bc

Behind Karie Eris Xena

book_age16+
616
FOLLOW
2.6K
READ
revenge
decisive
brave
student
bxg
mystery
campus
crime
sisters
brutal
like
intro-logo
Blurb

Everything is okay, but in just one snap, everything turns into broken pieces. And I do have a choice either stay or to get out of my comfort zone. But I choose the latter. I should show up to them and face the cruel world. That is the only thing that I can do for me to have some justice for Karie. I won't stop seeking justice.

Hindi ko hahayaan na ganoon na lang ang mangyayari sa kaniya. Lintik lang ang walang ganti. Ibabalik ko sa kanila ang ginawa nila sa kaniya. I will find kung sino talaga ang may sala ng lahat sa mga nangyari sa kambal ko.

Wait for me devils. Sisiguraduhin kong matitikman ninyo ang mabagsik kong ganti. Sisiguraduhin ko na hindi niyo magugustuhan na makilala ako. Sisiguraduhin ko na uubusin ko sino man ang may pakana ng lahat ng ito. Magsisisi siya o sila.

Do you want me to introduce myself to you? Sorry not sorry kasi ito lang ang masasabi ko sa inyo.

Ako ay siya at siya ay hindi ako.

Because behind Karie Eris Xena is the girl on fire, Keira Eris Xena.

chap-preview
Free preview
00 BKEX
Umalingawngaw sa mansyon ang tunog ng serena ng ambulansya at ng mga pulis car na nakaparada ngayon sa harapan ng mansyon namin dito sa Europe. Hindi ko alam anong dahilan bakit nandito ang mga ‘to ngayon at sa ganitong oras pa talaga. Sa pagkakatanda ko wala namang masamang nangyari rito sa mansyon para sila ay maparito. Kahit hindi ako lumalabas sa aking silid ngayon ay kita ko pa rin kung anong nangyayari sa paligid ko. Call me whatever you want but I preferred to be called nobody. Dito lang talaga ako namamalagi at never akong lumabas sa pagkakaalam nila. Hindi talaga ako mahilig lumabas kahit sa labas lang ng aking kwarto lalo na’t pag maraming tao o alam ko na may makakakita sa akin. Kung lalabas man ako I will make sure no one can see me. Though may exception naman lalo na pagnapipilit nila akong lumabas para sumabay ng kain sa family ko when they are here. Hindi ako sanay at hindi rin ako kampante pag nasa labas ako ng kwartong ‘to. Nagmumukha na ngang monitoring room kaya lahat ng nangyayari sa labas ng lungga ko ay alam ko at kitang-kita ko. I suggest it naman to my parents na siyang sinang-ayunan nila lalo na’t nagkukulong ako simula noong maparito kami sa Europe. May replay pa pag gusto kong tignan ulit ang video o may nakakaagaw ng pansin ko na gusto kong tignan kung tama ba ang napansin ko o nakita. Suriin nang mabuti kung may nangyayaring hindi maganda lalo na pag tulog na ako o busy ako sa sarili kong mundo.   I frown when I look at the monitor and see kung anong nangyayari sa nurses and doctors na halos magkabungguan na dahil sa pagkakataranta na maipasok agad ang taong nakahiga sa wheeled stretcher. Kahit nagmamadali ang mga kilos nila ay halata pa rin ang pag-iingat ng mga ‘to na huwag mapano ang taong nakahiga roon.   Hindi na bago sa akin ang mga nangyayaring ‘to dahil minsan ng inaataki si lolo ng hypertension at ganyan din ang nakikita kong senaryo pero may kakaiba sa mga nangyayari ngayon. Ibang-iba talaga dahil mukhang bago rin sa mga ‘to ang mga nangyayari dahil halatang ibang tao na ang sinasaklulo nila. Ibig sabihin hindi si lolo ang nakahiga sa wheeled stretcher kaya ganoon na lang sila kumilos. Hindi ko kasi makita masyado dahil natatakpan ‘to ng mga doctor. All I can see ay mga nurse and doctor na nagkakagulo.   Sino kaya?   "Hurry up!"  They screamed in horror.   And that makes me more curious about what happen right now sa mansion. Nakaramdam tuloy ako nang kaba dahil sa nakikita ko ngayon sa monitor.   "Mamamatay na ba si lolo? Sabagay 95 years old na siya pero huwag naman sana," sabi ko sa aking sarili.   Umupo na lang ako sa sofa at pinanuod na lang sila while sipping my cold choco. May tiwala naman ako sa nurses and doctors na na rito. Tinanggap sila ng pamilya namin dahil may tiwala ang mga ‘to sa kakayahan ng bawat isang nagtatrabaho sa ilalim ng pamilya namin. Kaya kampante ako na they can save that person na nasa wheeled stretcher. Mapapanuod ko rin naman kung anong gagawin nila at may alam din naman kasi ako.   Mabilis nilang nilipat ang katawan sa kama. Mabilis naman nagsikilos ang mga tauhan namin para matulungan ang taong halatang naghihingalo na dahil sa itsura nito at sa pagtaas-baba ng dibdib nito. Doon ko lang din nakita na puno pala nang dugo ang buong mukha na mukhang nanggagaling sa sugat na natamo nito sa kaniyang ulo. Mas lalong lumalim ang gitla ng pagkunot ng aking noo sa aking nakita. Hindi si lolo ang pasyente pero sino?   "Don't! Don't!"   "Just don't give up,” Tarantang sabi ng isang doctor. “God!"   Bakit ganiyan sila? Dapat they should stay calm dahil nakasalalay sa kanila ang buhay ng pasyente nila ngayon. Ano ba pinaggagawa nila?   "Hurry up! We need to revive her!"   