bc

Natasha

book_age4+
1
FOLLOW
1K
READ
campus
secrets
like
intro-logo
Blurb

May mga bagay, tao at pangyayari ang bigla na lang dadating sa buhay natin ng biglaan. May mga bagay na ikagugulat natin......May mga taong mawawala.....May mga pangyayaring di natin inaasahang mararanasan natin....Pero nasa sa atin na kung paano natin ito sasabayan at tatanggapin. Pero paano kung ang mga ito ang s'yang nagbigay sayo ng tuwa, saya at ligaya.....ay s'ya ding sisira sayo........

chap-preview
Free preview
Chapter One
"You will never know the power of yourself until someone hurts you badly." ~~~ Chapter one... • • • • "Hoy ano? tutulala ka na lang ba dyan o tutulungan mo kong mag-ayos nitong mga libro?" We're here sa library ng school. Isa kasi kaming student library assistant, kasalukuyan naming inaayos ang mga libro, base on their labels and types. at yung kumukuda kanina? She's micaela consuelo, 20 years old, my best friend since juniors, college na kasi kami ngayon. And syempre ipapakilala ko na din ang sarili ko. Hola! Ako nga pala si Natasha Dreigh Quinto, 20 years old. "Pasensya na" - paghingi ko ng paumanhin. "Ano bang problema mo at mukhang okupado na naman yang isip mo?"- tugon nito. Tumayo naman ako mula sa pagkakaupo ko sa upuan. "Ah wala naman, napapaisip lang ako kung ano ng mangyayari sa atin ngayong college na tayo" "Eh bakit naman bigla-bigla mo na lang iniisip yan? te! Kasisimula pa lang ng klase natin last week!"- kuda nito. "Eh sa gusto ko e! at saka wag ka na nga lang maingay dyan, tignan mo ang sama na ng tingin ni Ms. Remy sa atin, tignan mo!"- Banat ko naman dito. Agad naman itong lumingon sa gawi ng aming librarian, at nang makita naman nito ang itsura ng matanda ay agad itong nag peace sign. Ipinagpatuloy namin ang naudlot na pag-aayos ng mga libro at binilisan na din ang pagkilos dahil 30 mins na lang bago magsimula ang unang klase ko. Kung inaakala nyong mag classmate kami nitong si mica ay nagkakamali kayo. Ang kinuha nya kasing kurso ay tourism dahil sa gusto nitong maging isang flight attendant. Habang ako naman ay Medtech. Matapos ang higit isang oras, 45 minutes to be exact. Agad agad naman akong umalis sa library at iniwan na si mica sa library dahil sa late na ako. 10 am kasi ang first class ko ngayon samantalang 11 am ang kanya. Tumingin ako sa wrist watch ko 10:15 am... Agad naman akong nakaramdam ng kaba dahil sa 15 minutes na akong late. Bwisit! Bwisit! Bwisitttttt!!!! Dalawang building pa ang dapat kong daanan bago ako makarating sa building ng archi. Siguradong patay ako nito kay kalbo. Terror pa naman yung prof namin na yon, tiyak na masasabon ako nito. tsk! Nakarating naman ako agad sa building namin dahil sa pagtakbo ko pero di pa rin iyon nakabawas kabang nararamdaman ko, kailangan ko pa kasing umakyat hanggang 3rd floor! Takbo... Takbo..... Takbo..... Agad naman akong nakarating sa pintuan ng aming silid-aralan. Huminga muna ako ng malalim at ibinuga ito. Okay, this is it!.... "You're 20 minutes late Miss Quinto!"- bungad ni kalbo. "I'm sorry Mr. kalb- I mean Mr. Reyes for being late, Madami po kasing inasikaso sa Library"- pagpapaumanhin ko. Shocks! Muntik ko na syang matawag na kalbo!!!! "Oh! is that so?" Agad naman akong napatango dito bilang pagtugon. "Okay, may valid reason naman pala, you can take your seat" Phew... Buti na lang talaga at alam ng mga instructors namin na assistant kami sa Library. Bakit naman kasi library pa ang naisip ng org ng school para gawing settings ng shoots nila. Tss kainis!!!!! Nagsimula naman agad ang instructor namin sa pagle-lecture at nakinig naman ako dito. [Fast Forward] Matapos ang first class ko ngayong araw ay agad din akong dumiretso sa isang mini park ng university. 3 subjects lang kasi ang sched na may pasok ako ngayong Wednesday. Dito ko nalang hihintayin na matapos ang klase ni mica, same lang kasi ang break namin ngayon. 2 hours ang break ko while 1 hour lang ang kay mica. Kasalukuyan namang 12 na ng tanghali at 1pm ang break nila mica. Bale 1 hour akong maghihintay kaya nilabas ko na lang yung pinapagawa ni kalbo samin para wala na kong dapat isipin pa sa bahay pag-uwi. Busy'ng-busy ako ng mga oras na ito nang may biglang dumating na di ko inaasahan. "Look who's here..." Binalingan ko ito ng tingin at saka inirapan. "Taray mo naman, miss!" Hindi ko na ito pinagtuunan pa ng pansin at itinuloy na lamang ang naudlot kong agenda. "Ngayon naman nang- isnob na, tss" Wala pa din akong pakealam. "Nag lunch ka na?" "Di ka ba nagugutom?" "Gusto mo ibili kita ng makakain?" Tuloy-tuloy na sabi nito. "Hoy coco! Pansinin mo naman ako oh! Sige na pls...."- paglalambing nito. "Look, sorry na kagabi kasi pinrank kita na magtatransfer na ko, sorry na talaga plssss..." "Ano ba peter! Ang ingay-ingay mo! Di ako makapag concentrate sa pinapagawa ni kalbo!!" Pagsigaw ko. Nag pout ito at tinalikuran ako. naknang. Mag iinarte na naman ito, for sure! "Nag s-sorry na nga ako sa ginawa ko tapos sisigawan mo pa ko!"- pagtatampo nito. "Wag mo kong artehan peter, di bagay sayo. Ang laki-laki mong bulas tapos mag iinarte ka dyan!"- kasabay ng pagbatok nito sa kanya. "Kita mo! nananakit pa! Sige ganyan ka na, friendship over na lang" Di ko na lang ito pinansin. "Anak nang- seriously coco??! Di ka man lang tututol?"- di makapaniwalang sabi nito. "Gusto mo yan e, edi okay"- kibit-balikat kong pagtugon. "Sabi na e, di mo talaga ako love, di porket di ko kayo sinabayan ni mica mag lunch kahapon ganyan na magiging treatment mo sakin!" Sarap talaga pagtripan nitong monggoloid na to. "Alam mo, kaysa magdadada ka dyan. Bumili ka na lang ng inumin natin sa cafeteria. Mukhang natutuyuan ka na naman ng utak e"- sabay ko. "Sakit mo naman magsalita, coco." "Pero sige, Basta ba libre mo ko ng frappe? hehe"- dagdag nito. Sinamaan ko to ng tingin. "Dapat nga ikaw tong manlilibre para maging peace offering mo!" "Oo na! Oo na! Taray-taray nito." Sabay Padabog pag alis. Napangiti naman ako. Hays kahit kailan talaga peter, di mo ko binibigyan ng pahinga, araw-araw mo na lang pinapasakit ang lalamunan ko kakasigaw. Sya nga pala si Peter josh montecillo, Engineering ang kinukuhang kurso, he's 21 years old. Yup pangalawa sya sa mas matanda samin ni mica pero Isip-bata. Isip-bata lang yan pero mabait, masipag at matalinong lalaki yan. Kung iisipin sya yung pwede mong makitaan as an ideal boyfriend. Don't get me wrong... Wala akong special feelings for him, okay? sakin lang sya clingy pero kay mica? hahahaha! Tiklop ang monggoloid! Crush nya kasi si mica hahaha. Kung iniisip nyo kung sino ang mas matanda sa amin? Well yun ay si Justine riel macaraig, he's 22 years old. Tahimik.... Matalino.... Masipag.... Snob..... At higit sa LAHAT.... POGI! Yeah yeah yeah, crush ko na sya! Alam ni mica yan pero samin-samin lang. Di lang ako nagco-confess kasi for me, it's not the right time. Focus pa kami sa study. To tell you, Anim kaming magkakaibigan. Yung isa ay si Kuya Lincoln ace Simon, same age lang sila ni Justine pero mas matanda lang sa buwan si Justine. We call him 'kuya' as a sign of respect na din pero ayaw nya. Pero Wala syang magagawa and kung itatanong nyo kung bakit di ko tinatawag na 'kuya' si just? Wala lang, di lang din namin feel na tawagin syang ganon. Saming Anim, si kuya Lincoln ang pinaka matured, na sya namang sinundan ni Justine. Pero di sya ganoon katahimik gaya ng isa. Jolly si kuya Lincoln kaya di kami nahirapan pakisamahan sya noong mga juniors pa kami. Kami ay First year college na nina mica at peter, samantalang sila ni Justine at Kuya ay second year na. Kung napapaisip kayo kung paano kami nabuo? Tanong nyo sa pagong na naka skateboard. Pwera biro, noong nasa junior pa lang kami ni mica ay nakilala na namin si Peter dahil schoolmates namin sya, and noong nagkakilanlan kami dito sa Minda Elle university eh di na kami nahirapang pakisamahan ang isa't-isa. And yung Kila kuya Lincoln naman..... ••••••Flashback••••••• Kasalukuyan kaming nasa Gymnasium dahil sa sinamahan namin si Peter sa pagsali nito sa Basketball team. Nandidito kasi ang Try out nila, so sinamahan namin sya para na rin sumuporta sa monggoloid na 'to. "Nagugutom na ako asha, di pa ba sila magsisimula? Kanina pa tayo dito ah, 30 minutes na tayong nandidito!"- pagrereklamo ni mica. "Ang arte arte nito buti nga at 30 minutes ka pa lang na nandidito, eh ako isang oras na!"- sabat ko. "Di ko naman kasalanan na mas maagang matatapos ang klase mo ngayon, tsk."- sabay irap. "Sige na nga, Tara na muna sa cafeteria. Nagugutom na din ako." Pumunta kami sa cafeteria na di kalayuan sa Gymnasium at nang makarating kami ay pumila kami. Buti na lamang at di gaanong kadami ang tao ngayon, kalahati kasi ng estudyante ay nasa gym at ang iba ay may klase sa mga oras na 'to. Matapos ang ilang minuto ay agad din kaming bumalik sa gym dahil baka nag uumpisa na sila at baka hinahanap na kami ni peter. "Mukhang nagsisimula na sila sa loob, Tara at pumasok na tayo baka magtampo na naman ang isang yon"- matapos magsalita ni mica ay pumasok na kami sa loob. Nagsisimula na nga sila at talagang madami dami na ang tao ngayon. Try Out pa ba to? "bwisit! Naunahan na tayo sa seats natin!"- biglang sabi ng kasama ko. "Hanap na lang tayo sa iba"- at yun nga ay humanap kami. Agad din naman kaming nakakita ng seats na medyo malapit sa pwesto ng nga players. Ang sitwasyon ng try out nila ngayon ay isa isa nilang pinatira ang mga ito sa iba't ibang sulok ng court, sa ganito sila bumase dahil sa madami ang mga pumunta at nagpalista. Ang mga mapipili ay hahatiin sa dalawang grupo at ang mga grupong yon ay maglalaban-laban para makakuha ng spot sa varsity team ng school. Wala akong alam sa larong ito kaya di ako masyadong nagbigay atensyon sa mga nasa harap. Matapos ang higit kalahating oras ay nakapili na ang mga original player ng varsity team maging ang coach, luckily nakapasok si Peter at naka ngito itong pumunta sa pwesto namin. "Congrats, Pedro!"- tili ni mica at inabutan ng Gatorade si Peter. "T-thanks, micay"- sabi nito na tila ba nahihiya at napapakamot sa batok. Ano yan? Bakit namumula 'tong monggoloid na 'to? Dahil ba yan sa pagod at init o may iba pang dahilan? Also, Their giving each other a nickname??! Woah, I'm a bit shocked. Smell something fishy, huh? "Congrats, pedroOoO" sabi ko na may halong kaartehan dahil sa pang gagaya ko kay mica. "Kadiri, di bumagay sayo"- irap na tugon nito. Inirapan lang ako nito at nang bumaling ang tingin ko kay mica ay ganoon din ang ginawa ng huli. Psh, great combi! "So, babalik ka for another set para sa pagpili?"-tanong ni mica matapos umupo ni peter sa tabi nito. "Uhm actually baka daw tomorrow na itutuloy kasi may iba daw'ng gagamit ng gymnasium na" "I see."- mica. Maya maya ay natanaw namin na may palapit sa amin. Matangkad..... Medyo lean ang katawan.... Mistiso...... Hmmm.. well ang pogi. "Psst! Baka matunaw si captain sa mga tingin mo!"- pagsaway ng monggoloid. "Pinagsasabi mong monggoloid ka!"- pag depensa ko. "Type mo te, no?"- sabay naman sa pang-aasar ni mica. "Medyo."- tipid kong sabi. "Kung di ako nagkakamali, ikaw si Mr. Montecillo?"- pagtukoy nito kay peter. "Yes captain!"- naka ngiting tugon naman nito. "Well, gaya nga ng sabi ni coach kanina tomorrow at 12 am ang continue ng pagpili, same set pa din naman which is dito sa gymnasium." Sabi nito. "And oh, bago ko makalimutan, bring an extra shirt para na din may pang palit ka"- dagdag pa nito. Ang pormal nyang tignan, mukha syang Modelo ng isang mamahaling brand. Okay! Alam kong ang OA ko sa pagdedescribe ko, pero totoo yon! Grabe ang perfect! Wala man lang mababakas na pores sa mukha shems! "So, mauuna na ako"- pagkuway nito sabay ang pagbitaw ng matamis na ngiti at isa isa kaming binalingan ng tingin. Aaahhhhhhhhh!!!!! Yung tingin, sis! YUNG TINGIN!!!!!!!!!!! Tingin palang nya parang humihiwalay na yung espiritu ko sa katawang-lupa ko, isama mo pa yung ngiti!!!!!! OMG! "May Girlfriend na yang si Captain hahahaha"- pagtawa nito. Wait........ What???!!! What the fvxk! Tumingin ako dito at para akong nawalan ng hangin sa katawan. "Tignan mo 'yon"- sabay turo nito sa kabilang side ng court. "Yan si Madeline Lie Gaspar, isang Medtech." "At sya ang Girlfriend ni Captain ace"- dagdag nito na syang ikinalugmok ko. Ouch...... First crush ko at First Heartbreak ko dito sa university.... °°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°° ~ tyeys ~

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Luna He Rejected (Extended version)

read
623.9K
bc

Claimed by my Brother’s Best Friends

read
832.5K
bc

The Lone Alpha

read
125.9K
bc

His Unavailable Wife: Sir, You've Lost Me

read
11.3K
bc

Secretly Rejected My Alpha Mate

read
36.6K
bc

Bad Boy Biker

read
8.9K
bc

The CEO'S Plaything

read
20.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook