11

838 Words
MORTICIA POV "Teka saan ba talaga tayo pupunta, kanina ka pa ha!' naiiritang tanong ko kay Hades. Paano ba naman basta na lang ako nito ginising kanina at kiladkad kung saan man kami pupunta. Inaantok pa nga ako eh dahil wala pang isang oras ako nakakatulog. "Sssshhhhh h'wag ka na maraming tanong sumunod ka na lang" nauubusang pasensyahang saad nito. Napaikot na lamang ang mga mata ko, "Whatever" saad ko. Nakarating kami sa butteries ng palasyo. Malaki ang buong silid at puro kagamitam pandigmaan lang ang narito. So dinala niya lang ako dito para ipakita ito, unbelievable. "Don't tell pumunta tayo dito para ipakita sakin ito, kakalbuhin talaga kita Hades!" nang gagalaiting sigaw ko dito. "A-Ano ba kung makasigaw ka parang nirarape ka ah! Tumahimik ka nga, pwede ba?!" Aba't siya pa 'tong may ganang mag reklamo. "Hoy binabaeng demonyo ka ang hina-hina lang no'n 'noh! Kung makatakip ka ng tenga parang mababasag eardrums mo ah" saad ko. "Hoy linalaking demonyong anghel ka, hindi ako bakla! Isa pa ang lakas naman talaga ng boses mo aba" ganting sagot nito. Siningkitan ko ito ng mata bago sinipa ang 'kinabukasan' nito. Napa aray ito sa sakit habang naka hawak sa parteng nasipa ko at gumugulong gulong sa sahig, naiiyak na rin ito. Mukhang napalakas talaga pagkakasipa ko ah. Naiiling na tinulungan ko ito iupo sa pinaka malapit na pader na pwedeng pagsandalan sa kanya. Binigyan ko rin ito ng tubig at inantay matapos sa pag eemote niya. Pagkatapos niya mag drama ay agad ako nito sinamaan ng tingin habang pabalang pinupunasan ang mga luha sa pisngi nito, patay. "Ikaw na nga 'tong tinutulungan ikaw pa galit aba malala ka, manang mana kay Circe. Kung hindi lang kita mahal naku!" Hindi ko masyado narinig ang huling sinabi nito dahil pabulong na. "Ano bang tulong 'yang pinagsasabi mo? Akala ko ba bukas pa tayo tatakas?" tumayo muna ito bago kinuha ang isang litrato sa bulsa. "Oh kapag nagpa salamat ka bibigwasan talaga kita" banta nito bago ibinigay sakin. Nanlalaki ang mga matang tumingin ako sa kanya matapos makita ang picture ng mga magulang ko kasama ng ibang pang nilalang para lang makita ako. Walang mapaglagyan ang saya ko dahil kaunting panahon na lang magkikita na rin kami. Akmang magpapa salamat ako sa kanya nang maalalang huwag ako mag tthank you sa kanya at bibigwasan ako nito. K.j talaga. Niyakap ko na lang ito ng mahigpit na mahigpit, tipong hindi ito makakahinga ng ilang segundo. Tsaka ko lang siya binitawan ng hampasin ako nito ng malakas sa likod ko kaya gumanti rin ako ng hampas sa braso niya. Uubo ubo naman ito habang nakahawak sa kanyang dibdib, naghahabol ng hininga. Mabilis na tumakbo ako palayo sa kanya nang makitang maayos na ang itsura nito. "MORTICIAAA PAPATAYIN KITA HAYOP KA!" dinig kong sigaw nito habang ako naman ay panay ang tawa at naghahanap nang matataguan. "MAHAL DIN KITA HADESSS!" ganting sigaw ko bago nagtago sa ilalim na may kurtina. Dito ang lagayan ng mga inumin at dito rin ako madalas magtago kapag gusto ko mapag isa o umiwas sa kanila. Inilagay ko ang aking baba sa mga tuhod at niyakap ang sarili habang nag aantay na mahanap ni Hades. Muli ako napatingin ako sa litrato ni Mommy Circe. Halata sa mga mata niya ang determinsyong makita ako kahit hindi pa siya nakaka-alala. Sobrang galit na galit ako kay Hades noon ng malaman na tinanggalan niya ng alaala ang mommy ko habang si mama Arch ay hindi. Hindi ko nga maintindihan kung bakit kailangan nilang gawin ito. Kung bakit gustong gusto ni Draven makuha ang mga bagay na hindi naman kanya. Hindi ko alam kung saan nanggagaling 'yung galit niya sa sarili niyang lahi at sa mga anghel. Parang ang babaw naman ng dahilan niya kung dahil lang sa pagiging isa ng mga anghel at demonyo ang dahilan niya. Siguradong may ibang dahilan pa siya at 'yun ang hindi ko alam. Kahit naman may kakayahan ako makita ang nakaraan ng isang nilalang ay hindi ko magawa sa kanya. Bihira ko lang ito makita at makasama, kadalasan hindi tumatagal ng sampung minuto ko siyang nakakasama at laging umaalis. "Ang dami mo naman masyadong iniisip, daig mo pa ako ah" sa sobrang gulat ay nasapak ko ang nasa harap ko. Shit! Si Hades pala, hindi ko namalayang nasa harap ko na ito at ngayon nga ay nasapak ko. Napahawak naman ito sa parte ng mukha niyang nasapak ko. Kung hindi niya ako ginulat hindi ko siya masasapak kaya deserve niya rin naman kahit papa'no. "Ang sadista mo talaga ano? Una sinipa 'ano' ko, pangalawa halos patayin mo ako sa sobrang higpit ng yakap, ikatlo sinapak mo pa ako. Really Morticia, ganyan ka ba mag pasalamat?" na-ngongon-sensya ang tono nitong tanong sakin, "Pagkatapos ko iligtas ka at ang mga magulang mo, iyan ang isusukli mo?" dagdag pa nito sabay punas kunwari sa mata nito. Heto nanaman po siya nag ddrama, anong oras naman kaya siya matatapos nito? Hayss bahala na nga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD