8

1273 Words
ARCHANGEL POV Nandito kami ngayon sa Aladis. Wala pa kami sa kalahati ng destinasyon namin pero pinili namin dumito pansamantala para makapag pahinga ng maayos ang iba naming kasamang nalason kahit daplis lang ang nagawa ng mga alimango. Hindi rin nila naramdaman na nadaplisan sila kaya napagod ang lahat sa pag bubuhat sa mga walang malay na kasamahan. "Mabuti pa dito muna tayo manuluyan para makapag pahinga na tayo at maka higa sila ng maayos" saad ni Alice, alpha ni Kira. Tumango ang lahat at sabay sabay kami pumasok sa nirentahang bahay dito sa bayan ng Aladis. Malayo ito sa lugar na may mga alimango. Matataas ang pader nila at may proteksyon sa paligid para manatiling ligtas ang mga mamayan. Lahat ay kapwa demonyo nila Lucifer, Lilith at Circe. Malaki ang bahay para itong mansyon sa laki kaya pala ang laking halaga ng pilak samin dinagdagan pa namin ng limang ginto bilang pasasalamat dahil pinatuloy nila kami kahit hindi ganoong kilala, si Lilith lang ang kilala nila dahil ito ang reyna ng impyerno. Inihiga ko sa kama namin si Circe, kasama namin sa loob ng kwarto sina Lilith at Lucifer. Hinalikan ko ang noo nito bago nag tungo sa banyo upang makaligo na. Nangangamoy na ang mga likidong dumikit sa damit ko kahapon. Matapos makaligo kumuha ako ng palanggana at bimpo para mapalitan ng damit si Circe. Pinalitan ko na rin ito ng undies kahit sobra sobrang tukso ang aking naramdaman habang ginagawa iyon. Napahinga na lamang ako ng malalim habang naka tingin sa pulang buwan. Full moon ngayon kaya pulang pula ito. Mas lumakas din ang kapangyarihan ng mga succubus kapag ganito. "Hindi ka rin makatulog?" napa tingin ako kay Alice, katulad ko may hawak din itong alak. "Nag papahangin lang, ikaw?" tanong ko. "Hindi ako natutulog sa misyon, kailangan kong mag manman sa paligid para may blue print tayo kapag nagkaroon ng aberya para madali tayo makaka alis" napa tango ako. Sabagay isa siya ang alpha sa pack nila kaya kailangan mag ingat dahil hindi mo masasabi kung kelan aatake ang kalaban. Muli ako napa tingin sa kawalan. Muling bumalik ang pangungulila ko sa anak. Miss na miss ko na siya. Sana maayos lang ang kalagayan niya, nakakain ng maayos, hindi minamaltrato o sinasaktan. Hindi ko sila mapapatawad kapag may nangyaring masama sa kanya. Hindi kakayanin ng puso ko, namin bilang mga magulang niya. Pinunasan ko ang mga luhang tumulo sa aking pisngi. Nagiging emotional nanaman ako. Napa tingin kami kay Lucifer na biglang dumating. "Gising na sila, tara na" saad nito bago naglaho. Sumunod na rin kami. Nasa hapag silang lahat at kumakain excelt kay Circe na hindi ginagalaw ang pagkain. Siguradong may nakita siya nang mawalan ng malay kanina. Hindi naman siya basta-basta nahihimatay except kung may nakita siya sa hinaharap o may nagpakita. "Bakit hindi ka pa kumakain? Kumain ka na bago lumamig ito" saad ko bago itinapat sa kanya ang kutsara na may pagkain. Sinubo niya ito at nilunok bago nagsalita, "N-Nakita ko ang anak natin, nagpakita siya Mahal ko" naiiyak niyang saad, "Malapit na siya mag labing walong taon. Lalabas na ang kapangyarihan niya kaya kailangan nandoon tayo sa tabi niya, ayokong pakinabangan siya nila Draven" dagdag pa nito. "H'wag ka mag aalala mahal ko kaunting panahon na lang makakasama at makikita na natin siya" ngiting saad ko. Muli ko itong sinubuan hanggang sa matapos ang lahat na kumain. Nagkaroon pa kami ng pag pupulong sa mga magaganap sa ibang araw kaya matagal tagal rin sila natapos sa pagkain. "Kailangan na natin mag pahinga, maaga pa tayo aalis bukas" saad ni Lilith bago umakyat sa taas. "Mag babantay kami sa labas nila Medusa, Kira, Alice at Anubis mag pahinga na kayo" saad ni Gaia tumango kami bago sumunod kila Lilith. Humikab si Seraphina at inilagay ang mga kamay sa batok nito. Sila Rabia at Parisa naman tahimik na nag uusap sa kanilang mga isip habang si Amendaniel ay bumubuo na ng plano sa susunod na hakbang namin. "Kailangan na natin maka alis dito ngayon" biglang litaw ni Kira. Napakunot naman ang noo namin. "Anong ibig mong sabihin?" tanong ni Rabia. "May mga rebeldeng demonyo ang mag lilibot at papasok sa mga kabahayan maya-maya lamang" pagkatapos ay naglaho ito agad upang sabihan ang anim na nasa labas. Nagmadali kami kunin lahat ng aming gamit bago nag teleport sa labas ng mga pader ng Anubis. Nandoon na rin ang iba pa na inaantay na lamang kami bago kami tumawid sa portal na gawa nila. Saktong pag-alis namin ay ang pag pasok sa bahay naming inuukupahan. "Sigurado ba kayo na hindi tayo naliligaw? Bakit parang hindi naman tayo nakaka alis dito, kanina pa tayo naglalakad ah?" yamot na tanong ni Parisa. Tama siya kanina pa kami nag papaikot ikot dito, napag lalaruan na ata kami eh. "Masyado sila nawiwiling iligaw tayo hindi na ito tama, nasasayang ang oras natin" saad ni Medusa. Tumalikod kaming lahat para hindi maging bato nang tanggalin na nito ang suot na salamin. Umikot ito sa paligid at doon nagiging bato ang mga duwendeng demonyo na itinakwil ng kanilang angkan. Nakita naman namin ang tamang daan at nagpatuloy sa pag takbo upang mabilis na makarating sa Iriota. "Sandali kailangan natin itago lahat ng gamit na maari nilang nakawin" saad ni Alice at inilabas ang isang maliit na pouch. "Sigurado ka bang mag kakasya lahat ng gamit natin diyan? Eh baka kahit sapatos ay hindi maipasok sa liit niyan" komento ni Parisa. "Guys magtiwala kayo sa asawa ko, isa ito sa imbensyon niya na malaki ang maitutulong satin lalo na sa ganitong sitwasyon" pagkumbinsi samin ni Kira. Walang nagawang inilagay namin lahat ng dala sa pouch na iyon. Nakakapagtaka nga na nagkasya lahat. May ibinigay din silang balabal na kulay itim samin na kayang itago ang amoy at presensya namin. Nakakahanga ang mga imbensyong gawa nila. Hindi na nakakapagtaka dahil sa talinong taglay nila. Pagkapasok sa Iriota ay hinarang nila kami at kinapkapan ng makita kaming papasok. Kinuha nila lahat ng pilak na itinira namin bago papasukin sa loob. Sa labas pa lang ay hindi na maganda ang kutob namin dito, kung makatingin sila ay ang lalagkit at parang hinuhubaran kami sa klase ng nga tingin. Hindi na nakakapagtakang ipinatapon ang mga kaluluwa nila sa lugar na ito. Lumapit sakin si Circe bago hapitin nito ako sa beywang, nakakuyom ang mga isang kamay nito habang diretso at seryoso ang tingin sa harap namin. "Don't look at me like that, hindi ko lang gusto ang mga tingin nila sayo ang sarap lang pugutan ng mga ulo" malumanay nitong saad, napangiti ako sa pagiging protective nito. "Sabi mo eh, hayaan mo na sila ikaw lang naman mahal ko eh" sabay halik sa labi nito. Napasipol naman ang iba samin, 'yung iba naman ay nandiri pa dahil sa nasaksihan pero hindi na lang namin pinansin. "Hoy Angel para-paraan ka rin eh" pang aasar ni Seraphina. "Ang sakit niyo sa mata dito nga kayo sa likod" saad ni Lucifer na naka akbay kay Lilith. "Tumahimik ka na lang diyan parang hindi ka nag eenjoy sa pagkaka akbay kay Lilith ah" ngising saad ng katabi ko. "H-Hoy bakit pati ako nadamay ha" taas kilay na reklamo ni Lilith. Natatawa na lamang ang iba samin sa bangayan na nangyayari. Hanggang kelan kaya kami ganito? Hanggang kelan kami magiging ligtas? Sana lang ay walang masawi sa bawat isa sa digmaang papalapit. Inihilig ko ang aking ulo sa balikat niya at napahinga ng malalim. "H'wag ka mag aalala mahal ko magiging maayos din ang lahat matatapos din ito" saad ni Circe bago halikan ang ulo ko. Sana nga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD