Chapter 10

4097 Words
Chapter 10 Time goes by, and it’s been five months since granny died. Sa loob ng limang buwan na ‘yon wala akong ibang naramdaman kundi ang saya kasama si JD. Never niyang pinaramdam sa ‘kin na hindi ako importante. Wala na rin akong balita kay Franklin simula nung nag-usap kami sa hospital. Hindi na rin siya nagtext o tumawag. Mas okay na rin ‘yon para walang gulo. I’m six months pregnant now. So, kitang-kita na ang umbok ng tiyan ko. I suggest na magpapa-ultrasound ako but JD refused dahil mas okay daw ‘yong surprise, kaya pumayag nalang din ako. Papunta kami ngayon sa mansion na pag-aari ng mga Madrigal na tinitirhan noon ni lola. Pagbukas ng malaking pinto bumungad sa ‘min ang buong pamilya na nakaupo sa mahabang sofa sa sala. Malawak ang sala at marami ang sofa kaya kaming lahat ay makakaupo roon. Nandito rin ang anak ng kapatid ni Lola at Lolo pati ang mga apo nito. Siguro pinarito rin sila para may witness. Iwan. Hindi namin alam kung bakit pinapunta kami rito ngayon. Nakita ko ang attorney ni lola na may hawak na brown long envelop. Nangunot ang noo ko, ‘yan kaya ang dahilan kung bakit kami pinapunta dito? Umupo kami sa bakanteng sofa. Katabi nila Leigh ang mga magulang nila. “Alam ko nagtaka kayo kung bakit ko kayo pinatawag dito ngayon.” Panimula ng attorney. Nanatiling magkahawak ang kamay namin ni JD kaya ramdam ko ang pamamawis ng mga kamay niya. Bahagya ko itong pinisil dahilan ng paglingon niya sa ‘kin. “I’m always here.” Sabi ko. Ngumiti lang siya sa ‘kin. “As chairman Emmariel said, sasabihin ko ito sa loob ng limang buwan.” Aniya at binuksan ang envelop. Lahat kami nakatitig roon. Walang niisa sa ‘min ang sumubok na magsalita. Tanging long white band paper ang lumabas roon, dalawang kopya ito at may nakasulat. Hindi kaya… last testament ‘yan ni lola? “Alam ko malapit na akong mawala sa mundo.” Nagsimulang basahin ‘yon ng att. “Kampanti na ako ngayon dahil mag-aasawa na ang aking apo na JD.” Biglang humigpit ang pagkakahawak ni JD sa kamay ko. Umigting ang kanyang panga at hindi maalis ang kanyang tingin sa hawk na bond paper ng attorney. “Alam ko aalagaan siya ng kanyang asawa habang buhay. Hiniling kong, magpakasal na sila dahil alam ko sa sarili ko na malapit na ang araw na makasama ko na ulit si Harold.” Napahawak ako sa leeg ko ng parang may bumara roon. Mas lalong humigpit ang pagkakahawak ni JD sa kamay ko, at ramdam ko rin ang panginginig niya. Kitang-kita ko rin ang paglandasan ng sariwang luha sa magagandang mata ni Leigh at Shairen pati ni tita Sheryl. Tita Sherly is the only girl na anak ni Lola Emmariel. “Jerald, Lyka, Shairen, mga apo ko. Sobrang mahal na mahal ko kayo. Leigh at Ren, alam kong minsan naiingit kayo sa kuya niyo pero pareho ko kayong mahal dahil apo ko kayo. Kayong dalawa, ‘wag kayong mainggit sa kuya niyo.” Napahagulhol si Leigh at Shairen matapos nilang marinig iyon. Kinomfort naman sila ng mama nila. Nilipat niya ito sa kabilang pahina. “Ipapamana ko ang kompanya at ang iba pang negosyo na nasa cebu kay Jerald. Ang M’s Medical Hospital ipapamana ko kay Leigh at ang Madrigal State University, kay Shairen. Tig iisa kayo sa resort natin dito sa manila.” “Ang mga alahas ko kay Sheryl at ang mga shares ng negosyo sa ibang bansa. Ang mga hotels kay Henry. Ang hacienda sa cebu kay Leo. Kayong tatlo ang magpapatakbo ng M’s International Restaurant.” Tumayo ang attorney at binigyan ng ATM card sila daddy bawat isa sa kanila, kasama na roon ang kanilang mga asawa. “Ang mansion? Kanino ipapamana ang mansion?” sunod-sunod na tanong ni tita Beth, pamangkin ni lola. Umupo siya ulit at dumako ang tingin niya sa tiyan ko. “Mansion ipapamana ko… sa anak ni Jerald at Golden.” Napahawak ako sa t’yan ko ng sumakit ito. Sumipa siya, sumipa siya ng marinig na sa kanya ipapamana ang mansion. Hindi ko alam na ganito kayaman ang angkan nila. Oo, alam kong mayaman sila pero hindi ganito ang inakala ko. “Emmariel Dione Castillo Madrigal.” Basa ni attorney sa buong pangalan ni lola. Bago umalis si attorney, binigay niya sa ‘min ang mga papeles ng mga ari-arian na pinamana sa bawat isa. Nagsiuwian sila, tanging kami nalang ni JD ang nandito sa mansion. Hindi pa rin siya umimik nakatitig lang siya sa mga papel na nakalagay sa glass square table. Nagpakawala siya malalim na buntong hininga. “Let’s go home.” Aniya. “Sigurado ka bang gusto mo nang umuwi?” tanong ko. “Yes.” Tumayo na siya at kinuha ang mga papel na naroon sa ibabaw ng mesa. Tahimik ang buong byahe namin hanggang makarating kami sa bahay. Habang paakyat kami sa hagdan biglang nagring ang cellphone ko. Pagtingin ko, it was my dad. I answered it habang papunta kami sa kwarto namin. “Hello, dad.” [We have a family dinner at exactly 6pm.] “Dad---” [Dumating ang kuya mo galing US.] I took a deep breath. “Okay, dad.” Yes, may kapatid akong lalaki. Anak siya ni daddy kay mommy Dianne, base sa mga narinig ko. My mother is a mistress but I know hindi ganong klaseng babae si Mama. [I’ll hang up. Bye, anak. I love you.] “I love you too, dad.” Umupo ako sa gilid ng kama. “Anong sabi?” “May family dinner daw mamayang alas sais.” Matamlay kong sabi. “And?” “Ayokong pumunta.” “At bakit?” mahinahon niyang tanong. Umiwas ako ng tingin, “Dahil nandun si Rachelle.” Hinawakan niya ang mukha ko. “She’s part of the family. Wala ka bang tiwala sa ‘kin?” “May tiwala ako sayo pero sa ex mo---I mean wala akong tiwala sa… kay Rachelle.” Hindi ko masabi ng diretso ang sasabihin ko dahil kinakabahan ako bukod dun nahihiya rin ako. A teasing smile curve on his lips. “Magtiwala ka lang sa ‘kin, huh. She can’t landi-landi me, okay?” At hinalikan niya ang tungki ng ilong ko. “You were preganat, babe. Kaya ‘wag kang mag-isip ng kung ano-ano dahil nakakasama ‘yan sa baby natin.” May kung anong bagay na parang kumiliti sa t’yan ko ng marinig ang sinabi niya. Dati simple lang ang dating nun sa ‘kin pero ngayon iba na. Feel na feel ko na ang pagiging misis niya. Mabilis umikot ang orasan at ngayon nasa hapag na kami. Katabi ko si JD at tapat kami ng upuan ni Mommy, si JD naman si Rachelle. Si Dad at Kuya. “I’m so sorry, Klythe dahil hindi ako nakaatend ng wedding mo. I was too busy that day.” Napatingin ako kay kuya ng sabihin niya ‘yon. Dalawa lang ang tumatawag sa ‘kin ng Klythe, si kuya at ang kaibigan ko na hindi ko alam kung nasan na. I smile. “Ayos lang po ‘yon kuya.” Magkakaedad lang si kuya JK. Jhon Kleo Sifiata. At JD. Isang taon lang ang agwat namin ni kuya. Close kaming dalawa ni kuya, mabait kasi siya hindi kagaya ni Rachelle na maitim ang budhi. Ngayon lang ulit umuwi si kuya simula nung umalis siya, 3rd year college palang ako nun. Kaya nung umalis siya, umuwi ako sa bahay ni mama. “How’s your stay in abroad, son?” tanong ni dad saka sumubo. “It’s fine. I’ve learned a lot there.” Sagot niya na kinatango ni dad. “Do you have a girlfriend there?” tanong ni mommy. Pinunasan ni kuya ang gilid ng labi niya at tumikhim. “Nope, but here? Yes, ipapakilala ko siya sa inyo if she’s not busy.” “I can’t wait to meet her.” Masayang sabi ni mommy. Napataas ang isa kong kilay ng makita ang pasimpleng pagsulyap ni Rachelle kay JD. Dumako ang tingin ko sa suot niya. Kailangan bang ipamukha niya sa ‘kin na mas malaki ang boobs niya kesa sa ‘kin. Mang-aakit. “You, Rach. Are dating someone?” tanong ni mommy. “Yes mom… before.” Sagot nita tapos tumingin kay JD. Palihim kong inikot ang mata ko. Cheater ka kasi. “What happened?” kyuryosong tanong ni kuya. She smiled and look at me. “We broke up dahil nakabuntis siya.” Humigpit ang hawak ko sa tinidor. Wow! Sa ‘kin niya ibabato ang kasalanan niya kung bakit sila nagbreak. Kung hindi lang sana siya lumandi. Nakakainis na siya. Napatingin ako kay Jerald nang hawakan ni JD ang hita ko. Parang pinaparating nito sa ‘kin na huwag ko nang patulan pero hindi ako nagpatinag. “Nakabuntis? Talaga?” I asked sarcastically with a smile. Uminom siya ng tubig. “Yes, I’m sure of it. Ang ahas kasi hindi lang sa kagubatan minsan nasa paligid mo lang.” So, she considered me as a manunulot. I never sulot-sulot my husband. Hindi naman ako ang dahilan ng break up nila tapos ganyan siya umasta. Wow! Just wow! Hindi ko na sasayangin pa ang oras at ganda ko sa pagsulot ng boyfriend ng iba. Umangat ang sulok ng labi ko. “Hindi aahasin kung hindi nagpapaahas.”, iwan ko ba pero ‘yon ang lumabas sa bibig ko, wala naman sa isip ko ‘yon pero ang nasabi ko. “Enough, girls.” Sabi ni Dadddy. Akala niya siguro uurungan ko siya sa mga ganyan niya. Pagkatapos naming kumain. Dumiretso ako sa kwarto ko. Nauna ako kay JD dahil nag-usap pa sila ni kuya. Uuwi na sana kami kanina pero pinigilan kami ni kuya at daddy. Pumayag na rin ako kasi namiss ko rin si kuya. Ilang minuto na akong naghihintay kay Jerald at wala pa rin siya. Naisip kong bumababa muna, baka nag-usap pa sila ni kuya. Dinala ako ng mga paa ko sa garden. Nakita ko si kuya roon, nakaupo sa upuang gawa sa metal. “Kuya!” agaw pansin ko sa kanya. “Klythe.” Umupo ako sa tabi niya. “Nasan po si JD?” “JD?” kunot noo niyang tanong. “Ibig kong sabihin, si Jerald Drake po.” “Kanina pa kami tapos mag-usap. I thought, magkasama na kayo.” Nagtaka akong tumingin sa kanya. “Simula kaninang nag-usap kayo hindi ko pa nagkita.” “Baka nagkasalisi kayo o baka nag-usap sila ni dad.” “Siguro.” Tumingala ako sa langit. Walang bituin sa langit ngayon, puro itim ang nakita ko. Malakas rin ang simoy ng hangin. Siguro uulan ngayon baka may bagyo na naman na paparating. “Kahit malayo ako sayo. Palagi kitang binabantayan.” Biglang sabi ni kuya. “At alam ko ang lahat ng nangyari sayo, nung wala ako.” Lumingon ako kay kuya na nakatingin rin sa kalangitan. “Bakit hindi mo pinigilan si daddy na ikasal ako kay Jerald?” Nanatili akong nakatingin sa kanya. “Hindi ko na pinigilan si dad...”, lumingon siya sa ‘kin. “Nung nalaman kong buntis ka at si Jerald ang ama.” Nakaramdam ako ng guilty ng marinig ‘yon mula sa kanya. “Kuya… I’m sorry.” “No, don’t say that.” “Kung alam ko lang na naging boyfriend ni Rachelle si Jerald. Hindi ako papayag na ikasal sa kanya. Kahit hindi kami in a good terms’ ng bunso natin, ayoko siyang masaktan. Kakayanin kong buhayin ang anak ko mag-isa, sumaya lang si Rachelle. Feeling ko, kasalan ko kung bakit nasaktan ngayon si Rachelle.” At pumiyok ang boses ko. Base sa sinabi kanina ng kapatid ko. Feeling ko, kaya sila nagbreak dahil sa ‘kin. Ayokong may masaktan dahil sa ‘kin. Kung alam ko lang dati pa, siguro sila pa rin hanggang ngayon. Pero sabi naman ni JD na wala na sila pagkauwi niya dito sa pinas. Kahit sinabi ni JD sa ‘kin dati na nagcheat si Rachelle. Hindi pa rin ako kumbinsido. Pinunasan niya ang sariwang luha na dumadaloy sa pisnge ko. “Wala kang kasalan, that is destined.” Hinalikan niya sa noo at niyakap. “Don’t stress yourself, Klythe. Ang isipin mo, matagal na itong nakatadhana para sayo, sa inyo ni Jerald. Nandito lang ako palagi para sayo.” Then he gave me a tight hug. I hug him back, “Thank you, Kuya.” Matapos ang madramang senaryo na ‘yon. Nagpaalam ako kay kuya para bumalik sa kwarto dahil inaantok na ako. Naisip kong pumunta muna sa swimming pool, ang lamig siguro ng tubig ngayon. Habang papalapit ako doon, bumibilis rin ang t***k ng puso ko. I don’t know why. “Hindi mo na ba talaga ako mahal?” rinig kong tanong ni Rachelle. Binilisan ko ang ang mga hakbang ko. Napahinto ako ng makitang niyakap siya ni Rachelle. Dati ayos lang ngayon para akong tinusok ng maraming karayom sa puso. Pakiramdam ko mamatay ako dahil sa sakit nun. Kinalas ni JD ang pagkakayakap sa kanya. “Rach, please stop this.” “No! I love you so much and I know you still love me.” Pagpupumilit niya. “Hindi tayo pwede.” Tumawa siya ng mapakla. “I give everything to you, even myself. Tapos sasabihin mong hindi tayo pwede.” At doon napahagulhol siya. Ang sakit makitang nagmamakaawa ang kapatid mo sa isang lalaki. Sobrang desperada niya. Gagawin lahat para makuha ang gusto niya. “I don’t love you anymore. Since, I found out that you were cheated on me.” Matigas niyang sabi. “Ilang beses ko bang sasabihin sayo. Hindi ko magagawa ‘yon sayo.” Sabay hawak sa mga kamay ni JD. “Jerald, makinig ka naman sa ‘kin.” Tinanggal niya ang pagkakahawak ni Rachelle sa mga kamay niya. “Tigilan muna ako, Rach dahil asawa ko na ngayon ang ate mo.” Nanlaki ang mata ko ng hubarin niya ang suot niyang lingerie. Tanging bra at panty lang natira sa kanyang katawan. Bigla akong napaatras ng kinuha ni Rach ang kamay ni JD at pinahawak ito sa malulusog niyang dibdib. Nanlaki ang aking mga mata at napatakip sa aking bibig. Gusto ko silang lapitan, gusto kong sampalin si Rachelle, gusto ko siyang ihulog sa pool para magising siya sa katotohanang hindi na siya mahal ni JD. Dahil sa kakaatras ko, nasagi ko ang vase. Nabasag ito, dahilan ng paglingon nila sa kinaroroonan ko. “Babe.”, bumalik ako sa ulirat ng marinig ang boses niya. Mabilis akong naglalakad paakyat sa hagdan. Hindi ko ininda ang bigat ng t’yan ko. Palaging pumasok sa isip ko ang paghubad ng kapatid ko sa sarili niya, sa harap mismo ng asawa ko. Bumukas ang pinto at niluwa nito JD. Tumabi siya ng upo sa ‘kin sa kama. “Wife…” “Jerald, ang sakit. Ang sakit-sakit nung nakita kong naghubad siya sa harap mo. Wala na siyang tinirang respeto para sa sarili niya.”, kahit kailan, hindi ko inaasahan na gagawin ‘yon ng kapatid ko para lang sa lalaki. “I’m sorry, wife.” “Kung alam ko lang na naging girlfriend mo siya hindi ako papayag na ikasal sayo. Kahit na buntis ako.” Sabi ko habang nakatingin sa mga mata niya. “Siguro kung hindi tayo kinasal. Siguro naayos niyo na ang problema niyo ngayon. Hindi sana masasaktan ang kapatid ko. Hindi sana siya magkakaganon.” Tumitig rin siya sa ‘kin. “Hindi pa rin kami magkakaayos kahit hindi natuloy ang kasal. I’m sorry...” “Kahit hindi kami magkaintindihan, mahal na mahal ko siya. Kaya nasasaktan ako sa ginawa niya. Hindi niya dapat ipagpilitan ang sarili niya sa taong ayaw sa kanya.” Hinaplos niya ang likuran ko. “Tama na.” “Alam ko pagsubok lang ‘to sa pagiging mag-asawa natin pero parang aayaw na ‘ko.” Umiling siya. “Kaya natin ‘to para sa magiging anak natin, sa magiging pamilya natin.” Niyakap niya ako at pinatong niya ang baba niya sa balikat ko. “Basta magkasama tayo, maayos natin ang problema.” Sana nga. Pero tama siya, kaya namin ‘to para sa magiging anak namin. I need to be strong. Oo, nasasaktan ako sa ginawa ng kapatid ko pero mas nasasaktan ako dahil mahal pa rin ng kapatid ko ang asawa ko. Ngayon, sigurado na ako sa nararamdaman ko sa kanya. Mahal ko na si Jerald. Maaga kaming umuwi sa bahay dahil may meeting pa siya. Work at home pa rin siya hanggang ngayon. Kung dati sa dining area siya, ngayon sa sala na dahil sa sala na ako mamalagi. Simula nung mag two months ang pinagbubuntis ko, nakahiligan kong magbasa ng libro kaysa mag cellphone gaya ng dati. Hindi na rin ako pumupunta sa palengke dahil nababahuan ako. Sa mall naman, sumasakit ang ulo ko. Ayoko sa mga matao at maingay na lugar. Nasa kalagitnaan ako ng pagbabasa, tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko ito sa mesa at tiningnan kung sino ang tumawag. Si leigh lang pala. “Hello, Leigh.” [H-Hello, Gold. It’s me, Franklin.] My heartbeat fast. Natigilan ako. Hindi ko alam kong sasagot ako o ano. Ngayon ko lang ulit narinig ang boses niya. [Hello, Gold.] ulit niya. “U-Uh, yes. Hello.” Nautal ako bigla lalo na nung tumingin sa ‘kin si JD. “Mag-usap muna kami ni Leigh.” Paalam ko at pumanik sa may swimming pool. Hindi ko na hinihintay ang sagot niya. [Honey.] Napapikit ako sabay hugot ng malalim na hininga. “Hindi ba sabi ko---“, he cut me off. [I know, wala akong karapatan na tawagin ka sa endearment natin but please… just let me, kahit ngayon lang.] “Ano ba kasing kailangan mo?” tanong ko. Nakita kong pasulyap-sulyap si JD sa ‘kin. Alam kong may namuo na namang pagdududa d’yan sa utak niya. Kasi hindi naman ako dumidistansya sa kanya kapag may tumatawag sa ‘kin lalo na kapag ang mga pinsan niya. [Pwede ba tayong magkita?] “Franklin, hindi.” Mahina at maydiin kong sabi. [Please… gusto lang kitang makita.] “May asawa na ako at bawal akong makipagkita sayo.” Nakatingin na ngayon ng seryoso si JD sa ‘kin habang nakasandal sa sofa. I saw how he raises his eyebrows and clinched his jaw. [Pinagbabawalan ka niya?] “Hindi. Ako lang ang nagbabawal sa sarili kong makita ka.” [Promise, hindi kita guguluhin pagkatapos ng meet up natin.] puno ng lungkot ang tuno ng boses niya. Nanghinayang kaya siya sa ‘kin kahit kunti? “Anong ibig mong sabihin?” [I’ll go abroad for the better.] “Huh?” [Aalis na ‘ko mamaya.] Hindi ako nakasagot agad. “Anong oras tayo magkikita?” hindi ko alam kung bakit ‘yon ang lumabas sa bibig ko. [I’ll text the place and time.] “Okay. Sige. I’ll hang up, hinihintay na ako ni JD.” [Sige. Bye.] Sinundan niya ako ng tingin hanggang sa makaupo sa sala. Pinagsawalang bahala ko nalang ang titig niya sa ‘kin at kinuha ko ulit ang libro na binasa ko kanina. Nang hindi ko makayanan ang titig niya. Nilagay ko nalang ang libro sa ibabaw ng mesa. “Bakit ganyan ka makatingin?” tanong ko. “Nothing.” Simple niyang sagot. At dahil hindi ako kumbinsido. Lumapit ako sa kanya at nag Indian seat tapos humawak ako sa braso niya. “Wala tapos ang seryoso ng mukha mo. Sabihin muna kasi.” Sabay yugyog sa braso niya. “I’m just tired.” “Tumalikod ka.” Utos ko na sinunod niya naman. “Hmmm. Diinan mo pa, please.” Sinunod ko naman ang gusto niya. “Ang s-sarap niyan, babe.” Aniya. Na kahit hindi ko tingnan, alam kong nakapikit siya. Bawat galaw ko sa kamay ko sa kanyang likuran ay mapapaungol siya. “Hmm. U-Ugh! That’s it.” “JD, tumigil ka nga sa kakaungol mo d’yan. Baka mamaya ano pang isipin ni Cristy.”, nakakainis kung makaungol parang wala ng bukas. Sunod kong menasahe ang noo niya at batok. “Ugh… diinan mo pa please.” Mapang-akit nitong sambit. Tumigil ako. “Bahala ka nga dyan.” Mabilis akong tumayo at tumungo sa kusina. Papasok palang ako sa kusina nanuot sa ilong ko ang amoy na niluluto ni Cristy dahilan ng napapikit ako. “Amoy palang masarap na.” dahilan ng paglingon niya. Ngumiti ako sa kanya ng ngumiti siya sa ‘kin. “Malapit na itong maluto Gold.” Nasa gilid niya ako habang tinitingnan ang niluto niya. “Wow! Sinigang! My favorite.” Ngumiti lang siya bilang sagot. “Oo nga pala, ‘yong sinabi ko sayo nung nakaraan.” Umupo ako sa upuan ng maghanda na siya para sa tanghalian namin. “Buo na ang desisyon ko. Siguro hindi talaga para sa ‘kin ang pag-aaral na ‘yan.” Sinabi ko kasi sa kanya na mag-aral siya sa college. I already told JD about that. Payag naman siya kaya walang problema. “24 na ako. Nakakahiya.” “Hindi naman nagbabase sa edad ang pag-aaral.” Despensa ko. Gusto ko rin kasi siyang matulungan. “Ayoko ring mapagod masyado kasi nakakasama sa baby---” biglang siyang huminto sa pagsasalita ng mapansin ang sinabi niya but it’s too late dahil dinig na dinig ko ang sinabi niya. “Buntis ka?!” Mabilis siyang umupo sa tapat kong upuan at hinawakan ng mahigpit ang ang mga kamay kong nakapatong sa mesa. “Golden, please ‘wag mong sabihin kahit kanino.”, puno ng kalungkutan, hinanakit, kasayahan ang kanyang mga mata habang sinasabi ang mga katagang iyon. “Nung isang araw ko lang nalaman na buntis ako. Ako nalang inaasahan ng pamilya ko.” I feel her. Halo-halong emosyon din ang naramdaman ko nung nalaman kong buntis ako. Malungkot ako dahil hindi ko mabibigyan ng kompletong pamilya ang anak ko. Natatakot rin ako baka hindi matanggap ni mama. Galit ako sa sarili ko. Masaya ako dahil sa kabila ng nangyari sa ‘kin may nagawa akong tama, iyon ang pagkakaroon ng bata sa sinapupunan ko. Tumango ako. “Alam ko kung ano ang pakiramdam.” Saka ngumiti ako sa kanya. “Salamat Gold.” “Pero kailangan mo pa ring sabihin sa ama ng batang dinadala mo na buntis ka.” Paalala ko. Binitawan niya ang kamay ko. “Hindi niya na kailangang malaman.” Habang sumeryoso ang mukha niya. “Kumain ka na nga lang. Lumamig na tuloy ang pagkain dahil sa kakatanong mo.” Sabay tawa niya ng mahina at alam kong pilit ang mga tawang ‘yon. “Sabayan mo ‘ko.” “Tatawagin ko lang si Sir.” “Huwag na. Mauna na tayo. Hayaan mong magutom ‘yon.” Makahulugan kong saad. “Pero---” “Maupo ka na. Gusto mo bang ipagkalat ko na buntis ka.” Pananakot ko. Umupo naman siya habang nakasimangot. “Blackmailer.” Maktol niya. “Babe! Babe! Wife!” sigaw ni JD. Napaikot ang mata ko. Kung makasigaw parang kami lang dalawa dito. “Babe! Nandito si Saimon.” Saimon is one of his friends. Kilala ko siya because he’s an engineer. Siya ang gumawa sa pinagawa kong bahay. He’s a famous engineer, sobrang mahal niya pero dahil magkaibigan sila hindi na ganon kalaki ang binayad ko sa kanya. Nag-ipon kasi ako dati nung nagtatrabaho pa ako sa kompanya nila JD bilang model. Malaki ang sahod ko kasi matagal na akong nagtatrabaho sa kanila. Isa pa, hindi nila ako pinayagan na maging model sa ibang kompanya. “Sandali lang. Kumain ka lang dyan.” Sabi ko sa kanya. Tumango lang siya sa ‘kin. Bago ko siya tinalikuran. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang gulat at takot. Hindi ko alam kong totoo ba ang nakikita kong ‘yon sa kanya. What’s wrong with her. “Saimon.” Agaw pansin ko sa kanya. Tumabi ako ng upo kay JD. “Kung makasigaw ka, daig mo pa ang babae.” Bulong ko sa kanya. “Cristy!” tawag niya Cristy. “Sir, b-bakit po?” tanong niya. Hindi nakaligtas sa aking mga mata ang pagtitig ni Saimon kay Cristy. Bigla siyang sumeryoso at nagsalubong ang kanyang magandang kilay. Tumingin muna si JD kay Saimon. “Bro, what do you want? Juice, coffee, or water?” tanong niya. “Kahit ano.” Sagot ni Saimon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD