CIRCE POV
Pagpasok pa laming dito sa Iriota hindi na agad maganda ang kutob ko, siguradong may binabalak sila samin. Babae man o lalaki ay pinagnanasaan kami. Hinapit ko ang bewang ni Arch sa klase ng tingin ng mga kalalakihan na kulang na lang ay mag laway na parang mga asong ulol.
Tigang na tigang sila at hayok na hayok sa samin, lalo na sa mga babae. Nakita ko sa hinaharap na bibihagin nila kami pagkatapos pakainin para makatulog. Nakita ko rin na darating ang kaluluwa ng aming anak kaya nagpasyahan kong kausapin sila sa link namin.
'Maghanda kayo mga witches kailangan natin ng clone para sa lahat' saad ko.
'Para saan? May mangyayari ba?' tanong ni Alice.
'Meron kaya kailangan agad natin makarating sa Albania siguradong nandoon si Hades' saad ni Lilith.
'Matatagalan bago kami makagawa' tumango lamang ako.
Nagtungo kami sa isang maliit na bahay, may dalawang couch lang dito, magkasama ang kitchen, restroom at dining area dahil sa liit. May isang kwarto na may dalawang kama. Kahit na maliit ay pinag tyagaan na namin habang inaantay matapos ng nga witch ang clone para sa lahat at makatakas.
Dumating na si Hattie, isang witch pero may dugong bampira at lobo. Kasama ng iba pa na clone namin na siyang papalit para makatakas. Isinarado namin ang pinto at binatana, gumamit ng white magic ang mga fairies na kasama namin para hindi makita kung ano ang nangyayari sa loob.
Pumunta sa gitna si Buffy bago itinaas ang kanang kamay at doon lumabas ang isang portal para mabilis kami makarating ng Albania. Kailangan namin maabutan si Hades doon.
Nauna ang mga bampira at lobo pumasok, sumunod ang mga anghel at kami huli ang mga witches at fairies para isara ang portal at mawala ang white maggic sa paligid.
Pagkarating sa Albania ay madilim na, dalawang araw ang lumipas ng mag travel kami sa portal dahil magkaiba ang time interval ng Iriota at Albania.
Kaagad nagtago kami ng may nakitang mga rebelde sa paligid habang tinutulungan si Hades sa pagkuha ng kanilang mga armas na kahon-kahon. Isnuot na rin namin ang mga balabal nang makitang lumilipad ang mga agila sa paligid habang nag babantay sa mataas na lugar.
Nagtago naman sa dilim sila Lucifer, Lilith, Ayira at Briar bago isa-isahing patayin ang mga kasama ni Hades. Napalingon sa paligid si Hades at nagtataka kung nasaan ang kanyang mga kasama. Sumabay naman ako sa ihip ng hangin at agad na hinead lock si Hades.
"C-Circe b-bitawan mo 'ko" nahihirapang saad nito habang nakahawak sa aking mga braso na nasa leeg nito.
"Bibitawan kita kung dadalhin mo kami kay Morticia at sasabihin lahat ng plano niyo sa mangyayariny digmaan" malamig kong saad bago hinigpitan ang pagkakasakal sa kanya.
"H-Hindi ko kayo dadalhin s-sa kanya, antayin niyo na lang si Morticia dito bukas ng gabi. Plano namin ni Death itakas siya kay Draven upang hindi maikasal sa kanya" nagulat ako sa kanyang sinabi at pinakawalan.
"A-anong ibig mong sabihing kasal? Hindi pwedeng ikasal ang anak namin sa Draven na 'yon!" galit na sigaw ng aking asawa.
"Planong gamitin ni Draven ang kapangyarihan ni Morticia para mapatay kayo, tayong lahat" napakunot ang noo ko.
"Tayo? Hindi ba't ikaw ang pumaslang kay Circe kaya bakit pati ikaw papatayin ni Draven, sa lakas mong 'yan?" nang uuyam na tanong ni Lucifer.
"Napilitan lang ako gawing 'yun para mas lumakas ang kapangyarihan niya, at makapag handa ng maayos ang pwersa niyo, isa pa hindi ako traydor" saad nito.
"Tingnan natin, babantayan kita tandaan mo 'yan" saad ni Amendaniel.
"Dapa!" sigaw ni Anubis na agad naming ginawa kahit hindi alam kung bakit.
Tsaka lang namin nalaman dahil nakita na pala kami ng mga agila at balak pang gawing kanilang pagkain kaya mabilis nag teleport kami sa kweba.