Chapter 9
Nagising akong puti lahat ang bumungad sa ‘kin. Nilibot ko ang paningin ko, nasa hospital ako.
I saw JD sleeping while sitting at the plastic chair. Hawak-hawak niya ang kanan kong kamay.
Dahan-dahan kong kinuha ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya para hindi siya magising but I failed dahil nagising ko siya. Umiwas ako tingin ng tumingin siya sa ‘kin.
“How are you? Gutom ka ba? Anong gusto mong kainin? Fruits? Tell me.” Sunod-sunod niyang tanong.
Sasagot na sana ako pero biglang bumukas ang pinto at niluwa nito ang doktor at nurse.
Nurse checks my vital sign, pagkatapos umalis rin agad.
“Mrs. Madrigal,” tumingin siya sa ‘kin. “You passed out because of stress at hindi ka rin kumakain sa tamang oras.” I saw how JD look at me. His eyes full guilt. Guilty of what? Guilty because of what he did?
Napahawak ako sa t’yan ko at nakita ‘yon ng doktor. “Don’t worry Mrs. Madrigal, the baby is fine. Mabuti nalang dinala ka agad ni Sir Jerald dito, naagapan kaagad ang pagdurugo mo.”
Nakahinga ako ng maluwag nang sabihin ‘yon ng doktor. Salamat, Lord. Akala ko, iiwan na ako ng anak ko.
‘Thank you, baby. Kapit ka lang.’
Kumunot ang noo ni Jerald, “The Baby?” tanong niya habang seryosong nakatingin sa doktor.
Binundol ng kaba ang dibdib ko. Oo nga pala hindi ko pa sinabi sa kanya ang totoo. Huli na para umakto ng hindi totoo ang sinasabi ng doktor.
“Yes, Mr. Madrigal. Your wife is 5 weeks pregnant. You can go home tomorrow but before that, go to Dra. Klarisse Fuentabella, she’s an OB-GYNE. Congratulation, I’ll go ahead.” Sabi ng doktor at umalis.
I’m in trouble.
Ang kaninang guilty niyang mata napalitan ng galit, saya, lungkot, iwan ko. Hindi ko na mabasa ang mga mata niya.
“Why you didn’t tell me that you were carrying my child.” Mahinahon ngunit diininan niya ang bawat salitang binitawan niya.
Nagbaba ako ng tingin. “I-I’m sorry.” ‘yon nalang ang na sabi ko.
“Kung hindi nangyari ang lahat ng ito, hindi ko pa malalaman na buntis ka. I have the right to know, Golden ‘cause I’m the father. Why did you hide it to me?” Si Jerald habang nagpipigil na ‘wag akong masigawan.
I looked at him. “Sasabihin ko naman talaga e, naghahanap lang ako ng perfect timing.” At pumiyok ang boses ko.
“Perfect timing? Gold, ang daming araw na perfect timing but you choose not to tell me.” Diin niyang sabi.
Uminit ang sulok ng mata ko. “Fine. Oo na, kasalan ko na. Kasalan ko lahat.”, ramdam ko ang paglandasan ng luha sa mata ko.
He took a deep sighed at lumapit siya sa ‘kin. “Don’t say that. I’m sorry. Nabigla lang ako.” Pinunasan niya ang luha sa pisnge ko saka hinawakan niya ang kamay ko. “I’m so sorry. Nadala lang ako.”
Inosente akong tumingin sa kanya, “Ayos lang. Galit ka pa ba sa ‘kin?” tanong ko.
Umiling siya. “I’m not mad at you, babe.”
“Sorry talaga JD.” Hinging paumahin ko ulit.
“Mm.”
“Sasabihin ko naman sana sayo no’ng araw ng kasal natin kaya lang…” hindi ko matuloy ang sasabihin ko ng malala ko ang nangyari nung kasal.
Kanina ko pa hinahanap si JD. Sabi niya, iihi lang siya tapos hanggang ngayon hindi pa rin bumalik. Nagpatuloy ako sa paghahanap, hanggang sa nakasalubong ko si Joshua, ang kaibigan ni JD.
“Josh, nakita mo ba si Jerald?” Tanong ko.
“Ah… pasensya ka na, Gold hindi ko siya nakita e. Sige.”
“Mm.”
Nanlumo ako. Nasan ka na ba, JD? Saan kita hahanapin ngayon?
Sasabihin ko na kasi kay JD na buntis ako. Naisip ko iyon ang pinakamagandang regalo ko sa kanya ngayon at feeling ko ito na ang tamang oras para sabihin ko sa kanya.
Habang naglalakad ako, nakarinig ako ng babaeng umiiyak sa may kwarto. Hindi kasi masyadong nasara ang pinto, dahil sa kinain ako ng kuryusidad. Sumilip ako roon.
Nanlaki ang mata ko ng makita ang dalawang tao na hindi ko inaasahang magkakilala. They act like a stranger but they know each other. Wow!
“Daddy, why did you choose her? Nandito naman ako.” Si Rachelle habang nakahawak sa magkabilang braso ni JD.
‘Daddy?’
Are they in a relationship? O baka naman siya ‘yong anak ni JD sa labas.
‘Golden, are you insane? Anong anak ka dyan.’
Siguro, mommy at daddy ang endearment nila. Edi, wow!
Tinanggal ni JD ang kamay ni Rachelle sa pagkakahawak nito sa braso niya. “Rachelle, we are done.” Matigas na sabi ni JD.
Umiling si Rachelle. “No…” at gumaralgal ang boses niya.
Ngayon, believe na ako sa sarili ko kasi nakaya kong tingnan ang senaryo na ‘yon. Siguro, dahil naransan ko na ring masaktan.
Pero… si Rachelle at JD, magkarelasyon dati? Siya siguro ‘yong sinabi ni Jerald na ex-girlfriend niya dito sa Pilipinas at ang sinabi ni Lola dati na long-time girlfriend daw ni JD dito.
“No. I know, mahal mo pa rin ako.” Pagpupumilit niya.
“Rachell---”
Nanlaki ang mga mata ko nang makita kong hinalikan ni Rachelle si JD. My virgin eyes.
Umalis na ako ng maghalikan sila. They need privacy.
“Paano ba ang magmahal? Palagi bang nasasak---” hindi natapos ang kanta ko ng sumakit ang tiyan ko.
“Baby, kalma ka lang. Hindi ka pa nga nafform sa tyan ko matapang ka na.” sabi ko habang nakahawak sa tyan ko. Mabuti nalang walang tao dito sa hinintuan ko, kung meron naku! Iisipin nilang baliw ako.
“Galit ka ba kay daddy? Huwag kang magalit dun kasi lalabs niya ‘yon. Isa pa, hiwalay na sila.”
Napangiti ako ng mawala ang sakit sa tyan ko. Bilisan mong lumaki anak para ikaw mismo ang bubugbog sa daddy mo kapag mangangaliwa ‘yon.
“Kaya lang, ano?” tanong niya.
“Nakalimutan ko nung…”, umiwas ako tingin sa kanya. “Nakita ko kayong naghalikan ni Rachelle.”
Iisipin ko palang na pinakasalan ko ang ex ng kapatid ko, nagguilty ako. Kung alam ko lang talaga na si Rachelle ang ex ni JD, hindi talaga ako papayag kahit buntis pa ako. Maghahanap nalang ako ng ibang tatay, para complete family pa rin.
“Sorry.” He sincerely said.
Nangunot ang noo ko. “For?” I asked.
“Kasi hinayaan kong halikan niya ako.” Sagot niya.
Napatingin ako sa kanya. “Hindi lang basta hinayaan. Sumabay ka pa.” better kong sabi. Hindi naman sa na-iingit ako kaya lang… naiinis talaga ako kapag naaalala ko ‘yon.
Ang daming araw na pwede nilang gawin ang bagay na ‘yon pero kailangan ba talagang sa araw ng kasal namin?
Napangiti siya. “That was a goodbye kiss.”
Wow! Talagang natutuwa pa siya? E, kung bigwasan ko kaya siya dyan?
“Sana all, may goodbye kiss. Ako kasi nakalimutan kong gawin ‘yan sa ex ko.” Natatawa kong sabi.
Goodbye kiss ba ‘yon? Para namang welcome kiss ‘yon eh. Kung maka-french kiss parang wala nang bukas.
Nakataas ang kanyang magagandang mga kilay. “So, may balak kang gawin ‘yon sa ex mo?” tanong niya.
“Wala ‘no.” mabilis kong sagot. “Kapag ex na, ex na. Wala nang laplapan.” Dagdag ko.
“Wait! Are you jealous?” he curiously asked.
“Why would I? I’m not into you any way.” Sagot ko na napawala ng ngiti sa kanyang labi. Umayos siya ng upo at nagkibit-balikat.
Gusto kong sampalin ang sarili ko nang ma-realize ko ang sagot ko sa kanya. Bakit ko kasi sinabi ‘yon? Umandar na naman ang katangahan mo, Golden! Pero ‘yon naman kasi ang totoo. But I admit, I slightly like him pero iba naman ‘yong in love na ‘no.
“I mean… asawa mo lang ako sa papel.” Bawi ko sa sinabi ko.
Pero kahit binawi ko na ang sinabi ko, parang wala pa ring epekto dahil nakatingin lang siya sa ‘kin ng blangko.
“What do you want to eat?” walang ka emo-emosyon niyang sabi.
“Ikaw ang bahala.” Sagot ko.
Kinuha niya ang cellphone niya sa kanyang bulsa at may tinawagan. Hindi ko narinig ang pinag-usapan nila kasi distansya siya sa ‘kin.
Mabilis na lumipas ang oras at hapon na ngayon. JD is still here. Wala siyang tulog kakabantay sa ‘kin. Nakokonsensya na ako sa ginawa ko. Sana sinabi ko nalang sa kanya nung una palang, hindi sana kami aabot dito.
Ika nga, ‘Everything happens for a reason.’
“JD.” Agaw atensyon ko sa kanya. Nagbabalat kasi siya ng apple.
Lumingon siya sa ‘kin. “Yes?” patanong niyang sagot.
“Magpahinga ka muna sa bahay. Bumalik ka nalang mamaya.” Nag-alala na ‘ko sa kanya. May problema pa nga siya, tapos dadagdag pa ako.
Pinasandal niya muna ako bago binigay sa ‘kin ang apple na binalatan niya. “No need. I can sleep here.”
“JD, pwedeng magtanong?” nag-alinlangan kong tanong.
Umupo siya sa gilid ng kama saka tumango.
“Nasan ka pumupunta nung mga nakaraang araw?”
“Sa kompanya.” Simple niyang sagot.
“Ah…” naisagot ko.
Kahit hindi ako kumbinsido sa sagot niya hindi na ako nagtanong pa. Marami pa sana akong tanong pero ‘wag nalang baka magalit lang siya. Ayoko na ring isipin ang mga nangyari kasi nakakasama lang ‘yon sa ‘kin.
Ang bilis lumipas ng mga araw. Tatlong araw na simula nung naospital ako. Hindi na rin pumasok sa opisina si JD dahil work from home nalang siya.
Nasa dining area siya ngayon, naka anti-radiation eye glass, kaharap ang laptop niya. Siya na kasi ang bagong CEO ng kompanya nila, nalaman ko mula kay Leigh. Si Leigh na ngayon ang bagong COO ng kompanya, si Shairen naman Head Manager.
Nakaupo lang ako sa upuan na nasa gilid niya, bali siya, nakaupo sa dulo pero parang magkatabi pa rin naman kami.
Kanina pa siya nakaharap dyan sa laptop niya kaya naisip ko na maghahanda ako ng miryenda niya.
Akmang tatayo ako, “Where are you going?” tanong niya habang nakatingin pa rin sa laptop niya.
Kanina pa ako nakaupo rito, wala akong ibang ginawa kundi ang kulikutin ang cellphone ko, tingnan siya. Kasi hindi niya ako pinapayagang gumawa ng mga gawaing bahay ultimo pagtayo, pag-upo, papunta sa ikalawang palapag, o di kaya maglalakad-lakad lang ako, dapat palagi siyang nakaalalay.
“Sa kusina, ipaghahanda kita ng miryenda.” Sagot ko.
Kinuha niya ang eye glasses niya tapos tumingin sa ‘kin na nakasalubong ang mga kilay. That looked again.
“Yaya Cristy.” Tawag niya sa bagong hired na yaya. Kumuha siya ng maid para hindi na ako ang gagawa ng gawaing bahay. Ayoko sana, kaya lang wqla akong magawa. Kapakanan naman rin ng anak namin ang iniisip niya kaya, G na ako.
“Yes, Sir.” Sagot nito, saka pumunta sa kinaroroonan namin.
“Bring me, one glass of water, one glass of milk and bread with peanut butter.” Maoturidad niyang sabi.
“Yes, sir.” Sabi niya at umalis.
Bread with peanut butter is one of my favorites, dati palang. Umayos nalang ako ng upo tapos nilibot ang paningin ko. Iniwasan kong dumako ang tingin ko sa kanya kasi naiilang ako.
“I’m sorry for what I’ve did one week ago.” He sincerely said.
Napalingon ako sa kanya, “Okay na ‘yon. That is part of our past now.” Nakangiti ako habang binibigkas ang mga salitang iyon.
“Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa anak natin. I’m the one who blamed.”
Umiling ako. “No. May kasalan rin ako.”
“Sorry, kung nadamay ko kayo.”
Hinawakan ko ang kamay niyang nakapatong sa mesa malapit sa laptop niya, “Stop saying sorry. Kahit hindi ka pa nag-sorry, you are already forgiven.” At malapad akong ngumiti sa kanya. “Huwag mong kalimutan na nandito lang ako palagi para sayo. I’m your wife, kaya ‘wag kang mahihiyang magsabi ng problema sa ‘kin.”
Pinatong niya rin ang isa niyang kamay sa ibabaw ng kamay ko, “Thank you. Thank you so much, wife.” He said and smile back at me.
Kumabog ang puso ko ng marinig ang katagang binitawan niya. Pakiramdam ko, ako ang pinakamaswerteng babae sa mundo. Pero swerte naman talaga ako e, kasi may nagpapalakas ng loob ngayon… dalawang tao na importante sa buhay ko.
Mag-asawa kami pero hindi ko alam kong ano ba talaga kami. Kung anong level at step na ba ang relasyon namin. Wala man kaming love sa isa’t isa o hindi man kami sigurado sa nararamdaman namin, basta komportable kami at may tiwala sa isa’t isa.
“Ito na po, sir.” Ani Cristy. Cristy Fuentes, my classmate in high school. Naging kaibigan ko rin siya hindi nga lang ganon ka-close. Sabay kaming gumraduate nung high school pero nung magcollege na kami naghiwa-hiwalay na kami. Tapos siya, hindi nagcollege.
“Salamat.” Nakangiti kong sabi sa kanya.
“Cristy, sandali.” Pigil ko sa kanya ng aalis na sana siya.
“Bakit po, Ma’am?” she formally said.
“‘Di ba sabi ko sayo, Gold nalang.” Paalala ko sa kanya.
Tumingin siya kay JD, tapos sa ‘kin ulit. “Nakakahiya naman po.”
“Ano ka ba? Para namang wala tayong pinagsamahan tsaka ‘wag mo na rin akong pinu‘po’.”
“Ah, eh… b-bakit Gold?”
“Mag-usap tayo mamaya.”
Tumango lang siya saka umalis.
“What?” tanong niya nang tingnan ko siya na parang natatawa.
“Ang bossy mo. Nahiya tuloy si Cristy.” Sabi ko.
He just took a deep breath and drink water. Ininom ko na rin ang gatas ko.
Ngayon ko lang naramdaman ang ganitong pakiramdam, I feel strange with this feeling. Puno ng halakhakan ang dining area dahil sa mga jokes niya. Now, masasabi ko nang… I’m lucky to have him.
“May I have your phone.”
Kumuha muna ako ng slice bread bago ko binigay ang phone ko sa kanya.
“Hindi mo pa pala pinalitan ang ang lockscreen mo at homescreen mo.”, napatingin ako sa kanya nang sabihin niya ‘yon.
“Sorry, nakalimutan ko.” Sabay kagat sa sliced bread.
Nilagay niya ang phone ko sa mesa. “Nakalimutan o kinalimutan? Baka naman sinadya mo.” Kibit balikat niyang sabi tapos sumandal sa upuan.
‘Kinalimutan ko’
“You can change that naman. Change it.” Tapos kumagat ulit.
“No. That’s your cellphone, kaya ikaw na. Hindi ako pakialamero.” pagmamatigas niya.
“Nagseselos ka ‘no?” nakangiti kong tanong.
Tumikhim siya. “Why would I? I’m not into you any way.” Gaya niya sa sinabi ko.
Mahina akong natawa na kinataas ng kilay niya. “What?”
“Gaya-gaya ka kasi.” Sagot ko.
