MORTICIA POV
Bagot na tiningnan ko si Hades. Hindi pa rin niya ako pinapansin, pagkatapos niya magdrama hindi na siya namansin. Kesyo ang sama ko raw, brutal, walang awa etc.
Ang tanga niya lang sa mga pinagsasabi niya kanina.
Muli kong sinundot ang pisngi nito, "Pansinin mo na kasi ako".
Tinapik niya ang kamay ko bago muling humalikipkip at humarap sa ibang direksyon. Minsan talaga nag-aasal babae siya at ang sarap niya sapakin kung hindi lang haysss.
Lumapit ako dito bago niyakap, "Ano ba gusto mo? Sorryyy na kase" mas hinigpitan pa ang yakap ng akmang aalisin ang mga braso ko.
"Para ka talagang babae, daig mo pa ako magtampo ah" nakanguso na ako ngayon.
Feeling ko nga babae talaga siya at nag papanggap na babae. Kung totoo nga eh sino siya at nasaan ang tunay na Hades.
"Azrael" hindi ko alam kung bakit 'yun ang lumabas sa bibig ko.
Nagulat si Hades at nanigas sa kinatatayuan. Ramdam ko ang pagbilis ng t***k ng puso niya sa kaba. Inihirap ko siya sakin at hinawakan ang magkabilang pisngi niya.
"Sino ka ba talaga? Nasaan si Hades?" pwersahang tinanggal nito ang kamay ko sa kanya.
Tumalikod ito at pagharap niya ay isang matangkad na babae na siya. Pamilyar ang mukha niya pero hindi ko alam kung saan ko nakita.
Nagpakawala ito ng hininga, "Azrael, kapatid nina Amendaniel at Lucifer. Angel of Death".
Mataman ko siya tinitigan at tinignan ang nakaraan nito. Hinayaan niyang makita ko ang mga ito. Siya ang nagligtas sa mga magulang ko mula sa kamatayan, siya rin ang magtatakas sakin. Kung ganoon nasaan nga si Hades?
"Alam mo ba kung nasaan si Hades?" umiling ito.
Bagsak balikat naupo ako sa sahig. Napapalunok ako sa maaring nangyari sa kanya. Papa'no kung may pinatau na pala siya ni Draven at pumalit sa kanya itong 'Azrael' para hindi ko kamuhian ng sobra-sobra ang lalaking iyon.
Napasabunot na lamang ako sa aking buhok bago inilagay sa mga tuhod ang mukha at doon ibuhos ang mga luhang pinipigilan ko kanina.
Para akong isang bata na inagawan ng laruan. Naghalo ang sipon at luha ko, ang dugyot ko na siguro tignan pero wala akong pakialam.
Hinagod niya ang likuran ko, "Tumahan ka na makikita mo rin siya sa tamang panahon. Sa ngayon hindi kita maitatakas mamayang gabi" napalingon ako sa kanya.
"Mismong mga magulang mo na ang nagdesisyon, mamasukan sila bilang taga luto. 'yung iba magpa-panggap na kawal kaya dalian mo na tulungan mo 'ko buksan ang maipasok sila" bigla ako nito hinila papuntang tarangkahan ng palasyo.
Wala na ako nagawa at tumulong na lang din buksan ito. Ang bigat promise, anong tingin niya sakin lalaki? Kapag ako nabalian ng buto pupugutan ko talaga siya.
Nang sapat na ang espasyo naunang pumasok ang dalawang babae in their human form pero nasa nakalabas ang mga pakpak nila. Iyong isa kulay pula ang pakpak habang 'yung isa ay puti.
Patakbong niyakap ko sila nang makilala, "Ina, miss na miss ko na kayo".
Hinagod ni mama ang likuran ko habang si mommy ay umiiyak rin habang nakayakap sakin, "Miss na miss ka din namin".
Hinawakan nito ang mukha ko at sinuri ang buong katawan kung may ginawa bang masama sakin si Draven.
"Mabuti naman hindi ka sinasaktan ng kurimaw na 'yun" komento ng isang lalaki, naka-akbay siya sa isa pang demon.
Umakbay sakin si mommy, "Tito mo si Lucifer and soon-to-be tita mo si Lilith. Queen of hell" napatango ako.
Tumikhim naman si Azrael, "Kailangan niyo na mag disguise maya-maya lamang ay magha-handa na sa pagluluto".
Umakbay sa kanya si tito Amendaniel, "Namiss ka namin lil sis ang tagal mo nandito huh, buti nakatagal ka kay Morticia".
Umirap ito sa kapatid bago pabalang tinanggal ang braso nito sa kanya, "Kung alam mo lang, daig pa niya pa si Tita sa pagiging sadista. Kulang na nga lang patayin ako niyan" naka-irap na sagot.
Natawa naman sila sa sinabi nito. Umirap lang din ako, siya din naman may kasalanan gumanti lang ako.
Ginulo ni mama bahagya ang buhok ko, "Ikaw naman bakit ganon ka sa kanya?".
Napahalukipkip ako, "Siya rin naman ang may kasalanan ma" naka-irap kong sagot.
Naiiling na muling isinara ulit nila ang tarangkahan at nagtungo sa kusina upang makapag handa na para mamaya. Naka disguise na rin sila kasama ng iba pa. Sa ibang araw na lamang daw kami ulit magkikita o kaya naman ay kapag may libreng oras sila ay dadalawin ako.
Parang roller coaster ang pakiramdam ko ngayon. Kanina lang parang pinagsakluban ako ng langit at lupa, sobrang lungkot ko tapos ngayon sobrang saya ko.
Kaya naman masaya ako pumunta sa hapag para kumain. Ngayon lang ako naging masaya ng ganito pero agad din nawala ang ngiti ko ng makita si Draven na kumakain.
Umupo ako sa gilid ni Azrael na ngayon ay nagpapanggap ulit na si Hades. Kung alam ni Draven na siya si Azrael, anong plano niya kapag nalaman niyang alam ko na kung sino ang katabi ko.
Iniling ko ang ulo sa isiping 'yun. Ayoko mapahawak si Azrael sakin, importante na siya ngayon sa lahat ng sakripisyo niya para matulungan lamang kami at mahiwalay sa pamilya niya ay sobra-sobra na.
"Nandito ka lang pala kanina ka pa hinahanap ng 'mapa-pang-asawa' mo" labas ilong ang huli nito sinabi. Halata rin ang pagka disgusto sa tono niya.
Muli ko ibinalik ang tingin sa mga nag eensayo ang mga bagong kawal. Kahit hindi sila mag ensayo ay sadyang magaling sila lumaban.
Hinawakan ni Azrael ang kamay ko para itayo, "Kailangan mo pumunta, nandoon din sila para manuod".
Napa ngiti naman ako ng malamang papanuorin nila ako sa pag ppractice ng sayaw. Kahit ayoko ay napilitang pumunta ako para sa mga magulang ko. At para na rin makita sila.
"Mabuti naman at pumunta ka akala ko ay iindyanin mo nanaman ako eh" ngiting bati niya sakin bago ilahad ang kamay.
Hindi ko siya pinansin at tinanggap na lamang ang kamay nito. Inilagay nito ang kaliwang kamay ko sa balikat nito habang ang kanan naman ay nakalagay sa isang kamay nito, ang kaliwang kamay nito ay nakalagay sa aking bewang.
Nagsimula na ang tugtog. Naiilang ako sa titig niya kaya napagpasyahan kong hanapin na lamang sila mommy. Sumusunod lang ako sa mga steps niya, wala talaga akong hilig sa mga ganito kaya madalas iniindyan ko na lang siya.
Napangiti ako sa isip-isip ng makita sila nakatago sa dilim. Nakatago din ang presensya at amoy nila kaya hindi ko agad sila nakita o naramdaman agad.
"Halatang masaya ka simula pagka gising mo, tell me mahal mo na rin ako 'noh?" mahanging tanong niya.
Inirapan ko ito, ang kapal talaga, "Hindi kita mahal at kahit kelan hindi kita mamahalin" may pang-uuyam na sagot ko.
Pagkatapos ko sabihin iyon itinulak ko siya paalis at agad nag teleport sa kwartk ko. Doon naabutan ko ang natutulog na Azrael. Halata puyat at pagod siya.
Siguradong inutus-utusan siya para pahirapan ni Draven. Hinaplos ko ang makinis at malambot nitong mukha. Ang gwapo niya kapag lalaki ang anyo at ang ganda niya. Mukhang maamo matulog pero maloko at seryoso kapag gising.