15

986 Words
CIRCE/UDINA POV "Udina pinapatawag ka ni superior" tawag sakin ni Kalma. Napakunot ako ng noo, "Bakit naman niya ako ipapatawag?" sa pagkakatanda ko kase wala naman ako nilalabag na rules niya. Nagkibit balikat siya, "Ewan ko, pumunta ka na lang do'n ako pa mapagalitan eh" Tumango lang ako at tumingin kay Arch na nakatingin din pala sakin. Pagkalabas ng kusina dumeretso ako sa silid ni Evilyn. Ayokong tawaging superior siya hindi bagay eh. Kumatok muna ako ng tatlong beses bago pumasok. Halos masamid ako sa sariling laway ng makitang naka lingerie lang siya. What the f**k!? Ang incest ng naiisip ko pero wala eh. Tita ko siya at hindi ko maisip na alam niyo na hayss. Sana naman magkaroon ng himala. Kung hindi lang siya natulad sakin na tinanggalan ng alaala hindi mangyayari ang ganitong bagay. Maganda si auntie, makinis, maputi at inaamin ko malakas ang s*x appeal but there's no way na papatol ako sa kapatid ni Dad. No fvcking way! Family stroke ganon? I mentally pray na matapos agad kung ano mang kailangan o sasabin niya ayoko matulog sa labas ng kwarto 'no. Pekeng tumikhim ako para makuha ang atensyon nito. Napatingin ito sa gawi ko at binaba ang salamin na kanyang suot bago pasadahan ako ng malagkit na tingin. Ngusmisi pa ang gago! "You may seat down to the chair Udina" sabay musyon sa upuan na nasa harap ng kanyang lamesa. Tipid na tumango ako at nakayuko pa ring naglakad at naupo, "May kailangan o iuutos ka ho ba sa akin?" Binaba nito ang hawak na papel at tumayo, "Hmm wala naman, I just feel something unexplainable, something I like to do right now with you" bulong nito sa huling sinabi. Pusang galang naligaw bumalik ka dito! Nagtaasan ang mga balahibo ko sa batok at nakaramdam ng labis na kaba. Mas dinikit pa nito ang kanyang dibdib sa likod ko dahilan para mapalunok ako. Aaminin ko natutukso ako at may nagigising pero hindi pwede ito. Never! Tangna. Fowta. Sino ba nag imbento ng ganitong mga damit. Mag papakilala lang ako at yayakapin siya ng mahigpit sa leeg. Harujusko. Nakangising lumayo ito bahagya, "You look tense relax" tumawa pa ito ng mahina. Tangina! Relax? Pa'no niya nasasabi ang mga gan'yang bagay? Samantalang halos lahat ng santo ay tawagin ko na. Ngayon alam ko na kung kanino ako nagmana ng ganitong side, sakanya lang pala. --- "Hoy tulala ka na!" sabay snap pa ng daliri ni Lucifer. Inis na hinampas ko siya, "Tangina mo, bakit ka ba nang gu-gulat ha?!" "Kanina ka pa pinapatawag hoy, gusto mo talaga masermunan ulit 'no? Kung ano-ano iniisip ah" mapang asar na sabi nito. Seryoso? Inisip ko talaga 'yon? Bakit parang hindi naman, bigla na lang lumabas sa utak ko. Hindi kaya isa iyon sa mga alaala ko at kung sakali man.... Pucha! Ang hirap naman paniwalaang nangyari 'yon, "Isa Udina kapag hindi mo pa pinuntahan 'yang si ma'am baka bumuga na siya ng apoy" Sinamaan ko siya ng tingin. Nag peace sign lang ito bago lumabas para maghugas ng mga plato. Napa buntong hininga na lang ako bago tumayo at nagpunta sa silid ng dragona. "Kanina pa kita pinapatawag, bakit ngayon ka lang ha!? Anong oras na tumulong ka dito dalian mo!!" singhal nito sakin. Yumuko naman ako. Baka hindi ko siya matantsa at maihambalos ko ang aparador sa mukha niya, "Opo ma'am" "Tss pa 'opo-opo' babagal-bagal naman" bulong nito, "Hala sige dalian niyo na mag sikilos" Umalis na ito at pumuntang kusina, "Napagalitan ka nanaman, saan ka ba nag lu-lusot?" tanong ni ewan ko. Hindi ko siya kilala at wala akong balak makipag kilala. Feeling close. "Nagtapon pa kase ako ng basura baka mamaya mag dada nanaman 'yon, nakaka bingi" ang tinis pa naman ng boses ng matandang 'yon. "Hayaan mo na, tumandang dalaga eh. Kaya siguro hindi pinana ni Eros ganyan kasi ka-ingay" hala sige magsalita ka pa tignan natin kapag narinig ka non, "Hindi na ako magtataka kung—” "Magtataka tungkol saan Archie?" Aahh Archie pala pangalan. Sabay kami lumingon nung Archie at nakita naming nakapa-mewang si superior habang naka taas ang kilay. Pasimple naman ako umatras at tumalikod. Ayoko madamay. Hangga't maari at ayoko masangkot sa kahit anong gulo dito sa loob. Kaya lang naman namasukan kami dito dahil hindi pa nakakarating ang back-up na hiningi namin sa iba lang realms. "Aaa-aahhh t-tama na po hindi naman kayo ang pinag-uusapan namin eh" paliwanag ng isa. Pinalo siya ng matanda gamit ang pamalo sa bewang kaya napa daing ito, "Anong hindi eh narinig kita kung ano-ano pinag sasabi mo kapag nakatalikod ako. Sumama ka sakin parurusahan kita, lapastangan!" kinaladkad niya sa tenga si Archie papuntang dungeon. Napangiwi naman ako sa mangyayari sa kanya. Woohh 'buti hindi ako nadamay. Nang matapos sa ginagawa ay tumingin ako sa paligid bago nag teleport sa labas ng silid ni Draven. Bahagya naka-awang ang pinto kaya hindi na ako nahirapan pa makinig sa kausap niyang mukhang dugyot o sadyang dugyot lang? "WHAT!?" napatakip ako sa bibig dahil sa gulat. "Sorry master pero huling nakita sila sa Anubis mukhang may tumutulong sa kanila" nakayuko ang babae ngayon. "Paanong—hindi pwede 'yan mangyari! Sinabi ko na sa inyo bantayan niyo ng mabuti ng hindi kayo nasasalisihan. Kapag nalaman kong nandito na sila papatayin ko kayo isa-isa. Mga letsee!" dinig ko lang sigaw nito bago umalis ang babae. "Aarrggg" sigaw pa nito at mas lalo ako sumandal sa pader. Inihagis niya lahat ng gamit sa ibabaw ng mesa. Pinagtatapon lahat ng makikita at mahahawakan. Biglang namatay lahat ng ilaw pero agad ding bumalik kasabay nito ang pagkabasag ng mga babasagin na gamit sa buong palasyo. Nagsasayang ka hoy! Bago pa ako mahulugan ng kung ano dito ang umalis na agad ako. Defowta nahuli ako ng dating kanina. Paano na 'to mamaya? —————————————————— Hi, sorry ngayon lang ulit. Babawi ako, keep safe :)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD