi niya. Isang oras din naming nilibot ang buong bahay. Inayos na rin namin ang gamit niya dahil dinala na niya dito pero bago ‘yon nilinis muna niya ang kwarto. Pumunta kami sa malapit na restaurant dahil gutom na kami, 11:10 am na rin kasi. “Bakit ganyan ka makatingin sa ‘kin?” tanong ko sa kanya. “Wala lang.” nakangiti niyang sagot. “May iba ka bang pupuntahan ngayon?” tanong ko saka sumubo. “Meron.” He answered. “Ah, ganon ba.” Binalik ko ang tingin ko sa pagkain ko. Pupunta kasi ako sa bahay para kunin ang mga gamit ko, tapos magpapasama ako sa kanya. Pero ayos lang rin naman kung ako lang mag-isa. Siguro pupuntahan niya na naman ang pamangkin niya. Hay…… “Kagabi nga pala.” Sabi ko habang nakatingin sa pagkain ko. “Iyong inakto mo, kay Kiel. That was rude.” “I don’t like his presence.” Sabi niya dahilan ng pag-angat ko ng tingin. “Mabait kaya siya. Ang gaan nga ng loob ko sa kanya eh. Kahit unang usap palang namin.” Pagtatanggol ko kay Kiel. Totoo naman ‘yong sinasabi ko mabait siya. “Mabait lang ‘yon kasi gusto ka niya.” He calmly said while looking at me seriously. Nanlaki ang mata ko. “Anong ako? Hindi ako ang gusto nun. Si Leigh… tsaka ano ka ba. Manliligaw ‘yon ng pinsan mo tapos ganyan ka. Gustong-gusto kaya ‘yon ni Leigh since tumungtong kaming college.” Sabi ko. Ang taas naman ng buhok ko kapag ganon. “So, you know him since college?” “Oo. Palagi kaya namin ‘yon sinusundan. Minsan na nga naming pinag-away ni Franklin, si Kiel dahil late na ko minsan sa date namin. Si Leigh kasi nagagalit kapag hindi namin siya sasamahan.” Napatingin ako sa hawak niyang kutsara at tinidor. “Baka masira ‘yang hawak mo.” Sabi ko at mahinang natawa. “Bilisan mong kumain. Pupunta pa tayo sa bahay niyo.” Seryoso niyang sabi. Binilisan ko ang pagsubo ko baka magbago pa ang isip niya. Hindi ko na nga siya tinanong ng kung anu-ano. Nandito na kami sa kwarto ko. Kinuha ko ang mga gamit ko sa closet at nilagay sa maleta. Ang iba naman nilagay ko sa kama para mabilis kong maayos. Tumingin ako sa maliit na mesa kung saan nakalagay ang lampshade. Wala na ang picture? Dyan ko lang naman nilagay ‘yon ah. “Ito ba hinahanap mo?” napatingin ako sa hawak ni JD. “Bakit mo kinuha ‘yan? Akin na nga.” Tinaas niya ito ng kunin ko sana sa kamay niya. “JD, akin na ‘yan.” At sinubukang abutin ang picture frame. “Dadalhin mo rin ba ‘to sa bahay natin?” “Hindi.” Mabilis kong sagot. Ilalagay ko kasi ‘yon sa box na pinaglagayan ko ng ibang picture at iba pang mga mahalagang bagay na nagpapaalala sa nakaraan namin. Kami kasing dalawa ni Franklin ang nasa litrato. I’m sweetly smiling while he is kissing my face. Kinuha ko nalang ang malaking box sa ilalim ng kama ko. Wala atang siyang balak na ibigay sa ‘kin ang picture na ‘yon. Pagbukas ko, bumungad agad sa ‘kin ang iba pa naming mga litrato, mga bigay niya t’wing monthsary, at anniversary namin. Ang iba naman nung birthday ko. Kahit wala namang okasyon bibigyan niya pa rin ako ng regalo. Kinuha ko ang frame sa kamay ni JD, hindi naman siya pumalag. Lahat ng litrato na nasa kwarto ko, nilagay ko sa box, pati ang photo album namin. Tapos dinala ko ito sa closet at doon tinago. Inayos ko na rin ang lahat ng gamit ko. Hindi ko naman dinala lahat ng gamit ko. Iniwan ko ang iba para kapag pupunta ako dito may isusuot pa ako. Habang inayos ni JD ang mga maleta sa loob ng sasakyan. Nilapitan ko si Mama. “Ma.” Hinawakan niya ang kamay ko. “Anak alagaan mo ang sarili mo. Kapag may tanong ka tungkol sa pabubuntis mo, may kailangan ka, o may problema ka tawagan mo lang ako.” Tumango ako. “Dadalaw din kami dito, Ma kapag day off ni JD. Mamimiss kita, Ma.” “Mamimiss rin kita, anak.” Sabay yakap sa ‘kin. Niyakap ko siya pabalik. Nang kumalas siya sa yakap tumingin siya sa likuran ko. Kaya lumingon ako. Nakasandal si JD sa kotse niya habang nakapikit. Distansya kami sa kanya kaya hindi niya maririnig ang pag-uusapan o pinag-usapan namin. “Alam na ba niya?” tanong ni Mama na kinakunot ng noo ko. Ibig sabihin hindi niya sinabi kay JD na buntis ako? Pinaalam ko na kasi kay Mama na siya ang ama ng pinagbubuntis ko kaya pumayag na rin siyang ipakasal ako kay JD. “Hindi pa po, Ma.” “Anak, kailangan mong sabihin sa kanya ang totoo. Hindi habang buhay malilihim mo sa kanya ‘yan. At isa pa, may karapatan siyang malaman na buntis ka dahil sa kanya ‘yan.” Paalala ni Mama. Nagpakawala ako ng buntong hininga. “Natatakot kasi ako Ma baka… magalit siya sa ‘kin.” “Mas lalo siyang magagalit sayo kapag nilihim mo pa sa kanya.” “Sasabihin ko rin po sa kanya.” “Sige na. Baka mainip pa siya kakahintay sayo. Mag-ingat kayo.” “Opo, Ma.” Sabay kaming naglakad ni Mama patungo sa kinaroroonan ni JD. “Iho, ‘yong sinabi ko sayo.” Sabi ni Mama ng tumingin si JD sa kanya. “Opo, Ma.” Gusto kong dalhin si Mama sa bahay pero nahihiya ako kay JD at sa pamilya niya baka kung ano pang masabi nila. Pero alam ko rin naman na hindi siya samama sa ‘min. Wala na siyang kasama sa bahay. Iisipin ko palang ‘yon gusto ko ng bumalik. Kahit hindi sabihin ni Mama sa ‘kin alam kong malungkot siya. Kitang-kita sa mga mata niya kahit ngumingiti siya sa ‘min. “Mag-ingat kayo. Hinay-hinay sa pagmamaneho, iho.” Paalala niya ulit ng makasakay kaming pareho sa sasakyan. “Opo, Ma. Mag-ingat ka rin po.” Sabay naming sagot. When he starts the engine, I took a deep sighed. I wave back when I saw my Mom wave at us. “Huwag kang mag-alala. Pupunta pa rin naman tayo dito kapag may free time.” Sabi ni JD. “Alam ko, nag-alala lang ako kay Mama kasi wala siyang kasama.” “Pwede naman natin siyang dalhin sa bahay.” “Hindi rin siya sasama sa ‘tin.” Sabi ko. Wala na kaming imikan hanggang sa makarating kami sa bahay. Wala rin naman ako sa mood na makipag-usap sa kanya. Habang nilalagay ko ang mga damit ko sa lalagyan ng damit biglang nagring ang cellphone ko. Group video call lang pala ‘yon. Sa tinagal-tagal ng group chat na ‘to ngayon lang nila naisipang mag-video call. I answered. [Hi Guysss.] masayang bati ni Larra. [I miss you, guys.] sabi ni Meecar. Meecar Greca Madreal. Franklin's cousin. They are my bestfriend since high school. Nahiwalay sa ‘min si Larra at Meecar dahil nag-migrate sila sa abroad, si Larra sa France, si Meecar naman sa America. [OMG! Larra! Meecar!] Shairen scremed. “We missed you so much. Kailan kayo uuwi?” tanong ko. [Goldeee, ang daya mo.] nagtatampong saad ni Larra. Larra Joy Sifiata, my cousin. [HELLOOOO! There, guys. Kamusta kayo?] sigaw ni Leigh. Ano pa bang aasahan kay Leigh, ganyan talaga ‘yan. “Anong madaya?” I asked Larra. [We’re fine, Leigh. Kayo?] sagot ni Meecar. Ang gulo. Kung sa bagay ngayon lang ulit kami nagkausap tapos through video call pa. [I heard news that you marry a young billionaire.] sabi ni Larra. [MARRIED na sila ni Kuya Jerald.] masaya at proud na sabi ni Leigh at diniinan ang salitang married. [I thought you and Franklin will be a lifetime lover. Ang sweet niyo kaya.] saad ni Meecar. They know, kasi since high school I’m in a relationship with Franklin at saksi sila sa lahat ng nangyari sa love story namin sa middle school. “Yes, Larra. I’m already married with Lyka and Shairen’s cousin.” Sabay pakita sa engagement at wedding ring sa palasingsingan ko. “You thought, Meecar. But he cheated.” Sgot ko sa sinabi ni Meecar. Nakahawak lang ako sa phone ko habang inaayos ang mga gamit ko. [He is famous lalo na dito sa France. All girls… except me ha, droll over your husband. Pero… I’m one of his fans but I’m not hard dying fan.] Larra said. “Really? He’s just a CEO that’s not a big deal.” Sabay konting tawa. [Your husband is CEO, the heir of Madrigal’s Company and… a model. Nasa tamang tao ka, gurl.] sabi ni Larra at tumawa. Nasa tamang tao means nakapingwit ka ng bigating tao, para sa ‘min. [Opps! Sorry.] dagdag niya. I know why she say that, wala kasing preno eh. [Grabe, Franklin cheated on you?] Meecar asked na para bang nanghihinayang ang tuno niya. Kung sa bagay, pinsan niya ‘yon. [Yeah! Ang kapal niya tapos may gana pa siyang makikipagbalikan kay Golden. My God!] Shairen say. Kinuwento ko kasi sa kanila ang nangyari sa hospital. Ayon ang dalawa, grabe makareact. Hindi daw sila papayag na hindi matuloy ang kasal namin ni JD. [Talaga? Kung nandyan lang talaga ako. Makakatikim siya sa ‘kin.] sabi ni Larra na kinatawa naming lahat. [Guess what? Pinsan namin ang kabit ni Franklin. At ang bruha, may gana pang magtrabaho sa kompanya tapos pinalitan si Golden bilang model.] kwento ni Leigh. Hindi nalang ako nagsalita at nilagay muna ang phone ko sa mesa. I don’t want to hear something about Franklin and Zana. Nang matapos kong mag-ayos, kinuha ko ulit ito. “Sorry guys, medyo busy kasi ako ngayon.” [It’s okay. Sorry sa isturbo.] Larra and Meecar. [She’s busy, kasi they moving in.] I turn back the phone camera. “Tapos na.” sabay pakita sa mga damit na kakasabit lang at pinakita ko sa kanila ang kabuuan ng closet namin. Lumabas rin ako sa closet para ipakita sa kanila ang kabuun ng kwarto namin. To be exact gusto nilang i-tour ko sila sa bahay namin. “Ito ‘yong kama namin.” At finucos ko do’n ang camera. [Wow! King size bed.] mangha nilang sabi. “Tapos, ito ang couch. May konting sala din… iwan ko kung anong tawag dyan. At mga picture.” May mga picture kasi kaming nakadisplay sa side table. Nakalagay na siya sa maliit na frame. Akala ko nga hindi niya pinotocopy ang litrato namin. Nagkuwento pa rin ako sa kanila habang pagbaba ako ng hagdan. Pinakita ko ang sala sa kanila kahit nasa kalagitnaan pa ‘ko ng hagdan. Tapos pinakita ko ang chandelier. “Ito ‘yong sala namin.” Sabi ko. [Wait! Who’s that? Is that your husband?] takang tanong ni Larra. Tumingin ako sa sofa. There I saw JD seriously sitting at the sofa. Kunot noo siyang tumingin sa ‘kin. Sigurado akong narinig niya ‘yong sinabi ni Larra kasi nakafull volume ang phone ko. “Yes, he is.” Nakangiti kong sagot. [Yieeeee.] asar nila sa ‘kin. Pi-nrunt ko ang camera at tumabi ng upo kay Jerald. “Larra, Meecar this is my hubby… Jerald Madrigal. JD, they are bestfriends. Larra and Meecar.” Pakilala ko sa kanila habang nakangiti. [Hi, nice to meet you.] nakangiting sabi ni Meecar. [Hello, I’m one of your fans here in France. Nice meeting you.] masayang sabi ni Larra. [Oo nga pala, pinsan ko ‘yang asawa mo.] dagdag ni Larra habang hindi mawala ang ngiti sa kanyang labi. “Nice meeting you too.” He formally said. Aalis na sana ako kaya lang inakbayan niya ako. “Stay here.” Bulong niya. [Ang sweet ni Kuya.] tili ni Leigh. [We need to hang up. Nakakaisturbo na tayo.] Nang-aasar na sabi ni Meecar. “Hindi ah.” [Kumusta ang honeymoon?] akala ko mahuhulong na ang cellphone ko dahil sa tanong ni Larra. Sa dami ng pwede niyang itanong ‘yan pa talaga. Alam naman niyang nandito sa tabi ko si JD. [Oo nga. Share naman.] natatawang sabi ni Shairen. Pakiramdam ko pumunta ang lahat ng dugo ko sa mukha ko at parang uminit rin ang buong paligid. Jusko ka Shairen! [Hoy! Ambad niyo. Bata pa ako.] sabi ni Lyka at humalakhak. “Secret ko na ‘yon ‘no. Hindi porket magkaibigan tayo sasabihin ko na. Mag-asawa na kayo para malaman niyo kung ano ang feeling.” Sabi ko sabay tawa. [Talaga, Leigh? Bata ka pa sa lagay na ‘yan?] her cousin asked. Leigh puot her lips. “Guys, bye na muna. Marami pa kasi kaming gagawin. Alam niyo kakalipat lang namin.” Paalam ko. Ang totoo ayaw ko ng makipagplastikan sa kanila na in love kami ni JD sa isa’t isa, which is not. Wala na rin akong maisasagot sa mga posibleng tanong nila sa ‘kin. Tungkol sa kasal thingy or something na hindi ko masasagot. [We understand. Bye. Enjoy.] nang-aasar na sabi ni Larra. Ito talagang babaeng ‘to. Alam kong iba ang iniisip nun. I hung up the call and massage my forehead. Lumingon ako sa kanya. “Sa labas tayo kakain mamaya o mamalengke tayo ngayon?” tanong ko. Matamis siyang ngumiti sa ‘kin. “I want homemade foods.” “Hmm? Anong gusto mo gulay o karne?” tanong ko ulit. “You.” Simple niyang sagot. Sabay ng pamumula ng mukha ko ang pag-alis ko sa nakapatong niyang braso sa balikat ko. “JD, umayos ka baka masapak kita.” Sabay layo sa kanya. Tumikhim siya, “I mean… ikaw, ikaw ang bahala.” Sabi niya. Tumayo ako. “Uhm, magpapahinga muna ako saglit tapos pagkagising ko. Mamalengke na tayo.” Sabi ko at tinalikuran siya. I feel awkward. Kahit na palagi kaming magkasama at magkausap this past few days. Hindi ko na dapat maramdaman ‘to lalo na at magkasama na kami araw-araw---panghabang buhay. “Wait!” pigil niya at hinawakan ang pulsuhan ko. Lumingon ako. “Bakit?” mahinahon kong tanong. “Thank you.” “For?” taka kong tanong. “For everything.” “You deserve it.” Nakangiti kong sabi. Kahit hindi ko alam ang dahilan ng pagpapasalamat niya. Ilang minuto na akong nakahiga sa kama pero hindi pa rin ako makatulog. Kinuha ko ang phone ko sa side bed table na katabi ng lamp shade. Bumungad sa ‘kin ang wallpaper kong kaming dalawa ni Franklin. ‘Masaya ako kasi naging parte ka ng buhay ko.’ ‘Nawala ka man sa ‘kin pero may nagpapalakas naman ng loob ko.’ ‘Mahal pa rin kita pero alam kong mawawala rin ‘to.’
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD