MORTICIA POV
Ang amo niya matulog at parang anghel sa amo pero kapag gising ang sungit at ang halay minsan ng pag-iisip.
Tumabi ako sa kanya at tumagilid ng higa para matitigan ng maigi. Hinaplos ko ang pisngi nito. Tinrace ko ang bawat detalye ng kanyang mukha, mula sa makinis niyang noo, maliit pero matangos na ilong, natural nitong mahahabang pilik mata, ang pisngi nito na wala man lang bahid ng kahit anong pores
Nahiya 'yung isang pimple ko!
Ang hugis puso at mamula mulang kissabel lips. Ano kaya feeling makahalik ng babae? I mean anong feeling mahalikan siya?
Kumikibot kibot pa ang labi nito na parang inaaya ako halikan ang nga ito. Magkakasala talaga ako dahil dito. Tukso layuan mo ako. Napalunok ako ng ipatong nito ang isang binti sakin at ang kanang kamay nito sa tiyan ko.
Pigil hininga at pikit matang inilapat ang labi sa labi nito. Bahala na!
Damn it! Parang bulak sa langit at lasang strawberry sa tamis. Nagtagal iyon ng ilang segundo, ihihiwalay ko na sana ngunit maagap na hinila niya ako upang mahalikan ko ulit siya.
Akala ko ba tulog 'to? Nagulat ako ng ginalaw niya ang labi kaya mabilis na itinulak ko ito pero sadyang malakas siya ngayon kaya hindi ako nakawala.
Tumigil lang kami sa paghahalikan ng may kumatok sa pinto. Habol hiningang itinulak ko siya kaya nahulog ito sa kama.
Bumukas ang pinto at niluwa non si Mama. "Anong nangyari sayo Azr—Hades?"
Tumayo siya at pinagpag ang pang upo. "Nothing tita nadulas lang ako kaya bumagsak dito, mauuna na ho ako" tsaka alanganin ito ngumiti kay mama.
Bago siya lumabas ng pinto sinamaan niya ako ng tingin at walang boses sinabing 'Lagot ka sakin' pero hindi ako natatakot sa kanya.
Kay mama pa nga lang takot na siya, ano pa kaya kay mommy? Lumapit sakin si mama at niyakap ako.
Yumakap ako pabalik. Kahit ilang oras minuto lang na hindi ko sila nakikita nami-miss ko agad sila.
So nami-miss mo na agad si Azrael? tuya ng aking isipan. Shut up!
Nagtaka ako ng ngumiti ng nakakaloko si mama. Luh? "Magsabi ka nga sakin ng totoo, may gusto ka ba kay Azrael?" biglang tanong nito. Saan niya naman nakuha ang ganong bagay?
Pinigilan ko mamula sa harapan ni mama, mamaya kung ano pa isipin niya. "Saan mo naman nakuha ang ganyang tanong ma? Eh makikita ko pa nga lang siya sira na agad araw ko, magka gusto pa sa kanya? No, way!"
Sinundot niti ang tagiliran ko kaya napatalon ako bahagya. "Mama!" suway ko pero ang magaling kong ina tinawanan lang ako. Hmp!
"Masyado ka naman defensive anak, nagta-tanong lang ako" umupo ito sa tabi ko at sinuklay ang aking buhok.
"Ewa ko sa inyo, siya nga pala ma. Nasaan si Mommy?"
"Nasa kusina nagha-handa ng makakain natin"
"Natin? You mean sabay-sabay tayong tatlo kakain?"
Ngumiti ito at tumango. Bigla naman ako nakaramdam ng labis na saya. Sino bang hindi kung ito ang unang beses na makaka sabay mo kumain ang mga magulang mo matapos ng mahabang panahon.
Pagkaraan ng ilang minuto ay dumating sa harap namin si mommy na may dalang malaking tray tsaka inilapag sa katam-tamang malaking lamesa na may tatlong upuan sa paligid nito.
"Mommy! Masaya ako na makakasabay ko kayo kumain sa unang pagkakataon" saad ko pagkahiwalay ng yakap sa kanya.
Ginulo nito ang buhok ko. "Ikaw talaga ang taas ng energy ah, ano masarap ba?"
Bigla ako nacurious sa tanong ni mom. "Anong ibig sabihin mo mom?"
Tumawa ito ng maloko. "Sus anong akala mo sakin hindi ka binabantayan. Eh kitang kita ko nga ninakawan mo ng halik si Azrael"
Nanlalaki ang matang tumingin ako. Shooks! Nakalimutan ko gumamit ng magic. Dudang tumingin naman sakin si mama bago pinisip ang pisngi ko.
"Ikaw talaga, manang mana ka sa mommy mo ah. Eh noong tulog din ako ninakae niya ang first kiss ko" napakamot naman ako sa kilay bago tumingin kay mommy.
"What? Seryoso mahala ginawa ko 'yun sayo?" hindi makapaniwalang tanong ni mommy.
Lumapit si mama sa kanya at niyakap siya. "Oo! Kamuntikan pa nga ako bumigay no'n kung hindi dumating si Lucifer"
Napanguso naman si mommy. "Sayang, hindi pa rin ako maka-alaala"
"Don't worry love, babalik din 'yan soon" napangiti naman si mom bago ninakawan ng halik si mama.
Nag init naman agad ang pisngi ni mama kaya inasar ko sila ng inasar hanggang matapos kami kumain. Umalis din sila pagka dating ni Azrael sa kwarto at may dalang prutas na siyang kinakain ko tuwing madaking araw.
Bigla naman ako kinabahan at pinag pawisan. Wala isa samin ang nagsasalita at namayani ang nakaka binging katahimikan.
"S-Sorry nga pala sa ginawa ko kanina. Nacurious lang talaga ako" nakayukong sabi.
Tumabi ito ng tayo sa tabi ko at tumingin din sa bintana. "Wala 'yon, infairness mabilis ka matuto. At ang tamis ng labi mo, parang gusto ko pa ng isa pa. What do you think?"
Hinampas ko ito sa huli nitong sinabi habang namumula ako sa kahihiyan at siya naman ay tawa ng tawa. Sinamaan ko ito ng tingin kaya mabilis naman siya nag seryoso.
"I'm just kidding baby, masyado kang seryoso diyan" sabay hila nito sakin at niyakap ako.
Hindi ko rin maiwasang mamula dahil tinawag ako nitong 'baby' at niyakap pa ako. Daig ko pa naka shabu sa sobrang bilis ng pagtibok ng aking puso eh. Lintek!
"Can... Can we stay like this for a couple of minutes?" tumango ako sa kahilinginan nito.
Halatang may nangyari sa kanya kanina. Malungkot ang mga mata nito kahit hindi niya ipakita, nakikita ko pa rin. Sana maging maayos kung ano man iyon.
Kumalas ako sa yakapan namin na ikinataka nito. Hinawakan ko ang magkabilang pisngi nito at pikit matang hinalikan siya. Sana nga ay mapagaan ko ang loob niya kahit sandali lang.