Chapter 11
Nagpaalam ako kay JD at Saimon na pupunta muna ako sa kusina para uminom matapos ilagay ni Cristy ang juice sa mesa. Nadatnan ko siyang nakapikit habang nagpakawala ng buntong hininga.
“Ayos ka lang?” tanong ko.
Tumango lang siya.
“Pwede mo ba akong samahan magshopping?”
Pilit siyang ngumiti. “Oo naman.”
Sabay kaming naglakad papunta sa sala. Tumikhim ako para maagaw ang kanilang atensyon.
“JD, mamalengke muna kami ni Cristy.”
Nangunot ang kanyang noo. “Marami naman tayong stocks sa refrigerator ah. One more thing Saimon is here.”
“Kaya nga pupunta kami sa palengke. Magluluto kami ni Cristy ng masarap na masarap na ulam para mamaya.” Nakangiti kong saad.
Biglang sumeryoso ang mukha niya. “No.”
Hindi na ako kumontra sa sinabi ni Jerald kasi baka kung saan pa mapunta ang usapan namin. Nakakahiya naman kay Saimon saka kay Cristy.
Kanina pa nakauwi si Saimon. Pero nandito pa rin kami sa sala kasi may meeting na naman siya. Nakahiga ako sa mahabang sofa habang nakatingin sa kanya. Nakaupo siya sa single sofa habang nasa mesa ang laptop niya. He’s too busy. Nababagot na ako dito. Araw-araw lagi nalang ganito. Nakakainis na.
I took a deep breath dahilan ng mapatingin siya sa ‘kin. “Are you okay?”
“Sino bang magiging okay. Kung ganito nalang araw-araw.” Reklamo ko.
He closed his laptop at nilapitan ako.
Lumuhod siya. “Get up.” Mahinahon niyang sabi habang sinusuklay ang may kahabaan kong buhok.
Sinimangutan ko lang siya. Bigla siyang ngumiti saka mabilis akong dinampian ng halik sa aking labi. Malapit na akong manganak pero hindi ko pa rin alam kong ano ba talaga kami. Oo, mag-asawa kami, sweet siya at ginawa ko ang role ng pagiging asawa niya but hindi sapat para sa ‘kin ang lahat ng ‘yon.
There is something na gusto kong marinig mula sa kanya. I want to her the magic word.
Ang hirap aminin sa kanya ang tunay kong nararamdaman kahit asawa niya ako.
Hinawakan niya ako sa pisnge, “Get up. Pupunta tayo sa park.” Malambing niyang saad habang patuloy niyang ginagawa ang pagsuklay sa buhok ko.
“Tapusin mo muna ang meeting mo.”
“Uyy, nagtatampo ang misis ko.” Sabi niya sabay halik sa pisnge ko.
Bumangon ako. “Huwag ka ngang halik ng halik.” Tapos pinunsan ang mukha ko sa kung saang parte ang hinalikan niya.
Siya naman ngayon ang nakasimangot habang nakatingin sa ‘kin.
“Babe… pang energy ko ‘yon.”
“Simula ngayon, bawal mo ‘kong halikan.” Walang emosyon kong sabi.
Mas lalo siyang sumimangot. “Paano ako magkakagana sa trabaho kong bawal kitang halikan?” parang bata niyang sabi.
“Bahala kang maghanap ng energy mo.”
“Babe naman…”
Nagkibit balikat ako. “At ayokong tawagin mo ‘kong babe, wife, something na sobrang pangit. I want you to call me by my name.”, iwan
ko. Naisip ko palang na hindi niya ako mahal naiirita ako.
Blanko akong tingin ang pinukol ko sa kanya. Tumayo siya sa pagkakaluhod at tumabi sa ‘kin.
“Babe, your so mean.” Nakasimangot niyang sabi.
I keep silent. Hindi ko feel na pansinin siya ngayon. Gusto ko siyang awayin.
“Baby.” Sabay hawak sa kamay ko.
“Wife look at me, please…”
“Sweetheart…”
“Cutiepie.”
“Darling.”
“Mrs. Madrigal.”
“Misis ko.”
Para akong kiniliti dahil sa mga sinabi niya. Kinakagat ko ng palihim ang ibabang labi ko para pigilan ang ngiting gustong kumawala roon. Hindi niya pa nga nasasabi ang magic na sinasabi ko, para na akong mahimatay sa kilig. Daig ko pa ang teenager.
Nagpakawala siya ng malalim na buntong hininga.
Iwan ko ba. Kung bakit gusto ko siyang galitin ngayon. Pero, hindi naman ‘yan magagalit instead, lalambingin niya pa ako.
Bigla siyang tumayo saka pumunta sa harapan ko. Napataas ang kilay ko ng tumikhim siya.
“Baby shark do do do. Baby shark do do do. Baby shark.” Sabay kimbot. Iniba niya kasi ang dance step ng sayaw na ‘yon. Iyong nakakatawa na steps, maganda naman siya tingnan pero nakakatawa nga lang.
“Mommy shark do do do. Mommy shark do do do. Mommy shark.” He sung that song and dance like kid, humapdi na ang labi ko dahil sa kakagat ko dito.
“Daddy shark do do do. Daddy shark do do do. Daddy shark.”
Dun ‘di ko napigilan ang ngiti na kanina pa gustong kumawala sa labi ko. Ganyan siya palagi. Gagawin ang lahat para lang mapangiti niya ako.
“Pfft. Haha! JD tumigil ka nga!” natatwang saway ko sa kanya.
“Ayon!”, para siyang bata na nabigyan ng candy dahil nagtatalon siya. Ang lapad ng ngiti niya habang nakatingin sa ‘kin.
“Sabi ko na, gagana eh.” Sabi niya. Nakaupo na siya ngayon sa tabi ko.
“Ang pangit mo tingnan.” At tumawa ako ng mahina.
“Wala akong akong pakialam. Mapangiti lang kita.” Sabay halik sa labi ko. Napansin ko, hobby niya na ang paghalik sa labi ko. Adik.
Napahawak ako sa t’yan ko nang sumipa si baby.
“Ayos ka lang?” nag-alala nitong tanong.
Tumango ako, “Sumipa si baby, JD.” Mas lalo akong nakaramdam ng tuwa ng dumampi ang ang malaki niyang palad sa aking t’yan.
“Baby, bilisan mong magform d’yan. Excited na kami ni mommy’ng makita ka. Hindi lang kami pati ang mga lola’t lolo mo.”, Ramdam ko ang sunod-sunod na pagsipa ni baby.
“Sumipa siya ulit. Excited na rin siyang makita tayo.”
Malapad akong ngumiti nang hinalikan niya ang aking t’yan.
Kinuha ko ang cellphone ko sa mesa ng tumunog ito. Bumungad sa ‘kin ang isang mensahe galing kay Leigh.
Leigh
5pm at Italian restaurant.
Nawala ang ngiti sa labi ko ng mabasa ang text na ‘yon. Oo nga pala. May meet up kami ni Franklin. I know it wasn’t Leigh.
“JD, aalis muna ako.” Paalam ko.
Umayos siya ng upo ngunit nanatiling nakahawak ang kamay niya sa t’yan ko.
“Saan ka pupunta?” kunot-noong tanong nito sa akin.
“Magkikita kami ni Leigh sa Italian restaurant.” Alibay ko. Alam kong mali ang ginagawa ko. “May importante kasi kaming pag-uusapan.”
“Edi, papuntahin mo siya dito. She’s always welcome here. Also, you two can communicate via social media.”
“Iyon ang gusto niya e.”
Tiningnan niya ako ng diretso sa mata. Parang binabasa niya kong totoo ba ang sinasabi ko.
“Sige. Sasamahan kita.” he suggested.
“Hindi na, I can drive naman. Kaya ko ang sarili ko.”
“Hardheaded.”
“Uhm, ihatid mo nalang ako and then tatawagan nalang kita kapag tapos na kaming mag-usap.”
Feeling ko, para akong nagtatago sa asawa ko dahil nangaliwa ako. I felt guilty when I saw his sad eyes. Huwag nalang kaya akong tumuloy.
Habang nasa byahe kami, hinayaan ko nalang siyang hawakan ang kaliwa kong kamay habang nagddrive siya. Aaminin ko, gisto ko ang ginagawa niya.
‘JD, I’m sorry. Kung nagsinungaling ako sayo. Promise, hindi na ‘to mauulit.’
“Bakit?” bumalik ako sa katinuan ng magtanong siya.
“Huh?”
“Kanina ka pa tingin-tingin sa ‘kin. Is there something bothering you?” tanong niya ulit.
“W-Wala. May naalala lang ako.” Sagot ko.
Gustong-gusto ko nang sabihin sa kanya ang totoo pero natatakot rin ako baka magalit siya sa ‘kin. Hindi ko alam kong ano ang susundin ko, puso ko o isip ko. I don’t know.
“I feel like, you’ll leave me.” Sabi niya na mas lalong nagpakonsenya sa ‘kin.
“Stop overthinking. I will not leave you.” Sabay ngiti ko sa kanya.
He smiled back at hinalikan ang likod ng palad ko. Para akong nakuryente sa ginawa niya. Everytime he kissed me like that para akong kinuryente.
‘I love you, Jelard Drake.’
Pagpasok ko sa restaurant, nakita ko kaagad kung saan naghihintay si Franklin. Tumayo siya ng makita ako at ngumiti sa ‘kin, “Akala ko hindi ka na darating.”, pinaghila niya ako ng upuan bago siya umupo ulit.
Hilaw siyang ngumiti, “You’re pregnant.” Bakas sa tuno ng boses niya ang lungkot ng nararamdaman niya.
I half-smiled and nodded. I feel so awkward.
Malapad siyang ngumiti sa ‘kin ngunit alam ko, peke ang ngiting ‘yon. Basang-basa ko sa mga mata niya kung gaano kabigat ang nasa puso niya.
“Golden, I’m sorry. Sorry kong paulit-ulit akong nanghihingi ng tawad sayo. Sorry kong makulit ako.”, panimula niya. This time, I don’t know what to say. Nanatili akong nakatingin at nakikinig sa mga sasabihin niya.
“Alam ko kahit anong paliwanag ko sayo hindi ka maniniwala sa ‘kin. Pero magpapaliwanag pa rin ako, ginawa ko ‘yon para sa ‘tin… kasi ayokong mawala ka sa ‘kin. Pero sa maling desisyon kong ‘yon. Iyon pala ang maglalayo sayo sa ‘kin.”, parang piniga ang puso ko nang makita ang sariwang niyang luha na dumaloy sa pisnge niya. Gustong-gusto kong punasan ang luhang ‘yon pero tila bumigat ang mga braso ko para gawin ‘yon.
“Sinunod ko ang gusto ni Zana dahil ‘yon ang tingin kong tama. Pero mali, maling-mali... dahil sa maling desisyon kong ‘yon, hindi na kita matatawag na akin. Akin lang.” namumula ang kanyang mga mata habang sinsabi ang mga katagang nagpakirot sa puso ko.
“Ayokong masaktan ka pero ginawa ko ang bagay na makakasakit sayo. Ayokong masira ang relasyon nating dalawa pero ako mismo ang sumira nun. Ayokong lumayo ka sa ‘kin pero ako ang dahilan ng nagpalayo mo. Kaya naiintindihan ko, kung bakit nangyayari ang lahat ng ‘to sa ‘kin.”, sunod-sunod na dumaloy ang luhang kanina niya pa pinigilan.
Hinawakan niya ang mga kamay ko na nakapatong sa mesa, “Mahal na mahal pa rin kita, Gold. Walang nagbago sa naramdaman ko sayo. Ayoko ng magsinungaling pa sa sarili ko. Pinilit kong kalimutan ka kasi wala ng tayo, bawal nang maging tayo at malabong maging tayo ulit.”, sa bawat katagang lumalabas sa bibig para akong sinaksak ng karayom sa puso ko.
Nasasaktan ako. Hindi ibig sabihin nun na mahal ko pa rin siya. Nasasaktan ako kasi minsan ko na siyang minahal at naging parte siya ng buhay ko.
“Franklin…”
“Sshh. Huwag kang umiyak baka sabihin nila pinayak kita.” Sabi niya sabay punas sa luha sa pisnge ko. Hindi ko man lang namalayan na umiiyak na pala ako.
“Ikaw nga d’yan eh.” Tapos pinilit kong tumawa.
He took a deep sighed at pinilit na maging maayos ang sarili. “Kung dito lang ako, palagi lang kitang maiisip. I even stalked you personally and in social media dahil sobrang miss na kita. Feeling ko mababaliw na ako kakaisip sayo.” Tapos tumawa siya ng mapakla.
Ngumiti ako sa kanya. True smile not a fake one. “Alam kong darating ang araw na mawawala rin ‘yang nararamdaman mo para sa ‘kin. In the right time, at sa panahon na ‘yon. You loved someone else better than me.”
“Sana kagaya mo siya.”
“Sorry. Wala na akong duplicate.” Sabay mahinang tawa, ngunit alam kong peke ang ngiti na ‘yon. Gusto ko, sa pag-alis niya hindi sakit ang babaunin niya kundi ang saya.
Tumingin siya sa kanyang pambisig na relo, “Ang bilis ng oras ‘no. Lalo na pagkasama kita.”
“Franklin… I already forgive you.”
Forgiveness is the key to let your heart free in pain. Forgiveness is the key to move forward. Forgiveness is the key for HAPPINESS.
Natural lang na masaktan ka kasi tao ka lang, nagmamahal.
Tumayo ako ng tumayo siya. Hindi ako nakagalaw ng yakapin niya ako pero kalaunan niyakap ko siya pabalik.
“I don’t deserve your forgiveness but… thank you. Thank you so much.” Sabi niya sa pagitan ng yakapan namin.
Parehong kaming nakangiti nang kumalas kaming pareho sa yakap. Ang gaan sa pakiramdam na nakapagtawad ka ng isang tao.
“I need to go. Take care of yourself.”, dumako ang tingin niya sa tiyan ko. “Lalo na ngayon.” Dagdag niya.
I nodded. “Mm. Thank you.”
“I love you, my honeybunch. Goodbye.”
Naghahalong lungkot, sakit at saya ang nararamdaman ko habang tinatanaw ang papalayo niyang bulto. Lumingon siya sa ‘kin ng nasa labas na siya ng resto, makikita niya pa rin ako kasi glass ang dingding nito at sobrang linaw.
He smiled and wave at me. I smiled back and wave too.
Malungkot ako kasi hindi ako nakinig sa eksplenasyon niya dati. Nasasaktan ako kasi kitang-kita ko sa mga mata niya kung gaano siya nasaktan. Masaya ako kasi sa wakas okay na kami. At sobrang saya ko para sa kanya.
‘Makikita mo rin ang babaeng mamahalin mo ng tunay.’
Kinuha ko ang phone ko sa black sling bag ko para gawin itong salamin. Ayokong makita ni Jerald na namumula ang mata ko. I-unlock ko na sana ang phone ko, nang bigla itong tumunog, my eyes widen when I saw my husband name on the screen.
“Hello.”
[Hindi pa ba kayo tapos mag-usap ni Leigh.]
“Uhm, kakatapos lang. Nasan ka?”
JD, sorry. Promise pag-uwi natin sasabihin ko sayo ang totoo.
[Nasa bahay. Susunduin na kita, hintayin mo ko d’yan.]
“Oo. Drive safely.”
[Sige na. Bye.]
Then he hung up. Nakatingin lang ako sa screen ng phone ko. He’s acting weird, hindi man lang nag thank you. Dati kasi nagtthank you ‘yon. Pero ‘di bali kakausapin ko siya mamaya.
After a couple of minutes may humintong sasakyan sa harapan ko. Pagbukas ko nang pinto ng kotse niya, bumungad sa ‘kin ang seryosong mukha ni Jerald. Tiningnan niya ako ng blanko habang nagsseatbelt.
Nang masiguradong nakaseat belt na ako. Pinaandar niya ang sasakyan. Habang nasa byahe kami, he didn’t hold my hand like he used to be at hindi niya man lang ako tinapunan ng tingin. Hinayaan ko nalang ‘yon, para maaliw, tumingin nalang ako sa labas.
Hanggang dumating kami sa bahay hindi siya nagsalita. What’s happening?
Pagkatapos kong magbihis ng pambahay bumababa ako. Nakita kong open ang laptop niya tapos may papeles pang nakalagay sa mesa sa may sala.
Pumunta ako sa kusina dahil nagbakasakali akong naroon siya ngunit nabigo lang ako. Si Cristy lang ang nakita ko roon na nagluluto.
“Cris, nakita mo si Jerald?” tanong ko.
“Hindi eh.” Sagot niya.
“Umuwi siya dito kanina?” tanong ko ulit.
Nagunot ang noo niya, “Huh? Hindi.”, nagsimula akong kabahan sa sagot niya. Oh God! Hindi kaya nakita niya kaming magkasama ni Franklin?
“Sige, Cris. Salamat.”
Hindi ko na hinintay na sumagot siya. Mabilis akong nagtungo sa pool area, sigurado akong naroon siya dahil ‘yon lang naman ang pupuntahan niya kapag may problema o wala siya sa sarili.
Unang tapak ko palang sa pool area, nanuot agad sa ilong ko ang amoy ng nakakalasing na inumin. Nang tulyan na akong makapasok roon, nakita ko ang isang bote ng alak na wala ng laman pati ang basong basag, nagkalat ang mga bubog nito sa semento.
Napatingin ako sa pool. Nakita kong pabalik-balik na lumalangoy roon si JD, ang bilis niyang lumangoy.
“JD!” agaw pansin ko sa kanya. Ngunit balewala lang ‘yon sa kanya.
“JD! Umahon ka d’yan, please.”, iwan ko kung naririnig niya ba ako o ayaw niya lang akong pakinggan at pansinin. Kasalanan ko naman eh… I deserve this.
“Jerald Drake Madrigal!”
Palakad-lakad ako sa gilid ng pool habang tinawag ko siya para lang marinig niya ako.
“Hubby! Naririnig mo ba ako?”
Still no effect.
“Mister ko! Umahon ka d’yan! Parang-awa mo na!”
Now, nararamdaman ko na, ang nararamdaman niya dati nung hindi ko siya pinapansin.
“JD!”, mahina kong sigaw.
Pagtingin ko sa baba may nakita akong bubog na medyo may kalakihan. Saktong mahahawakan ko ito. Pinulot ko ‘yon at tinutok sa pulsuhan ko.
“JD! Kapag hindi ka aahon d’yan. Magpapakamatay ako!” pagbabanta ko sa kanya ngunit nagpatuloy lang siya sa paglangoy.
Nilapat ko ito sa balat ko. “Jerald! Hindi ako nagbibiro!”, tumigil siya sa paglangoy pero hindi pa rin siya umahon.
Nanlaki ang kanyang mata ng tumingin siya sa ‘kin. “Babe, aahon na ako.” Mahinahon niyang sabi.
Habang papunta siya sa kinaroroonan ko naka-angat ang mga kamay niya sa ere. “Babe, bitawan mo ‘yang hawak mo. Umahon na ako.”
Umiling ako. “No.” tapos napahikbi ako.
“Wife, makinig ka sa ‘kin. Bitawan mo ‘yan. Huwag mong ituloy kung ano man ‘yang nasa isip mo.”
“Kanina pa kita tinatawag tapos parang wala kang narinig. Simula kanina hindi mo ‘ko pinapansin.” Tapos pumiyok ako sa huli kong sinabi. Kahit alam ko sa sarili ko na ako ang may kasalanan sa kanya, ako pa itong nasasaktan dahil hindi niya ako pinapansin. Eh, kasalanan ko naman.
Nang tuluyan siyang makalapit sa ‘kin. Maingat niyang hinawakan ang kanang pulsuhan ko. “Baby, give it to me.”, unti-unti kong nilayo ang bubog na ‘yon sa pulsuhan ko at tulayang nakuha ni JD iyon sa ‘kin.
Nilagay niya ulit ito sa baba at mahigpit akong niyakap. “Don’t do that again, wife.”, ramdam ko ang paghalik niya sa buhok ko. Pati rin ang t***k ng puso niya.
Kumalas siya sa yakap saka tiningnan ang kaliwa kong pulsuhan. Dun ko lang napansin na may maliit na sugat ito. Panakot ko lang naman ‘yon sa kanya para umahon siya, hindi ko naman inaasahan na didiinan ko ‘yon.
“Hindi mo alam kong gaano ako kinabahan sa ginawa mo.” panimula niya pagkatapos gamutin ang maliit kong sugat.
“Sorry…” nakayuko kong sabi.
Nandito pa rin kami pool. Nakaupo kami sa upuan, basa pa rin ang boxer niya ngayon. Sinabihan ko na siyang magbihis pero ayaw niya. Pero may suot na naman siyang roba.
“Bakit mo ba kasi ginawa ‘yon?” mahinahon ngunit maydiin sa kanyang tanong.
“Kasi hindi mo ‘ko pinapansin. Ilang beses kitang tinawag, ni isang sagot wala. Kung sa bagay wala lang naman ako sayo.”
He cupped my face, “Importante ka sa ‘kin---sa buhay ko. Simula nung nagkita tayo, I know you’re the one. Ikaw na, ang babaeng gusto kong makasama habang buhay. Binigyan mo ng kulay ang madilim kong mundo. Ikaw ang dahilan, nang bawat paghinga ko, you are my strength, my life and my everything.” then he smiled sweetly.
Ang kaninang seryosong niyang mukha napalitan ng galak. Kung ano ang sinabi ng mata niya ganun din ang sinasabi ng bibig niya.
“They say, you’re lucky for having me but they don’t know that I’m more than lucky for having a wife like you.”, may kung bagay na humaplos sa puso ko ng sabihin niya ang mga katagang ‘yon. Nawala ang pag-alala ko at kaba na nararamdaman ko kanina.
Nilapit niya pa lalo ang upuan niya sa ‘kin. Bali magkaharap kami. Hinawakan niya ang kamay ko na nakapatong sa mga hita ko.
“Wife, babe, my baby… y-you don’t know… how much I love you.”
Bumilis ang t***k ng puso ko habang hindi makapaniwalang nakatingin sa kanya. Did he just say, I didn’t know how much he loves me? Ibig sabihin… mahal niya ako?
“Y-You---”, hindi ko natapos ang sasabihin ko ng lumapat ang malambot niyang labi sa aking labi. Hindi agad ako humalik pabalik kasi nagulat ako sa ginawa niya.
He bit my lower lip kaya nakabawi ako sa pagkagulat. I closed my eyes and kissed him back.
Para akong nakalutang habang dinadama ang bawat halik na ginawad niya sa ‘kin. Puno ng pag-iingat, pagmamahal at lambing ang bawat halik niya. Ramdam na ramdam ko ‘yon.
Kinagat niya ulit ang aking ibabang labi dahilan ng pagbuka nito. He entered his tongue inside my mouth. Hinayaan ko siyang galugarin ang bunganga ko.
Napakapit ako sa kanyang batok. Nakapalibot naman sa ‘kin ang kanyang mga braso, walang ni isa sa ‘min ang gustong bumitaw sa halik.
Pinagdikit niya ang noo namin when our lips parted. Hingal-hingal kaming pareho.
“I love you so much, my wife.” He said and kiss me again but this time it just a smack kiss.
“Mahal na mahal rin kita.” Sagot ko.
Nanlalaking matang nakatitig siya sa aking mga mata, “W-What did you say?”
“Ay lab u to.” natatawa kong sagot.
Biglang sumimangot ang mukha niya, “Ayusin mo naman, wife.”
“Pa’no ba? Halabyu to.”
Mas lalong nalukot ang mukha niya. “Babe, naman… wrong spelling, wrong feelings.” Parang bata niyang sabi.
“Hindi naman tayo nag-iispelling dito ah.”
“May kasalanan ka pa nga sa ‘kin. Tapos hindi mo pa aayosin ang pagkasabi mo na mahal mo rin ako.” Rinig kong bulong niya. Iwan ko kong bulong ba talaga ‘yon o pinaparinig niya talaga sa ‘kin.
“Magbihis ka muna.” Sabi ko.
Nagbuntong hininga siya. Tumayo ako at pinatayo rin siya.
“Sige na, malamig na dito tapos basa ka pa.”
“May suot naman akong roba.” Sagot niya.
“Sige na baka magkasakit ka niyan.”
Nakaakbay siya sa ‘kin habang papunta kami sa kwarto. Hindi ko akalain na mangyayari ang lahat ‘to ngayong araw. Kung sinabi ko kaya sa kanya na magkikita kami ni Franklin, aamin kaya siya sa ‘kin ngayon?
Kulang pa ang salitang masaya para i-describe ang nararamdaman ko.
Nasa veranda kami at nakatingin sa kalangitan na puno ng kumikislap na mga bituin habang nakayakap siya sa ‘kin mula sa aking likuran. At parehong dinadama ang masarap na simoy ng hangin na tumatama sa aming balat.
“Kanina…” pag-open up ko sa nangyari kanina. “Nag-usap kami ni Franklin.”
“I know.” Sabi niya. Kahit hindi ko makita ang kanyang mukha alam kong hindi maganda ang aura niya.
“He says, ‘sorry’ and I forgive him.”
Biglang humigpit ang pagyakap niya sa ‘kin. Hinawakan ko ang kanyang mga kamay na nakayapos sa ‘kin.
“Inamin niya rin na, kasalanan niya ang nangyari at… mahal niya pa rin ako.” Pagpapatuloy ko.
“Siya pa rin ba? Mahal mo pa rin ba siya? Kayo na ulit?” sunod-sunod nitong tanong.
“Hindi. Hindi ko na siya mahal at hinding-hindi magiging kami ulit.”, Kumalas ako yakap saka humarap sa kanya. Tumingin ako ng diretso sa kanyang mapupungay na mga mata, na nagsasabi kong gaano niya ako kamahal. “Dahil… may mahal na akong iba at ayokong mawala siya sa ‘kin." Sambit ko.
I cup his face. “Jerald Drake Herrera Madrigal, my husband. I love, love, love you so much.” Sa wakas, nasabi ko na rin sa kanya ang matagal ko nang gustong sabihin. Binigyan ko siya ng matamis na ngiti sa aking labi.
Tinikod niya ang kanyang mga kamay sa magkabiglang gilid ko. Hindi kami ganun kalapit dahil malaki na tiyan ko.
Kumawala sa kanyang mga mata ang mga sariwang luha na kanina pa gustong kumawala roon, pinahid ko ‘yon gamit ang aking hinlalaki. Hinawakan niya ang aking mga kamay. “My wife, Golden Klythe Samonte Sifiata. I love you more, more, more, more.”
Pinalibot ko ang aking mga braso sa batok niya at dinampian ang kanyang labi ng matamis at mabilis na halik. Hindi kaagad siya nakareact sa ginawa ko.
At dahil ayaw niyang matapakan ang ego niya. Hinalikan niya ako ulit. Hindi ko akalain na ang pagsekreto kong makipagkita kay Franklin ang magtutulak na mapaamin kami sa totoo naming nararamdaman.
Sobrang saya at galak ang aking naramdaman lalo nung naramdaman ko ang sipa ng aming baby. Sa wakas matutupad na ang pangako ko sa anak ko.
One night ended to lovers, husband and wife.