Naibuga ko ang iniinom ko nang marinig ko ang sinabi noong huling nagsalita na doctor. Dumoble rin ang galaw ng mga ‘to. Pinagtutulungan nila paano ma-i-re-revive ang babaeng tinutukoy nila.   Her?   "Mommy?" Kinakabahang tawag ko.   Siya lang naman ang na rito na babae sa pamilya namin. Nasa ibang bansa ang kapatid ko kaya imposible na siya. Anong nangyari kay mommy?   "God!” nabulalas ko na lang. “As if they can hear you! Crazy me!"  Sermon ko sa aking sarili and hoping na hindi si mommy 'yon.   Nilapag ko ang basong hawak ko. Tinutok ko lalo ang tingin ko sa screen at pinapanuod ang bawat galaw nila. Sinasabayan ko lahat ng nangyayari para if ever may gawin silang mali ay alam ko agad. Hindi ko talaga makita nang maayos kung sino talaga pero nasisiguro kong babae lalo na’t sinabi nila na her. Kinakabahan talaga ako dahil iba't-iba na ang pumapasok sa aking isip.   "Don't give up, please.” Kinakabahang sabi ng isang nurse habang tinutulungan ang dalawang doctor na i-revive ang babae.   "Clear!"   "F*ck! Don't!"   Halos mapugto na ang hininga ko nang makita ko sa monitor na nagfa-flat na ang line nito na nagpapahiwatig na sumusuko na ang taong nakahiga sa kama. I just stared at the monitor for a second and I scream at the top of my lungs when I heard her name.   "No, Young Lady Karie!” sigaw muli ng iba sa babaeng hindi na humihinga. “Just don't die on us,” ani pa nila.   "We need to revive her!” Agad na sabi ulit ng isang doctor at inulit nilang muli ang ginawa nila kanina. “Come on!"   "Hurry. Her sister might know about this." Bakas ang kaba sa tono ng boses nito matapos sabihin ‘yon.   Mukhang alam nila anong mangyayari sa kanila pag hindi nila nagawa nang maayos ang trabaho nila sa pamilya namin. Lalong-lalo na at si Karie pa ‘to. They will taste the wrath our family, the family Xena.   "No!” Umalingawngaw sa kwarto ang sigaw ko habang ang baso ko kanina ay nabasag na.   Mabilis kong nahawakan at binato nang pagkalakas-lakas sa kung saan. Wala akong pakialam kung sa monitor ‘to tumama. Ang nasa isip ko lang ngayon ay ang puntahan si Karie at tatadtarin isa-isa ang mga doktor at nurse into pieces because they failed to do their job!   Walanghiya! Ang dami-dami nila pero wala silang nagawa! Anong silbi nila?!   Galit na galit akong lumabas sa aking kwarto para puntahan kung nasaan man sila ngayon. They will taste my wrath! I will be going to punch one of the doctors dahil sa kapalpakan nila.   "Y-Young L-Lady," Gulat na tawag nila sa akin but I shoved them and run to Karie's body.   Wala akong pakialam sa reaction nila matapos nila akong makita for how many years na pamamalagi ko sa aking kwarto. Mostly sa mga taong na rito ay hindi talaga ako nakikita except na lang sa iilang kasambahay na nakatuka sa pagkain namin lalo na pagsalo-salo kaming kakain ng pamilya ko. Mas concerned ako ngayon sa aking kapatid kaysa sa sarili ko. Kung makikita siguro nila ang aking buong mukha baka mamutla na sila. Pasalamat sila ay hindi. Hindi ako natutuwa sa mga nakikita ko. Masyado silang pabaya.   Ba't nila hinahayaang humantong sa ganito ang lahat sa aking kapatid? At bakit ganito na lang nangyari sa kaniya? Bakit uuwi siyang ganito? Anong nangyari at sinong gumawa nito sa kaniya?   "Karie, wake up!!! Please don't die!! Don't leave me!!!" Paulit-ulit na sabi ko habang niyuyugyog ang katawan niya.   Nagbabakasali na magising siya. Na gino-good time lang niya ako dahil matagal na niya akong gustong palabasin sa aking kwarto. Na isa lang ito sa paraan niya para magwagi siya this time.   Noooo! Hindi pwede siyang mamatay. Marami pa kaming gustong gawin. Marami pa siyang planong gawin sa buhay niya. As much as possible ay gusto ng kapatid ko na gawin lahat bago siya mamatay pero hindi ngayon 'yun. Minsan na naming napag-usapan ang ganito pero nasa isip namin ay mangyayari lang 'yun pag matanda na kami. Ang bata pa namin. Ang bata pa ng kapatid ko para mangyari sa kaniya ito.   "No! Karie, please?!" Pagmamakaawa ko sa kaniya while using defibrillator.   Defibrillator is device that restore a normal heartbeat by sending an electric pulse or shock to the heart. I know how to use it dahil habang namamalagi ako sa aking kuwarto ay nag-aaral ako ng medisina na siyang hindi naman nila alam. What I am doing right now sa kapatid ko is an essential lifesaving step in the chain of survival.   May isang doktor na umawat sa akin pero agad naman ‘tong bumagsak sa sahig na wala ng malay dahil sinuntok ko lang naman nang malakas sa panga. Wala siyang karapatan na hawakan ako. Wala siyang karapatan na pigilan ako sapagkat kapatid ko ang pinag-uusapan dito.   Wala!   Lalo na't hindi nakakatuwa ang mga pinaggagawa nila. Ang dami nila tapos ganito ang mangyayari?!   No!   I won’t let my sister die at mawalan nang saysay ang buhay niya dahil sa mga hayop o hayop na gumawa nito sa kaniya. Hindi niya deserve na mamatay ng ganito kaaga. I know her plans and goals at iilan lang sa mga ‘to ang na-achieved na niya.   Nanlilisik na tinignan ko silang lahat kaya ang mga ibang nurses at doctors na gusto akong pigilan sa aking ginagawa ay nabato na sa kanilang kinatatayuan. Mabilis na nagsi-iwas ang mga tingin ng mga ‘to sa akin.   Dapat lang dahil kung may pumigil pa sa akin sisiguraduhin kong mababali na talaga ang buto. Walang mga silbi! I will remind myself na sisantihin sila at gawing miserable ang buhay nila pag hindi maibalik ang buhay ng aking kapatid.   "Dr. France!" Natarantang saad nila pero binaling ko ulit ang tingin ko ulit kay Karie.   Hindi ko mapigilang maiyak. Sa tanang buhay ko ngayon lang ako nakaramdam ulit ng ganitong sakit. Hindi ko inaakala na mangyayari ‘to sa kaniya. Hindi sumagi sa isip ko na ganito ang kahihinatnan niya.   No! Hindi! Hindi pwede! Hindi pwede siyang mamatay ng ganoon-ganoon lang. Hindi niya ako pwedeng iwan. Nangako si Karie sa akin. Nangako siya kaya kailangan niyang tuparin 'yon.   Bakit nangyari na lang ‘to sa kaniya? Sinong taong may galit sa kaniya at humantong ‘to sa ganito?   "You promise me na hindi mo ako iiwan!” Hinagpis na sigaw ko sa kaniya. “Sh*t!  Karie, don't do this to me!" I cried in pain.   Ngunit walang nangyari. Nanatiling flat pa rin ang linyang nasa patient monitor at maraming mga apparatus ang na rito na usually ginagamit sa emergency room.   Naikuyom ko ang aking kamao dahil doon. Isa lang ang nasa isip ko ngayon. Gusto kong pahirapan lahat ng mga taong narito. Pagbabayaran nila ang ginawa nila sa kapatid ko. Pagbabayaran nila lahat! Lintik lang ang walang ganti!   Bago ko pa magawa ang plano ko ay bigla na lang akong nabato agad sa aking kinatatayuan nang marinig ko ang tunog ng makina. Nagpapahiwatig na bumalik ang pagtibok ng kaniyang puso.   Nagdadalawang isip na iangat ang tingin ko sa monitor. Halos magtatalon na ako sa tuwa because sh is back at tinupad niya ang pangako niya sa akin dati. Hindi niya ako iiwan ng basta-basta. Parang tutol ata siya sa gagawin ko kaya pilit pa rin siyang lumalaban.   Hindi ako nag-aksaya ng panahon at ako na ang gumawa ng dapat ginagawa ng mga doctor. Nagulat nga ang iba na nasa malapit sa akin dahil sa biglaang ginawa ko ngunit wala na silang magawa pa dahil mukhang ayaw nilang mapahamak sa mga kamay ko. May alam naman ako sa mga bagay na 'to. Kaso nga lang iilan lang talaga ang may alam. Pamilya ko nga walang alam na marunong ako sa ganito. Masyado akong naglilihim talaga sa kanila pero never pa akong nagsinungalan. Hindi ko lang sinasabi sa kanila. They never asked din naman sa akin.   I even stitch the big wound na natamo niya lalo na't sa ulo ‘to. I know na malaking damage ang natamo niya kaya pala I didn't easily recognize her. Halos ipangligo na niya ang sariling dugo but I don't want to lose her. Not in my hands and not in front of me. Gagawin ko ang lahat mabuhay siya. Gagawin ko ang lahat kahit kalabanin ko pa si kamatayan. Hindi mamamatay ang kapatid ko ng ganoon-ganoon lang. Hindi ko hahayaang mangyari ‘yon.   Nang maka-recover ang mga nurses ay agad na in-assist ako para madali kong matapos ang gagawin ko. Mukhang doon lang nagkalakas ang loob ang mga ‘to na lumapit sa akin na siyang pinagpapasalamat ko. It is better to do it faster para less complication.   Unti-unti ko na ring nararamdaman ang panginginig ng kalamnan ko sa mga nangyari. Mukhang nagsi-sink in na sa isip ko ang mga ginagawa ko ngayon. Hindi ako sanay sa ganito. Hindi ako sanay na ginagawa ‘to mismo sa kapatid ko. Parang gusto kong masuka dahil sa nararamdaman ko.   ***   "You should shut your mouth and don't let my relatives know about what happened!” Ma-otoridad na sabi ko sa mga tauhan ng pamilya namin. “Not even sa mga magulang naming dalawa!"   Ayoko lang na malaman nila ang nangyari lalo na sa akin. I'm sure mabubulabog sila dahil sa biglaang paglabas ko at pakikihalubilo sa mga taong na rito. At siguradong kawawa ang mga taong narito sa nangyari sa kapatid ko. Mukhang mababaliktad ang mundo pag nalaman nila ang mga nangyari. Ayaw pa naman ng buong angkan namin na may madihado ni isa sa amin. Lalo na sa amin ni Karie. Ayaw nilang maulit muli ang nangyari noon.   "Pero, Young Lady..." Pinutol ko na ang sasabihin niya kasi ayaw kong humaba pa ang usapan namin.   They don't have a choice kaya much better na sumunod na sila. Nagkataon na ako lang ang naiwan dito kaya wala silang karapatan na tumutol. Akala siguro nila na naabswelto sila sa ginawa nila noong isang araw. Sigurado rin ako na malalagot talaga sila kay mommy pag nalaman nito ang nangyari sa isa pa niyang anak. Buti na lang ay nasaktuhan na wala siya rito. Pero alam ko na nasa bansa pa rin siya ng Europe, hindi ko alam kung saan nga lang. Last time kasi ay pinipilit niya akong sumama sa kaniya. Hindi ko alam kung saan pero tumanggi ako. Nangako naman siya na iingatan niya ako, poprotektahan at lalo na magdadala siya ng maraming guards para hindi ako matakot ngunit umayaw ako. Good thing, hindi niya ako napapayag sa gusto niya. Siguradong mawawala ng tuluyan ang kapatid ko dahil sa ginawa ng mga taong na rito kung nagkataon na sumama ako.   "Then, you will be dead meat because you almost lost her!"   Agad naman silang pumayag sa gusto ko dahil alam nila na once na sabihin nila ‘to sa parents namin about this, I am sure cemetery will welcome them. Doon lang naman bagsak nila at wala ng iba. Alam nila 'yon bago sila pumayag na pagsilbihan ang pamilya namin. Willing ko ring gawin 'yon sa kanila. Kahit madumihan ang kamay ko wala akong pakialam as long as maramdaman nila kung paano mawalan ng minamahal dahil sa pagiging mabagal at careless nila. Besides, I know already sa kung anong kaya ng pamilya namin. Tinatago lang nila ‘to sa akin pero nakakatunog ako kaya nalalaman ko rin sa huli. Hindi lang ako nagtatanong kung paano at bakit ganoon ang pamilyang meron kami.   "Good!” Malamig na turan ko. “Now act as if walang nangyaring ganito, Mr. Butler,” utos ko pa.   "Yes, Young Lady." Kinakabahang sabi niya sa akin kaya tumango ako.   Aalis na sana siya kasama ng iba nang mabilis ko siyang pinigilan nang may maalala ako. Siya lang kasi ang madali kong makausap. Siya rin ang taong malapit kahit papaano sa akin at pinagkakatiwalaan ko.   "Mr. Butler, kindly prepare my passport,” utos ko na siyang ikinagulat niya. “Aalis ako."   Of course. Sino bang hindi? Ako pa mismo nagsabi na aalis ako. Maniniwala pa siguro siya if napilit ako nina mommy sa kagustuhan nila at hindi ko kusang desisyon. Ilang ulit na rin niyang nasasaksihan kung paano ako pinipilit ng mga magulang ko at ni Karie pero wala ni isa sa kanila ang napa-oo sa akin.   "W-What? W-Why, Y-Young Lady?"  Hindi makapaniwalang sunod-sunod na tanong niya sa akin.   Hindi na ako sumagot pa. Iniwan ko na siya sa kinatatayuan niya para pumunta sa kwarto kung saan nakaratay si Karie. Kailangan ko lang siyang kausapin bago ko gawin ang mga plano ko. Even though she can’t hear me for now kailangan ko pa ring gawin.   "Do you think that I'm happy of what you have done few days ago?” tanong ko agad nang makalapit ako sa kaniya nang makapasok ako sa kuwarto niya. “You are crazy! 'Yan ba ang bibisita rito? Ha? Karie? 'Yan ba talaga ang surprise mo sa akin? O 'yan ang paraan mo para makalabas ako sa lungga ko?!" May kasamang gigil pa talaga.   Hindi ko lang talaga maiwasan na maglabas ng sama ng loob sa kaniya. Kahit sinabihan na ako ng mga doctor na huwag magsabi. O magsalita ng hindi maganda sa pasyente sapagkat sensitive pa ‘to sa mga nariring niya. Wala akong pakialam. Mas mabuting marinig niya lahat ng hinanakit ko sa kaniya para gumawa siya ng paraan para gumising agad.   Hindi talaga ako natutuwa sa mga nangyayari sa kaniya ngayon. I thought okay lang siya dahil sa bawat pag-uusap namin ay masaya naman siya. Lagi nga siyang nang-iinggit sa akin dahil mas marami raw siyang nakikita na magandang tanawin, tao at iba pa kaysa rito sa loob ng mansyon lalo na sa aking kwarto. Palagi niyang ginagawa 'yon pero ang ending ay ni-re-reject ko na lang lagi ang gusto niyang gawin ko o gawin namin. Hindi ko lang talaga feel. Walang rason pa na magiging dahilan para lumabas na ako, ngayon lang.   "Whatever your reason is basta paggising mo bubug-bugin kita babae ka! Ang sakit-sakit ng ginawa mo sa akin." Dugtong ko.   Para akong baliw rito na sinisigawan ang taong alam kong hindi ako maririnig but seeing her like this? Makes my heart shuttered into pieces. I cried hard and I am happy at the same time because she is still breathing but not kicking for now. At least she is alive. Okay na sa akin 'yon. May 95% na chance na babalik ulit sa rati ang buhay ng kapatid ko. It takes time pero okay lang.   Binantaan ko rin ang mga taong na rito na dapat i-monitor lagi ang kapatid ko. Dapat may progress every day kahit kunti. Okay na sa akin 'yon as long as meroon.   "I will seek justice for you, Karie. I promise!" Pangako ko sa kaniya sabay hinalikan ko siya sa kaniyang noo.   Tinitigan ko muna ang magandang mukha niya kahit may mga galos, pasa at tahi na makikita. Hindi pa rin mababawasan 'yon. Bumuntong hininga na lang ako. Hindi ko aakalain na gagawin ko ang bagay na 'to. Pero para sa kaniya walang 'I can't' na salita, laging 'I can'. She is my other half and I will keep my promise to her.   No matter what.   Wait for me devils. Sisiguraduhin kong matitikman ninyo ang mabagsik kong ganti. Sisiguraduhin niyo na hindi niyo magugustuhan na makilala ako. Sisiguraduhin kong uubusin ko sino man ang may pakana ng lahat. Magsisisi kayo o sino man siya.  

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Husband Is A CEO Boss

read
471.0K
bc

STALKER_Mafia Lord Series 3

read
321.2K
bc

Loving The Billionaire |SPG

read
249.6K
bc

The Billionaire's Forced Marriage |COMPLETED|

read
325.4K
bc

Seducing My Wife (R-18)

read
339.0K
bc

Womanizer's Property (TAGALOG)

read
1.2M
bc

A Soldier's Love Montenegro

read
69.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook