10

884 Words
MORTICIA POV Nakatingin lang ako sa bintana. Iniisip kung ligtas ba ang aking mga magulang. kapag nagkakaroon ako ng pagkakataon ay dinadalaw ko sila kahit sa panaginip lamang. Masaya ako na kaunting panahon na lang ay magkakasama at magkikita na muli kami, mabubuo din ang aming pamilya pagkatapos ng mahabang pahanon. Napatingin ako sa nagbukas ng pinto, si Hades. Noong una ay hindi ko ito pinagka tiwalaan dahil isa siya sa pumatay sa aking ina ngunit nawala ang lahat ng agam agam ko ng marinig at malaman ang tunay nitong intensyon. Nagawa niya lamang iyon upang mas lumakas ang dalawa kong ina sa kanilang ikalawang buhay at para makatakas kami dito. Hindi tunay na kakampi ni Draven dsi Hades, napilitan lang daw siya. Hindi ko alam kung bakit dahil hindi na nito sinabi at sa 1tuwing tinatanong ko kung 'bakit' ay agad nito iibahin ang pinag uusapan. "Kumain ka muna para magkaroon ng lakas mamaya" inilapag nito sa maliit na mesa ang pagkain at inuming dala. "Ayoko dumalo mamaya, hindi ko siya pakakasalan dahil sinabi niya. Kelan man hindi ko siya mamahalin sa lahat ng atraso nito sakin, satin" saad ko bago uminom ng kaunti. "Pero Morticia papaslangin ka niya kung hindi ka susunod sa kagustuhan niya" nag aalalang saad nito ngunit umiling lang ako. "Hindi niya ako mapapaslang kahit ilang beses pa niya pagtangkaan ang buhay ko. Ayoko, hindi ako papayag. Alam ko naman na gagamitin niya lang ako para ipain sa mga magulang ko" matigas kong saad bago humarap muli sa bintana. Nagpakawala ito ng malalim na hininga. Maski siya ay naiipit sa sitwasyong meron kami ngayon. Nagtataka ako kung bakit hindi niya patayin si Draven gayong mas malakas naman siya kesa sa isa. "Bukas ng gabi itatakas kita. Dadating si Death siya ang maghahatid sayo sa mga magulang mo sa Alvonia" napatingin ako sa sinabi nito. "Maraming maraming salamat Hades! Kaya mahal kita eh" naiiyak kong saad habang nakayakap sa kanya, natawa iti ng mahina. "Ginagawa ko lang ang trabaho ko Morticia" pormal nitong saad bago humiwalay sa yakapan. "Mauuna na ako, pupunta pa akong Albania para kumuha ng gagamitin niyo bukas" atsaka siya lumabas. Sumama ako sa mga rebelde para makaligo at maayusan dahil malapit na mag simula ang selebrasyon sa pakiki isa ng mga dark witches na mga kaluluwa kay Draven. Ngayon niya din iaanunsyo ang nalalapit na kasal 'daw' naming dalawa. Wala sa sariling napa ikot ng mga mata bago gumamit ng proteksyon upang hindi mapanuod nito. Narinig ko kasi na sa tuwing naliligo ako ay namboboso ito kaya simula no'n ay gumamit na ako ng proteksyon. Matapos mahubad lahat ng aking saplot ay nag babad na ako sa bathtub na gawa sa mamahaling kagamitan at muwebles. Ipinikit ko ang aking mga mata upang makita kung nasaan na sila kasabay nito ang paghiwalay ng aking kaluluwa sa aking katawan. Nagulat ako ng makitang wala silang malay at nakatali sa mga higaan sa isang tagong lugar sa Iriota. Napapaligiran sila ng mga manyak na lalaki. Napangisi naman ako sa naisip. Kinalabit ko sa likod ang isang lalaki, napatingin namin ito sa akin bago ngumisi at pinasadahan ako ng tingin. Mabilis na tinuhod ko ito sa kanyang 'kinabukasan' bago dinukot ang dalawa nitong mga mata at kinuha ang puso nito. Lumabas naman sa kanyang bibig ang mga dugo nito, itinapat ko sa kanyang mukha ang puso nito bago dinurog dahilan ng pagtalsik nito sa mukha niya at sa katawan ko. Isinunod ko ang dalawang lalaki, pinugutan ko sila ng ulo habang nakatago sa dilim. Kasing bilis ng hangin ko sila pinaslang bago nagmulat ng mga mata. Tumingin ako sa paligid, puno ng dugo ang tubig kaya tumayo ako at nag shower na lamang. Maya-maya pa ay kinatok na ako para bihisan at maayusan na. Pagkatapos maayusan ay isunot ko na ang gintong ball gown na off shoulder at may mahabang manggas at may mga pulang bulaklak na palamuti sa paligid. Inalalayan ako ng isang kawal pababa ng mahabang hagdan, doon naka abang sa dulo si Draven habang naka silver tuxedo, kulay puti ang panloob nito na pinaresan ng abong kurbata o necktie, naka grey slacks din ito at itim na sapatos na makinis at sobrang linis pero ang pangit niya pa rin para sakin. "Your so beautiful as ever Morticia" saad nito bago hinalikan ang kanang kamaya ko. Hindi ko ito pinansin at sumunod na lamang kung saan ako nito dadalhin. Nakarating kami sa malaking bulwagan, nandito na lahat ng bisita at kami na lang ang hininhintay. Namayani ang masigabong palakpakan ng makita kaming paparating. Meroong nakipag kamay kay Draven at nakikipag kilala sakin pero hindi ko na lamang pinapansin. "Basta gawin mo ang ipinangako mo samin Draven at gagawin dim namin ang napagkasunduan" saad ni Sarai, pinuno ng dark witches. "Makakaasa ka Sarai, sa oras na ikasal na kami ay mas lalong lalakas ang pwersa natin. Magagamit din natin ang kapangyarihan niya kapag nag labing walong taon na ito" dinig kong saad ni Draven bago tumawa. Naiiling na lang ako, sakim siya pagdating sa kapangyarihan at posisyon sa impyerno kaya gagawin niya ang lahat para mag hari. Ngayon naiintindihan ko na si Hades kung bakit kumampi siya kay Draven dahil maski siya ay papatayin nito kahit gaano siya kalakas at makapangyarihan. Tuso ka Draven pero mas tuso ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD