14

1506 Words
MORTICIA POV "Psstt gising na, hoy" sabay yugyog sakin ni Azrael. Inis na tinanggal ko ang kumot sa mukha, "Problema mo? Ang aga-aga nambubulabog ka ah" "May pupuntahan tayo" "Hindi ako papayagan umalis dito" "Edi tatakas" pinanliitan ko siya ng mata, "Kung gusto mo magpa-kamatay 'wag ka mandamay" "Hindi namam kita idadamay eh, pumayag ang parent's mo kaya sasama ka sa ayaw o gusto mo" sabay hila nito sakin. Pabalang na binawi ko ang kamay, "Sila mommy 'yun hindi ako 'yung tinanong mo kaya ayoko. Bahala ka mag-isa sa buhay mo" sabay balik sa pagkaka-higa. "Tss tigas ng ulo" parinig niya. "Psh ang kulit, umalis ka na nga" Sumeryoso siya, "kapag ikaw hindi pumayag hahalikan na talaga kita" Napabangon naman ako bigla at sinamaan siya ng tingin bago hinampas, "Nababaliw ka na ba?" "Oh bakit galit ka diyan, in the first place ikaw ang UNANG humalik sakin" kusa naman namula ang magkabilang pisngi ko, tss pina-alala pa talaga. Inirapan ko siya bago inis na tumayo, "Saan ba tayo pupunta?" "Basta sumama ka na lang, mag-eenjoy ka sa pupuntahan natin" "Siguraduhin mo lang aahitin ko 'yan kilay mo" sabi ko habang nakatutok sa kanya ang bread knife. Tinaas naman nito ang dalawang kamay, "Chill ang aga-aga sadista mo, paano na lang kapag naging mag-asawa tayo? Kawawa naman ako" Tinaasan ko siya ng kilay, "Mukha mo" inis kong sabi at binato siya ng kanin. Tatawa-tawa lang ang loko, putulan kita eh. "Wala ka mapuputol sakin hon" pang-asar pa nito. Namula naman ako sa tinawag niya sakin. "Oh ba't namumula ka? Kinilig ka 'noh" sabag sundot pa sa tagiliran ko. Hinampas ko ang kamay niya, "Ulol mainit lang 'noh" pagda-dahilan ko. "Sabe mo eh" ngising sabi niya. "Umalis ka nga muna dito, naabalidbaran ako sa pagmu-mukha mo eh, layas na" sabi ko habang tinutulak siya palabas. "Ang harsh mo naman saken hon" sabay arte na tila nasasaktan. "Layas na shoo" Nang maka-alis siya ay kusa ako napa-upo habang nakasandal sa pintuan. Hinawakan ko ang kaliwang bahagi ng dibdib ko dahil abnormal nanaman ang t***k nito. Kailangan ko na siguro magpatingin, baka may sakit na ako. Pagkatapos makapag-ayos ng lahat ay dumating si Azrael na may dalang basket at isang bag na nakasabit sa likod nito. "Bakit ang dami mo namang dala?" tanong niya habang ini-isa-isa tignan ang mga gamit ko na dadalhin. "Since wala ka naman sinabi kung saan tayo pupunta, mabuti na 'yung maghanda in case na may mangyari" plain kong sagot. "Pati ito kailangan mo?" sabay taas ng lingerie ko. Mabilis hinablot ko sa kanya ito at itinago sa likod, pa'nong napunta ito doon. Wala naman ako nilalagay na ganito ah, "H-Hoy hindi ako naglagay nito baka ikaw" Tumatawa pa ring turo niya sa sarili, "Ako pa talaga sinisi mo? Eh nakita ko lang naman nalaglag dito sa sahig eh" "E-Ewan ko sayo" pagsusungit ko. "Tara na baka gabihin pa tayo" sabay hawak nito sa kamay ko. "Malayo ba pupuntahan natin?" "Sort of" Hinampas ko siya sa balikat, "Bakit? Kanina ka pa nanakit ha" "Ang tino mo kase kausap" irap na sagot ko. "Trust me magugustuhan mo doon" "Date ba ito?" "Oo kaya 'wag ka na umangal, halika na" At wala pang isang minuto ay nakarating kami sa isang gubat na puno ng mga makukulay na bulaklak, iba-iba rin ang laki nito at ang ganda ng pagkaka arrange. "Ikaw ba gumawa nito?" namamanghang tanong ko habang inililibot ang paningin sa paligid. Inilapag muna nito ang gamit na hawak niya, "Yup matagal ko na ito ginawa nung bata ka, narinig ko kase na gusto mong makapunta sa tahimik na lugar kasama ang pamilya mo" Napatingin ako sa kanya ng banggitin niya ang salitang 'pamilya', "Nandito din ba sila?" Tumango ito, "Oo pero maya-maya sila makakapunta dito" sagot niya habang sini-set up ang barbeque griller. Kinuha ko ang blanket at inilatag sa damuhan, "Paano sila makaka-alis doon?" "Ewan ko basta sabi nila, sila na bahalang gumawa ng paraan na maka-alis nang hindi napapansin ng iba" napatangon na lang ako. "Eh sino nag marinade nito?" sabay taas ng barbeque. "Ako, minarinade ko na 'yan kagabi" kinuha niya ang uling at pina-apoy ito. "Bakit hindi mo na lang gamitin ang powers mo para maluto ito?" "Gusto ko maka experience ng bago para tsaka worth it kung ita-try natin ang ginagawa ng mga tao" "Nakapunta ka na ba sa mundo nila?" sabay kagat ko sa stick. "Oo nung bata ako, doon kase kami nakatira noon. Tinuruan ako ng isang yaya ko dati, lagi niya ako itinatakas sa mansion para maka experience ng bago habang nandoon" "Bakit bumalik ka pa sa mundo natin?" "Kailangan ko tumulong kila kuya, ayoko naman manuod lang sa isang sulok habang sila nagpapatayan tsaka ibinilin ka sakin ni Lilith" kumunot naman ang noo ko. "Ibinilin? Bakit daw?" pinitik niya ang noo ko, "Masakit ha!" "Ang dami mong tanong, malalaman mo rin naman eh" inagaw niya sakin 'yung stick na nabawasan ko na at isinalang sa griller. "Kelan pa? Kapag naka-alaala na si Mom?" nag nod ito kaya napayuko ako, "Hindi mo ba kaya ibalik alaala niya?" "Lahat ng bagay may limitasyon Morticia kasama na doon ang kapangyarihan natin at ang buhay" sabay gulo nito sa buhok ko. "K" tipid kong sagot. Kinuha ko ang tent at itinayo ito gamit ng powers ko. Hindi ko naman paano itayo ito o saan ilalagay ang apat ng mahabang bilog na metal. Maya-maya pa ay lumakas ang hangin katulad ng dumating kami dito kaya napatakip ako ng mukha para hindi mapuwing. "Woohhh I miss the fresh air" sabi ni tito Lucifer habang naka bukas ang dalawang braso at nakapikit pa. Binatukam naman siya ni tita Lilith, "Tanga pa english-english ka pa nasa earth tayo hoy" "Awts naman honey bunch ang sakit" sabay hawak ni tito sa bandang puso niya. Natawa naman ang iba sa kanila, "Tumigil ka binabae kaya nahahawa sayo kapatid mo eh" saway ni Mom. "Grabe ka naman saken Circe parang walang pinagsamahan ah" "Lol ang pangit mo mag drama" niyakap ako ni Mom at Mama ng makalapit sila sa pwesto ko. "Hoy hindi ako nag ddrama ha, totoo kaya 'toh" nakangusong maktol ni tito. "Gross, tumigil ka nga kuya. Ang pangit mo eh" sabat ni Azrael habang nagpa-paypay doon. "Isa ka pa babawasan ko allowance mo eh" "Subukan mo isusumbong kita kay Dad, sure ako i-ggrounded ka non sa palasyo" pananakot nito. Inakbayan ni tito si Azrael, "Ikaw naman sis nagbibiro lang ako eh" inalis naman niya ang braso ng kuya niya. "Ang baho mo kuya, naligo ka na ba?" "Ayan din tanong namin sa kanya hindi naman sumasagot" sabat ni tita Rabia. "Isa lang ibig sabihin niyan hindi pa siya naliligo simula makarating tayo dito, pansin niyo hindi pa nababasa buhok niyan eh" malakas na sigaw ni tita Parisa. Kanya-kanya naman kami ng react dahil hindi pa pala ito naliligo. "Hoy mabango pa rin naman ako ah, masyado kayong ano diyan eh" sabay taas pa ng dalawang kamay, "Kahit amuyim niyo pa kili-kili ko" Binatukan siya ni Mom, "Dude tumigil ka nga may mga inosente oh" "Sus mga pa-inosente lang ang mga 'yan" biro pa ni tito. Nagsimula kami kumain, mag kwentuhan at mag bonding. Dito na rin namin balak matulog ngayong gabi kaya gumawa kami ng malaking bon fire. Sinundan ko si Azrael para makapag pasalamat sa kanya dahil sobrang saya ko at na-experience ko ang ganito kasayang bagay. Makasama ang mga importanteng tao sa buhat ko especially ang mga magulang ko na hindi ko nakasama ng mahabang taon. Umupo ako sa tabi niya at inihilig sa balikat niya ang ulo, "Salamat, dahil sayo nakasama ko sila ulit at naka bonding pa kahit ilang oras lang" Inakbayan naman niya ako at ipinatong ang ulo sa ulo ko, "Trabaho ko pasayahin ka, isa pa deserve mo maging masaya. Mas gumaganda ka kapag nakangiti, ngiting totoo at hindi pilit" "Pero hindi mo resposibilidad ang ganitong bagay, sapat na sakin na nagkita kami ng mga magulang ko at nakakasama sila araw-araw kahit palihim" "Responsibilidad ko" pag pupumilit niya, "Mate kita at hindi ko hahayaang manatili kang malungkot at walang kalayaan. Minsan nga naiisip ko bakit hindi na lang kita itanan at talikuran lahat ng problema pero mas pinili ko harapin ito dahil alam ko nandyan ka" "Mate?" tumango siya, "Kelan mo pa nalaman?" tanong ko. "Simula ng lumitaw 'yang tattoo mo sa likod nung 15 ka. Parehas tayo ng tattoo kaya nga naka long sleeves lang ako lagi eh" Napatango na lang ako at tinitigan ang hazel nitong mga mata na kumikinang na parang bituin dahil sa liwanag ng buwan. Unti-unti inilapit ko ang labi ko sa labi niya. Milyong-milyong boltahe naman ng kuryente ang naramdaman ko. Nandoon rin ang pamilyar na kiliti sa tiyan ko at abnormal na t***k ng puso ko. God! Inlove yata ako sa babaeng kahalikan ko ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD