Chapter 12
“Magsisimula tayo ulit.”, mga salitang lumabas sa bibig ni JD nung gabing ‘yon.
Walang pagsidlan ang saya na naramdaman ko simula nung gabing ‘yon. Hindi ko akalain na mangyayari ang lahat ng iyon. Sa ginawa kong pagsesekreto kay JD, naging daan pa para mapaamin kami sa totoo naming nararamdaman. Siguro nga lahat ng bagay na nangyayari ay may dahilan.
Naniniwala na ako sa kasabihang, ‘Everything happened for a reason.’
Kasi kung hindi kami nagbreak ni Franklin, hindi ako pupunta sa bar at hindi kami magkikita ni JD. But despite of all pain I receive in the past, dobleng saya naman ang bumalik sa ‘kin dahil binigyan niya ako ng inspirasyon sa buhay.
Papunta kami ngayon sa bahay na pinagawa ko para kay Mama. Hindi niya alam kung saan kami pupunta dahil hindi namin sinabi sa kanya, sobrang tagal pa nga namin siyang nakumbinsi na sumama siya. Birthday niya kasi ngayon at ayaw niya i-celebrate dahil wala raw siyang pera, tapos kung ako daw magbbirthday sa kanya. Gagamitin ko nalang daw ang pera ngayong manganganak ako.
Nang malapit na kaming makarating sa bahay, hininto muna ni JD ang sasakyan sa gilid para lagyan ng piring si Mama. As expected, nagreklamo na naman si Mama. Binuhay ulit ni JD ang makina at ilang minuto lang nasa harap na kami ng bahay.
“Anak ano na naman ‘to?” tanong ni Mama habang tinatahak ang daan papunta sa loob ng bahay.
“Iangat mo ang isa mong paa, Ma.” Inalalayan ko kasi siya. Si JD nakasunod lang sa ‘min.
Nang bumukas ang pinto ng main door. Pinahinto ko si Mama at unti-unting tinanggal ang blind fold niya.
“Happy Birthday!” sigaw nila.
“Happy Birthday, Ma.” Nakangiti kong saad.
May konting hinanda kasi kami dito. In-invite ko rin ang mga kaibigan ko pati ang kaibigan ni JD pati ang malalapit na kaibigan ni Mama. Kami-kami lang ang narito dahil ayaw ni Mama ng magarbong selebrasyon dahil gastos daw.
Kitang-kita sa mga mata ni Mama ang iba’t ibang emosyon na naramdaman niya.
Humarap siya sa ‘kin at bigla niya akong niyakap, niyakap ko rin pabalik si Mama saka hinaplos ang kanyang likuran tapos hinalikan ako ni Mama sa noo.
“Anak, maraming salamat. Sobrang swerte ko sayo anak. Hindi man kita nabigyan ng kompleto pamilya pero nandito ka pa rin hindi mo ‘ko iniwan. Nanatili ka pa rin sa ‘kin. Kung gaano kasakit ang naramdaman ko noon, mas dinoble niya ang saya na naramdaman ko ngayon. Mahal na mahal kita anak, sobra.” Maluhang sabi ni Mama.
Pinunsan ko ang kanyang mga luha. “Mahal na mahal rin kita, Mama. Mas swerte ako sayo.”
“Tama na ‘yang drama. Lumamig na pagkain.” Reklamo ni Tita Lina na tinawanan ng lahat.
Hindi ko mapigilan ang ngiti sa aking labi habang nakatingin sa aking ina na nakangiti sa mga taong nasa hapag.
Kulang pa ang lahat ng binigay ko kay Mama sa mga nagawa niya para sa ‘kin. Hindi ko kailanman mababayaran ang buhay na binigay niysa ‘kin. Kaya, ma-swerte ako dahil siya ang ina ko.
Nang sumapit ang dilim nag-uwian na ang mga kaibigan namin dahil may mga trabaho pa sila bukas. Nasa labas kami ng bahay ni Mama, nakatayo kami habang nakatingin sa magandang kalangitan, ang daming bituin.
“Maraming Salamat, anak.” Basag ni Mama sa tahimikan na namayani sa ‘min kanina.
“Wala pong anuman, Ma.” Binaling ko ang tingin ko sa kaniya. “Kung tutuusin kulang pa ang lahat ng ito bilang pasasalamat sayo.”
“Sobra-sobra na ang lahat ng ito anak. Ang laki ng bahay na ito pa sa ‘kin.”
“Huwag kang mag-alala, Ma dadalaw naman kami dito e. Tsaka, napag-usapan na rin namin ni JD na dito na titira si Cristy para may kasama ka. Kailangan niya rin ng advice galing sayo Ma.” Sabi ko.
Pinakiusapan ko kasi si Jerald kagabi na patitirhin ko si Cristy sa bahay ni Mama para may kasama si Mama at para may magaadvice rin sa kanya. Pero hindi ko pa sinabi kay Cristy ang tungkol dito, sana lang pumayag siya.
“Mas kailangan niyo si Cristy doon.”
“Ma, nandon naman si JD.”
Nagpakawala siya ng malalim na buntong hininga saka niyakap ako ng mahigpit.
Kinabukasan. Nilipat na ang mga gamit ni Mama sa bago niyang bahay. Nagpatulong nalang kami sa driver nila Jerald kasi may office work siya ngayon. Bumili na rin ako ng ibang gamit na kakailanganin sa bahay.
Sinabihan ko na rin si Cristy tungkol sa pagtira niya sa bahay. Pumayag naman siya, kaya nawala ang ang kaba sa puso ko.
Tumulong rin ako sa ibang gawain gaya ng; pagwawalis, at paglalagay sa mga plato sa lagayan nito. Habang pinunasan ko ng basing basahan ang square glass table biglang tumunog ang phone ko sa aking bulsa. Kinuha ko ito saka tiningnan kung sino ang tumawag, at nakita ko ang pangalan ni Jerald sa screen.
“Office hours ngayon ah.” Bungad ko sa kanya.
[I just want to hear your voice, babe.]
“Akala ko ba bawal tumawag o tumanggap ng tawag kapag may trabaho?” tanong ko. Yeah, he’s so strict when it comes to work.
[I’m the boss.]
“And?”
[I can do whatever I want.]
“Hindi porket amo ka, ganyan ka na. Ikaw mismo ang lumabag sa ginawa mong rule.”
[Babe, didn’t you miss me?]
“Hindi. Tsaka busy ako.”
[Uh, I see. Kung makasermon ka.]
“Kung ayaw mong makarinig ng sermon ‘wag kang tumawag.”
[Babe naman…]
“You already heard my voice, I’ll hung na.”
[Pch! Are you that busy para hindi mo ako mabigyan ng konting-konting oras?]
“Tumigil ka nga. Para kang bata.”
[Bata na marunong, gumawa ng bata.]
Para akong nabilaukan dahil sa sinabi niya. Kung katabi ko lang talaga siya baka nasuntok ko na ‘to.
“Jerald Drake!”
[Oo na. Sorry na agad.]
“Sige na.”
Pinatay ko na ang tawag ibabalik ko na sana sa mesa ang cellphone ko pero tumawag siya ulit. Hinayaan ko itong magring saka nilagay sa mesa.
Nakita kong nagmamadaling lumabas si Cristy ng may magdoorbell. Siguro dumating na ang in-order kong pagkain. Nag order nalang ako para tuloy-tuloy ang trabaho namin.
“Cristy, ako na.” nakangiti kong sabi. “And… magpahinga muna tayo, pakisbi na rin kay Mama.”
“Mm.”
Paglabas ko sa bahay tanaw ko ang mamahaling sasakyan na nakaparada sa labas ng gate. Wow! Sosyal na pala ngayon ang mga delivery boy. Pagbukas ko sa gate, nagtaka ako ng makitang nakatayo si Lance sa labas.
“Uhm,” aniya.
“Mhm. Hi! Wala si Jerald dito eh. Nasa trabaho pa. Halika, pasok ka.” Aya ko sa kanya.
“Hindi na. Ikaw talaga ang sadya ko.”
Kumunot ang aking noo. “Ako?”
He nodded, “Gusto sana kitang makausap.”
“Tungkol saan?”
“Hindi mo ba talaga ako naalala o sinadya mong kalimutan ako.” Biglang sabi nito sa ‘kin.
Mas lalong kumunot ang noo ko dahil sa mga binitawan niyang mga salita. I didn’t know him before, nakilala ko lang siya nung nasa bar ako. Why he is acting like we already know each other.
“Hindi kita maintindihan.” Sabi ko.
Lumapit siya sa ‘kin at hinawakan ang dalawa kong kamay, “Klythe, hindi ko na kaya. Huwag naman ganito, please. Umuwi ka na, our daughter needs you. Kung galit ka pa rin sa ‘kin, tanggap ko ‘yon pero ‘wag mo namang isali ang anak natin sa galit mo. Matagal ko ng pinagsisihan ‘yon.” Namumula ang kanyang mga mata habang nakikiusap sa ‘kin. Wala akong naintindihan sa mga sinasabi niya. Ang nanatiling nasa isip ko ay kilala niya ako. He called me in my second name, si Kuya lang naman ang tumatawag ng ganyan sa ‘kin.
“Umuwi ka na. Sumama ka na sa ‘kin.”
“Lance, ano ba ‘yang pinagsasabi mo. Hindi kita maintindihan.”
“Huwag ka ng magpanggap, Klythe. Bakit mo ba kami natitiis ng ganito? Dahil ba sa pangalawa mong pamilya?” tanong nito ulit.
Binawi ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya at nagpakawala ng malalim na buntong hininga. “Lance. Una, hindi kita ganon kakilala. Yes, we’ve meet but that’s only trice. Pangalawa, wala akong anak sayo at hindi tayo nagkaanak dahil hindi tayo nagkarelasyon. Pangatlo, hindi ako galit sayo at hindi ako nagpanggap na hindi kita kilala. Panglima, hindi ko pangalawang pamilya si Jerald at ang magiging anak namin, they are my one and only family at gusto kong ipaalam sayo, na birhen akong nakuha ni Jerald.”
“Klythe…”
“Wife.”, pareho kaming napalingon ni Lance ng marinig ang baritong boses na ‘yon.
“Dude.” Sabay nilang sabi.
Nanlaki ang mata ko ng halikan ako ni JD sa harap ni Lance sabay hapit sa bewang ko palapit sa kanya. Kita ko ang pagtitig roon ni Lance, bigla siyang umiwas roon at tumingin sa ‘min.
“I need to go. Thanks, sa time, Kythe. Bye, dude.” Anito at umalis.
Sabay na rin kaming pumasok ni JD sa loob ng bahay. Pagpasok namin, umupo siya sa mahabang sofa habang nakadikwatro.
“Anong ginagawa ni Lance dito?” tanong nito sabay kuha sa cellphone kong nasa mesa.
Umupo ako sa single sofa, “Babe, may asawa’t anak na ba si Lance?” tanong ko pabalik.
“Sagutin mo muna ang tanong ko.” Sabi niya habang may kinulikot pa rin ang cellphone ko.
“Nag-usap kami kanina bago ka dumating.”
Umayos siya ng upo at tumingin sa ‘kin, “About?” seryoso nitong tanong.
“Sabi niya, hindi ko ba raw siya naalala o sinadya kong kalimutan siya. Hay! Hindi ko maintindihan ‘yang kaibigan mo, Jerald.”
“Iyan lang ba ang sinabi niya?”
Tumango ako, “Mm. So pwede munang sagutin ang tanong ko?”
“Yes.” Mabilis nitong sagot.
“Magkamukha ba kami ng asawa niya?” tanong ko. I’m just curious dahil sa mga inakto ni Lance kanina.
“I forgot. Kasi nakita ko lang ang asawa niya sa araw ng kasal nila.” Sagot niya.
“Nasan ba kasi ‘yang asawa niya? Siguro kamukha ko kasi napagkamalan niya ako eh.”
“Isang taon ng patay ang asawa niya.”
Natigilan ako. Kaya ba ganon nalang ang reaksyon niya ng makita ako dati tapos kung makatitig siya sa ‘kin parang may gusto siyang sabihin? Kung ganon kawawa naman ang anak nila. Sino kaya ang nag-aalaga sa bata?
“Wala ka na bang trabaho?”
“You didn’t answer my 100 calls.” Sabay pakita nung mga missed calls. Sinadya ko naman talagang hindi sagutin kasi nakakainis na siya.
“Para lang d’yan pumunta ka dito?” tanong ko.
Sasagot na sana siya ng tumunog ang phone ko. “Sino ‘yan?” tanong ko at tumabi sa kanya.
“Leigh.” Walang gana niyang sagot.
Sinagot niya ito at in-on ang loud speaker.
[Hello, bes.] masayang bungad nito sa kabilang linya.
“Wow! Good mood tayo ngayon ah. Wala na bang nangungulit na Kiel at Josh?” Pabiro kong tanong. Joshua Amante is he’s ex-boyfriend, nangungulit kasi itong makipagbalikan sa kanya. And Kiel Fuentabella, his ultimate crush na engineer nanligaw sa kanya kahit hindi niya pa pinayagan. Ang haba ng hair.
[Beshy naman eh…] parang bata niyang sabi.
Kukunin ko na sana sa kamay niya ang cellphone ko pero hinigpitan niya ang pagkahawak dito tapos hinawakan ang dalawang kong kamay gamit ang malapad nitong mga kamay. Sinamaan ko siya ng tingin.
“Ano na namang chismiss ang dala mo ngayon?”
[Grabe ka sa ‘kin. ‘Di ba pwedeng namiss kita. Tsaka, hindi chismiss ang dala ko ‘no, good news.]
“So, ano nga?”
[OMG! Nandito na sa Pilipinas sila Larra at Meecar.] tapos nagtitili siya.
“OM! Talaga?! Kailan lang?”
[Kanina. And guess what? May girl’s night tayo later, kyah!]
Nawala ang ngiti sa labi ko dahil sa sinabi niya. Hindi ako pwedeng sumama, ang laki na ng t’yan ko baka dun pa ako manganak. Girl’s night means guy's hunting pero hindi naman namin lalandiin, titingnan lang. Tapos irrate namin, 10 ang perfect.
“Girl’s night talaga? Alam niyo namang hindi ako makakasama sa inyo eh”
[Joke lang! alam naman naming hindi ka pwede eh. So, girl’s talk nalang. Ang haba din ng agenda natin, haha. Ano? G ka ba?]
“Meeting place muna.”
[Hmm… sympre G na G ka kasi sa bahay niyo lang, haha.]
“My God! Sa ‘min talaga? Hindi ako prepared.”
[Don’t worry, ate. We’ll help you, magluto.]
“Leigh ‘yan ka na naman.”
[Oo na. Sige bye.]
Kinuha ko ang pagkakahawak ni Jerald sa kamay ko at tumayo.
“Ma!” tawag ko kay mama.
“Bakit anak?” tarantang sabi ni Mama.
“Uuwi na po ako.” Sagot ko.
Napahawak siya sa dibdib niya, “Akala ko, kung ano na.”
Tumayo rin si Jerald at lumapit sa kinaroroonan ni Mama para magmano. “Nandito ka pala, iho.”
“Opo.”
Tumingin si Mama sa ‘kin. “Kumain muna kayo anak.”
“Hindi na po, Ma. Sinundo ho talaga ako Jerald dito kasi may date kami. Tsaka, may in-order ako para sa inyo ni Cristy.” Nakangiti kong paliwanag.
Wala naman kaming date. Ako lang ang nagsabi, pambawi sa hindi ko nasagot ang tawag niya. Alam ko kasing nagtatampo na naman siya. In short, nagpapalambing.
“Oh, siya sige. Mag-ingat kayo.”
“Opo.”
Pinalibot ko ang aking mga braso sa braso niya, “Let’s go, babe.”
“May date pala tayo ngayon?” tanong niya habang nagddrive siya.
“Oo.” Saka malapad akong ngumiti sa kanya ng nilingon niya ako. “Pambawi ko sayo. Alam ko kasing nagtatampo ka na naman.” Tapos kinurot ko ang pisnge niyang walang kagalos-galos.
“Naku! Ang gwapo talaga ng asawa ko. Pa-kiss ako.” then I pouted my lips on him. Hindi ko kasi siya maabot dahil malaki na t’yan ko tapos naka seat belt pa ako.
Nang nilapit niya ang pisnge niya sa ‘kin, iniwas ko ang labi ko roon saka umiling-iling. He knows that sign, kaya tinigil niya ang sasakyan sa gilid ng kalsada at humarap sa ‘kin.
He cupped my face and kiss me tightly. Bigla akong napangiti sa pagitan ng halikan namin. Hindi mo talaga ako mastitis, Mr. Madrigal.
“I love you, wife.” He said when our lip parted.
“I love you too, husby.” At matamis na ngumiti sa kanya.
Mabilis niyang dinampian ng halik ang labi ko bago magpatuloy magdrive. Wala na akong ibang mahihiling pa, basta kasama ko lang ang pamilya ko’t masaya kami.
Saktong pauwi na kami sa bahay, ang siyang pagtawag ni Leigh na papunta raw sila. Hindi na raw muna papasok si JD ngayon para makatulong daw siya sa kung ano man ang gagawin namin. Pagdating namin sa bahay nagbihis muna kami ni JD sa kwarto.
Mabilis pa sa alas kwartong nakalabas ako ng kwarto ng marinig ang sunod-sunod na busina.
“Wife! Hinay-hinay lang.” rinig kong sigaw ni Jerald at sa isang iglap nasa gilid ko na siya tapos inalalayan ako.
“Babe, kaya ko naman.” Sabi ko.
“Eh, halos takbuhin mo na ‘yang hagdan, nakarinig ka lang ng busina. Paano kung may masamang mangyari sayo.” Sermon niya.
Hindi na ako sumagot kasi kasalanan ko naman. Pagbaba namin, bumukas din ng maindoor at niluwa nito ang mga kaibigan ko. Si Larra, Meecar, Shairen at Lyka.
Parehong nanlaki ang mga mata namin ng makita ang isa’t isa, “OMG! Beshy!” sigaw ni Meecar at Larra.
Mabilis nilang nilakad ang pagitan namin at sinalubong namin ang isa’t isa ng mahigpit na yakap. Kaso hindi nga lang ganon kahigpit kasi malapit na nga akong manganak.
“We missed you so much, Golden.” Sabi nilang dalawa sa pagitan ng yakapan namin.
“Namiss ko rin kayo.” Sabi ko.
“Wow! Ang sweet niyo naman.” Sarkastikong saad ni Leigh.
“Leigh, pwede na tayong umuwi.” Matabang na sabi ni Shairen.
Nabuwag kaming sa yakapan namin at sabay na humalakhak. Parang high school days lang, namiss ko ‘to.
“Come join us.” Saad ni Larra.
“Wala na. Suyuin niyo muna kami.” Sabi ni Shairen.
“Hindi kami nanunuyo ng mga tuyuin, pwede na kayong umuwi.” Sambit ni Meecar at tumawa.
Parehong sumimangot ang mukha ng dalawa, “Ambad mo talaga. Joke lang naman eh.” Parang batang ani Leigh.
Lumapit sila sa ‘min at nagyakapan kami ulit. Pagkatapos ng moment na ‘yon. Naupo na kaming dalawa ni Leigh sa mahabang sofa, pinaglalaruan niya ang kanan kong kamay. She loves doing that dati pa. Si Larra at Meecar sa katapat naming sofa, habang si Shairen sa single sofa.
“Baby, our son wants to talk to you.” Nabaling ang atensyon naming lahat ng may nagsalitang lalaki at lumapit kay Larra. Kinuha niya ‘yon at nag-excuse sa ‘min.
Doon kulang napansin na hindi lang sila ang mga bisita namin. Kasamang mag-usap ni Jerald sina Kiel, Lance at Steven, nakatayo sila malapit sa ‘min. This guy, na lumapit kay Larra hindi ko siya kilala kasi wala namang siyang nakwento sa ‘kin about sa love life niya.
“May anak na pala si Lj?” sabay kaming tatlong nagtanong kay Meecar.
Tumango siya, “Iyon lang ang alam ko. Hindi ko nga alam na may husbby na pala siya.” Bakas sa tuno ng pananalita nito na nagtatampo sa kaibigan.
Pagbalik niya. Tiningnan namin siya ng masama. “What?” tanong niya.
“Nakakatampo ka, alam mo ‘yon.” Sabi ni Shairen.
“Oo nga, hindi man lang nagkwento na may junakis at husby na pala.” Nakataas kilay na saad ni Lyka.
“Si Goldilocks nga naghilim.” Sagot niya.
“Ay! Bakit sa ‘kin napunta ang usapan. Hoy, nagkwento ako sa inyo ‘no.” despensa ko.
“We got married last month. He’s my… ex-boyfriend and he got me pregnant. Hindi kaagad kami nagpakasal kasi… hindi ako tanggap ng family niya sa mother side.” Kinagat niya ang kanyang ibabang labi habang ang kanyang mga mata ay namumula. Hinaplos naman ni Meecar ang likod niya. “Minsan niya lang ako nasasamahan sa mga weekly checkups ko kasi he has a fiancé. I understand. Buti nalang palaging nasa tabi ko sina mommy at daddy, pinapalakas nila ang loob ko. I’m very thankful that they’re my parents. Muntik na nga akong makunan…” then doon hindi niya napigilan ang sarili niya. Gumaralgal na boses niya na pilit niyang pinipigilan.
Swerte pa rin talaga ako kasi tanggap ako ng family ni JD, both sides. I can’t imagine myself na nasa position ng pinsan ko.
“… because of Streisand’s fiancé. Hindi pa kasi sila officially break nun. So, after that Strei broke up her and after their break up, nagpakasal kami. Pero sa kabila ng lahat ng nangyari sa ‘kin, si Tristan lang ang naging tama.” Pumunta kami sa kinaroroonan niya at binigyan namin siya ng mahigpit na yakap.
I’m so much lucky for being part of this circle of friends.
Ang sarap sa pakiramdam na may makukwentuahn ka, may masasandal sa kahit anong oras.
Pagkatapos naming magkwentuhan. Napagdesisyunan naming magluto ng Italian foods, pareho kasi kaming marunong ng magluto nun. Pinaupo lang nila ako sa may counter, habang sila kanya-kanya ng ginagawa. Puno ng halakhakan ang kusina dahil sa mga jokes ni Meecar, siya kasi ang palaging nagpapatawa sa ‘min.
Nasa pool area naman sina JD, pero kalaunan pumasok rin sila sa loob at umupo sa sofa ang mga kaibigan niya.
“Lj, ano nga ulit pangalan nung ex-boyfriend mong varsity player?” tanong ni Shairen habang busy sa ginagawa.
“Mhmm. Ay! Nakalimutan ko. Ang dami kong kasing boylet eh, haha.” Sagot niya. Kaya nakitawa na rin kami.
“Leigh, dati palang ba crush muna si Kiel?” kuryusong tanong ng pinsan niya.
“What the f? Ate.” Nasambit ni Leigh.
“Who’s Kiel?” tanong ni Meecar.
“Manliligaw niya.” Nang-aasar na sagot namin ni Shairen.
Bigla siyang sumimangot, “I hate you, guys.”
“Ipakilala mo naman kami ni Meecar, Leigh.” Komento rin ni Lj, short for Larra Joy.
“Ayoko nga. Isa pa, hindi ko siya manliligaw. Never akong pumayag.” Nakataas kilay nitong sabi.
“Kahit hindi mo naman pinayagan, niligawan ka pa rin.” Sabi ko at ngumiti sa kanya.
“Uy… si Leigh, may engineer na.” asar ni Shairen. Umiling nalang siya at pinagsawalang bahala ang sinabi sa kanya.
“Hindi pa nga, sure. Tsaka, ‘wag mo akong buangin, Ate. Si Ate Gold oh, may CEO na.”
Napailing ako, “Iwan ko sayo, Leigh.”
“Isipin niyo ah. Si Golden may CEO. Si Shairen may… Businessman din. Tapos, si Larra may General Manager at si Meecar naman may architect. Tapos ako… kapag palarin… beke nemen may engineer din. Haha.” Sabi ni Leigh habang tumatawa.
“Leigh, ano bang nakain mo ngayon?” tanong ni Larra.
“Him. Ang sarap niya… magluto.”
Pagkatapos naming magluto dinala namin ito sa sala para makakain din sila.
Naabutan din namin silang nagtawanan. Siguro pinag-usapan din nila ang mga nakaraan nila. Pero bakit, close na agad sila sa asawa ni Larra eh ngayon lang naman nila ito nakilala?
Pinakilala kami ni Larra isa-isa sa asawa niya. Tapos sabay na kaming magkwentuhan. Pero naOOP kami sa kanila kasi they’re talking about business. Kaya nag-iba na naman kami ng usapan. I missed this, ‘yong lagi kaming nagtatawanan, nagkkwentuhan at nag-iiyakan, minsan.
Kaya pala kilala nila si Strei kasi kaklase nila ito sa elementary at business partner na nila ngayon tapos family friend. Kami lang talaga ang walang alam.
Nang sumapit ang gabi, nagsiuwian na sila dahil may mga trabaho pa silang gagawin bukas. Tapos si Larra hinahanap na ng anak niya.
Nalaman ko rin mula sa kaibigan kong si Meecar na fiancé niya pala si Lance. So, I’m wondering. Bakit ganon ang inakto ni Lance kanina.