Nagising ako at kinapa ko si James pero unan lang ang nahawakan ko kaya napatayo agad ako. "James!" Tawag ko pero walang sumasagot kaya tumungo na ako sa Cr para gawin yung daily routine ko. Bumaba na ako pagkatapos at nakita ko sila Mommy na nagbebreakfast kasama sila Justine at James. "Good Morning!!" Nakangiti kong bati sa kanila at sumagot naman silang lahat except Justine. Problema niya? Naupo nalang ako at nagsimula ng kumain, nakatingin lang ako sa kanya dahil seryoso lang siyang kumakain. Natapos na siyang kumain at tumayo na siya at umakyat sa kwarto niya. Pagkababa niya ay kiniss niya sa cheecks si James at dinaanan lang ako sabay labas. May problema ba? Hala! Baka naman dahil hindi ko siya pinagbigyan kagabi? Pero nandun si James at hindi pwede! Hay'diko siya maintindihan.