Pinagsawalang bahala ko nalang ang sinabi niya, nagpatuloy lang ako sa pagkain.
“Pahiram nga ng phone mo.”, habang hindi makawala ang ngiti sa aking labi.
Binuksan ko ito, pagkabigay niya. Napataas ang kilay ko nang bumungad ang lockscreen niya sa ‘kin, litrato ko ‘yon nung pren-up namin. Tapos, homescreen niya kaming dalawa nung wedding. Kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang ngiti ko na pilit kumawala roon.
In-unlock ko ulit ‘yon saka nilagay sa mesa.
“Wala naman kasi akong picture mo. Tapos, wala ring tayong dalawa.” I said.
Nagbuntong hininga siya. “Give me my phone.”, binigay ko naman.
Nakatingin lang ako sa kanya habang kinulikot ang dalawang cellphone. Ilang sandali lang, binigay niya na sa ‘kin ang phone ko. When I open it, iba na ang lockscreen at homescreen. Lockscreen ko, ang mukha niya tapos pareho kami ng homescreen.
“Hindi pakialamero ah.” Bulong ko.
“Anong sabi mo?” he asked.
“Wala.” Tapos tumingin ako sa kanya nang nakakaasar.
“Don’t change that.” Paalala niya.
“Yes, sir.” Sagot ko.
Tumikhim siya. “Don’t call me in that way.”
“Why? Masama bang tawagin kang SIR?” sunod-sunod kong tanong sabay diin sa salitang sir.
“Golden.” Pagbabanta niya.
“Ano?” Inosente kong tanong sabay tawa ng mahina. “Iwan ko sayo, SIR.” Tapos tumayo ako. Kitang-kita ko ang pagtaas baba ng adams apple niya. So, kaya pala. Humanda ka sa ‘kin.
I seductively looked at him. “Alam mo SIR, ang gwapo mo ngayon.”
“Golden, stop seducing me.” Aniya habang nakatingin sa ibang direksyon.
Hinawakan ko ang baba niya at pinatingin sa ‘kin. “I’m not seducing you, husband. This is just a trial.” At matamis akong ngumiti sa kanya.
Nanlaki ang mata ko nang sunggaban niya ako ng halik. Hindi ako makagalaw. Hindi ko nga magawang sabayan siya sa paghalik. Iwan, para akong galing sa freeze.
Lesson learn, ‘wag asarin at akitin ang monster kisser.
When our lip parted, he smirked. “I’m sorry, wife. That is just a trial.” Sabi niya, na kinanganga ko.
‘What the hell?!’
Hanggang gumabi hindi mawala-wala sa isip ko ang paghalik sa ‘kin ni JD. Naiilang tuloy ako kapag lumalapit siya sa ‘kin. Mabilis akong tumalikod at pinikit ko ang aking mga mata ng marinig kong bumukas ang pinto ng banyo.
Saka ko lang binuka ang mga mata ko nang marinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto ng closet. Ngunit nanatili akong nakatalikod.
Mabilis pa sa alas kwarto ang pagpikit ko ulit dahil narinig ko na naman na bumukas at sumara ang pinto, sinyales na tapos na siyang magbihis.
I pretend that I’m already asleep.
Naramdaman ko nalang ang malambot na bagay sa pisnge ko. Biglang kumalabog ang puso ko dahil sa ginawa niya.
“Good night, wifeybaby.” Sambit niya at inayos ang comforter.
Binuka ko ulit ang mata ko, nang maramdaman kong nakahiga na siya. Nakapatay na ang ilaw, tanging lampshade lang ang nagbibigay liwanag sa madalim naming kwarto.
Out of nowhere, nakapangiti ako nang malala ang sinabi niya sa ‘kin kanina. Wifeybaby, medyo corny pero ang ganda sa pandinig ko.
Nanindig ang balahibo ko nang yakapin niya ko. Tumatama kasi ang mainit niyang hininga sa batok ko, bumagal ang paghinga ko nang may tumama sa likuran ko. s**t! Alam niya bang gising ako? Tapos, inaakit niya ako? JD!
Pinagsawalang bahala ko nalang ‘yon at pinilit ang sarili kong makatulog.
KINABUKASAN.
Nagising akong nakaunan sa braso ni JD, habang yakap namin ang isa’t isa. I can’t help it not to smile. Ang ganda ng umaga kapag ganito palagi ang bubungad sa ‘kin tuwing paggising ko.
‘Ang gwapo ng daddy mo, anak.’
Hindi ako gumalaw para hindi ko siya magising. Tinitigan ko siya at parang nasa ulo ko agad lahat ng detalye ng mukha niya.
The monster kisser is like sleeping beauty.
Ang magaganda niyang kilay na palaging nagsalubong sa tuwing hindi siya sang-ayon sa sinasabi ko o ginagawa ko. Ang mataas niyang pilik mata na mas lalong nagpaganda sa mata niya.
Bigla akong napangiti. Pinaglandas ko ang hintuturo ko, mula sa kanyang matangos na ilong at mapupulang labi na parang nang-aakit na halikan ko ito.
Aalisin ko na sana ang daliri ko roon, nang hawakan niya ang kamay ko, “You want to kiss me?” tanong niya na hindi nakabuka ang mga mata.
“A-Ano ba ‘yang pinagsasabi mo?” naiilang kong tanong.
Babangon na sana ako pero hinigpitan niya ang pagkayakap sa ‘kin. Unti-unti niyang binuksan ang kanyang mga mata.
“Good morning, asawa ko.” He great me in a husky voice.
Iniwas ko ang tingin ko sa kanya, “Good morning.”
Inalis niya ang daliri ko na nakadikit sa labi niya.
“Where’s my good morning kiss?” he asked.
“JD, ang higpit na ng yakap mo.” Reklamo ko sa kanya.
Pero ang totoo, gusto ko ang yakap niya. Hindi naman ganun ka higpit iyong sakto lang. Parang gusto ko pa ngang matulog ulit dahil ang sarap sa pakiramdam. Pero gusto kong kumawala sa yakap niya, dahil ayokong masanay sa yakap niya---sa kanya.
Naramdaman ko nalang na may malambot na bagay na dumampi sa labi ko. Para pigilan ang ngiti sa aking labi sumimangot ako saka kinagat ng palihim ang aking labi.
Niyakap niya ako ng mahigpit tapos hinalikan ako sa noo bago niya ako pinakawalan. Bumangon ako, pagkatayo ko tinali ko ang buhok ko.
Habang naglakad ako papunta sa banyo, may kamay agad na umalalay sa ‘kin.
Tumingin ako sa kanya. “JD, kaya ko naman ang sarili ko. You don’t need to do this.” Sabi ko.
He smiled sweetly, “I need you, our baby needs you, we need you for a lifetime.” Mga katagang nagpakabog sa puso ko. Mga katagang tumatak sa puso ko. Sana hindi ka magbago, JD. Sana ganyan ka palagi. Sana. Sana nga.
‘Sana panindigan mo ang lahat ng sinasabi mo, JD.’
Nang makapsok kami sa banyo, sabay na kaming nagtooth brush at naghilamos ng mukha.
Pagkatapos ng agahan kaharap niya na naman ang laptop niya. Ako? Ito tamang scroll sa news feed ko, sa i********:. Nanlaki ang mata ko ng makita ang bagong profile ni JD. At hindi makalaniwalang nakatingin sa kanya.
“JD, bakit mo naman ginawang profile ‘to?” tanong ko habang pinakita sa kanya ang screen ng phone ko.
“Why? Any problem?” sunod-sunod niyang tanong.
“JD naman bakit ito pa? Sa dinami-raming litrato natin ito pa talaga? Akala ko ba wala kang oras sa social media.”
Tiningnan ko ulit ang litrato. Umabot ito ng 1.5M hearts at 2M comments, 98.5k shares. Ganito ba talaga siya kasikat?
“That’s my favorite.” At pilyong ngumiti sa ‘kin. Ang litratong profile niya, iyong hinalikan niya ako sa labi. Sa part na, you may now kiss the bride.
Huhu. Tapos nakamention pa talaga ako. His caption, ‘My everything, my life, my wife and my lifetime partner @MISSKLYTHE.’
“Nakakahiya.” Maktol ko sabay hawak sa aking noo.
“Kinakahiya mo ‘ko.” At sertosong tumitig sa mga mata ko.
“Hindi ikaw. Ako, nahihiya ako.” Sabi ko habang nakayuko.
“I’m proud that you are my lifetime partner.”
Hindi ako sumagot. Tiningnan ko ang mga comment.
@MissMadrigal
Waaaaah! Finally, you’re part of our family now @MISSKLYTHE Congratulations both. Sayong-sayo na siya kuya @MADRIGALJD.
A smiled curve into my lips when I read the comment of Leigh. Ang babaeng ‘to talaga.
@Shienyu
Congratulations! You deserve each other.
@ShairenCRUZ
CONGRATULATIONS MR. & MRS. M. Grabe ang sweet niyo. Sana all. Pamangkin na agad! Haha.
Walanghiyang Shairen ‘to!
@MZana
Congrats kuya @MADRIGALJD finally! you were married.
I rolled my eyeballs. “Finally! You were married. Nye nye nye.” Bulong ko. Talagang may gana pa siyang mag-comment. Siguro ang saya-saya niya na ngayon. Siguro nga dahil sa tuwa niya, nagpparty na siya ngayon.
@meaGRECA
CONGRATULATIONS both @MISSKLYTHE @MADRIGALJD. You two match to each other.
@LARRASIFIATA
Pinsan s***h besty @MISSKLYTHE, I’m so happy that you found your love of your life. Congrats sa inyo ng lodi ko @MADRIGALJD.
@KSFuentabella
You deserve it! @MISSKLYTHE. Congratulations both!
@RachSifiata
Congrats sissy @MISSKLYTHE.
Biglang pumasok sa isip ko ang nangyari nung araw ng kasal. I can’t stop asking myself, why would I care? That’s their business not mine. ACTING INNOCENT. ‘Congrats sissy, nyenye.’
@Diannalens
Nakita ko na ‘yang bride. Mas maganda pa ako sa kanya ‘no.
Tumaas ang isa kong kilay. “Bakit sinabi ko bang maganda ako?” tanong ko habang nakatitig sa comment na ‘yon. “Ang sabihin mo inggit ka lang.”
Nakataas kilay akong tumingin kay JD nang marinig ko ang mahinang pagtawa niya. “What?” I asked.
“Don’t mind the comments. Ang importante tayong dalawa.”
“Magtrabaho ka na kaya.” Utos ko. Parang boss lang.
He smiled. “Yes, madam.”
@SteeveTan
Congrats bro @MADRIGALJD, ninong ako ha.
Walanghiyang Steeven ‘to. Hindi nalang sana siya nagcomment kung ‘yan lang i-cocomment niya.
@lanceagerie
Congratulation @MISSKLYTHE and bro @MADRIGALJD.
@JOSHUA
Congratulations both.
@HoneyZia
Married na ang crush ko. Uwu, congrats crushy. Deserve mo ‘yan.
@Wyne
Di naman sila bagay.
@Feith
True ka dyan sizt @Wyne.
Marami pa sanang comment pero mas pinili kong i-locked ang cellphone ko at pabalang ko itong nilagay sa mesa ng makabasa ng pangit---sobrang pangit, pinakapangit na komento.
“Akala mo naman sobrang ganda. Hay! Ang sarap niyong durugin. Pwede na kayong pumunta sa Ukraine.”, wala na ba talaga silang ibang maisip kundi ang pangbbash?
“JD naman kasi e… pi-nost pa.” reklamo ko.
He took a deep sighed and looked at me. “Hindi natin kailangan ang opinyon nila para sabihing bagay tayo.” He paused and hold my hands. “Ang kailangan natin, supporta ng isa’t isa. To make our family live happily ever after.”
“Ang gwapo mo naman kasi para sa ‘kin e.” Hindi naman kasi ako ganon ka ganda. Mas maganda sa ‘kin ang kapatid ko, ang ibang babae. “Ang pangit ko kasi lalo na ngayon, ang taba-taba ko na.”
Malakas na kasi akong kumain ngayon kumapara dati kaya ito tabatchoy na ako.
Hindi ko alam kong bakit nagkaganito ako. Hindi ko dapat to maramdaman dahil walang kami, sa papel lang kami kasal pero kasi e… naiinis na ako sa sarili ko.
“Hindi ka pangit, maganda ka. Ikaw ang pinakamagandang babae sa buong mundo. Kahit 100 times pa yang taba mo sa katawan wala akong pakialam, ibig sabihin lang nun magaling akong mag-alaga.” Then ngumiti siya ng matamis sa ‘kin saka hinalikan ang likod ng palad ko.